You are on page 1of 10

10 CONSOLIDATION LESSONS ( TAGALOG VERSION)

Lesson 1 KATIYAKAN NG KALIGTASAN


Talatang Pagbabatayan: 1 Juan 5:11-14
A. Ngayong tinanggap mo si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, nasaan
na Siya?
1. Kapag ang sagot ay " Nasa puso ko na Siya" nangangahulugang tama
ang pagtanggap niya kay Hesus.
2. Kapag ang sagot ay "nasa langit", " simbahan" o " di ko alam" kailangan
mong ulitin uli ang "One Verse Evangelism" (Romans 6:23) dahil hindi pa niya ito
nauunawaan.
B. Katiyakan ng Kaligtasan
1. (v.11) Ang kaligtasan ay kay Hesus makakamtan
2. (v.12) Kailangang Siya'y (Hesus) manahan sa buhay mo.
Ang pinanahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan,
ngunit wala nito ang hindi pinanahanan ng Anak ng Diyos.
3. (v.13) Sa pamamagitan ng pananampalataya matatanggap ito.
Kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan
4. (v.14) Dahil kay Hesus makalalapit tayo sa Diyos Ama upang humingi
ng tulong na naayon sa Kaniyang kalooban.
Pagtatapos:
Kung nasa puso mo si Hesus dahil sa pananampalataya sa kaniya, ikaw
ngayon ay anak na ng Diyos at mayroon ka ng buhay na walang hanggan.
Lesson 2 PAGLAGONG ESPIRITUWAL AT PATNUBAY NG DIYOS
Talatang pagbabatayan: Hebreo 4:12
"Sapagkat ang saita ng Diyos ay buhay at mabisa, mas matalas kay sa alin
mang tabak na magkabila ang talim. Ito'y tumatagos maging sa
pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasu-kasuan at utak sa buto,
at nakatataho
ng mga iniisip at binabalak ng tao"
A. Ituro sa mga bagong tumanngap sa Panginoon na:
1. Kailangan nila ng sariling bibliya
a. Bibliya(OT/NT)
b. Ballpen
c. Notebook
2. Kailangan nilang mag-devotion
Joshua 1:8
"Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat na yaon. Dilidilihin mo iyon araw
at gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon, sa gayon giginhawa
ka at magtatagumpay."
B. Paano Mag-devotion?
1. Magbasa ng 3 kapitulo sa aklat ni Juan (sa Bagong Tipan)
2. Isulat ang natanggap na personal na pahayag mula sa Diyos.
a. Mensahe (Message of God)
b. Pangako (Promise of God)
c. Pag-uutos (Command of God)
d. Babala (Warning of God)
e. Pagsasagawa sa buhay (Personal Application)
f. Pananalangin sa pagsasagawa ng natutunan
g. Talatang sasauluhin

3. Kailangan din na manalangin: "ACTS"


A- Adoration (Pagsamba)
C- Confession (Pagsisisi)
T- Thanksgiving (Pagpapasalamat)
S- Supplication (Kailangan)
4. Ipamuhay ang mensahe ng Diyos na iyong natutunan, at ikaw ay lalagong
espirituwal
Santiago 1:25
"Ngunit ang nagsasaliksik at patuloy na nagsasagawa ng kautusan sakdal at
nagpapalaya sa tao at hindi isang tagapakinig lamang na pagkatapos ay
nakakalimot- ang taong iyaon ang pagpapalain ng Diyos sa lahat niyang
gagawin".
LESSON 3
PAANO MAPAGTAGUMPAYAN ANG TUKSO
1 Corinthian 10:13
"Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao,
tapat ang Diyos at hindi Niya ipahihintulot na kayo'y subukin ng higit sa inyong
makakaya sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas
upang mapagtagumpayan iyon"
A. Ang Totoo:
1. Hindi lang ikaw ang sinusubok
2. Lahat ng pagsubok ay dinanas ng lahat ng tao
3. Tapat ang Diyos
a. Hindi ka Niya susubukin ng lampas sa iyong kakayanan
b. Bibigyan ka niya ng lakas upang mapagtagumpayan ang tukso.
