You are on page 1of 29

Sesyon 5:

Paglago
sa
Espiritu Santo
Paglago Sa Espiritu Santo
Gawa 2:42 Nanatili silang matapat sa aral
ng mga apostol, sa pagsasamahan, sa
paghahati ng tinapay, at sa pananalangin.

5 Pangunahing kaparaanan sa paglago:


1. Prayer
2. Study
3. Service
4. Fellowship
5. Sakramento at Debosyon kay Maria
Paglago Sa Espiritu Santo
Maihahalintulad ang Kristiyanong
buhay sa isang gulong:

Araw-araw buhay Kristiano


Unang Kasangkapan: PAGDARASAL

PAGDARASAL
Ito ang pangunahing
paraan upang ating
maitatag at mapanatili
ang isang malalim at
mapagmahal na
personal na
relasyon/ugnayan sa
Diyos.
Unang Kasangkapan: PAGDARASAL
Unang Kasangkapan: PAGDARASAL

Pagpasyahan
ang mga
detalye:
Unang Kasangkapan: PAGDARASAL

Maging bukas sa
pangunguna ng
Espiritu Santo.
Unang Kasangkapan: PAGDARASAL
Unang Kasangkapan: PAGDARASAL

Ang pamamagitan ng
Birhen Maria at ng mga
santo ay isang
napakabisang kasangkapan
sa pagdarasal.
Ang debosyon para rito ay
bahagi ng ating Katolikong
pananampalataya, kagaya
ng pagdarasal ng Santo
Rosaryo
.
Pangalawang Kasangkapan:
PAG-AARAL

PAG-AARAL
1.Kinakailangan nating makilala
ang Diyos, maintindihan Siya at
ang Kanyang mga
pamamaraan.

* Ang pag-aaral ay isang kusa,


banayad at nakatuong
paggamit ng kaisipan para
lubos nating maintindihan ang
Diyos, upang higit natin Siyang
mapaglingkuran at mahalin.
Pangalawang Kasangkapan:
PAG-AARAL
2. Matututunan natin ang Diyos sa
tatlong pamamaraan:
a) Ang Bibliya.

• Ito ay napakahalaga dahil ito ang


Salita ng Diyos. Itinuturo nito kung
sino ang Diyos, ano ang Kanyang
nagawa, at kung ano ang nais
Niyang gawin natin.

* Basahin ang Bibliya, araw-araw.


- Umpisahan sa 10 hanggang 15
minuto.
- Magsumikap na pag-aralan
ang mga bahagi ng Bibliya.
Pangalawang Kasangkapan:
PAG-AARAL

b) Mga espirituwal na
babasahin.
Pangalawang Kasangkapan:
PAG-AARAL

c) Mga pagtuturo at
pag-aaral.
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

Ang ating Panginoong


HesuKristo, sa pamamagitan
ng Espiritu Santo, ay kumikilos
sa atin, di lamang para sa
ating personal na pag-unlad
kundi para masanay tayo
para sa mabisang
paglilingkod sa Kanya at sa
ating kapwa-tao.
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

Kailangang magkaroon tayo ng


mentalidad sa paglilingkod
upang maibuhos natin ang ating
buhay sa gawain ng Diyos.
DAPAT TAYONG
MAGLINGKOD, KATULAD NI
JESUS.

a) Habang inuuna natin ang


Diyos sa ating buhay,
tinatawag Niya tayo na
maglingkod din sa ating
kapwa.
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

MGA PAMAMARAAN NG
PAGLILINGKOD:

a) Unang-una, sa pamamaraan
kung paano tayo nabubuhay.
* Pagdarasal at pagbabasa
ng Bibliya, araw-araw.

* Paghahangad ng
katapatan at kabanalan.
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

b)Pagtupad sa ating
pananagutan sa
buhay, na ipinagkaloob
ng Diyos.

