You are on page 1of 77

The Family: YOUTH

Seminar: FAMILY
LEVEL 1

The Family: YOUTH

ii

iii

The Family: YOUTH

ANG PAMILYA

School Of Leaders
Seminar Level 1

STUDENTS GUIDE:
YOUTH

The Family: YOUTH

iv

The Family: YOUTH

Mga Nilalaman
1.

Ang Pamilya .............................................................................. 1

2.

Family members and their proper roles ................................... 13

3.

Protecting self esteem ............................................................ 25

4.

Seven steps to a successful courtship ..................................... 34

5.

Strengthening communication in the family ............................. 42

6.

The blessing of God upon the family ....................................... 53

7.

The Leader and his family ....................................................... 62

8.

Abundant life ............................................................................ 69

The Family: YOUTH

vi

Preface
Ang hawak mo ngayong materyales sa iyong mga kamay ay isinilang
mula sa aming mga karanasan sa church sa pamamagitan ng
mga leaders na aming na- developed sa paglipas ng mga taon,
sa ministry. Kahit na alam na namin nang mag-simula pa
lamang ang aming church noong 1983, na kami ay magiging
isang cell church at magkakaroon ito ng isang napaka-laking
epekto sa aming city, ay umabot pa nang taong 1990, kung
saan inalis ng Panginoon ang taklubong para ihayag sa amin
ang vision ng government of twelve. Sa pag-pukaw ng
kapahayagang ito, nakaranas ang church ng isang paglagong
nalampasan pa ang lahat ng mga records tungkol sa church
growth na walang ipinakitang pag-unti. Kasabay ng excitement
sa paglago, kami ay nahamon bilang mga pastor na i- develop
ang mga bagong mananampalatayang ito na ipinagkatiwala ng
Panginoon sa amin.
Nang panahong iyon, binigyan ako ng Diyos ng isang Rhema word
para sa aming ministry: Bibigyan kita ng kakayanang ma-sanay
ng madalian sa mga tao. Ito ay isang salita na talagang
kailangan namin dahil hanggang sa mga panahong iyon ay
uma-abot pa ng mga dalawang taon bago ka makapag- train ng
isang cell leader. Napaka-laki ng pangangailangan at ang haba
pa ng proceso. Ngunit nang mai-bigay ang word na iyon,
bumukas ang kalangitan at isang special anointing ang nareleased sa bawat isang tumutulong sa amin sa ministry.
Ngayon, ang buong congregation, mula sa pinaka-mababa
hanggang sa pinaka-dakila, ay kasado nang may motivation pa;
gusto nilang maging bahagi ng vision. Ang isip ng mga tao, kahit
kami, ay na- impress na mabuti sa vision ng paglago, subalit
ang mga kailangang sangkap ay hindi pa nai-aayos para sa
isang napaka- advantageous operating system.

vii

The Family: YOUTH

Isang formula ang na- develop at ipinatupad bilang resulta ng ibinigay


na word ng Panginoon, salamat sa team ng mga pastors at
leaders na ibinigay ni Jesus sa amin. Paano kami makakapagtrain ng mabilis? Anong mga tools ang aming gagamitin? Ang
pinaka- pwedeng paraan na aming gagamitin ay nili-likha pa
lamang at ito ay ayon sa mga resulta na aming nakita habang
kami ay papa-sulong. Pagkatapos ay pinag-pasyahan na
naming isakatuparan ang mga ito bilang bahagi ng aming vision.
Sa loob ng maraming mga taon, ayaw naming lumayo sa aming
church dahil nararamdaman naming ang aming vision ay itinatatag pa lamang. Hindi rin namin gustong magturo ng tungkol sa
church growth hanggat wala pa kaming isang congregation na
magpa-patunay nito. Ngayong ipinahintulot ng Diyos na kamiy
maging isa sa pinaka-malaking church sa buong mundo, na
may average of 25,000 leadership school students, nagpapasalamat kami sa Diyos sa kanyang habag sa aming bansa at
itinaas niya ang aming church bilang pangunahin sa great
spiritual awakening na iyon na naka-impluwensiya sa mga
bansa sa daigdig. Dalangin namin na ma- bless ng materyales
na ito ang iyong buhay, ang inyong church at pati na rin ang
iyong ministry. Matupad nawa ng bawat isa sa inyo ang layunin
ng Diyos sa inyong mga buhay.
Sa pag-ibig ni Cristo,
Cesar at Claudia Castellanos

The Family: YOUTH

viii

The Family: YOUTH

ANG PAMILYA

LESSON
BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE
Genesis 1:27
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
Genesis 2:19,Kawikaan 22:15,Genesis 1:15-25, 1 Timoteo 5:8, Marcos
3:27, Colosas 3:21, Lucas 14:27-30, Efeso 6:4, Awit 127:3-5,
Kawikaan 3 , Awit 128:3, Marcos 10:6-9 , Efeso 5:28, Awit 27:10, Tito
2:4, Mateo 7:27, Kawikaan 13:24
KEY VERSE
At silay pinagpala. Wika niya, Magpakarami kayo at punuin ng
inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan
ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng
mai-ilap na hayop, maging malalaki o maliliit. (Genesis 1:28)
DEVELOPMENT OF THE SUBJECT

I.

ANG PLANO NG DIYOS SA PAMILYA

Ang pag-aasawa ay karugtong sa kalikasan ng Diyos gaya ng


nasasaad sa Genesis 1:27. Ang kapuspusan ng kasiyahan,
kapayapaan, kasaganaan at kadakilaan ng Diyos ay ipinagkaloob sa
sangkatauhan sa pamamagitan ng kauna-unahang mag-asawang
kanyang nilalang. Kung iningatan lamang nila ang mga tuntuning
itinatag ng Diyos, hindi na nila kailangang danasin pa ang maraming
hirap gaya nang hapdi, sakit, pagdaralita, kalungkutan, paghihirap,
atbp. Kahit na maingat na ini-handa ng Diyos ang lugar na titirhan
sana ng mag-asawang ito (pati na ang lahat ng kanilang magiging mga
inapo), at kahit na pinag-isipang mabuti ng Diyos ang pinaka-

The Family: YOUTH

detalyeng kailangan para sa kanilang walang hanggang kasiyahan,


may isa pa ring bahagi na pinili ng Diyos ng hindi niya panghimasukan ang pagna-nasa ng tao na kanyang inilagay sa bawat
isa.
Ito ang mana na ipinag-katiwala niya sa kanila, ang mamahala na
ayon sa tingin nila ay tama. Subalit ang kasiyahan ng mag-asawa ay
naka- depende sa kanilang pagsunod sa Salita ng Diyos. Kahit na ang
mag-asawa ay wala pang alam sa ibang larangan sa buhay na
makaka-apekto sa kanilang pagsa-sama tulad ng pananalapi,
pagtuturo sa kanilang mga anak, atbp., sa kanilang simpleng pasunod
lamang sa Diyos, papatnubayan niya silang magkaroon ng pinakamaayos na tahanan. Ang dahilan ay, Ang pagkatakot kay Yahweh ay
simula kaalaman. (Kawikaan 9:10)
Mahalagang maunawaan natin na ang intention ng Diyos ay tubusin
ang pag-aasawa at mga pamilya at ibalik muli ang mga ito sa original
niyang plano. Bahagi sa planong iyon ay mai- adjust ang ating pangunawa sa layunin ng Diyos na mamuhay ng may maayos na relasyon na itinalaga na ng Diyos para sa ating mga tahanan.

A. NAGLAGAY ANG DIYOS NG ISANG PUNDASYON


(Mateo7:24-27)
Bawat mag-asaway pumapasok sa isang relasyon na may ilusyong
itatayo nila ang the best na tahanan sa daigdig, pero para mangyari
iyon dapat nilang trabahuin ang paglalatag ng pundasyon. Hindi nakasalalay sa iyong profession, laki ng pera sa banko, o pamilyang
pinanggalingan ang pundasyon ng isang tahanan. Ang sabi ng
Panginoon, Ang pundasyon ng isang tahanan ay pakikinig, pag-iingat
at pagsasa-gawa. Ang kumbinasyon ng tatlong elemento ay sing
tibay tulad ng paglalagay mo ng bakal sa pinagsama-samang mga
graba, buhangin at cement para ilatag ang pundasyon. Kung may
magtatayo ng isang matayog na tore, kailangang mag-hukay muna ng
malalim sa lupa, ayon sa sukat ng nai-planong proyekto; saka ngayon
ilalatag ang isang maayos at matibay na pundasyon. Sa pagtatayo ng
isang tahanan, kailangang malaman natin na makaka-dagdag sa
suporta sa pangangailangan ng pamilya ang pundasyon.

