You are on page 1of 2

Magandang gabi po, Bros. and Sis!

Tayo po ay nasa ika-anim na araw na po ng ating


Misa De Gallo, ayan ilang araw na lang po at matatapos na ang ating Simbang gabi, sino
po rito ang nakapunta since day 1? pakisabi po sa inyong mga katabi, “kapit lang
kapatid!”  So nito pong nagdaang mga araw ng ating Misa De Gallo ay napagnilayan
po natin ang mga tema o pakay ng Sinod. Ito nga po ay ang kasama sa paglalakbay,
pakikinig o listening, pagpapahayag or speaking out, at kagabi nga po ay ating napag-
usapan ang tungkol sa pagdiriwang ng liturhiya o pagdalo sa Banal na Misa. Ang
pagdalo po sa banal na Misa ay hindi lamang po para sa ating mga sarili, bagkus ay
lumalapit po tayo sa Diyos para sa mga katuparan ng kanyang mga kaloob at iyon po ay
ang pagtipunin o pagsamasamahin ang Kanyang mga anak na nagkakaisa at
nagmamahalan. So ito po yung topic natin for this 6 th day of Misa De Gallo, ang kapwa
ay may pananagutan sa Misyon, partisipasyon at awtoridad. Ang tanong, naniniwala po
ba kayo na bawat isa atin ay may misyon sa buhay? So ang bawat isa po sa atin ay
ginagamit bilang instrument ng Diyos. At whether sa loob o labas man ng simbahan,
tayo ay nakikiisa sa misyon ng ating Diyos na abutin ang bawat isa lalo na iyong mga
nangangailangan. Pero ang misyon ng simbahan ay hindi lamang po para sa ating mga
kaparian, ito po ay misyon ng bawat isa sa atin para sa katuparan ng mga pangako ng
Diyos sa ating buhay. At ang bawat paglalakbay po ay nagiging matagumpay kung ito po
ay nabibigyan ng sapat na suporta sa bawat hakbang at desisyon na ating ginagawa.
Gaya na lamang po ng paglalakbay natin bilang mga Kristyanong Katoliko, hindi naman
po tayo magtatagal ng mahigit dalawang libong taon kung hindi po sa group effort ng
mga apostles ni Jesus, mga Santo Papa at ng mga lingcod ng simbahan. Gayundin
hinayaan ng mga taong ito na kumilos sa kanilang mga buhay ang Espiritu Santo. The
Holy Spirit gathered them up to this moment po kung saan tayo ay malago na at
nananatiling matibay ang suporta. Sa tingin po ninyo bakit nga po kaya may mga
pangakong napapako? Mlamang siguro ay hindi ito napagnilayan ng maayos at hindi
nagawang humingi ng gabay mula sa Espiritu Santo. Pero good thing po na ang pangako
ng Diyos sa atin ay never mapapako kung tayo ay mangangakong susundin ang Kanyang
mga utos lalo na sa pakikiisa sa misyon na tumugon sa pangangailangan ng ating mga
kapwa. Bilang isang simbahang sinodo tayong mga binyagang Kristyano Katoliko ay ay
kinakailngan upang maisagawa ng buo ang mga pangangailangan ng ating mga kapwa sa
labas ng simbahan. Hindi po nagtatapos ang ating misyon sa paglilingkod at pagsamba
sa loob ng simbahan, ang bawat isa po satin ay inaanyayahang maging instrument upang
maconvert ang pananampalataya sa gawa. Sabi nga po sa Sulat kay Santiago, “Faith
without work is dead.” Kaya bilang mga kristyano Katoliko, huwag po nawa tayong
mahiya o magdalawang isip na makiisa at sumuporta sa mga Gawain at misyon ng Diyos
sa ating simbahan para sa katarungan at mga karapatan natin bilang mga tao at anak ng
Diyos. Yun lamang po. At bukas, dadako naman po tayo sa susunod na tema ng Sinod at
ito po ay ang Diyalogo sa simbahan at lipunan. Maraming salamat po.

You might also like