You are on page 1of 24

PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS

(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

STARTING UP
YOUR NEW LIFE
WITH JESUS
(SUYNL)
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY
KASAMA SI HESUS
Consolidator’s Copy

GREAT NATION CHURCH


Abu Dhabi, United Arab Emirates

JULY 2018

1
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

CONSOLIDATION TOPICS

NILALAMAN

PANIMULA 3
o Introduction ng Great Nation Church at Ang Pastor

Topic 1 – KALIGTASAN 4
Salvation

Topic 2 – PAGSISISI 5
REPENTANCE – Pagtalikod Sa Kasalanan

Topic 3 – PAGKAPANGINOON 7
LORDSHIP (Ang Pagiging Panginoon)
o Introduce What is G12? 6
o Introduce G12 Founder and GNC Mentor

Topic 4 – KAPATAWARAN 8
Forgiveness

Topic 5 - LIFESTYLE: THE 4 GREATEST MEETINGS 11


PAMUMUHAY: Ang 4 Na Mahalagang Pagtitipon
o Introduce G12, Vision and Purpose 10
o Introduce G12 Founder and GNC Mentor

Topic 6 - DEVOTIONAL LIFE 12


Ang Buhay Debosyonal

Topic 7 - ANG IYONG AKTIBONG BUHAY NG PANANALANGIN 14


Your Active Life Of Prayer: Ang Iyong Masigasig na Buhay Panalangin

Topic 8 - PAGSAKSI – PAGBABAHAGI NG IYONG BAGONG BUHAY SA IBANG MGA TAO 16


Witnessing: Sharing Your New Life With Others

Topic 9 - BUHAY NG PAGSUNOD (PAGSUKO SA KALOOBAN NG DIYOS) 18


Life of Obedience: Surrender to God’s Will

Topic 10 - BUHAY SA LOOB NG SIMBAHAN (PAGIGING BAHAGI NG SIMBAHAN) 20


Life in the Church: Belongingness in the Church

NEW Follow Up Questions references 22

2
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

Paalala sa Consolidator:

Siguraduhing makompleto ang detalye sa GNC Welcome Form.


Ito ang iyong magiging susi sa pagkakilala sa iyong bagong ico-consolidate. Maaring itanong ang
mha kulang na detailye sa Form.
Pagkatapos ng Consolidation Topic 1, pagplanuhan na ang inyong pagkikita sa loob ng buong
Linggo bago umabot ng Friday sa labas ng simbahan upang maituro naman ang Consolidation
Topic 2. Dalawang topics ang suggested kada linggo, 1 Friday at 1 weekdays. Ngunit maaari ring
magturo nito ng hanggang 3 topics kada-meeting depende sa sitwasyon at availability ng iyong
ikino-consolidate. Sa loob ng limang lingo ay matatapos ang iyong pagtuturo ng Consolidation
Lessons at ito ang magbubukas ng daan upang sila ay maging kabahagi na rin ng Life Group.
At sa kanilang pagtatapos ng Topic 5, maaari na silang mag enroll at pumasok sa Life Class. May
4 na Lessons bago ang susunod na Encounter Weekend.
Alalahanin na kailangang mai-build natin ang relationship sa mga bagong mananampalataya. Let
us take it lightly but surely. Sama-sama nating mai-goal natin na sila ay makasama sa Encounter at
mai-join din sa ating mga Cell Groups.
Pagpalain po kayo ng PANGINOON!

INTRODUCTION:
Magandang Hapon po. Ako nga po pala si ______________________________________________.
Welcome po kayo dito sa GREAT NATION CHURCH. Hindi po isang relihiyon ang inyong tinanggap,
kundi isang bagong relasyon sa Diyos. Ang itinuturo po namin dito at ipinamumuhay ay mula po sa
Salita ng Diyos (Bibliya).

Ito nga po pala ang aming Senior Pastor, Ptr. Stephen Bala. Ang kanya pong maybahay ay si Ptra.
Pamela Rose Bala. Sila po ay may 4 na anak na sina Debbie, Danielle, Phoebe and Paul. Ang GNC po
ay isang taon pa lamang noong July 21 st 2018 (celebrated on a Friday Worship, July 27th). Kami po
ay nagpasimula ng 19 na katao lamang at ngayon ay patuloy na lumalago sa biyaya ng Panginoon.
Mayroon po tayong mga Cell Groups na nagtitipon-tipon every week.

Ngayon, kaya ikaw ay aking kinakausap dahil gusto ko po kayong tanungin, kung nais niyo po ba na
Magpasimula ng Bagong Buhay Na Kasama Si KRISTO? (Starting Up Your New Life With JESUS).
(OPO) Sige po, at magsimula na po tayo ngayon!

3
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
Consolidation Topic 1 (in the church after OVE – Week 1)
*Introduce the Church, the Pastor and his Family. (listed na po ito sa unang page)

KALIGTASAN (Salvation)
Ang Salita po ng Diyos ay Mabuting Balita na siyang nagpapahayag ng kaligtasan at pagmamahal ng
Diyos sa Sanlibutan. Ito rin ang biyaya ng Panginoon na nagpalaya sa sangkatauhan sa pamamagitan
ng kapangyarihan ng dugo ni Kristo.

Roma 6:23, “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng DIYOS ay
buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni KRISTO HESUS na ating PANGINOON.”

Kailangan natin ng isang Tagapagligtas, sapagkat walang saysay ang buhay kung wala ang
Panginoon sa buhay natin.

APAT na Katotohanan Tungkol sa Iyong Bagong Relasyon sa Diyos:


1. Pagpapatawad ng Panginoon sa iyong kasalanan. (Colosas 1:12-14)
Colosas 1:12-14
12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo[a] sa
mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13 Iniligtas niya tayo sa
kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 Sa
pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan
[sa pamamagitan ng kanyang dugo].[b]

2. Nagkaroon ka ng karapatang maging anak Niya (Juan 1:12)


Juan 1:12
12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng
karapatang maging mga anak ng Diyos.

3. Dumating ang Panginoon sa buhay mo at hinding hindi ka Niya iiwan (Hebreo 13:5b)
Mga Hebreo 13:5b
“…Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

4. Anuman ang sitwasyon o pagsubok na pinagdadaanan mo, ang Panginoon ay laging nasa
panig mo para tulungan ka.

NAGSIMULA ang Panginoon ng bagong buhay kasama ka.


Kaya’t ang sinumang nakipag isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating
pagkatao; siya’y bago na.” 2 Corinto 5:17

Tinanggal na ng Panginoon ang iyong dating pagkatao sapagkat binago na Niya ang iyong buhay
batay sa plano Niya.