The Family: YOUTH

B. NILIKHA NG DIYOS ANG PAG-AASAWA (Genesis 2:18)


Hindi ideya ng tao ang pag-aasawa; sa Diyos ito. Nilalang niya ang
taong may capacidad na gumusto sa kanyang ka- opposite sex; lalaki
sa babae at babae naman sa lalaki. Binigyan ng Diyos si Adan ng
isang perpektong makakasama, na makaka- partner niya; isang babae
na tutulong at susuporta sa kanya. Silay magiging isang team. Dahil
sa kanyang karunungan, pumili ang Diyos ng dalawang magka-ibang
tao at silay pinagsama sa isang tipanan ng tapat at nananatiling pagibig. Kapag itoy nangyari, may himalang magaganap. Ang dalawang
ito na pinagsama sa isang mysteriong paraan ay nagiging isa. Ang
layunin ng pagsasamang ito ay maghatid ng isang bagong henerasyon
para sa Diyos. (Malakias 2:15)

C. PINAG-ISA SILA NG DIYOS SA KASAL (Genesis 1:28)


Ang kapuspusan ng biyaya ay dumarating, hindi kapag single ang
isang tao, kundi kapag silay nagpa-kasal na. Bini- blessed ng Diyos
ang mag-asawa at kapwa sila binibigyan ng parehong antas ng
responsibilidad. Kapag nagsama ng maayos ang mag-asawa,
sasamahan din sila ng tatlong blessings na ito:
1. Pagiging Mabunga
Ang bunga ang nagsasabi ng uri. Ang buhay ng unang mag-asawa ay
kawalang-alam (innocent) at malinis kaya ang talagang magiging
bunga nito ay kabanalan (sanctification).
2. Pagdami
Kung ano man ang nakikita sa natural realm ay siya ring sa spiritual.
Ang mga anak sa pag-aasawa ang resulta ng teamwork. Sa ganon
dIng paraan, nakikita ang masaganang bunga sa ministry kapag
kapwa gumawa bilang isang team. Ang resulta nitoy multiplication.
3. Pagka-Panginoon
Ang banal na pamumuhay at patungo sa pagdami, at kapag ito ay
nangyari, nagkakaroon ng authority. Ang mag-asawang nagkakasundo na ginagabayan ng Salita ng Diyos, ay sing tindi ng
organisadong sundalo. Ang sikreto ay laging gumawa bilang isang
team. Nang gustuhin ni Eva na mag-isa, binuksan niya ang pinto sa

The Family: YOUTH

manunukso. Subalit kung kinunsulta sana muna niya ang kanyang


asawa, eh di, ibang-iba sana ang takbo ng buhay natin sa ngayon.

D. NAGBIGAY ANG DIYOS NG GABAY (Genesis 2:15-25)


Vs.15 Lalaki ang magtu-tustos sa kanyang tahanan at poprotektahan niya ang kanyang pamilya.
Vs.16-17 Dapat siyang maging masunurin.
Vs.18 Fellowship.
Vs.19 Lalaki ang magtatakda ng kahihinatnan ng
kanyang pamilya.
Vs.21-23 Mula sa isa gumawa siya ng dalawa.
Vs.24 Pag-protekta sa intimacy (pagiging malapit sa isat
Isa).
Vs.25 Transparency.

II. ANG KAHALAGAHAN NG PAMILYA


A. MARITAL STABILITY (Lucas 14:28-30)
Pahintulutan nyo akong i- paraphrase ko ang textong ito: Sinumang
gustong magtayo ng isang malaking tore na kung tawagiy pagaasawa, ay dapat na mag-tantiya kung makaka-tagal siya hanggang
wakas. Huwag nawa sanang ang taong iyon (que nobyo o nobya), na
atat na atat nang magpa-kasal, pagkaraan ng ilang taon ay layasan
ang kanyang asawa, na hahantong sa paghi-hiwalay. Ang taong itoy
magiging katawa-tawa at magiging tampulan ng panunuya gaya ng,
Atat na atat yan noon. Pero tingnan nyo ngayon, iniwan niya ang
kanyang asawat mga anak!
Sa loob ng pag-gabay ng Diyos, ang pag-aasawa ay isa sa mga
dakilang pagpapala, lalu na kapag naunawaan mong ang pagpapala
ng Diyos ay nagpapa-yaman at hindi naghahatid ng kalungkutan sa
ating mga buhay. Sa ibang salita, iingatan kayo ng Diyos na hindi
magka-hiwalay.

The Family: YOUTH

B. MGA ANAK (Awit 127:3-5)


Anong saysay ng pagtatayo ng bahay kung wala namang pamilyang
titira don kapag wala ka na? Sa kabila ng kanyang pagsu-sumikap,
hindi man lang nakapag-tatag si Napoleon ng isang dynasty. Libulibong maya-yaman ang halos ibigay kahit kalahati ng kanilang ipon,
makarinig lamang ng iyak ng isang bagong silang na sanggol sa
kanilang pamilya.
Ang mga anak ang manang ibinigay ng Diyos sa atin. Kapag ang isang
tao ay namatay na walang anak, ang tahanan niya ay hindi pa rin
naita-tayo.
Masaya ang isang kawal na makitang lumilipad ang kanyang mga
palaso patungo sa mga lugar na hindi niya marating. Ang mabubuting
mga anak ay gaya ng mga palasong patungo sa mga tudlain na
itinurong puntahan sa kanila ng kanilang mga magulang. Kamanghamanghang mga bagay ang makakamtan ng magulang, kapag meron
siyang magiliwing mga anak na tumutupad sa kanyang mga kahilingan
at nakikinig sa kanyang mga pangaral!

C. PINAGPALANG PAMILYA (Awit 128:3)


Ang iyong asaway parang ubas na mabunga sa loob ng inyong bahay
at ang mga anak mo ay gaya ng mga tanim na olibo sa paligid ng
iyong mesa. Ang ubas ay anyo ng kaligayahan at pagiging mabunga.
Ito ang dalawang abilidad na ibinigay ng Panginoon sa mga asawang
babae. Ang mga anak ay tulad ng mga tanim na olibo. Nire- representa
ng halamang ito ang anointing ng Diyos, na siyang nagpapalakas sa
mga pamilya para mapag-tagumpayan ang lahat. Ang kahulugan ng
pag-aanoint ng langis ay yung ipagla-laban tayo ng Diyos.

D. PAGMAMAHALANG MAG-ASAWA (Efeso 5:28)


Ang pamantayang inilagay ng Diyos para sa bawat lalaki ay napakataas: mahalin ninyo ang inyo-inyong mga asawa tulad ng pagmamahal
ni Cristo sa iglesya na kung saan ibinigay niya ang kanyang sarili
bilang hain. Lahat itoy para sa katubusan ng iglesya. Ang
pagmamahalang mag-asawa ay dapat araw-araw na pinaka-kain ng

The Family: YOUTH

mga magagandang salita at pag-uugali. Dapat mong ipag-laban para


ma- protektahan ang mga miyembro ng iyong pamilya laban sa mga
nakaka-sugat ng emotion. Dapat parehong may matibay na
commitment ang mag-asawa na huwag nilang hayaan na mamatay o
ma-burn out ang apoy ng kanilang romantic love.

E. ANG PANGUNGUNA NG BABAE (Tito 2:4)


Binigyang-diin ni Pablo ang paglilingkod sa mga kauri. Sa talatang ito
hinimok niya ang mga kababaihan na ma- develop sa ministry at
magsanay upang maakay naman nila ang iba pang mga kababaihan.
Ang pinaka-mabisang paraan para gawin ito ay sa mga grupong puro
babae lamang na kung saan ang mga issue na tina-talakay ay
dinisenyo lamang para sa grupong iyon. Ang dalawang saligang issue
para sa mga grupo ng kababaihan ay yung pagmamahal sa kanilang
mga asawa at pagmamahal sa kanilang mga anak.

III. PAG-AKO NG RESPONSIBILIDAD


A. TAMANG PAGDI-DISIPLINA (Kawikaan 13:24, 22:15)
May tatlong hakbang sa paggamit ng tamang disiplina sa pamilya:
1. To edify (mapa-tatag)
Kung papanong naglalagay tayo ng mga limitasyon para sa wastong
pagpapalago ng isang puno para hindi ito maging pilipit, ganon din
ang dapat na gawin ng isang ama sa kanyang mga anak. Pinahahalagahan niyang ang kanyang mga anak ay mai-ayos na mula pa sa
pagka-bata at nagla-lagay rin siya ng mga limitasyon, para makatulong
sa kanilang paglago. Totoo ito sa anumang uri ng disiplina.
2. To encourage
Dapat naka-focus ang disiplina sa pag-eencourage sa mga bata na
maging mas mabuti sa araw-araw. A negatibong asal o pag-gamit ng
mga negatibong salita ay makasi-sira ng emotion at papatayin nito
ang kanilang pagpa-pumilit na magbago. Napaka-halaga sa mga
magulang na encourage-jin at i-bless ang kanilang mga anak araw-

The Family: YOUTH

araw. Ang bawat salitang bini-bigkas sa kanila ay kasing bisa gaya ng


isang prophecy.
3. To comfort
Kailangan malaman ng mga bata na hindi sila nagso-solo sa kanilang
mga struggles at sa halip ay makaka-hingi sila ng tulong at suporta
mula sa kanilang mga magulang, na kanilang matatakbuhan sa
anumang sitwasiyon sa buhay at makakasumpong ng tanggulan. Ang
halaga ng ating mga anak ay hindi naka-salalay sa kung ano ang
kanilang ginagawa kundi don sa kung sino sila.

B. ANG KAHALAGAHAN NG MAAYOS NA PAGTA-TAGUBILIN


(Kawikaan 22:15)
Sa pang-kalahatan, may tendency na ini-isip ng mga bata na sila ang
mas nakaka-alam. Kaya tungkulin ng mga magulang na gabayan sila
sa landas ng katotohanan, na may pagmamahal at sa pamamagitan
ng kanilang mga halimbawa. Maraming alok na alternatibo ang
sanlibutan ngunit isa lamang ang daan patungo sa Ama; si Jesus yon.
Kung matutulungan natin silang magkaroon ng isang intimate
relationship sa Diyos, bilang mga magulang, naisa-gawa natin ang
isang malaking bahagi ng ating tungkulin. Mag-bigay rin tayo ng
panahon sa kanila habang silay lumalaki. Ang mga magulang ang
dapat na gumawa ng tulay ng communication para mapag-yaman ang
kanilang relasyon sa kanilang mga anak.