* Bilang asawa,
magulang, empleyado,
mamamayan, atbp.
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

c) Paglilingkod sa kapwa o kapatid sa komunidad:


Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

d) Higit sa lahat, MAGING ISANG


‘EVANGELIZER.’

Maging isang mabuting


halimbawa para sa iba at sa
pagbibigay-saksi sa ating
pananampalataya kay Hesus sa
iyong pamilya, mga kaibigan,
kapitbahay, ka-opisina, at sa
ibang parte ng mundo.
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

e) Paglalaan natin ng
ating sarili para sa gawain
ng Diyos.

* Malugod na
pagbabahagi ng ating
oras, yaman at
kakayahan.
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

Paggawa ng mabuti.
Santiago 2:14-17
“Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sasabihin
niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya
pinatutunayan sa gawa? Maliligtas ba siya ng gayong
pananampalataya? Halimbawa, ang isang kapatid ay walang
maisuot at walang makain. Kung sasabihin ng isa sa inyo,
“Patnubayan ka nawa ng Diyos. Magbihis ka’t magpakabusog,”
ngunit hindi naman siya binibigyan ng kanyang kailangan, may
mabuti bang maidudulot sa kanya iyon? Gayon din naman, patay
ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.”
Pangatlong Kasangkapan: PAGLILINGKOD

* Suportahan ang mga gawain upang lalong maipalaganap ang


Mabuting Balita sa pamamagitan ng pagdarasal at pinansiyal na
tulong.

* Humanap ng mga pagkakataong makapagbigay ng regular na oras


at paglilingkod sa mga samahan sa komunidad.

• Maglingkod at suportahan ang buhay sa ating parokya o


komunidad.
Pang-apat na Kasangkapan: PAKIKISALAMUHA

Pakikisalamuha (Fellowship) ang tawag sa


halos lahat na ginagawa ng mga Kristiyano
nang sama-sama.
* Ito ay pagpapatunay sa isang realidad na
ispiritwal, na tayong lahat ay mga
magkakapatid… iisang pamilya kay Kristo.
Pang-apat na Kasangkapan: PAKIKISALAMUHA

HINDI TAYO MAGIGING


KUMPLETONG KRISTIYANO
NANG NAG-IISA.

Kailangan nating sumama sa


iba/grupo upang maranasan
ang kabuuan ng Kristiyanong
pamumuhay.
Pang-apat na Kasangkapan: PAKIKISALAMUHA

Ilang paraan upang maranasan ang


Kristiyanong pakikisalamuha (Christian
Fellowship):

a) Sama-samang pananalangin sa
misa/liturhiya, pulong-panalangin (prayer
meetings), conferences.

b) Mga pagtuturo, pag-aaral at pagsasanay.

c) Sama-samang paglilingkod.

d) Sosyalan/Social gatherings.
Panglimang Kasangkapan: Pagtanggap ng SAKRAMENTO at
Debosyon sa Inang Maria

PAGTANGGAP NG MGA
SAKRAMENTO
Panglimang Kasangkapan: Pagtanggap ng SAKRAMENTO at
Debosyon sa Inang Maria
Panglimang Kasangkapan: Pagtanggap ng SAKRAMENTO at
Debosyon sa Inang Maria

DEBOSYON SA MAHAL NA
BIRHENG MARIA.

* Siya ang kauna-unahang


disipulo ni Hesus at lalago
tayo kung tutularan natin
siya at hingin ang kanyang
pamamagitan.
Panglimang Kasangkapan: Pagtanggap ng SAKRAMENTO at
Debosyon sa Inang Maria

a) Siya ang pinakamabuting huwaran ng


pananampalataya, pagkamasunurin at
kabanalan.

b) Siya ang Luklukan ng Karunungan (Seat


of Wisdom), sa tuwiran niyang
pagtanggap ng dunong at
pagmamahal na nagmumula sa
kanyang Anak.

c) Siya ang Reyna ng Langit at Lupa, at ang


ating “Mediatrix of all grace.”

You might also like