4. Si Hesus mismo ay tinukso at napagtagumpayan Niya ito.
B. Ano ang gagawin ko upang mapagtagumpayamn ang tukso?
1. Maglaan ng panahon sa pagpapalakas sa buhay espirituwal
a. Pang-araw-araw na debosyon (devotion)
b. Makiisa sa isang cell group
c. Magsamba linggo-linggo
d. Dumalo sa Encounter Retreat
e. Patuloy na mapatatag sa Post Encounter Class
2. Kilalanin ang mga kahinaan at manalangin sa Diyos na mapagtagumpayan
mo ang kahinaang di karapat-dapat sa Diyos.
3. Ipatotoo sa cell leader ang mga pagbabagong naranasan simula ng
maging Panginoon mo si Hesus. Tuwing marara- nasan ang kahinaan, huwag
mag atubiling sabihin sa cell leader upang maalalayan ka sa panalangin.
4. Harapin at paglabanan ang tukso sa pangalan ni Hesus
a. Magsabing hindi ka sang-ayon
b. Iwasan ang tukso sa pamamagitan ng pagiging abala sa mas
makabuluhang bagay.
c. Palayong tumakbo kung sisilain ka na!
5. Manampalataya kang magtatagumpay ka.
LESSON 4 - PANANALAPI
Panimula: Di ba halos lahat ng tao ay pera ang kanilang pangunahing
problema, ikaw ganoon ka rin ba?
Tunguhin: Akayin ang bagong kapatid na magtiwala sa Diyos na may
kakayahang tumugon sa lahat ng kaniyang pangangailangan sa pananalapi.
A. Kalooban ng Diyos na ang lahat ng tao ay yumaman, sumagana, at
magkaroon ng maraming pera. (2 Corinthian 8:9)
1. Nais ng Diyos na sumagana tayo upang makatulong sa iba
(2 Corinthian 9:8)
2. Ang kasaganaan ay bunga ng maayos na relasyon sa Diyos ang pagsunod
sa kanya (Deuteronomy 28: 1-13)
B. Tiyakin na hindi tayo pinaiikot ng pera.
1. Unahin palagi ang Diyos (Matthew 6:33)
2. Tayo ang may-ari ng salapi at hindi ang salapi ang nagmamay-ari sa atin.
Mahalin natin ang Diyos higit sa salapi
(1 Timothy 6:10)
C. Ang kasaganaan ng Diyos ay nakasalalay sa prisipyo ng pagtatanim. Dapat
matutunan mong magbigay (Luke 6:38) Dapat wasto ang panukatan ng
pagbibigay (Mal. 3:10)
1. Ikasampung bahagi: ang tamang pagbibigay na may kalakip na pangako
2. Ang paghahandog ay ibinibigay din ayon sa pasya ng iyong puso kung
magkano at maluwag sa iyo.
3. Kapag ginawa mo ito, ang langit ay bukas para pagpalain ang iyong
kabuhayan.
D. Tamang paggamit ng salapi:
1. 10%- Para sa Simbahan (church needs)
2. 10%- Para sa pag-iimpok (savings)
3, 10%- Para sa paghahandog
4. 70%- Para sa pangangailangan (expenses)
Pagtatapos:
Ang panukatan ng pagbibigay ay ang ating pagmamahal sa Diyos. Kung tayo
man ay magbibigay, hindi dahil sa napipilitan lamang. Sapagkat mahal ng
Diyos ang nagkakaloob ng mula sa puso.
LESSON 5
BAUTISMO SA BANAL NA ESPIRITU
Tunguhin: Ipakita sa bagong kapatid sa pananampalataya na kailangan nila
ang higit na kapangyarihan para sa araw-araw na pamumuhay. Upang higit
pang maging malalim ang kanyang ugnayan sa Panginoon.