C. PAGPO-PROVIDE SA IYONG PAMILYA (1 Timoteo 5:8)


Paikot-ikot lamang ang takbo ng buhay ng tao. Sa unang ikot, ang
mga magulang ang naghahanap-buhay at nagpo-provide sa mga
pangangailangan sa tahanan. Sa ikalawang ikot, ang mga bata naman
ang may lakas na mag-provide para sa kanilang mga pamilya. Ito ang
panahon doon sa ikot na dapat nilang i- honor ang kanilang mga
magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang mga
pangangailangan, para hindi mai-turing ng Diyos na Masahol pa sa
mga walang pananampalataya. Sinumang buma-balikat sa tungkulin
ng pagpo-provide sa kanilang tahanan ay dapat gawin ito na may
pananalig at bukas na puso. Sa paggawa nito, ang likas na pagpapala

The Family: YOUTH

sa relasyon ay hindi mawawala sa pamamagitan ng anumang


negatibong comments.

D. MORAL VALUES (Colosas 3:21; Efeso 6:4)


Dapat balanse tayo sa pagdi-disiplina sa ating mga anak. Hindi ito
dapat sobrang higpit o sobrang luwag. Ang mga extreme na ito ay
mapanganib dahil itoy makakasira o makaka-spoil sa mga bata tulad
ng kaso ng mga anak ni Eli. Hindi niya sila dinisiplina at ito ang naging
sanhi ng maaga nilang kamatayan. (1 Samuel 3:11-14)

E. ANG HUWARANG MAYBAHAY (Kawikaan 31:10)


Binubuo ng huwarang maybahay ang kanyang bahay. Siya ang sentro
ng tahanan. May kakayanan siyang tuklasin ang mga talento at kaloob
sa kanyang mga anak, i-discern ang maayos na business decisions
para sa kanyang asawa, alam kung paanong palalakihin ang kanyang
mga anak at may kakayanang magdala ng kasaganaan sa kanyang
tahanan.

F. ANG HUWARANG PAG-AASAWA (Marcos 10:6-9)


Masasabi nating ang divorce rate sa Cristianismo ay kaunti lamang,
salamat sa mga covenant vows na iyon na binigkas ng lalaki at ng
babae nang pag-isahin nila ang kanilang buhay sa kasal sa harapan
ng Diyos. Dahil ang Panginoon ay isang Diyos ng tipanan, masidhi
niyang nababatid ang buhay ng mga nag-iisang dibdib sa ilalim ng
kanyang pagpapala. Binabantayan niya yung mga tunay na
tumutupad sa kanyang mga utos.
Maraming dahilan sa paghi-hiwalay: pagtataksil, kulang sa
pagmamahal o communication, paghi-hinala, atbp. Subalit yung mga
may blessing ng Diyos ay may lakas na mapagtagumpayan ang
anumang balakid.

The Family: YOUTH

G. GODS UNCONDITIONAL LOVE (Awit 27:10)


Sa pangkalahatan, ang mga tao ay maraming spiritual na
kahungkagan na kalimitay nag-ugat pa mula noong pagka-bata at itoy
nangyari dahil sa iba-ibang dahilan o pangyayari: Sa ilan, ang
kapabayaan ng mga magulang, dahil sa pag-abandona, ay isang
malaking factor. Sa iba naman, ang pagwawalang-bahala at stress sa
pagma-magulang ang nagiging dahilan. Kahit na ang mga magulang
ay nakakalimot sa kanilang mga pangunahing tungkulin na
protektahan ang kanilang mga anak, ang Diyos ay hindi. Dumarating
siya at gina-gampanan ang tungkulin na binitiwan ng mga magulang.
Dahil doon, ang Diyos ay palaging bukas-palad na naghi-hintay para
aliwin ang bawat anak niya.
CONCLUSION
Ang umpisa ng pamilya ay nanggaling pa sa simula ng sangkatauhan
at itoy bahagi ng plano ng Diyos sa sangkatauhan. Kung kayat ang
plano ng Diyos ay ibalik-muli ang pamilya na may layuning itayongmuli ang sinubukang sirain ng kaaway.
STUDENTS ASSIGNMENT
Gagawa ng report ang mga estudyante tungkol sa kani-kanilang mga
pamilya, tantiyahin ang kasalukuyang kondisyon at kung ano mang
posibleng maging mangyari.
APPLICATION
Sa loob ng linggong ito, maglaan ng oras para pasalamatan ang Diyos
sa pamilyang ibinigay niya sa iyo. Mag-isip ng paraan para mai-pakita
mo ang iyong pagmamahal sa bawat isang miyembro ng pamilya na
nakatira sa tahanan. Gumawa ng listahan ng katangian ng bawat isa
sa kanila at pasalamatan ang Diyos sa kanilang mga buhay.

The Family: YOUTH

10

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY


1. Ano ang main purpose ng pamilya?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
2. Nang itatag ng Diyos ang pundasyon ng pag-aasawa, ano ang
tatlong hakbang na ibinigay ng Diyos sa atin upang isagawa?
a. ___________________________________________
b. ___________________________________________
c. ___________________________________________
Paano itinatag ng Diyos ang kauna-unahang mag-asawa ayon sa
Genesis 2:18?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
3. Ano ang mga pagpapalang ibinigay ng Diyos sa kanila nang silay
kanyang pinag-isa?
a. _________________________________________________
_____________________________________
b. _________________________________________________
_____________________________________
c. _________________________________________________
_____________________________________
4. Ano ang mga gabay na ibinigay ng Diyos sa kauna-unahang magasawa ayon sa Genesis 2:15-25?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
5. Bakit mahalaga ang marital stability sa pag-aasawa?

11

The Family: YOUTH

_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
6. Ipaliwanag kung ano ang anak at bakit napaka-halaga nito sa
pamilya.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
7. Ano ang pagpapala ng Diyos sa pamilya?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
8. Anong sinasabi ng Efeso 5:28 sa atin tungkol sa pagmamahalang
mag-asawa?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
9. Ipaliwanag ang Tito 2:4 na tumutukoy sa isang babae.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
10. Ang mga tungkulin sa pag-aasawa ay:
a. ___________________________________________
b. ___________________________________________
c. ___________________________________________
d. ___________________________________________
e. ___________________________________________
f.

___________________________________________

g. ___________________________________________

The Family: YOUTH

12

MGA MIYEMBRO NG PAMILYA


AT MGA TUNGKULIN NILA

LESSON
BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE
Efeso 6:1-3
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
Lucas 15:20

Galacia 6:7-9

Genesis 17:5-6

Kawikaan 31:10-31

Genesis 27:27

Tito 2:7

1 Hari 9:4-5

Esther 2:11

Kawikaan 1:8

Kawikaan 23:22

Kawikaan 20:20
KEY VERSE
Mga anak, sundin ninyo ang inyong magulang, alang-alang sa
Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. Igalang mo ang iyong ama at
ina. Ito ang unang utos na may kalakip na pangako; ganito ang
pangako: ikaw ay giginhawa at lalawig ang iyong buhay rito sa lupa.
Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo
ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; sa halip,
palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon. (Efeso 6:1-4)
DEVELOPMENT OF THE STUDY

I. ANG AMA
Ang puso ng Diyos ay kagaya ng sa isang ama. Ang kanyang
kalikasan mismo ang nagsasabi na siya ay una at pangunahing ama.
Sa puso ng ating Ama ay may pag-ibig, katamisan, pang-unawa,
habag at provision. Wala nang may mas dakilang pagmamahal pa
tulad ng sa Ama. Mahal na mahal niya ang sanlibutan kung kayat
ibinigay niya ang kanyang Anak, si Jesu Cristo, para tayo tubusin.

13

The Family: YOUTH

Kung ang the best nga ang ibini-bigay ng isang tatay dito sa lupa para
sa kanyang mga anak, gaano pa kaya ang gagawin ng ating Amang
nasa langit sa bawat isa sa atin? Sa Sermon sa Bundok, naglagay si
Jesus ng isang mataas na pamantayan sa bawat disciple niya: Kaya,
dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit
(Mateo 5:48). Tayoy magiging bantog na mga leaders kapag naging
mahusay na mga ama muna tayo.
Sinabi ni Pablo, Dahil dito, akoy naninikluhod sa Ama, na siyang
pinagtu-tularan ng pagka-ama sa bawat sambahayan sa langit at sa
lupa (Efeso 3:14-15).
Ang Diyos ang matibay na pundasyon ng pamilya. Nagmula ang
salitang pamilya sa ugat na salitang paternidad. Gusto ng Diyos na
ibalik muli ang tunay na paternidad sa pamilya sa pamamagitan ng
pagkuhang-muli ng mga kalalakihan sa kanilang authority bilang mga
ama, na gumagawa ng relasyon sa kanilang mga anak na nagpapatatag sa kahihinatnan ng kanilang mga pamilya.
Ang isang ama na gina-gabayan ng Diyos ay nagpapakita ng mga
katangiang kakaiba doon sa mga natututunan sa sanlibutan.

A. ANG ISANG MAHABAGING AMA (Lucas 15:20)


Nakaka-tuwang makita kung papanong ipinahayag ni Jesus ang puso
ng Ama sa atin sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga talinghaga.
Halimbawa, sa talinghaga ng alibughang anak, sabik na sabik na ang
amang naghi-hintay para patawarin ang kanyang anak kapag siyay
umuwi, kahit na siyay nag-rebelde. Lagi niyang hinihintay ang
kanyang pagbabalik at nang makita niya siyang dumarating mula sa
malayo, patakbo niya siyang sinalubong at niyakap ang kanyang anak
na may kasama pang pagpapala. Iyan ang isa sa mga una kong
karanasan bilang isang bagong Cristiano. Naramdaman kong ang mga
kamay ng aking Ama ay naka-bukas at ina-abot ako, na kung saan
maari akong kumanlong. Hindi na ako nag-alinlangang ilagay ang sarili
ko doon mismo. Nagdala ito ng seguridad at katatagang emosyon sa
aking buhay kung kayat ayoko nang matapos ang sandaling iyon.
Sinumang nagna-nais na magmahal sa iba ay dapat na maka-tanggap
muna ng pagmamahal ng Ama.