Gusto ko pong sabihin sa inyo, ang panghuli, binigyan ka Niya ng buhay na walang hanggan.

4
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

APLIKASYON:
Kung sasagutin mo ang katanungang ito, “ako ba ay karapat-dapat na makapasok sa langit?
Ano ang iyong sasabihin?

PANALANGIN:
Panginoon, tinatanggap ko ang regalo mong kaligtasan. Inaamin kong ako’y makasalanan at
kailangan ko ng Tagapagligtas. Naniniwala akong si HESUS lamang ang tanging daan at ang
Kanyang dugo ang naglinis sa akin at nagbigay sa akin ng kalayaan sa kasalanan, sumpa at
gawang masama. Humihingi ng kapatawaran sa aking mga kasalanan at tatalikuran ko ang mga
maling pamamaraan. Manahan ka po sa aking buhay. Sa pangnalan ni HESUS, amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa loob ng isang linggo, sa pag-aaral ng Topic 2 bago
dumating ang susunod na pananambahan.

Consolidation Topic 2 (outside the church, weekdays – Week 1)


PAGSISISI
(REPENTANCE – Pagtalikod Sa Kasalanan)
Ang paghingi ng tawad at nagpapahayag ng pagbabago ng direksyon. Tumutukoy ito sa “pagtalikod
sa kasalanan” tungo sa “pagdedesisyong mabuhay” para sa Panginoon. Ito ay nagsisimula sa
desisyong talikuran ang kasalanan at magpasailalim sa kapangyarihan ng Panginoong Hesus.
Maituturing na mas mabuti ang paghingi ng tawad kaysa sa pagkilala na nagkamali ka.

Kailangang Manampalataya sa Pagtalikod sa Kasalanan!

Kung nasilo ka ng kasalanan, ang pagsisisi ay mistulang isang mahirap na bagay. Subalit tingnan ang
nakasaad sa Bibliya:
“O baka naman gusto mo pang hamakin ang Diyos, dahil siya ay napakabait, mapagpigil at
mapagpaumanhin! Roma 2:4a

ALIBUGHANG ANAK
Isa sa magandang pagpapakita ng pagmamahal ng Panginoon ay makikita sa parabola ng
Alibughang Anak. Nang mapagtanto ng anak ang kanyang ginawa, siya ay nagsisi at bumalik at sabi
ng Bibliya, “Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo
siyang sinalubong, niyakap at hinalikan,: (Lucas 15:20).
Ganito ang puso ng Panginoon sa mga taong lumalapit sa Kanya at buong pusong nagsisisi sa
kanyang kasalanan.

APLIKASYON:
Tukuyin ang iyong mga natatagong kasalanan na kumokontrol sa iyong buhay at nagpapalayo sayo
sa Panginoon. Magsisi ka at humingi ng kapatawaran sa Panginoon upang magkaroon ka ng bagong
simula. Hindi na mahalaga kung nabigo tayo sa nakaraan, maaari tayong magsimulang muli. Ano ba
ang ipinapagawa ng Panginoon sa’yo ngayon?

5
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
Sa pamamagitan ng panalangin, kilalanin mo na ang Panginoong HESUS ang nag-iisang daan
patungo sa Panginoon at muli mong italaga ang buhay mo sa Kanya. Aminin mong ikaw ay
nagkasala at wasakin ang anumang sumpa sa pangalan ng Panginoong HESUS.

PANALANGIN:
Panginoon, naniniwala po kami na Ikaw ay matuwid at kami'y nagkamali. Nagsisisi po ako sa mga
kasalanang aking nagawa. Sa pamamagitan ng Iyong biyaya at pag-ibig, nagsisisi po ako at
magbabago ng aking mga gawi at pamumuhay. Mamumuhay po ako sa katotohanan mula sa
Iyong mga Salita, ang Biblia. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa darating na Biyernes, sa pag-aaral ng Topic 3 sa loob ng
simbahan.

Consolidation Topic 3 (in the church – Week 2)


➡ Introduce G12
G12 is known as the government of 12.
Where a leader disciples 12 as JESUS modelled with his 12 disciples.
The G12 Vision is not centered on just one person or leader, but on a team with every person
striving to do the work of God and in turn, impact the nation and the nations.
➡Introduce G12 Mentor - Bs Bien of Holy Spirit FishGen
BBM is the Bishop/HeadPtr of Holy Spirit FishGen in the Philippines. With 12 local churches in the
Philippines and Mentoring around 250 churches. He is also mentored by BOMB, Bishop Oriel M.
Ballano, of Doulos For Christ World Harvest Ministries, who is one of the 12 - G12Asia leaders of Ptr
Cesar Castellanos.
➡Introduce G12 Founder - Ptr Cesar Castellanos
César Castellanos is a Christian pastor from Bogotá, Colombia and the founder of the Misión
Carismática Internacional.
CESAR & CLAUDIA CASTELLANOS
https://g12.co/en/cesar-y-claudia/
During a time of prayer whilst on holiday with his family in 1983, God spoke to Pastor Cesar
Castellanos about raising up a church that would reach so many people that the multitude of its
members would not be able to be counted.
One month later, Pastor Cesar and his wife Claudia founded International Charismatic Mission
(MCI) with just 8 people in their living room, in the city of Bogota, Colombia. Today, the church has
hundreds of thousands of members.
The church grew as Pastor Cesar followed the leadership vision of forming groups of 12 disciples.
Rather than simply attending meetings, the large majority of church members are also cell group
leaders. Today the influence of a church with such humble beginnings is extending all over the
world.

6
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
Consolidation Topic 3 (in the church – Week 2)
PAGKAPANGINOON
(LORDSHIP (Ang Pagiging Panginoon)
Juan 6:68-69
68 Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang
nagbibigay ng buhay na walang hanggan. 69 Naniniwala kami at natitiyak namin na kayo nga ang
Banal na mula sa Diyos.”

Ano ang Kahulugan ng Pagiging Panginoon ni KRISTO?

Ang paghahari ng Panginoon ay nangangahulugang pagpapanumbalik ng relasyon natin sa


Panginoon. Ito ay pagkilala na Siya ang Panginoon ng ating buhay sapagkat wala tayong magagawa
kung malayo tayo sa Kanya. Naniniwala tayo na Siya ang pinakadakila at pinakamataas. Ang
Panginoon (Isaias 40:28) na lumikha sa atin ang Siyang hari ng ating buhay.

Isaias 40:28
28 Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig? Na itong si Yahweh, ang walang hanggang
Diyos, ang siyang lumikha ng buong daigdig? Hindi siya napapagod; sa isipan niya'y walang
makakaunawa.