A. Sino ang ipinangako ni Hesus na sasama sa atin?
1. Ang Banal na Espiritu ang ipinangako ni Hesus na magiging kasama natin
(Juan 16:13-14)
a. Ipinangako ang banal na Espiritu sa Kanyang mga alagad (Juan 7:37-39)
b. Tinanggap ng mga alagad ang ipinangakong banal na Espiritu (Gawa 2:1-4)
c. Ipinanhako ang banal na Espiritu sa atin ngayon (Gawa 2:39)
B. Sino ang Banal na Espiritu?
1. Siya ay Diyos ( Gawa 5:3-4)
2. Siya ay para sa mga taong tumanggap kay Jesus bilang mga anak ng Diyos
(Gawa 1:8)
3. Siya ay nakatira sa ating buhay ( 2 Corinto 6:19)
C. Ano ang Kanyang gawain sa buhay ng tao?
1. Siya ang kapangyarihan na tutulong sa pagdadala ng mga kaluluwa sa
Diyos ( Gawa 1:8)
2. Tutulungan Niya tayo upang maunawaan ang katotohanan ( Juan 16:13)
3. Tutulungan Niya tayo sa tamang panalangin (Roma 8:26-27)
D. Papaano mapuspos ng Banal na Espiritu
1. Magnasa kang mapuspos ng Banal na Espiritu ( Juan 7:37-39)
2. Manalig ka na ibibigay ng Diyos ang Pangako Niya sa iyo (Lucas 11:10-13)
3. Humingi (Lucas 11:10-13)
4. Sundin ang kalooban ng Diyos ( Gawa 5:32)
Pagtatapos
Nasa iyo na ang Banal na Espiritu mula ng taggapin mo si Hesus sa buhay mo.
Kailangan mo pang magnasa na mapuspos jg Banal na Espiritu hanngang sa
ikaw ay magsalita ng iba't-ibang wika bilang tanda na ikaw ay puspos ng
kapangyarihan ng Diyos
LESSON 6
PAGPAPATOTOO AT PAGBABAHAGI NG BAGONG KARANASAN KAY HESUS
Tunguhin: Pagkatapos ng Encounter, nawa ay nasa inyo na ang init ng pag-ibig
sa Diyos. Ito'y kailangan nating ipatotoo sa iba sa tulong ng Banal na Espiritu
bilang pagsunod sa utosng Diyos.
Talatang Pagbabatayan: Gawa 1:8; Mateo 28:19-20
A. Narito ang mga bagay na dapat momg tandaan sa pagpapatotoo sa iba.
1. Ang gawaing ito ay pagsunod sa utos ni Hesus. Sinabi Niya na humayo kayo
at gawing alagad ang mga bansa
(Mateo 28:19-20)
2. Alalahanin mo ang pangako ni Hesus sa iyong pagsunod: "Ako'y laging
kasama mo"... (Mateo 28:20)
3. Alalahanin mo, binigyan ka ng Banal na Espiritu ng kapangyarihang
magpatotoo. (Gawa 1:8)
B. Kanino mo ito pasisimulan? (Gawa 1:8)
1. Sa mga taong malapit sa iyong puso- nanay, tatay, at mga kapatid at
kamag-anak
2. Sa iyong malapit na kaibigan
3. Sa iyong mga kakilala
C. Kailan mo pasisimulan?
1. Kaagad , huwag mo ng patagalin. (Gawa 5:45)
2. Pagkagaling mo sa iyong trabaho kung ikaw ay naghahanap-buhay
3. Pagkagaling mo sa paaralan kung ikaw ay nag-aaral
4. Pagkatapos ng gawaing bahay kung ikaw ay nasa bahay lang.
D. Paano mo ito sisimulan?
1. Manalangin ka
2. Sabihin mo sa kanila ang ginawang pagbabago sa iyo ng Diyos (2 Corinto
5:17)
3. Ibahagi mo ang "one verse evangelism". Kung hindi mo talaga kayang mag-
isa, magpasama ka sa iyong cell leader o kasama sa cell group.