The Family: YOUTH

14

B. AMA NG MARAMING BANSA (Genesis 17:5-6)


Ang ibig sabihin ng Abram ay itinaas na ama, ngunit ang bago niyang
pangalang Abraham ay nanganga-hulugang ama ng maraming
bansa. Natutuwa ang Diyos sa pananalig ng dakilang lalaking ito at
nakaba-batid na palalakihin niya ang kanyang mga anak na may
pagkatakot sa Diyos. Nalugod ang Diyos na paramihin ang kanyang
mga inapo sa loob ng libu-libong salin-lahi.

C. AMANG NAGPAPALA SA MGA ANAK (Genesis 27:27-29)


Ang pagpapala ang landas na iniha-handa ng ama sa kanyang mga
anak. Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang mga labi ang
nagpapa-sigla sa spiritual realm kung kayat kumikilos ang mga bagay
para matupad ang mga salitang kanyang sinabi sa kanyang mga anak.
Mahigpit kong iminu-mungkahi na araw-araw bigkasin ng mga ama
ang pagpapala sa kanilang mga anak. Dapat nilang ipanalangin ang
pag-iingat ng Diyos sa kanila, spiritual na kapayapaan, financial
provision, maayos na ugnayan sa pamilya at ang anointing na
dumami.

D. ANG HUWARANG AMA (1 Hari 9:4-5)


Kilala si David bilang isang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos.
Isa sa pinaka-magandang pagla-larawan sa kanyang buhay ay
matatagpuan sa Awit 15.
Vs.1

Siyay nag-talaga sa Bahay ng Diyos

Vs.2

Namuhay na walang kapintasan

Vs.3

Wala siyang siniraan o kayay tinanggap na tsismis tungkol sa


iba

Vs.4

Tinutupad niya ang kanyang sinabi at hindi niya ito binabawi

Vs.5

Tagusan (transparent) siya kung pera ang pag-uusapan

E. ANG HUMALILING AMA (Esther 2:11)

15

The Family: YOUTH

Nang ma-ulila si Esther, si Mardoqueo, na kanyang tiyuhin, ang


gumanap na kanyang ama. Inalagaan niya siya at sinanay bilang sarili
niyang anak. Kahit na napaka-tindi ng kahungkagang emosyon sa
buhay ni Esther, napunan naman ito ni Mardoqueo sa isang paraan na
sa bandang huliy lumaki siyang isang babaeng may karapatan at may
alam kung papanong magtiwala sa Diyos. Lumago siya sa pananalig
at nang malaon ay nakuha niya ang suporta ng kanyang mga
kababayan. Kayang gamitin ng Diyos ang lahat ng ito upang siyay
maging reyna sa gitna ng isang paganong bansa. Nang malaon naging
kagamit-gamit ito para mailigtas ang buhay ng lahat ng mga Judiong
naninirahan sa bansang iyon.

II.

ANG INA

Biniyayaan ako ng Diyos sa pagkakaroon ng the best na ina sa buong


mundo. Kahit na meron siyang labindalawang anak, maingat niyang
nasu-subaybayan ang bawat isa sa kanila. Nang mamatay ang aking
ama 38 taon na ang nakakaraan, nag-aalala ang mga tao kung
papano niya bubuhayin at pag-aaralin ang kanyang mga anak.
Malaoy mararanasan niya ang katotohan ng Salita ng Diyos na
nagsasabing ang Diyos ay, Tumitingin sa mga ulilat sanggalang ng
mga balo (Awit 68:5). Paano ito nagawa ng aking ina, hindi ko alam,
pero alam ito ng Diyos. Anumang hipuin ni nanay ay dumadami at
palagi nang may kasaganaan. Ito ang nagpapatunay na hindi
ipinagkait ng Diyos ang kanyang provision sa amin. Ang masasabi koy
ang aking ina ay isang babaeng namuhay para lamang sa kanyang
mga anak.
Tuwang-tuwa ako nang sa edad na 81, pinasimulan niya ang kaunaunahan niyang home cell group meeting na may 16 na taong dumalo.
Bawat isa roon ay kasing-babata rin niya! Ang makita siyang aktibong
nagi- involved sa ministry ang nagdala ng malaking kaluguran sa akin.
Hindi ko siya nakitang ganito kasaya gaya nitong naglilingkod siya sa
Diyos. Meron akong mga alaala ng pag-ibig, pagmamahal, pagtanggi
sa sarili, pasensiya, pagtatalaga, at higit sa lahat, ng isang babaeng
laging nagtitiwala sa Diyos.

The Family: YOUTH

16

A. HUWARANG MAYBAHAY (Kawikaan 31:10-31)


Ipinakita sa atin ng sumulat ng Mga Kawikaan ang lahat ng
kapakinabangang kasama ng isang huwarang maybahay.
Vs.10 Siyay kaloob ng Diyos sa kanyang asawa. Ang halaga niyay
higit pa sa mamahaling alahas.
Vs.11 Tiwala ang asawa niya sa kanya at meron siyang anointing na
mapalapit ang kasaganaan.
Vs.12 Siyay palaging blessing sa kanyang asawa.
Vs.13 Siyay masipag.
Vs.14 Siyay resourceful.
Vs.15 Ina-ayos niya ang kapakanan ng pamilya.
Vs.16 Ihihahanda niya ang mga ipamamana sa mga anak.
Vs.17 Siyay matatag at buo ang loob.
Vs.18 Nag-iingat siyang hindi malugi at meron siyang sensitibong
espiritu sa mga kapahayagan ng Diyos sa mga panaginip.
Vs.19 Alam niyang gawin ang kanyang trabaho.
Vs.20 Siyay matulungin.
Vs.21 Binabantayan niya ang kanyang sambahayan.
Vs.22 Siyay elegante.
Vs.23 Ini-encourage niya ang kanyang asawa na nasa ministry.
Vs.24 Siyay nagne-negosyo.
Vs.25 Naghahanda siya para sa kinabukasan.
Vs.26 Matalino ang kanyang pananalita at ang turo niya ay
katapatan.
Vs.27 Hindi siya pabigat sa iba.
Vs.28 Iginagalang siya at hinahangaan ng kanyang pamilya.
Vs.29 Kakaiba siya at walang katulad.
Vs.30 Hindi siya nadadaya ng panlabas na ganda at sa halip ay kay
Yahweh lamang siya nagtitiwala.

17

The Family: YOUTH

Vs.31 Siyay babaeng gumagawa, hindi lamang puro salita.

III. ANONG INIHA-HASIK MO SA IYONG PAMILYA?


(Galacia 6:7-9)
Ang tahanan ay gaya ng isang matabang lupa na kung saan ang mga
salitang binigkas sa mga nagdaang panahon ay tumubo na, at daladala na nito sa ngayon ang lahat ng mga mabubuting bunga o pinsala.
Anuman ang ating itanim sa ngayon ay tiyak na mamumunga pag
dating ng bukas.

A. HIMUKIN MO SILANG MAGING POSITIBONG INDIVIDUAL


Positibo ang salitang aking pinili kung ilalarawan ko ang isang buhay
na may pananalig na hindi basta-basta natitinag ng kahit na ano pa
mang pangyayari. Para sa akin ang positibong tao ay yung natutong
bumigkas ng Salita ng Diyos lamang. Ang kabaliktaran ng positibo ay
negatibo.
Mga magulang, pina-paalaIahanan ko kayong turuan ninyo ang inyong
mga anak ng maging positive. Kausapin nyo sila at ituro sa kanila ang
mensahe ng katotohanan para matutunan nilang tingnan ang lahat ng
bagay na may mata ng pananalig.

B. TURUAN NYO SILA NG INTEGRIDAD (PAGIGING TAPAT)


Ang mga anak ay hinuhubog na at tinuturuan mula pa pagka-bata.
Nang isulat ni Pablo ang Tito 2:7, pinagtibay niyang, Sa lahat ng
paraan, magpakita ka ng magandang halimbawa. Maging tapat ka sa
iyong pagtu-turo at huwag itong aariing biro... Halimbawa, turuan nyo
silang magsa-alangalang ng damdamin ng iba; hindi nila dapat
paglaruan ang damdamin ng iba. Turuan nyo sila na ang pagkakanulo
sa kaibigan ay pagpapakita rin ng kawalan ng integridad. Ang
pangunahing halimbawa ay nagmumula mismo sa pamilya dahil dapat
kayong maging halimbawa sa inyong mga anak.

The Family: YOUTH

18

C. TULUNGAN SILA SA LARANGANG ESPIRITUAL


Kung papano natin pinakakain ang ating mga physical na katawan,
dapat mapalusog din natin ang ating mga espiritu. Nagmumula ang
kalusugan ng espiritu sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at patu-patuloy
nating pananalangin. Bawat anak kong babae ay napagyaman ang
habit ng pagkakaroon ng sandali ng intimacy sa Diyos araw-araw.
Ijino- journal din nila ang lahat ng mga katuruang natanggap nila mula
sa Salita ng Diyos. Ang commitment nila sa Panginoon ay unahin
munang pakainin ang kanilang espiritual na buhay at pagkatapos non
ay pakainin naman ang kanilang physical na katawan. Minu-mungkahi
kong i- meet ninyo ang inyong pamilya araw-araw, nang hindi bababa
sa 15 minuto, at mag- share kayo sa kanila mula sa Bible. Ang
gawaing ito ay maghahatid ng matibay na pagkakaisa sa pamilya.

