You are on page 1of 3

Ang kwento ng paanyaya at pagtanggap ng grasya ng pakikisama

Mga kapatid kay kristo, ating pagnilayan sa linggong ito ang mensahe ng
ebanghelio patungkol sa kwento ng paanyaya at pagtanggap ng grasya ng
pakikisama.

Madalas sinasabi ng karamihan, kapag madaming tao pumunta kapag ikaw ay


nagyaya ibig sabhin marunong kang makisama pero kapag konti lang
nangangahuluhan lamang na hindi ka marunong makisama.

Mga kAapatid, isang aspeto upang maging makabuluhan ang buhay nasasalamain
kung marunong kang makisama sa ibat ibang antas ng pamumuhay. Minsan po
kasi ang nangyayari ay pinipili lang natin ang taong pinakikisamahan lang natin.
Kapag ang isang tao ay di kabilang sa estado ng buhay na meron ka. Hindi sila
kapansin pansin.

Minsan nakakalungkot din tignan kapag may handaan ang nasa mga posisyon at
may otoridad ang laging inuuna . Hating alalahanin. Si jesus na ating panginoon
sinabi nya sa kanyang mga alagad, i came not to be serve but to serve. Dumating
ako hindi upang pagsilbihan kundi ang magsilbi.

Ang pakikisama ay dapat nakakabit sa ating pagkatao bilang mga kristiyano dahil
nagiging huwad ang pakikisama mo sa iba kung may standards sa pamumuhay.
God never set standards kung sino ang kanyang pakikisamahan at paglilingkuran.

Kung ating titignan, walang pinipili kung sino ka man o ano ka man sa lipunan,
ang mahalaga sa dyos totoo ka bilang isang tao kung ano ang pinapakita mo sa
mata ng bawat krisyano.

Sa ating ebanghelio, makikita natin ang isang kwento ng isang paanyaya , isang
paanyaya nagdulot ng kahihiyan sa hari at sa kanyang anak. Kahihiyaan dahil ang
lahat ng tinawag nya upang dumalo sa handaan ay hindi pumunta. Bakit kaya?kung
bibigyan natin ng dugtong ang kwento sa ating sariling pananaw. Marahil ang mga
tinawag ay di nila masyadong close o di kayay may kapalit ang kanyang
imbitasyon. Kaya sa huli ng kwento, pinalabas nya lahat ng kanyang tauhan upang
tawagin ang bawat tao sa daan mabuti man o masama. Mahirap man o mayaman.
Ang mahalaga sa kanya may tao sa handaan.
Mga kapatid, anong aral ang pede natin makuha sa kwentong ito. Una, ang
kahalagahan ng pakikisama ay higit na kailangan upang makabuo tayo ng tiwala sa
isat isa. Pangalawa, ang pakikisama ay isang instrumento upang ang paanyaya
natin ay kanais nais na may kasamang pagpapakatotoo at nagbibigay buhay sa
iyong pagkatao.

Kung ating titignan ang kwento, may makikita tayong mahalagang bagay
patungkol sa ating buhay bilang isang kristyano, si hesus na ating panginoon ay
nagbigay ng paanyaya sa atin upang dumalo sa kanyang piging ang banal na misa.
Kinakatok na ang bawat puso ng bawat isa sa atin upang pahalagahan at tanggapin
ang kanyang paanyaya na magsimba dahil hangad ng diyos na tayo ay maligtas at
makamit ang buhay na walang hanggan. Ngunit sa kabila ng kanyang paanyaya,
madami parin saating mga katoliko ang binabalewa ang kahalagahan ng banal na
misa.

Isang dahilan mga kapatid kung bakit madaming katoliko ang hindi nakikita ang
importansya ng misa ay hindi pa nila lubos nabuo ang maayos na pakikisama sa
ating panginoon at sa ibang tao. Opo, mga kapatid, ika nga nila, you can preach
what you do not know and you cannot love a person without knowing him fully.
Kaya ang tnong, bukal ba sa loob mo ang pagpunta dito upang magsimba? Ang
mensahe po ng ating pagbasa mga kapatid ay simple lamang, ang mga tumutugon
sa paanyaya ng dyos ang ang mga taong may malalim ng relasyon at pakikisama sa
ating panginoon ating diyos. Ang mga tumutugon sa paanyaya ng dyos ay ang mga
taong malalim ang pagkaunawa sa kanilang pananampalataya. Samakatuwid mga
kapatid, tinatawag ng diyos tayo ng diyos sa kanyang pging ikaw man ay mahirap
o mayaman, makasalanan o mbuti, binubuksan lagi ng diyos ang pintuan para sa
lahat.

Ang hamon satin ngayon mga kapatid, gayahi natin nag diyos sa ating buhay,
putulin natin satin buhay ang mga standards na nakaksira sa ating pakikisama sa
iba. Wag natin hayaan lamunin tayo ng demonyo upang lumayo sa kagustuhan ng
diyos sa ating buhay kristiyano. Ipakita natin na tayo bilang isang kristyano,
nakaugat parin ang paanyaya ng diyos na tayo ay magdiwang ng sama sama, ng
salo-salo upang maipadama natin sa bawat isa ang presensya ng diyos.

Kung tunay kang kristyano, makimisa ka, makisama ka at magsama ka pa ng iba


para magsimba.

You might also like