4. Himukin mo siyang sumama sa cell group o sa simbahan.
E. Paano mo mapaghahandaan ang pagpapatotoo?
Ang paghahanda ay maaaring pasimulan sa pamamagitan ng tunay na
nangyari sa iyong buhay ng tanggapin mo si Hesus.
1. Anu-ano ang mga ginagawa mo noon na hindi mo na ginagawa ngayon?
2. Bakit mas masaya ka ngayon kaysa noon?
F. Hindi mo kailangang saulohin ang iyong mga patotoo.
1. Ang mahalaga ay nasa puso mo ang iyong karanasan kay Kristo.
2. Ang patoto mo ang magbubukas ng kanilang puso upang sumampalataya
kay Hesus.
LESSON 7
PAGTATAGUMPAY SA MGA SULIRANING PAMPAMILYA
Tunguhin: Mahamon ang mga bagong mannampalataya na
mapagtagumpayan ang lahat ng balakid sa pagkakasundo ng pamilya.
1. Anp problema ng pamilya ay nagdudulot ng tensiyon sa bawat miyembro
nito at nagiging sanhi ng sigalot at kawalang tiwala sa sarili.
2. Mahalaga ang pagpapatawad upang pumasok ang presensiya ni Kristo sa
bawat tahanan. (Mateo 5:21-26)
3. Ang pagpapatawad ang unang hakbang sa pagkakasundo sapagkat ito'y
maka-Kristiyanong ugali at tunay na nakalulugod sa Diyos. Sa ganito ring
paraan ay matatanggap natin ang kapatawarang iniaalok ng Diyos sa
atin.(Mateo 18:32-35)
4. Sabihin sa kanila na dapat ang pamilya ay mayroong layunin at direksiyon.
Marapat na magkaroon ng isang pananaw sapagkat ang dalawang pananaw
ay patay na pananaw.
5. Turuan sila na ang panalangin ay makatutulong upang ang kanilang mga
pagkakaiba ay di makasagabal sa pagkakaisa, ipanalangin na ang bawat isa
ay baguhin ng Diyos sa ikabubuti ng pamilya.
6. Sikapin natin na huwag silang puwersahin sa pagkakasundo kung mayroon
nga. Mas mabuting hayaan natin na ang Banal na Espiritu ang kumilos sa
bawat isa hanggang maaari, humanap ng paraan na maipanalangin ang
taong nasaktan at mapagpala ang taong nanakit sa kanya. Dahil dito, ito ay
magdadala ng kapatawaran. Kung iyong mapagtatagumpayan
ang pagmamataas, makakamit mo ang unang hakbang ng pagkakasundo
LESSON 8
PAGTATAGUMPAY LABAN SA DEPRESYON (PAGKAABA)
Tunguhin: mapanumbalik ang sigla at pag-asa sa mga dumaranas ng
depresyon (labis na lungkot). Tulungan silang iwanan sa kamay ng Diyos ang
lahat nilang nararanasan.
Talatang Pagbabatayan: Mateo 11:28
Mga kailangang maunawaan at isagawa:
1. Ang depresyon ay isang kalagayan kung saan gumuho na ang lahat ng pag-
asa ng taong nakaranas nito. Kabilang sa kanyang nararanasan ay
kalungkutan at kabiguan. Iniisip niyang pinabayan na siya ng Diyos.
2. Ipakita mo na siya ay hindi nag-iisa. Kasama niya ang Diyos at Siya'y
matatagpuan niya kung Siya'y hahanapin.
3. Tulungan siyang baguhin ang maling pananaw sa buhay (Roma 12:2). Sa
gayon ay kanyang makikita ang kamangha-manghang plano ng Diyos sa
kanyang buhay.
4. Anyayahan mo siyang lumapit kay Hesus at ilagak ang lahat ng pasanin sa
kanya at kanyang makakamit ang kapangyarihan (Mateo 11:28)
5. Pangunahn siya na manalangin ng pagtatagumpay, sa pagpupuri sa mga
ginagawa at plano ng Diyos sa kaniyang buhay.
6. Ipahayag ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa kanya at ipaunawa na
nagtitiwalamrin ang Diyos sa kanya.