D. HIMUKIN SILANG MAGKAROON NG NANGINGIBABAW NA


ESPIRITU

Ang krisis na guma-gambala sa ating lupunan sa ngayon ang dahilan


kung bakit tayo labis na apektuhan ng mga impormasyon na nakapanliliit sa espiritu ng tao. Ang pangingibabaw ay napalitan na ng espiritu
ng pagsang-ayon at pananatili. Hindi natin ito gusto para sa ating mga
anak, kayat himukin natin silang impluwensiyahan nila ang larangang
iyon ng lipunan, na kung saan sila ay kabilang, ng halimbawa ng
kanilang pamumuhay Cristiano. Ang mundong ito ay nasa isang
matinding paghahanap ng matatag na pamilya, hindi ng isa na
namang electrical appliance o mas mabilis na sasakyan. Alam nating
masusumpungan lamang ng mga tao ang kanilang pangangailangan
sa pamamagitan ni Jesu Cristo. Kaya encourage-jin natin ang ating
mga anak na maging mga ambassadors ni Cristo sa kanilang trabaho
o sa paaralan man.

E. TULUNGAN SILANG MAGKAROON NG BALANSENG SELFIMAGE

Dapat tulungan ng mga magulang ang bawat anak nila ng


pagpapahalaga sa sarili, matanggap nila ang kanilang mga struggles
nang hindi pinagsasabay-sabay:

19

The Family: YOUTH

Bumigkas ng mga words of blessing sa kanila araw-araw

I-honor nyo ang mga natapos nila

Huwag nyo silang hihiyain kapag pumalpak ang inyong pin-lano

Tulungan nyo silang makita nila na ang kagipitan ay maliliit na


hakbang para sila mapa-buti

Tulungan nyo silang makita nila na silay special treasures ng


Diyos

Tulungan nyo ang bawat anak nyong magkaroon ng tamang selfimage

F. TULUNGAN NYO SILANG SUMUNOD SA ALITUNTUNIN


Tulungan nyo silang magkaroon ng disiplina at panatilihin ang mga
alituntunin. Turuan nyo silang gumawa ng schedule sa lahat ng bagay
kasama na ang kanilang mga personal na buhay, kanilang pag-aaral,
personal commitments (na kailangan nilang isagawa), pagtupad sa
kanilang ministry, at isa para sa kanilang pang-araw-araw na relasyon
sa Diyos.

G. TURUAN SILA KUNG PAPANONG MAKI-SAMA SA IBA


Napapansin nyo bang maraming young people ang hindi nambabati
sa iba? Turuan nyo silang maging mabait sa ibang tao, kanilang mga
kaibigan, pinsan at sinumang makahalubilo nila. Turuan nyo silang
magsalita at i- express ng maayos ang kanilang sarili, at huwag
gagamit ng salitang kanto. Turuan nyo rin silang manamit ng maayos.
At para naman dumami ang kanilang mga nalalaman, turuan nyo
silang maging pala-basa, lalu na yung mga librong tumatalakay sa
pananampalataya at pagiging matagumpay.

IV.

RESPONSIBILIDAD NA DAPAT IBAHAGI NG MGA


MAGULANG

COMMUNICATION SA INYONG MGA ANAK

The Family: YOUTH

20

Isang problema ng lipunan na ating kinakaharap sa ngayon ay ang


pagdadala ng teknolohiya ng mga hi-tech na kaibigan sa ating mga
tahanan, na nag-aagwat sa mga miyembro ng pamilya.
Nangangahulugan ito na dapat pagsumikapan ng mga magulang at
mga anak na buo-ing muli ang mga tulay ng communication, na
magiging sanhi ng paglalapit, habang isinasa-isang tabi nila ang mga
bagay na nagsisilbing harang sa mas maayos na communication.

Maglaan ng oras bawat araw.

Makipag-usap sa kanila.

Lumikha ng maayos na atmosphere para sa communication.

Magkaroon ng recreational activities na kasama ang lahat ng anak


at isaalang-alang ang pagkaka-iba ng edad ng bawat isa.

Isama sila sa mahahalagang decisiong pam-pamilya.

Tratuhin sila gaya ng pag-trato mo sa iyong mga kaibigan.

Ipadama mo sa kanilang sila ang pinaka-mahalagang tao sa


buhay mo.

V.

TUNGKULIN NG MGA ANAK

Ang tagumpay ng isang tao ay naka-depende sa kung papano niya


tina- trato ang sarili niyang mga magulang; kung silay kaniyang
hahamakin, sasaktan o susumpain, iikli ang kanyang buhay. Kung sila
naman kanyang ibi- bless at igagalang, lalawig pa ang kanyang
buhay.

A. IGALANG ANG IYONG MGA MAGULANG (Efeso 6:1-3)


Ang pag-galang sa mga magulang ay isang utos ng Diyos na
nagdadala ng dobleng pangako:
a. Ikaw ay giginhawa.
b. Lalawig pa ang iyong buhay rito sa lupa.

Maging masunurin sa kanila (Efeso 6:1)

21

The Family: YOUTH

Makinig sa kanilang mga aral at turo (Kawikaan 1:8)

Paligayahin sila (Kawikaan 10:1)

Pangalagaan sila sa kanilang katandaan (Kawikaan 23:22)

I-deklara sa kanila sa anyo ng pagpapala, na ang kanilang pangunawa ay maging malinaw at magliwanag ang kanilang buhay.
(Kawikaan 20:20)

CONCLUSION
Dapat nating maunawaan na ang layunin ng Diyos ay magtatag ng
mga priestly families at ang bawat miyembro ng pamilya ay pamalagiin
ang presensiya ng Diyos sa kanilang mga tahanan para mapanatili ng
kanyang Espiritu ang maayos na ugnayan sa pamilya.
STUDENTS ASSIGNMENT
Gumawa ng table o chart na tumutukoy sa mga tungkullin ng bawat
miyembro ng pamilya na may layuning matukoy ang mga maling paguugali at mai-panalanging baguhin ng Diyos ang inyong pamilya.
Mahalaga ang proyektong ito para madaling matukoy ng teacher ang
tiyak na mga problema sa pamilya ng kanyang mga estudyante.
APPLICATION
Sa loob ng linggong ito ay ipa-panalangin ninyo ang bawat miyembro
ng inyong pamilya at ibi-bless nyo sila, gamitin ang inyong authority
para mai-sakatuparan ng bawat isa ang wasto nilang tungkulin sa
pamilya.

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY


1. Ano dapat ang puso ng isang ama?

The Family: YOUTH

22

_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
2. Punan ang sumusunod na chart: Mga Katangian ng Isang Ama Bible Reference - Kapaliwanagan
a. _________________________________________________
_____________________________________
b. _________________________________________________
_____________________________________
c. _________________________________________________
_____________________________________
d. _________________________________________________
_____________________________________
e. _________________________________________________
_____________________________________
3. Ano naman ang dapat na maging puso ng isang ina?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
4. Ano ang mga katangian ng isang huwarang maybahay ayon sa
Kawikaan 31?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
5. Ano ang binhing kailangan kong ihasik sa aking pamilya?
a. _________________________________________________
_____________________________________
b. _________________________________________________
_____________________________________
c. _________________________________________________
_____________________________________

23

The Family: YOUTH

d. _________________________________________________
_____________________________________
e. _________________________________________________
_____________________________________
f.

_________________________________________________
_____________________________________

g. _________________________________________________
_____________________________________
6. Anong mga responsibilidad ang dapat na pagtulungan ng mga
magulang?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
7. Paano igagalang ng mga anak ang kanilang mga
magulang?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
8. Pagbulay-bulayan:
a. Bago mo makilala si Jesus, kamusta ang iyong relasyon sa
iyong ama, ina at mga kapatid? Paano ito nabago?
b. Kung hindi ayos ang iyong relasyon sa isa sa mga miyembro
ng iyong pamilya, hilingin mo sa Diyos na bigyan ka niya ng
damdamin ng pagpapatawad sa iyong puso para naman
mapanumbalik mong muli ang maganda nyong relasyon.

The Family: YOUTH

24

PAGPAPAHALAGA SA SARILI

LESSON
BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE
Isaias 53:4-5
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
1 Corinto 2:9
Galacia 3:13
Mateo 23:9
Mateo 11:28
Panaghoy 5:7
Lucas 15:17 -19

1 Samuel 15:17, 24
Juan 10:10
Juan 14:6
Joel 2:25
Isaias 54:4-17
Exodo 20:5

2 Samuel 9:6-8

1 Juan 4:18

2 Samuel 4:4

2 Corinto 2:14

Lucas 15:20-25
KEY VERSE
Yaong mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo
nilang sugat, agad-agad tatapalan. (Awit 147:3)

25

The Family: YOUTH

LAYUNIN
Gumawa ang Panginoon ng malaking pagha-halili sa krus ng
Kalbaryo: Kinuha niya ang lahat ng ating kasamaan at ibinigay sa atin
ang lahat ng kanyang kabutihan. Anong mai-isip mo kapag may nakita
kang isang tao na nagdala ng isang luma at sira-sirang kotse sa kasa,
at humihiling na palitan iyon; tapos ang sagot naman ng manager ay,
Walang problema, basta ibigay mo lang sa kin yang lumang kotse
mo at bibigyan kita ng isang brand new. Sabihin nating ikaw ang
taong yon at binigyan ka niya ng isang bagong Mercedes Benz at
sinabi niyang wala ka ng dapat pagbayaran, basta pumirma ka lang sa
papeles para maging iyo na ang kotse! Sa ganong paraan din, yon
ang ginawa ni Jesus sa krus. Kinuha niya ang buhay nating
makasalanan, na lubusang sinira na ng kasamaan, at kahit na anong
gamot ang ating inumin, walang maka-lunas ng ating mga
karamdamang emotional, spiritual at physical (Isaias 1:6). Alam nating
kailangan natin ng lubusang transformation.
Iyan yung tayoy nag- decision na lumapit kay Jesus at nagsabing,
Panginoon, narito ang buhay ko, gusto ko na itong pa-palitan. Ang
tugon naman ni Jesus ay, Walang problema, dalhin mo ang iyong
buhay kasama ang mga mabubuti at masasama, at ayusin mo iyan sa
krus.
Kung nauunawaan mo ang kapangyarihan ng krus, hindi na magiging
ganyan ang buhay mo. Tinubos tayo ni Jesus sa sumpa, lubusan itong
winasak (ang sumpa) sa krus ng Kalbaryo.
Sa Deuteronomio 28:15-68, makikita mo ang 53 talata na nagsasabi
ng mga bunga ng sumpa na dumadating sa mga hindi sumusunod sa
tinig ng Diyos, mga hindi gumagawa sa kanyang ipinag-uutos. Sa
kabilang banda naman, itinuro ni Pablo na ang ating katubusan ay
ganap na (Galacia 3:13).
DEVELOPMENT OF THE SUBJECT

I.

