You are on page 1of 5

1

RESPONSIBILITY OF TMI MEMBERS


7 tunkuliln ng isang Miyembro ng TMI
1. Tungkulin sa Dios
2. Tungkulin sa Magulang
3. Tungkulin sa Trabaho
4. Tungkulin sa Paaralan
5. Tungkulin sa Pastor
6. Tungkulin sa Iglesia
7. Tungkulin sa Pamahalaan

A. Tungkulin sa Dios
1. Pagmamahal sa Dios
Mateo 22:37; Deuteronomio 6:5; Markos 12.30-31
Buong puso, kaluluwa at pag-iisip
2. Pagsunod
2Corinto 10:5; Ex 19:5; Deuteronomio 11:1; Juan 15:9
May sakripisyo at katapatan
3. Pakiki pag-ugnay bawat araw

Basahin at pagbulay-bulayan ang salita ng Dios- Josue 1:8; Roma 10:17

Makipag-usap sa pamamagitan ng pananalangin- 1Thesalonica 5:16-18; Filipos 4:6-7;


Colosas 4:2

B. Tungkulin sa Pastor

1. Suporta at Kooperasyon

Hebreo 13:17 maaaring maging madali o mahirap ang Gawain niya depende sa inyong suporta
at kooperasyon. Hindi mo makikinabang kung hindi ka susuporta sa kanya.

2. Suportang Pinansyal
Lukas 8:2-3; Filipos 4:18; 1Corinto 9:10-11
Ang bawat isa ay nangangailangang tumulong pinansyal upang masuportahan ang kanilang
Pastor. Si Jesus mismo ay tumanggap ng tulong mula sa Kaniyang mga taga sunod.
Kinakailangan ibigay ng mga kapatiran ang nararapat sa kanilang Pastor upang mabuhay ng
maayos 1Timoteo 5:1718

3. Pananagutan/Accountability

Ang alagad at Pastor ay may pananagutan sa isat-isa. Hindi maaaring mabuhay tayo sa ating
mga sarili lamang. Ang kapatiran ay mananagot sa Dios, sa pastor, sa ibang mga tagapanguna
at sa ibang kasapi. Mateo 28:18-20 dapat turuan ng pastor ang kaniyang tupa na sumunod sa
ipinaguutos ng Dios.

4. Respeto
2
RESPONSIBILITY OF TMI MEMBERS
1Thesalonica 5:12-13 nais ng Dios na igalang natin ang namumuno sa atin. Ang nais ng Dios
ay pahalagahan natin at pakisamahan ng maayos. Ang posisyon ng pastor ay ipinagkaloob ng
Dios sa Kaniyang Gawain.

5. Pagpapasakop
Ang pastor ay inilagay ng Dios sa Kaniyang Gawain kaya nararapat lamang na magpasakop ang
kapatiran sa kaniyang pangunguna. Dahil magiging maayos at madali ang Gawain kapag ang
mga tao ay nagpasakop sa kanilang tagapanguna Hebreo 13:17

6. Pagkilala o Pagpapahalaga (Appreciation)

1Thesalonica 5:12 nararapat lamang na kilalanin at pakitaan ng appreciation ang mga lalaki
ng Dios. Sa panahon ng kanilang kaarawan, sa panahon ng kalungkutan, karamdaman at
kasiyahan. Dahil maraming siyang hinaharap na mga problema at kabigatan mula sa Gawain at
sa mga taong kanyang pinangungunahan.

7. Panalangin
Ang labang spiritual ay hindi madali dahil hindi lamang tao ang kumakalaban sa Pastor, may
mga masasamang espiritu rin na nagnanais ibagsak siya. 1Timoteo 2:1-2; 1Samuel 12:23
ang ating pastor ay nangangailangan ng proteksyon laban sa kasamaan. Upang matulungan
natin siya dapat palagian natin isinasama siya sa ating mga panalangin. Dapat ipaalam ninyo sa
inyong pastor na ipinanalangin ninyo siya.

8. Paggalang sa Asawa at Pagmamalasakit sa Pamilya


The pastors wife and his family have a difficult role. Caring for your pastor means helping
him protect his wife and family too.

9. Ipagtanggol sa anumang Paninira


2Timoteo 4:1417 maging si Apostol Pablo ay nakaranas ng paninira mula sa mga taong
walang pakialam sa Gawain ng Dios. Ang isang kapatiran ay kailangan magtangol sa kanilang
tagapanguna upang hindi magkaroon ng butas ang kaaway upang sirain ang Gawain.

C. Tungkulin sa Pamahalaan
ang Pamahalaan ay galing sa Dios, bagamat hindi lahat ng kanilang ginagawa ay kagustuhan ng
Dios. inilagay ang Pamahalaan upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamayanan.
Roma 13:1-17

1. Pagalang
Ang mga kristyano ay hindi lumalaban sa ating pamahalaan, bagamat maaring nating iyahag sa
maayos na paraan ang ating hindi pagsang-ayon sa liko at hindi tamang pamamalakad.

2. Pagdarasal
ITimoteo 2:1-3 nais ng Dios na kailangan nating ipanalangin ang mga taong nanunugkulan sa
ating Pamahalaan.
3
RESPONSIBILITY OF TMI MEMBERS

3. Pagsunod
Inaasahan ng Dios na tayo ay susunod sa pamamalakad ng ating Gobyerno ngunit ang ating
pagsunod ay limitado lamang ayon sa kalooban ng Dios. katulad ng sinasabi ng Gawa 5.29
kung saan ang namumuno ay pinagbawalan ang mga Apostol na magturo patungkol kay Jesus.