Anu-ano ang mga kabutihang dulot ng Pagpapasakop sa Pagka-Panginoon ni Kristo?


1. Kasaganaan
2. Proteksiyon
3. Pag-Asa
4. Magandang Kinabukasan

Si HESUS bilang Panginoon ng Ating Buhay

Ang pokus natin ay hindi ang relihiyon kung hindi ang relasyon natin sa Panginoon. Ang
pamumuhay ng may kabanalan ay mula sa buhay na nabago sa tulong at biyaya ng Panginoon.

Hindi natin maaaring parusahan ang sarili natin, ito ay tungkol sa pagkaunawa, pagtitiwala at
pagsunod ng may pagkilala kung sino ang Panginoon at ano ang nagawa Niya para sa atin. Kasama
nito ang pagpapasalamat tiwala at pagsunod.

APLIKASYON:
Masasabi mo ba na ikaw ay nasa ilalim ng kumpletong pamamahala ng Panginoong HESUS? Sino
ngayon si KRISTO HESUS sa buhay mo? Sino ka naman sa Kanya? Sa pamamagitan ng panalangin,
kilalanin na si KRISTO HESUS ang Panginoon ng lahat ng aspeto ng iyong buhay. Italaga ang iyong
buhay para sa Kanya.

PANALANGIN:
Ama, salamat po dahil nais Mo palagi kung ano ang makabubuti sa akin at sa pagtawag Mo po
sa'kin hindi lamang upang magkaroon ng relasyon sa'Yo ngunit upang maging Panginoon Ka rin ng
aking buhay. Ako po'y nagtatalaga na susunod sa'Yo at gagawa upang maisaayos ang lahat sa

7
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
aking buhay. Bigyan Ninyo po ako ng pagnanais at pagtitiyaga upang maging Iyong tagasunod at
hindi susuko ano man ang mangyari. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa loob ng isang linggo, sa pag-aaral ng Topic 4 bago
dumating ang susunod na pananambahan.

Consolidation Topic 4 (outside the church, weekdays – Week 2)


KAPATAWARAN (FORGIVENESS)
Mateo 6:14-15
14 “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng
inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin
patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Ezekiel 36:26
26 Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin
kong pusong masunurin.

Marahil, ISA sa mga taong hindi mo pa napapatawad ay ang iyong sarili.

Maraming tao ang kulang sa pagpapatawad sa sarili kung ikukumpara sa pagpapatawad na


ibinibigay nila sa ibang tao.

Maaaring ang IKALAWAng taong kailangan mong patawarin ay ang miyembro ng iyong pamilya.

Kailangan mong tanggalin ang galit sa iyong puso lalo na sa mga taong malapit sayo. Kailangan
mong patawarin ang iyong asawa, mga anak, magulang at ibang mga kamag-anak.

PANGHULI, dapat naroon ang pagpapatawad sa ibang tao na nakagawa ng anumang bagay laban
sayo.

Ang tao mang ito ay nakagawa ng sobrang samang bagay sayo at may karapatan kang magtanim ng
galit sa kanila at kamuhian ang mga taong ito subalit, kung nais mong makaranas ng himala ng
Panginoon sa iyong buhay, isa sa mahalagang sangkap ang pagpapatawad.

Ito ay isang bagong panimula para magpatawad!


Maaaring hindi madaling magpatawad lalo’t higit, kung ang mga taong nakasakit sayo ay ang mga
taong itinuturing mong pinakamalapit sa iyong puso. Subalit, ayaw ng Panginoon na magkaroon ng
matigas na puso at puno ng sama ng loob ang kanyang mga lingkod. Kaya naman, binigyan Niya
tayo ng bagong simula upang magpatawad.

8
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
Ano ang buhay na may bagong pagpapanimula sa Panginoon?
1. Ito ay pagpapanibago ng ating relasyon.
2. Hindi pagkimkim ng galit at sama ng loob.
3. Hindi ito nanghuhusga o nagpaparatang.

APLIKASYON:
Tukuyin ang mga taong nakasakit sayo at ipanalangin sa Panginoon na linisin Niya at buksan ang
iyong puso upang magpatawad at tanggapin ang mga taong ito sa iyong buhay.

PANALANGIN:
Salamat po sa pagpapatawad ng aking mga kasalanan at sa pagpapakita ng perpektong
halimbawa ng pagpapatawad at pag-ibig noong Ikaw ay ipinako roon sa krus. Humihingi po ako ng
lakas at habag upang mapatawad ang mga taong nakasakit sa akin. Iniaalis ko na po ang kapaitan,
poot, sama ng loob, at alitan at hinahayaan ko ang Iyong pag-ibig at habag na punuin ang aking
puso. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa darating na Biyernes, sa pag-aaral ng Topic 5 sa loob ng
simbahan.

9
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
Consolidation Topic 5 (in the church – Week 3)
*Introduce G12 Vision and Purpose (ipa-memorize at imemorize mo rin)
VISION- Win Souls and Make Disciples (Matthew 28:18-20)
PURPOSE- Loving GOD, Loving People (Matthew 22:37-40)
Yung GOAL po ay for you J Yan ang reference verse ng G12 Goal.
Paalala: After Topic 5, the New Believer/Disciple qualifies for LifeClass enrollment
(check with GNC timeline for the next schedule of Encounter Weekend)

10
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

Consolidation Topic 5 (in the church – Week 3)


LIFESTYLE: THE 4 GREATEST MEETING
(PAMUMUHAY: Ang 4 na Mahalagang Pagtitipon)
Mga Hebreo 10:25
Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa
halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng
Panginoon..”

Narito ang ilan sa mga bagay kung saan natin kailangang italaga ang ating buhay:

1. DEVOTION
Josue 1:8-9
8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi
upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay
ang iyong pamumuhay. 9 Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong
loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos,
ay kasama mo saan ka man magpunta.”

2. CELL GROUP / LIFE GROUP


Mga Hebreo 10:24-25
24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa
paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng
nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating
malapit na ang Araw ng Panginoon.

3. FRIDAY CELL CELEBRATION (FRIDAY WORSHIP, PANANAMBAHAN)

4. PEPSOL / LIFE CLASS EQUIPPING AND TRAINING


2 Timoteo 2:2
2 Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga taong
may katapatan at may kakayahang magturo naman sa iba.

APLIKASYON:
Laging magkaroon ng “life check”, at maging determinadong isangguni ang iyong plano sa layunin at
plano ng Panginoon. Tukuyin kung alin ang dapat na isama o italaga sa iyong buhay upang patuloy
na lumago sa paglakad sa Panginoon.