PAGTA-TAGUMPAY
EMOTIONAL

SA

MGA

PROBLEMANG

The Family: YOUTH

26

Ang nakaka-lungkot, yung mga nagsasabing mahal nila tayo, ay sila


pa ang naka-sugat sa atin ng malalim.
Ang mga anak ang extension ng mga ugali ng kanilang mga
magulang. Na-apektuhan nila ang buhay ng kanilang mga anak sa
isang positibo o negatibong paraan. Ang sabi ni Propeta Jeremias,
Nagkasala ang aming mga magulang. At ngayong wala na sila ay
kami ang nagdurusa (Panaghoy 5:7). Ngunit nagbukas ang Diyos ng
isang bagong daan sa pamamagitan ni Jesu Cristo upang sa
pamamagitan niya ay matanggal ang sumpa at ang pagpapala naman
ay maibalik na muli sa ating mga buhay, pamilya at ministries.

A. PAGPAPAHALAGA SA SARILI (SELF-ESTEEM) (2 Samuel


9:6-8)
Si Mephibosheth ay apo ni Haring Saul. Natural, may mga kasama
itong pribilehiyong para lamang sa high societyng pamilya sa Israel.
Ngunit ang kasawiam-palad ay dumating sa lahat ng miyembro ng
pamilya ng hari. Sa loob lamang ng isang araw, ang kanyang ama at
lolo ay namatay. Nang matanggap ng kanyang yaya ang malagim na
balita, siyay nag- panic at nagmamadaling tumakas, kung kayat
nabitiwan niya ang maliit na si Mephibosheth na nooy li-limang taon
pa lamang, kung kayat siyay nalumpo (2 Samuel 4: 4). Dahil sa mga
kasawiam-palad na kanyang naranasan simula pa pagka-bata,
hinayaan niya ang maraming negatibong kaisipan na pumasok sa
kanyang isip at sirain nito ang kanyang personalidad. Nang alukin siya
nang hari na ibalik-muli sa kanya ang lahat ng pribilehiyo at karapatan
ng isang prinsipe, mahirap niya itong maunawaan. Ipinag-palagay na
niya ang kanyang sarili na isang di-katanggap-tanggap na tao.
Nasanay na siyang tina-tanggihan at nila-layuan ng mga tao. Kung
kayat ginamit niya ang terminong isang hamak (patay na aso sa
NIV) nang tukuyin niya ang kanyang sarili, dahil siya ay isang tamang
halimbawa ng pagka-suklam.
Si David ay isang anyo ni Cristo at si Mephibosheth naman ang
kumakatawan sa taong nagda-dalamhati. Ang mga salita ng hari ay
naglalarawan sa alok na ibinibigay ni Jesus sa bawat isa sa atin.

27

The Family: YOUTH

In- encourage niya siyang huwag matakot. Ipanatag mo ang iyong


loob (2 Samuel 9:7). Hindi lamang minana ni Mephibosheth ang
pagiging matatakutin ng kanyang lolo kundi pati yung kanyang
inferiority complex o panliliit sa sarili (1 Samuel 15:17,24). Ang takot ay
higit pa sa isang damdamin, ito ay isang espiritu ng demonyo na ang
tanging layunin ay pumatay, magnakaw at magwasak (Juan 10:10).
Nasusulat sa kautusan ng Diyos na parurusahan niya ang lahat ng
aayaw sa kanya pati ang kanilang mga anak hanggang sa ika-apat na
salinlahi (Exodo 20:5). Sabi ni Juan, Pinapawi ng pag-ibig ang
anumang pagkatakot (1 Juan 4:18). Kapag kayoy pinalaya ng Anak,
tunay nga kayong malaya (Juan 8:36).
Ini-aalok niya ang kanyang biyaya, Gagawin ko ang lahat ng
magagawa ko para sa iyo... (2 Samuel 9:7). Ang biyaya ang walang
bayad na pabor ng Diyos para sa bawat isa sa atin. Hindi ito
gantimpala sa mabuting ginawa natin. Ito ay nagdadala ng dignidad at
pag-angat sa buhay ng mga tao; hinahatid rin nito ang bawat pamilya
sa buhay at ginagawang ang mga pagpapala ng Diyos ay mahayag sa
bawat isa (Roma 5:8, Juan 3:16). Kung ang Diyos ay panig sa atin,
sino ang laban sa atin? (Roma 8:31)
Ibinabalik niya ang mga materyal na pagpapala: Ibabalik ko sa iyo
ang lahat ng lupain... (2 Samuel 9:7). Sa ibang salita, muling ibabalik
sa iyo ng Diyos ang lahat ng kinuha ng kaaway, dahil sa iyong
pananalig. Sa isang araw lang, ang buhay ng taong itoy nagbago.
Iniwan niya ang buhay na salat at naghihirap tungo sa isang buhay na
masagana. Kapag dumating ang pabor ng Diyos sa ating mga buhay,
ibinabalik niyang muli sa atin at ibinubuhos ang kanyang mayamang
biyaya sa ating mga buhay. Tulad ng propesiya ni Joel 2:25-26,
Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang kayo ay pinsalain ng
katakut-takot na balang. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa
inyo. Magkakaroon kayo ngayon ng saganang pagkain at kayoy
mabubusog. Pupurihin ninyo si Yahweh na inyong Diyos na gumawa
ng mga kahanga-hangang bagay para sa inyo. Hindi na muli pang
kukutyain ang aking bayan.
Sabi ni Pablo, Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, hindi
pa rin sumasagi sa isip ng tao, ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig
sa kanya. (1 Corinto 2:9)

The Family: YOUTH

28

Laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo (2 Samuel 9:7).


Iyung wala kang dapat na ikahiya at yung maari kang magsabi ng
anumang gusto mo sa Diyos ang isa sa pinaka-matinding pribilehiyo
na maaring makamtan ng bawat isa. Ito ang ginawa ng Diyos na
makukuha ng sinumang maniwala. Ang lahat ng mga inimbitahang
kumain sa hapag ng hari ay uupong kasama niya bawat umaga para
makita ng hari ang kanilang mga mukha. Kung merong hindi
nakarating, iyon ay dahil sa karamdaman o may nangyaring trahedya.
Ano ba ang hapag? Ito yung pumapasok tayo sa intimacy ng
pananalangin sa kanya. Sa kanyang hapag naririnig natin ang tinig ng
Diyos na nangungusap, puno ng mga pangako na kayang kaya nating
maabot, atin na ang mga ito ngayon at tinatanggap natin sila sa
pagsasabi ng amen. Sabi ni Pablo, Ngunit salamat sa Diyos at lagi
niya tayong isinasama sa parada ng tagumpay ni Cristo (2 Corinto
2:14).

B. ANG ANAK AY PALAGI RING UUWI SA AMA


(Lucas 15:17-19)
Sa kwentong ito, inilalarawan ng anak kung gaano kalayo ang ating
mga buhay sa Diyos Ama. Patuloy nating ina-aksaya ang ating mga
pagpapalang spiritual sa bawat araw kapag tayoy nanatiling hiwalay
sa kanya, at ang ating kalagayan ay palala ng palala. Ang mga
hakbang na kinahantungan ng anak sa kanyang paglalayas ay
nagpapakitang-halimbawa kung gaano natin kailangang mapag-isipisip na manumbalik na muli sa espiritual:
Napagtanto niya: Tumigil siya sa kanyang paglayo at kinilala ang
kalokohang kanyang ginagawa.
Nagpasya siya: Meron siyang lakas ng loob na humingi ng isa pang
pagkakataon.
Nagsisi siya: Hindi man lang niya inasam yung pribilehiyong datiy
meron siya kundi yung tanggapin lamang siya, kahit na bilang isang
katulong.

C. TINANGGAP MULI NG AMA ANG ANAK (Lucas 15:20-24)

29

The Family: YOUTH

Kahit na ano pa ang ating nakaraan, kapag nagpasya tayong bumalik


sa Diyos, patakbo niya tayong sasalubungin na nakabukas ang mga
kamay at ipadadama ang kanyang pagmamahal.
Vs.21 Tinanggap ng ama ang pagsisisi ng anak.
Vs.22 Ibinalik ng ama ang mga karapatan at pribilehiyo ng anak.
Vs.23 Nagsagawa siya ng larawan ng pagtubos. Ang pinatabang
guya ay isang anyo ni Cristo.
Vs.24 Namatay ang anak ngunit muling nabuhay, mula sa pagkapahamak tungo sa pagiging mabunga.