4. Maayos na mamamayan

5. Pagbabayad ng Buwis

D. Tungkulin sa Paaralan

1. Magalang sa mga guro at pamunuan

Ang mga guro ay ang ating pangalawang magulang dahil ang Paaralan ay ang pangalawang
tahanan natin. Minsan mas mahaba pa ang oras nating ginugugol ditto kaysa sa ating mismong
tahanan. Dahil ang mga guro ay nagtuturo sa atin upang mahubog ang ating pagkatao kaya
nararapat lamang bigyan natin sila ng pagalang.

2. Maging maingat sa mga gamit at wag maninira

Ang pagsira ng gamit ng iba ng walang sapat na dahilan ay hindi tama dahil ito ay labag sa
ginintuang utos (Golden Rule) ni Jesus ayon sa Mateo 7:12

3. Isumbong ang anumang pang-aabuso

Ang pang aabuso ay kasalanan sa Dios at kasalanan sa ating Bansa, kaya nararapat lamang na
isumbong at ihayag ang ganitong uri ng Gawain Efeso 5:11

4. Huwag mandaya sa exam, quiz at iba pa

1Juan 3:4 ang kasalanan ay paglabag sa kautusan ng Dios. Ang pandaraya ay paglabag sa
kautusan ng Dios. Ang pangongopya ay simulain lamang ng ibang uri ng pandaraya. At ito ay uri
din ng pagsisinungaling Pahayag 21:8

5. Maging magandang patotoo

6. Akayin ang ibang tao sa Dios


4
RESPONSIBILITY OF TMI MEMBERS

E. Tungkulin sa Trabaho
1. Matrabaho ng Maayos
Nararapat lamang maging masipag sa ating mga Gawain dahil ang ating pagtatrabaho ay
patotoo natin at ang Dios ang malulugod Colosas 3.23
2. Masunurin at Masipag sa Trabaho
Dapat maging masikap sa ating Gawain upang maging magandang patotoo tayo sa ating
mga amo
3. Pakisamahan ng Maayos ang mga Katrabaho
4. Gawing mong Katuwang ang Dios sa iyong hanapbuhay

F. Sa Iglesia

1. Pagbibigay
Maraming Christians ang nag struggle patungkol sa pagkakaloob ng Ikapu. Bagamat
masakit sa atin ibigay ang bahagi ng ating kinikita pero ito ay sinasabi ng biblia sa
Malakias 3.8-10 kung saan ito ang paraan upang masuportahan ang Gawain ng Dios at
pagpalain din ang nagkakaloob. Ang nais ng Dios ay Ikapu at kaloob (Tithes and offering).
Ang kabahagi ng Dios ay 10% at ang matitira sa ating ay 90%. Ito ay nagpapakita na
nararapat nating unahin ang Dios. Ang sabi ng Kawikaan 3.9-10 ibigay ang pinaka
mainam at ang pinaka mainam ay ang una-hindi ang tira-tira.

2. Maging Kabahagi
Ministry at Mission. Ang bawat isang kristiano ay pinagkalooban ng Dios ng kakayanan
(Spiritual gifts) upang maglingkod sa ibang tao. Ang ito ay dapat nating diskubrihin upang
maganap natin ang ating bahagi sa katawan ni Kristo. Ang mission naman ay ang ating
responsibilidad sa mga tao na wala pa sa Iglesia o Unbelievers. Dapat inaaabot natin ang
ibang tao upang akayin sila kay Jesus.
3. Dumalo sa mga Gawain
Ang pagdalo sa mga Gawain ng ating Iglesia ay isa sa mga pangunahing responsibilidad
ng isang kasapi. Ang sabi ng Hebreo 10.24-25 ang isang kristiano ay hindi dapat
pabayaan ang pagpunta sa mga Gawain. At ito rin ang pinaka paraan upang maganap
natin ang iba pang responsibilidad. Ang pagdalo ay para sa ating paglago at upang
makatulong sa ibang tao din.
4. Maging magandang patotoo
Ang ating buhay ay ang buhay na patotoo para sa Dios. Walang tao nakakita sa Dios
ngunit ang nakikita ng tao ay mga anak Niya. Kaya maaring makatulong o makasira sa
Dios ang ating buhay.
5. Tumulong at magsilbi sa ibang tao
Ang sabi ng Mateo 25.25-40 pinaglilingkuran natin ang Dios kung tumutulong at
pinagsisilbihan natin ang ibang tao.

6. Ipanalangin palagi
Isa sa mabisang paraan upang lubos na matulungan ang Gawain ay ang pananalangin.
Ang ating Iglesia ay mga mga prayer schedules kung saan naglalaan tayo ng panahon
upang ipag-dasal ang ating Gawain. Ang biblia ay nagtuturo ng lakas at kagandahan ng
sama-samang pananalangin. Gawa 6.1-5 nais ng mga Apostol igugol ang panaho sa
pananalangin. Gawa 12.1-5 nang ang Iglesia ay nakaranas ng pag-uusig ito ang naging
gawi ng mga kristiano. s

Vision:
5
RESPONSIBILITY OF TMI MEMBERS
Kami ang mga Mangagawa ng Dios na lumilikha ng Kristianong Pamayanan sa loob at labas ng
Bansa

Mission:
To raise up passionate and equipped ministry teams who will disciple every people group that
will influence the community

You might also like