You are on page 1of 2

“Matibay na Teolohiya, Pananampalataya at Gawa” –Marcos 12:38-44

Ang araw na ito ay isang natatanging pagdiriwang na kung saan ang Lupon ng Ministeryo sa
Paghubog ay nagkakaroon ng “Exchange Pulpit” kasama ang mga pinag-aaral na mga
estudyante. Ating binibigyan ng diin sa araw na ito ang Theological Education Sunday.Kung ano
nga ba ang kahalagahan ng teolohikal na pag-aaral. Hindi lang maituturing na theologian ang
mga taong sinanay na mag aral sa loob ng mga seminaryo at sa ilang mga natatanging institution.
Bagkus lahat tayo ay maaring maging mga theologian o mga taong nag-aaral ng teolohiya. Sa
ating buhay pananampalataya tayo ay hinubog sa pagbasa at sa pakikinig ng mga banal na salita
sa bibliya ngunit hindi magiging mabisa ang mga ito kung hindi naman ito isinasabuhay. Kung
kaya ako, ikaw at lahat ay maari maging theologian.

Ang mga kwento na ating pagbubulayan ay kwento na kung saan binigyang babala ni Jesus ang
mga tao tungkol sa mga ginagawa ng mga nagtuturo ng kautusan. Kaugnay din nito ang kwento
ng isang biyuda na naghandog sa templo ng lahat-lahat sa kanya.

Ayon sa ating batayang talata, habang nagtuturo si Jesus sa mga tao ay kanyang sinabi na mag-
ingat ang mga ito sa mga nagtuturo ng kautusan, ito ay tumutukoy sa mga paraseo at saduseo.
“Ang gusto nila ay natatangi upuan sa mga sinagoga at ang mga upuang pandangal sa mga
handaan, lalo’t higit ang kanilang panghohut-hut sa ari-arian ng mga biyuda at ang mahahabang
nilang dasal ay pagkukunwari lamang”

Ang tagpong ito ay napaka salimuot at nakakapang-hina. Ang simbahan na dapat kumakalinga sa
mga taong walang ibang inaasahan kundi ang Diyos ay naging lugar na kung saan ginawang
kabuhayan ang kanilang ministeryo at nawala na ang dapat na pagmiministeryo sa mga biyudang
ito.

Sa ating panahon, tila ba marami pa ring mga paraseo at mga saduseo sa ating panahon na
palakad-lakad na suot ang kanilang mahahabang damit at nagagalak na sila ay igagalang ng tao.
Ngunit hindi naman isinasagawa ang mga salita na kanilang tinituro sa mga tao. Naging
balatkayo na lamang ito at naisang tabi na ang mga halimbawang ginawa ni Jesus na maging
lingkod ng mga “LEAST”, “LAST” and “LOST” ng ating lipunan.

Matapos magturo ni Jesus sa mga tao sya ay nagtungo sa tapat ng lalagyan ng mga kaloob doon
sa templo at pinagmasdan ang mga naghandog ng salapi. Sa kanyang pagmamasid ay kanyang
napansin ang malalaking handog ng mga taong mayayaman at lumapit naman ang isang biyuda
na naghandog ng dalawang singkwentang sintimo” sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad ang
inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa hinulog ng lahat. Sapagkat ang lahat ay
nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan ngunit ang ibinigay ng biyudang iyon,
bagama’t siya’y mahirap ay ang buo niyang ikinabubuhay.

Batid naman natin mga mananampalataya na ang mga biyuda sa panahon ni Jesus ay tinangalan
ng karapatan upang buhayin ang kanilang sarili. Dahil sa mga batas na umiiral sa kanilang
panahon na ang mga babae ay dapat sa bahay lamang upang mag-silbi sa kanyang asawa at mga
anak. Ngunit ang biyuda ay nagpakita ng kanyang buong pusong pagsunod at pananampalataya
sa Diyos na kanyang ihulog ang sentimong lahat-lahat sa kanya.

Ginawa ng biyuda ang kanyang parte bilang isang mananampalataya na magkaloob, kahit siya ay
walang wala na pinili niya pa din ang maghandog ng kaloob sa templo, ang hamon naman sa
ating bilang isang Iglesya ay gawin din naman natin ang ating tungkulin bilang isang Iglesya.
Ang misyon ni Jesus ay ang misyon ng ating iglesya sa panahong ito.

Marahil sa ating panahon ay marami pa din tayong nakikitang mga paraseo at saduseo na
nagtuturo ng salita upang gawin itong kabuhayan at lilangn ang mga taga-pakinig sa kanilang
mga mabubulak na salita at mahahabang panalangin. Mga kapatid nais ng ating Panginoong
Jesus na ating sundan ang kanyang mga ginawa at sinimulan. Ang teolohiya ay nakakatulong
upang maunawaan natin kung ano ba ang kalooban ng Diyos. Tutulungan tayo ng teolohiya
upang mas ipaintindi sa atin ang tunay na nais ng Diyos para sa atin. Ang ating pagmamahal sa
Diyos ay ating maipapakita kung paano natin paglingkuran ang mga taong kinalimutan ng
lipunan. Ang salita ng Diyos ay mas makapangyarihan kung atin itong isasabuhay at ipaparanas
sa pamamagitan ng ating paglilingkod at pagmiministeryo.

Kaya tayo ay patuloy na tumatawag ng mga mangagawa na handang ipag-patuloy ang ministeryo
na pinasimulan ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Mga mangagawang magiging “Resident
Theologian” ng bawat congregation, mga nag-aral upang magministeryo at umakay ng mga
mananampalataya na magpupuri at mamuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos. Ang kaloobang ito
ng Diyos ay kanyang inihayag sa pamamagitan ng kanyang salita at pinatunayan sa gawa ng
ating Panginoong Jesu-Kristo.

Ang ating teolohiya ay naghahayag kung sino tayo at ano ang paniniwala natin tungkol sa Diyos
na ating sinusundan. Mahalaga na tayo ay magkaroon ng matibay na teolohiya upang mapatibay
din anga ating pananampalataya. Ating lang siguraduhin na ang ating pag-kaunawa sa teolohiya
at pananampalataya ay naka-angkla ayon sa pag-ibig, hustisya at kalooban ng Diyos. Sa Panglan
ni Jesus. Amen.

Pastor Moses John Luciano


Administrative Pastor, UCCP Talon

You might also like