D. ANG PAGPAPANAULING-MULI SA BABAE (Isaias 54:1-17)


Kung papanong ang Diyos ay isang mapagmahal na Ama ay ganon
ding siyay isang maunawaing asawa. Bago magbigay sa babae ng
mga naka-aaliw na pananalita, sa naunang dalawang talata ay nagalok muna siya ng ilang mungkahi:
Vs.1

Sumigaw ka na may kagalakan, dahil magkakaroon ka ng


maraming anak.

Vs.2

Ihanda mo na ang sarili mo dahil ikaw ay lalago ayon sa iyong


pananalig.

Vs.3

Pangako: Lalawak ka ng husto mananakop ng mga bansa.


Ibabalik ng Diyos, bilang isang mapagmahal na Ama, ang mga
nakaraan upang bigyan tayo ng isang mas magandang
kinabukasan.

Vs.4

Kalituhan ang dala ng takot, kahihiyan naman ang sa


karahasan. Pagagalingin ng Diyos ang iyong mga malulungkot
na alaala ng kabataan mo pa.

Vs.5

Pagbabalik-muli ng iyong intimacy sa Diyos.

Vs.6

Kalungkutan ang dala ng nilayasan, hapdi naman ang sa


paghihiwalay.

Vs.7

Ang panahon ng dalamhatiy papalitan ng Diyos ng matinding


habag.

Vs.8

Hindi mo na makikitang galit ang Diyos, sa halip ay isang


Diyos na mapagmahal na tinitiyak ang iyong walang hanggang
hinaharap.

The Family: YOUTH

30

Vs.12 Pupunan niya ang iyong bahay ng mga mahahalagang bagay


at papaligiran niya ito ng pader upang ma-protektahan ang
iyong pamilya.
Vs.13 Tuturuan ng Panginoon ang iyong mga anak at magkakaroon
ng kapayapaan sa inyong tahanan.
Vs.14 Ilalayo ka ng Diyos sa mananakop at sa takot.
Vs.17 Walang sandatang magtatagumpay laban sa iyo.
STUDENTS ASSIGNMENT
Kumuha ng lapis at papel at isulat lahat ng mga sugat na
kinakailangan mong mapag-tagumpayan. Sa pagkilos na may
pananalig, dalhin ang mga ito sa krus, pagkatapos sirain ang papel na
iyon bilang simbulo na ang lahat ng mga bagay na iyon ay nawala na.
APPLICATION
Mula ngayon, alam na ng estudyante kung ano ang gagawin para
mapagaling ang kanyang sugat. Kaya, mula sa mga sandaling ito,
tuwing silay masusugatan, silay magpapatawad na at dadalhin ito sa
krus.

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY


1. Ano ang emotions?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
2. Ano ang dahilan ng ating mga emotional problems?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
3. Ano ang self-esteem (pagpapahalaga sa sarili)?
_____________________________________________________

31

The Family: YOUTH

_____________________________________________________
________________________________
4. Anong gagawin ni Jesus kapag hindi tama ang ating
self-esteem?
a. _________________________________________________
_____________________________________
b. _________________________________________________
_____________________________________
c. _________________________________________________
_____________________________________
d. _________________________________________________
_____________________________________
5. Kapag tayoy nagkamali, dapat natin itong akuin. Ano ang naging
attitude
ng
anak
sa
Lucas
15:17-19?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
6. Papano tinanggap ng ama ang kanyang anak sa Lucas
15:2-32?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
7. Paano pinapanauling-muli ng Diyos ang babae sa Isaias 54?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
8. Anong dapat kong gawin para mapanauling-muli ang lahat ng
bahagi ng aking buhay?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________

The Family: YOUTH

4
LESSON

32

PITONG HAKBANG SA
MATAGUMPAY NA
PAGLILIGAWAN

BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE


Marcos 10:9
Kawikaan 19:14
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
Awit 119:105

2 Corinto 6:14-15

1 Juan 4:1

Mangangaral 3:1

1 Corinto 2:9

1 Corinto 6:19

1 Corinto 6:18

Roma 12:1

Juan 12:24

Kawikaan 13:20

Roma 8:14
LAYUNIN
Sa kasalukuyang lipunan, ang pagliligawan ay naka- base na sa
physical attraction. Sa panahon ngayon, ang pagpasok sa isang
relationship ay napaka-dali na, ngunit dahil sa kakulangan ng maturity,
ine- expose ng mga young people ang kanilang mga sarili para
masaktan ang emotion.

33

The Family: YOUTH

Para maunawaan ang tamang relasyon ng lalaki at ng babae,


mahalagang maintindihan natin kung papano ito nagsimula. Nang
sagutin ni Jesus ang isang tanong tungkol sa pag-aasawa, sinabi
niyang, Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan:
Nilalang niya silang lalaki at babae. (Marcos 10:6). Para
maipaIiwanag natin ang tungkol sa relasyon o pag-aasawa, kailangan
nating mag-umpisa sa simula ng aklat ng Genesis.
Hindi naman talaga natin alam kung gaano pang katagal pagkatapos
na lalangin ang tao, na nagsabi ang Diyos ng hindi mabuti sa kanya
ang nag-iisa kung kayat siyay binigyan niya ng isang partner, na
makakatulong. Ang magandang tanong ay sino ang unang naka-isip
na bigyan siya ng ka- partner? Ang tao ba o ang Diyos? Kung titingnan
nating mabuti, hindi si Adan ang unang naka-isip non, kundi ang
Diyos.
DEVELOPMENT OF THE SUBJECT
Ginawa ng Diyos ang lalaki para sa babae at ang babae rin naman
para sa lalaki at dahil sa relasyong ito kung kayat nagpasimula ang
panganganak.
Isa itong blessing kapag nasumpungan ng isang tao ang kanyang kapartner. Sabi ni Solomon, Nama-mana sa magulang ang bahay at
kayamanan, ngunit buhat kay Yahweh ang mabuting maybahay.
(Kawikaan 19:14)
Napakahalaga talagang ang iyong pakakasalan ay ang kalooban ng
Diyos. Ito ang manang ibinibigay niya sa mga nagti-tiwala sa kanya.
Ang ating mga emotion ay tulad ng isang kayamanan na ibinibigay ng
Diyos sa bawat isa at dapat itong bantayang mabuti gaya ng isang
mamahaling hiyas. Mag-ingat tayo sa maraming mandaraya na
pagala-gala sa mundo at naghahanap ng mga walang kamalay-malay
na bibiktimahin upang pagsamantalahan. Tinukoy sila ni Pablo bilang,
babaing hangal na batbat ng kasalanan at alipin ng sari-saring
pita, na lahat nay ibig matutuhan ngunit kailanmay di sila
makauunawa ng katotohanan. (2 Timoteo 3:6-7)
Ang lahat ng mga itoy maiiwasan kapag tayoy:

The Family: YOUTH

34

Masunurin sa Salita ng Diyos (Awit 119:105).

Hindi makikisama sa kanila (2 Corinto 6:14-15).

Subukin kung talaga bang silay mula sa Diyos (1 Juan 4:1).

Marunong maghintay sa timing ng Diyos (Mangangaral 3:1).

I. MANIWALA SA LAYUNIN NG DIYOS PARA SA IYONG


BUHAY
Kung tungkol sa yo, na isang anak ng Diyos, ang mga ini-isip lang
niya ay yung magaganda. Wala talagang masama. Unfortunately, sa
ating lipunan, gustong makuha lahat ng tao ang mga benepisyo mula
sa Diyos na hindi na siya sina-sangguni. Ito ang dahilan kung bakit
nasisira ang relasyon.
Sa pag-gawa mo ng desisyon para sa Diyos, kanyang bubuksan ang
iyong mga espiritual na mata para makita mo ang pagpapalang
inihanda na niya para sa iyo.
Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga... ang inihanda ng
Diyos sa mga umiibig sa kanya (1 Corinto 2:9)
Ang iyong sariliy sa Diyos mo ilagak, pag nagtiwala kay tutulungang
ganap. (Awit 37:5)

II. LUBOS NA IPAGKATIWALA ANG IYONG KATAWAN SA


DIYOS
IKAW ANG TEMPLO NG DIYOS
Kailangan nating maunawaan na binigyan tayo ng pribilehiyo ng Diyos
na maging mga espiritual na katauhang may mga katawan. Kung
magde-desisyon tayong italaga ang ating mga katawan sa Espiritu ng
Diyos, iingatan niya tayong hindi makagawa ng mga mali.
Alalahanin mo ang lumikha sa iyo sa panahon ng iyong kabataan.
(Mangangaral 12:1)
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu
Santo? (1 Corinto 6:19)

35

The Family: YOUTH

Parurusahan ng Diyos ang magwasak ng templo niya. Sapagkat


banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan. (1 Corinto
3:17)
Sa pakiki-apid, sariling katawan ang kanyang pinipinsala. (1 Corinto
6:18).
Kaya nga, mga kapatid...ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog
na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. (Roma 12:1)

III. PAGHANDAAN ANG KAMATAYAN AT MULING


PAGKABUHAY
Malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili
itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, itoy mamumunga ng marami.
(Juan 12:24)
Kapag haharap tayo sa ating mga ka- opposite sex, dapat nating pagingatang mabuti ang masidhing damdaming maaring lumitaw.
Sa
puntong ito ang mga bagay ay kalimitang nagsisimuIa ng hindi tama
dahil ang focus ay doon na sa ganda ng kaharap at hindi na sa
kalooban ng Diyos. Ang unang tanong na dapat nating isa-isip ay ano
ang kalooban ng Diyos sa relasyong ito?
Heto ang maipa-payo ko: Gugulin mo ang iyong panahon sa
pananalangin at pag-aayuno patungkol sa bagay na ito sa iyong
prayer time. Kapag nakita mong ang taong iyon ay isinugo ng kaaway
para lamang bitagin ka, i-renounce mo na siyang kaagad.
Gayunpaman, kung ang Diyos ay ayon naman sa relasyon iyon,
ipanalangin mong pag-tibayin niya ito.