PANALANGIN:
Salamat po Hesus sa pagtawag sa akin upang lumakad ng may relasyon sa'Yo at sa'Yong mga tao.
Bigyan Ninyo po ako ng karunungan upang maalagaan at mabantayan ang relasyon ko sa'Yo at sa
aking spiritual family. Tulungan Mo po akong makipag-ugnay at tumuon sa pang-araw-araw na
personal na oras ng devotion, gospel community (Cell Group / Life Group), Friday Cell Celebration at
training sa pagiging isang indibidwal na nais Mong maging ako. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

11
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa loob ng isang linggo, sa pag-aaral ng Topic 6 bago
dumating ang susunod na pananambahan.

Consolidation Topic 6 (outside the church – Week 3)


Paalala: After Topic 5, the New Believer/Disciple qualifies for LifeClass enrollment, sa darating na
Biyernes ay maari na siyang mag-enrol sa LifeClass. I-check ang GNC Calendar sa susunod na school
opening.
Check GNC Calendar: Cell Leaders / Pastors starts WEEK 1 of PLAN40 (Incubation) in preparation
for the Encounter

DEVOTIONAL LIFE (Ang Buhay Debosyonal)


Jeremias 7:23
Subalit inutusan ko silang sumunod sa akin upang sila'y maging aking bayan at ako naman ang
kanilang magiging Diyos. Sinabi kong mamuhay sila ayon sa ipinag-uutos ko, at magiging maayos
ang kanilang buhay.

Nais ng Panginoon na maging bahagi Siya ng iyong pang araw-araw na buhay at ipakita ang Kanyang
pagmamahal sa atin sa iba’t ibang paraan.

Bilang isang Kristiyano at tagasunod ni Hesus, mahalaga na araw-araw ay magkaroon tayo ng oras
para sa Panginoon.

Ang Devotion (quiet time) ay hindi natatapos sa pagsulat sa devotional notebook. Nais ng Lord na
magkaroon tayo ng undying devotion- isang uri ng devotion na hindi natatapos sa isang oras o araw
sa ating buhay kung hindi ito ay kinaugalian na natin, hindi nawawala kahit gaano pa katagal o kahit
ano pa ang iyong sitwasyon sa buhay.

Jeremias 1:8
Huwag kang matakot sa kanila sapagkat ako'y kasama mo at iingatan kita. Akong si Yahweh ang
nagsasabi nito.”

Ang dahilan kung bakit tayo nagdedevotion. Ginagawa natin ang ating devotion upang magkaroon
tayo ng mas marubdob na relasyon sa Panginoon. Nais ng Panginoon na sambahin natin Siya.

Natutuwa ang Panginoon sa panahong naglalaan tayo ng oras para sa Kanya dahil nais Niyang mas
makilala natin Siya.

Habang mas ninanais nating makilala Siya sa pamamagitan ng mga aral ng buhay, mas malilinang
tayo at maihahanda upang maging katulad Niya.

12
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

Paano natin maihahanda ang ating devotion:


1. Magtakda ng oras at gawin itong regular. Gawin ito ng umaga bago mo simulan ang iyong
araw at maging sa gabi. (Joshua 1:8)
2. Sa pagbabasa ng Bibliya. Lumayo sa mga bagay na maaaring makaabala sayo. (halimbawa:
kompyuter, cellphone, TV, etc.)
3. Makinig sa tinig ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang salita, ang Bibliya. (Awit 46:10;
Job 2:13)
4. Hingin ang gabay ng Banal na Espiritu at maging handang sumunod sa sinasabi ng
Panginoon sa Kanyang salita (Juan 2:5)
5. Magkaroon mg kababaang loob at tengang handing makinig. (Awit 51:17)

Upang maisagawa ang devotion, kailangan mo munang magkaroon ng Bibliya. Pumili nang
saling nauunawaan mo at bumili ng notebook at ballpen para sa pagsusulat. Pagkatapos basahin
ang Bibliya, maaari mong isulat ang sumusunod:

a. SCRIPTURE – ito ang text o talata sa bawat araw sa iyong devotional reference. At gaya ng
ating Devotional Guide sa Our Daily Bread, ito ang talata na may nakalagay na “read”. At
mula sa mga verses na iyon ay maaari kang magkaroon at pumili ng iyong key verse/s for the
day.

b. OBSERVATION – ayon sa Scripture na iyong binasa, isulat ang iyong personal na


obserbasyon sa Salita ng Diyos. Maari mo ring isulat ang anumang sitwasyon sa iyong buhay
na may kaugnayan sa partikular na mensahe sa iyo ng Diyos mula sa Bibliya na puno ng
panghihikayat at mga pangako na maaari mong panghawakan.

c. APPLICATION – ang devotion ay hindi devotion kung walang aplikasyon. Siguraduhing


mayroon kang gagawin pagkatapos mong matanggap ang Salita ng Panginoon.

d. PRAYER – Maaari ka ring maglagay maigsing o ang iyong listahan ng panalangin.

APLIKASYON:
Mahalin ang salita ng Panginoon at gawin itong angkla ng iyong buhay. Ipanalangin ang iyong araw
at ang iyong buhay tungo sa paglago sa Panginoon upang malaman kung ano ang nais ng Panginoon
para sa’yo. Magkaroon ng listahan ng iyong panalangin at humingi ng direksiyon sa Panginoon sa
pamamagitan ng Salita ng Panginoon.

PANALANGIN:
Panginoon, salamat po sa pagbibigay sa akin ng iyong salita na gumagabay sa akin bawat araw
upang lumago ako. Sa inyong paraan po ako nananangan at tulungan Niyo po akong mamuhay ayon
sa inyong salita bilang angkla ng aking buhay. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa darating na Biyernes, sa pag-aaral ng Topic 7 sa loob ng
simbahan.