Tandaan:
Tulungan ang bagong kapatid sa pananampalataya upang hindi
mangibabaw sa kanila ang mga suliranin at hindi na sila magpaalipin dito.
Kailangan nilang ipagkatiwala kay Hesus ang lahat ng kanilang
nararamdaman, iniisip at nararanasan.
LESSON 9
PAGTATAGUMPAY LABAN SA ESPIRITU NG "REJECTION"
Tunguhin: Maipakita sa mga bagong kapatid sa Panginoon na ang
pagkaramdam na ika'y tinatanggihan o inaayawan ay pakana lamang ng
diyablo. Maipakita rin sa kanya na tinanggap siya ng Diyos anuman ang tingin
niya sa kanyang sarili
A. Ano ang pakiramdam ng tinatanggihan?
1. Ito ay kaisipan ng isang tao na siya ay mababang uri kaysa ibang tao at
walang halaga.
2. Siya ay palaging naghahanap ng pag-ibig at hindi naniniwala na maaaring
may nagmamalasakit sa kanya. Hindi niya makayang magmahal at mahalin
ang kapwa.
B. Anu-ano ang idinudulot ng espiritu ng rejection?
1. Na ikaw ay tanggihan o ayawan ng iba.
2. Na tanggihan o ayawan mo rin ang iba.
3. Na tanggihan o itakwil mo rin ang iyong sarili.
4. Nagpapabukas ng pintuan sa diyablo.
C. Paano lulupigin ang rejection?
1. Dapat mong malaman na ang pag-ibig ang pinakamalaking
pangangailangan ng tao.
2. Ganap na isuko sa Diyos ang damdaminn ito. Pakana ng diyablo na lagi
mong isipin na walang tumatanggap at nagmamahal sa iyo. Isa ito sa
pinakamalakas at mabisa niyang pamuksa sa tao.
3. Magpatawad ka!
a. Mateo 6:12- sinabi ni Hesus, "Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin."
b. Alam ni Hesus na ang tangka ng diyablo ay sirain tayo sa pamamagitan ng
kapaitan o hindi pagpapatawad.
c. Mahalaga ka sa Diyos. Kailangan mo itong makita (Efeso 1:13-14)
Tandaan:
Turuan at tulungan ang mga bagong kapatid sa pananampalataya. Na huwag
nang paniwalaan ang mga sinasabi sa kanila ng mga tao tungkol sa kanilang
nakaraan at kakayanan. Sa halip ay maniwala sa sinasabi ng Diyos sa kanila na
sila ay mga ank ng Diyos at mahalaga sa kaniya.
LESSON 10
KAGALINGAN (HEALING)
Tunguhin: Tulungan ang mga may karamdamdan na manampalataya kay
Hesus na Siyang nagbibigay ng kagalingan.
A. Ang kalooban ng Diyos:
1. Ang sakit o karamdaman ay hindi kalooban ng Diyos. Ang kalooban Niya ay
buhay na masagana para sa Kaniyang nilikha.
(Juan 10:10; 3 Juan 2)
2. Namatay si Hesus sa krus upang tayo ay tubusin at iligtas mula sa
kapahamakan. Tinubos rin Niya tayo mula sa sumpa ng karamdaman. Sa
Kaniyang kamatayan, nagkaroon tayo ng kalayaan mula sa lahat ng sumpa-
maging sa karamdaman. Kung tayo'y mananalig sa Kaniya, mararanasan natin
ang kagalingan
(Isaiah 53:4-5)
3. Si Hesus ay nangako na gagaling ang mga may sakit na ma-papatungan ng
mga kamay ng Kanyang mga isinugo(Mark 16:18) Walang ibang
kapangyarihan ang ating mga kamay. Si Hesus
ang tunay na nagpapagaling sa mga may karamdaman. Ngunit ginagamit
Niya ang ating mga kamay para padaluyin ang kagalingan.
Tandaan:
Huwag mag-atubili na manalangin sa mga may karamdaman.
Gawing saligan ang Isaiah 53:4-5

You might also like