13
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

Consolidation Topic 7 (inside the church – Week 4)


Paalala: WEEK4 – Before service, Lesson 1 for Life Class starts.
· I-check ang GNC Calendar sa schedule ng susunod na school opening.
· Check GNC Calendar: Cell Leaders / Pastors starts WEEK 2 of PLAN40 (Incubation) in
preparation for the Encounter

ANG IYONG AKTIBONG BUHAY NG PANANALANGIN


YOUR ACTIVE LIFE OF PRAYER: Ang Iyong Masigasi na Buhay Panalangin)
Ang panalangin ay isang paraan ng komunikasyon at pakikipag-isa sa Panginoon. Ito ang
pinakamalapit at pinakamarubdob na oras natin sa ating manlilikha. Sa pananalangin, ang
kaibuturan ng iyong espiritu ay nasa pakikipag-isa sa espiritu ng Panginoon. Dito nagmumula ang
utos, gabay at pagnanais na ipanalangin ang isang bagay. Malinaw ang direksyon ng Panginoon sa
kung paano tayo dapat manalangin, sino ang dapat ipanalangin, at ano ang mga bagay na dapat
ipanalangin. Nagbigay ng tiyak na direksyon ang Panginoon sa mga ganitong bagay. Nilikha ng
Panginoon ang tao upang magkaroon ng pakikipag-isa sa Kanya at ang pang araw-araw na
panalangin ay mahalaga. Manalangin sa Ama (Lucas 11:2) sa pangalan ni Hesus (Juan 14:13-14) sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. (Efeso 6:18)

PAANO MANALANGIN: “Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y mkakatagpo;
kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humhingi ay tatanggap; ang bawat
humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.” (Mateo 7:7,8)

“Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang
nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo.” (Juan 15:7)

KAILAN DAPAT MANALANGIN: Manalangin araw-araw (Roma 12:12; 1 Thesalonica 5:17). “Tuwing
ipapanalangin naming kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong
Jesu-Cristo.” (Colosas 1:3)

SINO ANG DAPAT IPANALANGIN: “Una sa lahat, ipinapakausap kong idulog ninyo sa Diyos ang
inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao.” (1 Timoteo
2:1)

“Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang
mga umuusig sa inyo.” (Mateo 5:44)

SAAN DAPAT MANALANGIN: “Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara
mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na
nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.“ (Mateo 6:6)

“Madaling-araw pa’y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar kung saan maari siyang
manalanging mag-isa.” (Marcos 1:35)

14
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

ANO ANG DAPAT IPANALANGIN: “Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung
nanananalig kayo.” (Mateo 21:22)

“Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong
manalangin ng wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang
sambitin.” (Roma 8:26)

Nais ng Panginoon na marinig mula sa atin ang ating mga panalangin. Natutuwa Siya sa bawat
minuto na inilalaan natin para sa Kanya.

Ang panalangin ang ating pang araw-araw na karanasan kasama ang Panginoon. Ito ang susi sa
paglago ng ating relasyon sa Panginoon, pagpapakahulugan sa salita ng Panginoon at pagsunod sa
Panginoon. Maituturing na isa sa mga maihahandog natin sa Panginoon ay ang panalanging may
kapakumbabaan sa tulong at biyaya ng Panginoong Hesus. “Kaya’t huwag tayong mag-atubiling
lumapit sa trono ng mabahaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng
ating pangangailangan. “ (Hebreo 4:16). Anak ka ng Panginoon kaya huwag kang matakot na
kausapin Siya ayon sa nais ng Iyong puso.

PAANO MANALANGIN: Maari tayong matutong manalangin sa pamamagitan ng “Lord’s Prayer”,


and modelo ng panalangin. Basahin ang Mateo 6:9-13. Nararapat simulan ang panalangin sa
pagkilala na ang kausap natin ay ang Panginoon, ang ating Ama. Nararapat rin na magkaroon din
tayo ng papuri, “Sambahin nawa ang pangalan mo.” Nararapat lamang na parangalan natin at
sambahin ang Kanyang pangalan.

Manalangin! Manalangin! Manalangin!


. . .sa pananampalataya (Marcos 11:24, Hebreo 10:22)
. . .ng may magpapatawad na Espiritu (Marcos 11:25)
. . .ng may pagtitiyaga (Lucas 11:8; 18:1-7)
. . .ng may katuwiran (Awit 34:15; Juan 15:7)

1. Magtalaga ng regular na oras at mainam na lugar.


Ang magulong isipan ay magreresulta ng kaguluhan, ganoon rin ang espiritu. Ang magulong
espiritu ay nagangailangan ng panalangin upang maibalik ito sa tamang direksyon. Unahin
ang panalangin sa pagsisimula ng araw. Magtalaga ng isang tiyak na lugar kung saan
magiging komportable sa pananalangin. Ang panalangin ay hindi isang gawain o kabigatan
kung hindi isang pintuan tungo sa isang personal at marubdob na relasyon sa Panginoon.

2. Magsimula sa pasasalamat at papuri.


Ang pagbibigay ng pasasalamat at papuri ang siyang handog natin sa Panginoon. “Si Yahweh
ay papurihan, paglingkuran siyang kusa: lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!
O si Yahweh ay ating Diyos! Ito’y dapat na malaman, tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong
lahat na nilalang: lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan. Pumasok sa kanyang
templo na ang puso’y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal: purihin
ang ngalan niya at siya’s pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pagibig niya’y walang
hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!” (Awit 100:2-5)

15
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

3. Hayaan mong makipag-isa ang iyong puso sa puso ng Panginoon.


Kailangan mo lamang sabihin ang mga katagang “Sa’yo ko po isinusuko ang lahat.” Ikaw ay
kinakausap ng Panginoon. Hayaan mong magsalita ang Panginoon sa iyong puso at hayaan
mong magministeryo Siya sa iyong espiritu.

4. Magkaroon ka ng deklarasyon sa Panginoon.


Angkinin mo ang pangako ng Panginoon: “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo’y
bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan.
Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at
ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.” (Lucas 11:9-10). Anuman ang sinabi ng Panginoon
ito ay Kanyang gagawin.

APLIKASYON:
Gaano kalaking oras ang inilalaan mo para sa panalangin? Sapat ba ito upang mapalakas ang
relasyon mo sa Panginoon? Paano mo lalayuan ang mga hadlang sa pananalangin mo sa
Panginoon?

PANALANGIN:
Panginoon, salamat po sa iyong presensya na nagbibigay sa akin ng lakas at nagiging dahilan kung
bakit ko nagagawa ang lahat ng bagay. Tulungan Niyo po akong mahubog ang aking buhay
panalangin at lumago sa pananampalataya sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa inyo araw-
araw. Sa pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa loob ng isang linggo, sa pag-aaral ng Topic 6 bago
dumating ang susunod na pananambahan.

Consolidation Topic 8 (outside the church – Week 4)


PAGSAKSI – Pagbabahagi ng Iyong Bagong Buhay sa Ibang mga Tao
WITNESSING– Sharing Your New Life With Others
“Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya
kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang
magtuturo sakanya?” (Roma 10:14)

Narinig mo ang tungkol kay Hesus dahil mayroong nagbahagi sayo. Ngayon ay mayroon kang
pribilehiyo ng pagbabahagi ng salita ng Diyos sa ibang tao. Bilang mga tagasunod ng Panginoon,
tayo ay sinugo upang ibahagi sa iba ang tungkol kay Hesus at ang buhay na kanyang ibinigay sa atin.

Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa
kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una’y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.” (Roma
1:16)

16
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

Mayroon tayong gawain at ito ay tinatawag na “The Great Commission” na ibinigay ng Panginoon
bago Niya lisanin ang mundo. Kaya naman mayroon tayong pangitain na makadala ng mga kaluluwa
sa paanan ng Panginoon at gawin rin silang alagad Niya. “Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin
ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at
ng Anak, at ng Espiritu Santo”. (Mateo 28:19-20)

Binigyan tayo ng Panginoon ng pagkakataong maging pagpapala sa ibang tao at higit sa lahat sa
miyembro ng ating pamilya. Kailangan nilang marinig ang tungkol kay Hesus at upang magawa natin
ito, Kinakailangan muna natin silang ipanalangin. Maaari rin natin silang tulungan pagpalain at
paglingkuran upang magkaroon tayo ng pagkakataon na mabahaginan sila.

Ibahagi ang iyong kuwento. Naaalala mo ba ang buhay na wala si Kristo at ang buhay na natanggap
mo ang kaligtasan mula sa Panginoon. Ang bagong buhay na ito ang siyang nagbigay ng apoy sa
iyong puso upang ibahagi ito sa ibang tao. Pagkatapos magkaroon ng magandang relasyon sa ibang
tao, manalanging magkaroon ng pagkakataong makapagbahagi ng ginawa ng Panginoon sa iyong
buhay.

Ang pinakamainam na paraan ng pagbabahagi sa ibang tao ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng


iyong sariling kwento, kung paanong binago ka ng Panginoon.

Maghanda ng pinakamaikling patotoo kung paanong ang iyong malungkot at masamang buhay ay
binago ng Panginoon tungo sa magandang kwento. Ibahagi mo kung paano isinulat muli ng
Panginoon ang iyong buhay ayon sa plano Niya.

Sumangguni para sa tamang desisyon at pangunahan ng panalangin. Habang ikaw ay nagbabahagi


sa ibang tao, ang Panginoon ang kikilos sa puso ng taong binabahaginan mo. Maaari mong tanungin
ang taong iyon kung naunawaan niya at nais niyang tanggapin ang kaligtasang mula sa Panginoon.

Kung handa na silang magdesisyon, dalhin lamang sila sa panalangin ng pagtanggap kung ano ang
ginawa ni Hesus para sa kanila. Halimbawa ng panalangin:

”Hesus, salamat po sa pagmamahal na Iyong ibinigay sa akin noong namatay ka sa krus para
bayaran ang aking mga kasalanan. Patawarin Niyo po ako manahan Ka po sa aking puso.
Tinatanggap po Kita bilang aking Panginoon at tulungan Niyo po akong mamuhay para Sa’yo. Ito
po ang aking panalangin na sa pangalan ni Hesus. Amen”.

Pagkatapos nito, tulungan ang taong ipinanalangin na magkaroon siya ng pananampalatayang tulad
ng pinagdaanan mo noon. Darating din ang panahon na ang taong ito naman ang magbabahagi ng
kanyang kuwento.

APLIKASYON:
Mag-isip ng taong nais mong bahaginan ng iyong kuwento at simulan mo silang ipanalangin.
Tulungan at pagpalain ang mga taong ito at maging handing kunin ang mga pagkakataong
makapagbahagi ng kabutihan ng Panginoon.

17
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
PANALANGIN:
Panginoon salamat po sa araw na ito. Salamat po sa regalo ng kaligtasan at sa pribilehiyo na
makatulong sa ibang tao na makakilala Sayo. Bigyan Niyo po ako ng pagkakataong makatulong,
makapaglingkod at maging pagpapala para sa ibang tao. Buksan Niyo po ang puso nila upang
tanggapin Ka bilang kanilang Panginoon at sariling tagapagligtas. Sa kapangyarihan ng Inyong Banal
na Espiritu, inaangkin ko na po ang katagumpayan sa buhay ng mga taong ito. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa darating na Biyernes, sa pag-aaral ng Topic 9 sa loob ng
simbahan.

Consolidation Topic 9 (inside the church – Week 5)


Paalala: WEEK5 – Before service, Lesson 2 for Life Class starts.
· I-check ang GNC Calendar sa schedule ng susunod na school opening.
· Check GNC Calendar: Cell Leaders / Pastors starts WEEK 3 of PLAN40 (Incubation) in
preparation for the Encounter

BUHAY NG PAGSUNOD – Pagsuko sa Kalooban ng Diyos


LIFE OF OBEDIENCE – (Surrender to God’s Will)
“Kung nabubuhay man kami sa mundong ito, hindi naman kami nakikipaglaban ayon sa
pamamaraan ng mundong ito. Ang sandatang ginamit naming sa pakikipaglaban ay hindi
sandatang makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakaka-pagpabagsak ng mga kuta.
Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, ginagapi naming ang lahat ng pagmamataas
laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong
sumunod kay Cristo. At kung lubusan na kayong sumusunod, nakahanda kaming parusahan ang
lahat ng sumusuway.” (2 Corinto 10:3-6)

Ang pagtatalo sa pagitan ng espiritu at pita ng laman


Mayroong pagtatalo sa pagitan ng pita ng laman at ng espiritu. Ang laman ay nahuhulog sa
patibong ng kaaway ng imoralidad, karumihan at ang pagkalinlang ng mata at puso. (Mga Taga-
Galacia 5:19-21)

Subalit ang pagtanggap sa Panginoon at ang Pagdedesisyong Siya ang kumontrol sa buhay mo ang
magbibigay sayo ng kaloob ng Banal na Espiritu; pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod,
kagandahang loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan at pagpipigil sa sarili.

Ang tamang pagpili habang natututong sumunod kay Kristo


Ang buhay natin ay umiikot sa pagsunod at di pagsunod. Anumang uri ng di pagsunod ay dapat na
mapagtagumpayan natin sa pamamagitan ng panibagong kalakasan ng ating pagsunod sa
Panginoon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Dahil sa pagsunod natin sa Panginoon, nakakaya nating mamuhay ng may katuwiran upang
makuha ang mga pangako Niya. (Lucas 6:46-48)

18
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
Ang pagsunod ay kailangan upang manatili tayong matatag sa kabila ng mga problema. Sa
panahong tayo ay sumusunod, nagkakaroon tayo ng matibay na pundasyon na makatutulong sa
atin upang hindi tayo matinag sa panahon ng pagsubok.

Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking nga itinuturo.” (Juan 14:15)

“Ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga kalooban ng
Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo sa diwa ng pag-ibig.” (2 Juan
1:6)

Tatlong mahahalagang bahagi ng pagsunod:

1. Kailangan nating sumunod sa katotohanan ng Salita ng Panginoon

“Maaaring mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat na ito. Kung
magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makihalubilo sa kanya, upang siya’y
mapahiya.” (2 Tesalonica 3:14)

“Ang tumanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig
sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako’y lubusang magpapakilala sa
kanya.” (Juan 14:21)

2. Kailangan nating sumunod sa tinig ng Banal na Espiritu


“Kaya’t tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos,”
(Hebreo 3:7)

3. Kailangang magkaroon ng pagnanais na sumunod


“Kung susundin ninyo ang aking sinasabi, tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain.
Ngunit kung susuway kayo at maghihimagsik, tiyak na kayo’y mamamatay. Ito ang
mensahe ni Yahweh.” (Isaias 1:19-20)

APLIKASYON:
Sumunod at sumangguni sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtatama ng mga lider, mga
panuto at mga pamantayan dahil ito ang mga ibinigay ng awtoridad ng Panginoon. Matutong
makinig at respetuhin ang iyong mga magulang at guro/boss sa kung ano ang mayroon silang nais
na baguhin sa iyo.

PANALANGIN:
Isinusuko ko po ang aking buhay sa inyo Panginoon at akin pong kinikilala ang Iyong salita bilang
sanggunian ng aking buhay. Bigyan Niyo po ako ng pusong handang magpasakop sa inyong mga
plano at sumunod sa mga lider maging sa simbahan, sa mga magulang, guro/boss at sa lahat ng
mga taong nasa katungkulan. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.


Paalala: Pag-usapan ang inyong pagkikita sa loob ng isang linggo, sa pag-aaral ng Topic 10 bago
dumating ang susunod na pananambahan.

19
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy
Consolidation Topic 10 (outside the church – Week 5)
Paalala: WEEK5 – Congratulations! ito na ang huling Consolidation Topic.
Isubmit ang listahan ng pangalan ng mga nakatapos ng Topic 10 para sa pagbibigay pagkilala sa
matagumpay na pagtatapos ng pag-aaral sa Consolidation.

BUHAY SA LOOB NG SIMBAHAN – Pagiging Bahagi ng Simbahan


LIFE IN THE CHURCH– Belongingness in the Church
“Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at paggawa ng
mabuti. Huwag nating kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan.
Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw
ng Panginoon.” (Hebreo 10:24-25)

Ang simbahan ay isang lugar na dinisenyo upang makapagpalakas espiritwal, magbigay inspirasyon
at kakuntentuhan. Ito ay hindi isang estruktura sa halip ay isang lugar kung saan ang lahat ay
kabilang. Maituturing rin itong isang pamilyang mangangalaga sa iyong espiritwal na buhay (ang
bayan ng Panginoon) kung saan naroon ang presensya ng Panginoon. Ito ay lugar din kung saan
natin masasamba ang Panginoon at makakapaghandog tayo ng parangal sa Panginoon sa
pamamagitan ng pagkanta, pagbibigay at pakikinig sa Kanyang salita.

Ang Benepisyo ng Komunidad sa Katawan ni Kristo


Hinihikayat tayo ni Pablo sa Hebreo 10:24-25 na huwag sumuko sa panghihikayat sa bawat isa.
Katulad ng baga na hindi nawawalan ng lingas kung sila ay sama-sama, ganoon din ang
pangangailangan natin sa bawat isa upang manatili ang ating lingas. Tinutulungan tayo ng simbahan
na lumago at mabago ang buhay. Ito ang tutulong sa atin upang maging kawangis ni Kristo at
magkaroon ng walang maliw na pag ibig para sa mga taong nangangailangan ng pagmamahal.
Tutulungan din tayo nitong pahalagahan ang pagiging isang lingkod.

“Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging
lingkod sa iba.” (Mateo 20:26)

Paghahanap ng Komunidad sa Loob ng Simbahan. Ang komunidad ni Kristo ay kinabibilangan ng


mga taong nabago ang buhay. Ang pagkakaisa ng bawat miyembro ay nakaugat sa pakikipag-isa
natin kay Kristo-Hesus kaya tayo nagiging kakaiba.

Ang ating espiritwal ay mamamatay kung hindi ito nakaugat sa presensya ng Panginoon. Tulad ng
isda na inalis sa tubig o puno na tinanggal sa lupa. Nararapat malaman ng bawat isa kung tungkol
saan ng aba ang simbahan at ang rason kung bakit nararapat na bumalik tayo rito.

Una, tayo ay bahagi ng isang komunidad na sumasamba sa Panginoon. Sinimulan ni Pablo ang
kabanatang ito sa pagsasabing: “Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng
Diyos sa atin, ako’y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal
at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Huwag kayong
makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-
iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at
ganap na kalooban niya.” (Roma 12:1-2)

20
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

Hinahayaan natin ang Panginoon na hulmahin tayo at buuin habang idinedeklara natin na Siya ang
Panginoon ng ating buhay.

Ikalawa, tayo ay nararapat na maglingkod. Tinawag tayo upang paglingkuran ang bawat isa sa
pamamagitan ng mga biyayang espiritwal ng Panginoon. Tulad ng nakasaad sa Roma 12:6-8.
Binanggit ni Pablo dito ang iba’t ibang kaloob ng Panginoon. Iba-ibang kaloob na nagpapahayag ng
iba-iba ring bagay na maaari nating maiambag sa simbahan.

Ikatlo, tayo ay bahagi ng isang komunidad na nagmamahalan. Tinawag tayo upang magmahalan.
Nagkaroon ng konklusyon si Pablo sa bersikulo 9-21 ng mga praktikal na implikasyon sa ating pang
araw-araw na buhay bilang mga tagasunod ni Hesus.
Roma 12:9-13 “Maging tuna yang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo
ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad.
Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga
kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga
kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.”

Mamuhay bilang bahagi ng isang pamilya. Ayaw ng Panginoon na tayo ay maging mga ulila. Tulad
ng isang manlalaro na kabilang sa isang kuponan, maging ang isang sundalo na kabilang sa grupo ng
mga sundalo, ito ay plano ng Panginoon na ang bawat isa ay maging bahagi ng Kanyang pamilya.

APLIKASYON:
Italaga ang iyong buhay sa simbahan at ituring na mga kapamilya ang mga taong handang ilabas
ang potensyal na mayroon ka. Isipin kung paano at ano ang maaari mong maiambag sa ibang tao.
Maging kabahagi ng mga gawain at programa ng simbahan upang lumago kang kasama nila.

PANALANGIN:
Ako po ay nagpapasalamat sa Iyo Panginoon, dahil inilagay Mo ako sa isang pamilya na
makakatulong sa akin sa aking paglagong espiritwal, pamilyang matatawag kong simbahan.
Tulungan Mo po akong maitalaga ang aking sarili sa simbahang ito at maging kabahagi sa kanila
habang inilalabas ang potensyal sa bawat isa upang maging kawangis ni Kristo at mamunga.
Salamat po, sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Consolidator: IPANALANGIN mo siya pagkatapos.

21
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

New Follow up Lesson: Facilitating Questions (SUYNL)


For CONSOLIDATORS

TOPIC 1 – KALIGTASAN
1. NASAAN SI KRISTO? 1 JOHN 5:11-14
a. Discussion
· Dahil si Kristo ay nasa puso mo na, siya na ngayon ay iyong Tagapagligtas at Panginoon.
· Kapag ang sagot niya ay nasa malayo o sa ibang lugar, ulitin ang OVE.
2. Ngayon tinangap mo si Hesus sa Puso, ikaw ay nagkaroon ng:
· Kaligtasan
· Bagong buhay
· Buhay n walang hanggan
· Anak ka na ng Dios
3. 1 John 5:11-14 Assurance
.
TOPIC 2- PAGSISISI/ REPENTANCE
1. Ano ang mga bagay na humahadlang sayo upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay?
2. Anong mga hakbang ang iyong dapat gawin upang makalaya?
• Desisyon pagbabago ng Direksyon
• Gawa 3:19
3. Paano tanggapin ang pagpapala ng Diyos
. Magbago, magtiwala, magsisisi, humingi ng tawad
. TANONG: Ano ang una mong hakbang sa Pagsunod?

TOPIC 3: PAGKAPANGINOON/ LORDSHIP


1. Para sa iyo, ano ang Panginoon?
2. Sino na ngayon ang nasusunod sa buhay mo? Bakit?
Discussion:
Acts 2:36
a. Anong mga pagpapala ang inaasahan mo sa pagsunod sa Panginoon Hesus?

TOPIC 4: PAGPAPATAWAD/ FORGIVENESS


• 1. Sinu-sino ang mga taong nakakasakit sa iyong damdamin?
• Matthew 6:14-15
• Ang mga kailangan mong patawarin:
• Sarili
• Kapamilya
• Ibang tao
2. Hilingin mo sa Panginoon ang Paglilinis ng iyong puso upang
· . Magpatawad at Tanggapin ang mga taong iyon sa iyong buhay
3. Pagpapasimula ng bagong buhay
. Panunumbalik ng magandang samahan
. Wala ng galit at sama ng loob
. Wala ng sumbatan at paghatol
. Loving God loving People (Purpose)

22
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

TOPIC 5- APAT NA MAHALAGANG PAGTITIPON/ 4 GREATEST MEETINGS


Hebreo 10:25
4 na Pagtitipon na dapat nating ikabuhay
· . Devotion
· . Cell Group
· . Sunday Celebration
· . PEPSOL/ Equipping and training ( Life Class and training- Pre Ecounter Enrolment)
2. Lifestyle check
· . Upon waking up (introduce Devotion)
· . Mid week (Cell Group) schedule involvement)
· . Sunday service (weekend) Meeting New friends
· . Life Class (weekend) Preparation for ER

Topic 6- DEVOTION
1. Ano ang layunin ng Devotion?
· Malapit na relasyon sa Diyos
· Mas malalim na pagkakilala sa Diyos
· Para maging katulad ni Kristo.
2. Paano mag Devotion?
· . Maglaan ng oras sa umaga at gabi
· . Iwasan ang mga istorbo
· . Makinig sa Dios sa pagbabasa ng kanyang Salita.
· . Humingi ng gabay sa Holy Spirit at sumunod sa kanya.
· . Magkaroon ng pusong bukas at mapagpakumbaba
· . Mga gamit sa Devotion
· 3 B’s (Bible, Booknote, Ballpen)
· Pattern (ODB)

TOPIC 7- ANG IYONG AKTIBONG BUHAY PANALANGIN


“Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka
manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa
lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala." (Mateo 6:6)
1. Dati, paano ka manalangin?
· Mabuti yan, meron kang oras, lugar, at meron kang puso manalangin.
2. Paano tayo tinuruan manalangin? Mat 6:6
· pumasok sa silid at isara ang pinto (privacy)
· manalangin sa IYONG AMA
· ang Iyong Ama ang tagapaglikha ng lahat ng bagay
· At Siyang nagbibigay gantimpala.

23
PAGPAPASIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS
(Starting Up Your New Life) – Consolidator’s Copy

TOPIC 8- WITNESSING
1. Ngayon close ka na kay Lord sinu-sino ang gusto mong makakilala kay Lord Jesus?
Roma 1:16
Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa
kaligtasan ng bawat sumasampalataya,
2. Alam mo ba na ikaw ang inaantay para makarinig sila ng Mabuting Balita?
§ Dapat wag ka mahiya na ipakita palagi ang pagbabago sa buhay mo, isang paraan din ito ng
pagbahagi ng love ng Panginoon.

TOPIC 9 - BUHAY PAGSUNOD


1. Sa tatlong mahalagang bahagi ng pagsunod, alin ang kaya mong sundin? Bakit hindi mo masunod
yung dalawa? (or ilan, depende sa kanilang isasagot).
a. Ang pag sunod ay pag-ibig kay Cristo.
John 14 :21 “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang
umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.”
(Juan 14:21)
b. Ang pagsunod ay para huwag tumigas ang puso.
“Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin.
(Mga Hebreo 3:7)
c. Ang pagsunod ay magdudulot ng kasaganaan at pagpapala.
"Kung susundin ninyo ang aking sinasabi, tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain. " (Isaias 1:19)
2. Eto ang mga taong magbibigay patnubay sa iyo:
a. Sa simbahan: Si Pastor at Pastora
b. Net Leader mo
c. Cell leader mo
d. Sa bahay, mga magulang mo at guardian
e. Sa school: Teacher mo
f. Sa trabaho: Boss mo

TOPIC 10: BUHAY SA LOOB NG SIMBAHAN (PAGIGING BAHAGI NG SIMBAHAN)


Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng
mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa
halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng
Panginoon." (Mga Hebreo 10:24-25)
1. Bakit ba kailangan natin ang palaging mag church?
Ang Simbahan ay isang lugar upang magkaroon ng espirituwal na pagpapalakasan, inspirasyon, at
kaganapan.
2. Mga dahilan kung bakit tayo dapat bumalik sa loob ng Simbahan
a. Maging kalugod lugod ang buhay natin sa Panginoon
b. Maglingkod sa iba
c. Upang makasunod sa utos ni Kristo na magmahalan.
3. Sa anong paraan ka sa tingin makakatulong sa ating simbahan (ang iyong pamilya).
Evaluate skills and talent

24

You might also like