IV. I-CULTIVATE ANG MAAYOS NA PAKIKIPAGKAIBIGAN


MAKISAMA SA MGA MAY-UNAWA (Kawikaan 13:20)
Nakita kong talagang nangyayari na ang taoy nagko- commit sa mga
naka-paligid sa kanya, sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa,
kapag lagi kang nakiki-halubilo sa mga hindi Cristiano, naglalagay ka

The Family: YOUTH

36

na ng bitag para sa kaluluwa mo doon, at pagkalipas lamang ng ilang


panahon, ang mga kilos mot damdamin ay kagaya na rin ng sa kanila.
Si Daniel ay isang magandang halimbawa. Meron siyang tatlong
kaibigan:
1. Ananias Ang Diyos ay mahabagin.
2. Misael Sino pa ang katulad ng Diyos.
3. Azarias Ang Panginoon ang aking tulong.
Ang tatlong kaibigang ito ni Daniel ang kanyang suporta nang pinagiisipan ng hari na ipapatay ang lahat ng pantas sa Babylonia.
Dapat nating piliing mabuti ang ating mga kaibigan na hindi maiimpluwensiyahan ng iba. Nang akoy bagong Cristiano pa lamang,
itinalaga ko na sa aking puso na sinumang hindi kaibigan ng Diyos, ay
hindi ko rin maaring maging kaibigan.

V. KILALANIN ANG HALAGA MO, OBRA-MAESTRA KA


NG DIYOS (Efeso 2:10)
Maglagay ng isang imaginary line at label-lan ito ng self-esteem. Kahit
na mababa ka lang ng 5% sa linyang ito, mababa ang iyong selfesteem. Kung mataas ka naman ng 5% sa linya, mataas ang iyong
self-esteem. Parehong hindi ito maganda dahil naa-apektuhan nito ang
mga decisions mong ginagawa sa buhay.
Ang taong may mababang self-esteem ay magpu-pumilit na maging
kagaya ng isang katulad niya o may mas mababa pang self-esteem.
Pananatilihin naman ng taong may mataas na self-esteem ang mataas
na tingin niya sa kanyang sarili kahit na hindi naman talaga siya
ganon at dahil dito marami silang mga opportunities sa buhay na
nami-miss. Kapag natanggap nila ang kanilang sarili kung sino talaga
sila, hindi na nila hahayaan ang sinumang husgahan pa sila kahit na
saang larangan: hetsura, timbang o pinag-aralan. Lalakad silang may
kasiguruhan na wala na silang katulad pa sa mundong ito. Wala na
silang pag-aalinlangan sa lahat ng nilalang, sila ay isang obramaestrang ipinagma-malaki ng Diyos.

37

The Family: YOUTH

VI. MAGHINTAY, MAY PANAHONG INILAAN DIYAN ANG


DIYOS (Mangangaral 3:1)
Nang madaanan kita uli, nakita kong ikaw ay ganap nang dalaga.
(Ezekiel 16:8)
May tamang panahon para sa romantic love. May nakalaang panahon
para sa isang tao upang makipag-ibigan siya sa isang ka- opposite
sex, at dahil diyan, mahalagang maunawaan ng bawat kabataan ang
ka- normal-lan ng antas na ito at huwag nila itong mamadaliin o
patatagalin pa.
Huwag mo hahayaang maka-pasok ang pagka-balisa o ang pananabik
dahil aakayin ka nitong gumawa ng mga bagay na iyong pagsisisihan.

VII.MAGING SENSITIBO SA PANGUNGUNA NG BANAL


NA ESPIRITU (Roma 8:14)
Inayos na ng Diyos sa langit ang tamang oras para ma-meet mo ang
iyong mapapangasawa pang-habang buhay. Kung pinangungunahan
ka ng Espiritu ng Diyos, magiging madali ito at hindi mo mami- miss
ang takdang oras na iyon. Kahit nai-handa na ng Panginoon ang
kailangan mong ka-partner, kailangan mo pa ring pumasok sa isang
banal na tipanan sa Panginoon at i-deklarang, Panginoon, ayokong
mahuIog sa isang hindi mananampalataya. Hindi ko papayagan ang
anumang secret o tagong relasyon. Gayunpaman, gagawin kong
disente ang lahat at may kaayusan. Iiwas akong makipag- sex
hanggat hindi pa ako napapa-kasal.
CONCLUSION
Ang unang hakbang na dapat gawin sa buhay ng bawat
mananampalataya ay yung hanapin ang perfect will ng Diyos. Bakit?
Dahil alam ng Diyos ang the best at ang will niya ay mabuti,
katanggap-tanggap at perfect. Pagpasyahan mong sundin ang pitong
alituntuning ito para sa matagumpay na pagliligawan. Sa mga tatay,
ituro nyo na sa inyong mga anak ang mga bagay na ito.

The Family: YOUTH

38

APPLICATION
Talakayin ang bawat puntong natutunan sa klase at gawin ang mga
itong bahagi ng iyong personal na buhay at pamilya.
Sabihin sa mga estudyante na kung nabigo silang sundin ang mga
hakbang na ito ay pagsisihan nila, humingi ng kapatawaran sa
Panginoon at magsimulang-muli.
STUDENTS ASSIGNMENT
Gumawa ng isang chart at paghambingin ang pitong tuntuning ito, na
itinatag ng Panginoon, sa yong personal na buhay.

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY


1. Ayon sa Marcos 10:9, ano ang layunin ng Diyos sa iyong emotional
na buhay?
_____________________________________________________
_______________________________________
2. Magtala ng apat na paraan upang maka-iwas sa mga relasyong
hindi kalooban ng Diyos. Idagdag ang mga talatang uma-akma
rito:
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________
3. Siyasatin ang sarili mong buhay at humanap ng biblical support
patungkol sa mga sumusunod na issue:
a) Anong ina-asahan mo sa iyong asawa?
_____________________________________________________
_______________________________________
b) Kagaya rin ba ito ng sa Panginoon?
_____________________________________________________
_______________________________________

39

The Family: YOUTH

c) Kanino mo malimit gugulin ang iyong panahon?


_____________________________________________________
_______________________________________
d) Sino ka kay Cristo?
_____________________________________________________
_______________________________________
e) Anong uri ng attitude ang nagpapakita ng respeto sa iyong
katawan?
_____________________________________________________
_______________________________________

The Family: YOUTH

40

PAGPAPA-TATAG NG
COMMUNICATION SA PAMILYA

LESSON
BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE
Lucas 6:45
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
Efeso 5:25
Mateo 12:35-38
Colosas 4:6

2 Corinto 11:23, 27
2 Timoteo 2:4-6
Mga Bilang 13:31-33

Santiago 3:2

Gawa 10:34

Santiago 2:14-17

Kawikaan 15

Mateo 22:28-31

Kawikaan 16

Mangangaral 3:1
KEY VERSE
Sapagkat ikaw ay pawawalang-sala o parurusahan, batay sa iyong
mga salita. (Mateo 12:37)
LAYUNIN
Tulungan ang ating mga estudyanteng maging excellent
communicators; una sa Diyos, then sa kanilang pamilya at pagkatapos
ay sa kanilang mga disciples.
Nangyari ito isang taon pa bago namin pasimulan ang aming taunang
convention sa Bogot. Sa pasimulang araw na- upset ako sa aking
asawa. May pangyayaring umusbong sa pagitan namin na naging
dahilan ng hindi namin pagkaka-unawaan sa isat isa. Naging magkaiba ang direksiyon ng aming punto de vista. Kahit na tinalakay na
namin ang sensitibong issue na yon, hindi pa rin kami magka-sundo

41

The Family: YOUTH

sa isang maayos na solusyon. Dahil doon, pinili ko ang mas madaling


paraan para makawala rito. Hindi ko na siya pinansin, ni binigyan ng
pananagutan sa anumang antas.
Nagsimula na ang meeting at tulad ng dati ako ang nagbigay ng
greetings sa mga tao. Pagkatapos na tugtugin ng isang bisitang
saxophonist ang kanyang piyesa, in- introduce ko ang aking asawa
para masabi niya ang kanyang bahagi don sa meeting. Hiyang-hiya
ako, dahil ang unang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay, Mga
kaibigan, nag-away kami ng asawa ko kanina. Na- shock ako sa
sinabi niya na halos matumba ako sa kahihiyan! Dagdag pa niya,
ngunit habang tinutugtog yung saxophone, ibinigay sa akin ng Diyos
ang prophetic interpretation nito.
Sabi niya, Anak ko, hinayaan kong mangyari yan ngayon sa inyo ng
iyong asawa. Kung papano kang nasaktan sa kanyang naging ugali,
kagaya rin iyon ng ipinakitang hindi pag-pansin sa akin ng aking mga
anak. Pina-lipas nila ang mga araw, linggo at meron pang mga buwan
na hindi man lang nagkaroon ng kahit na anong uri ng communication
sa Banal na Espiritu. Gusto kong manumbalik-muli ang relasyong yon
mula ngayon. Pagkatapos na i- share ng misis ko ang kapahayagang
yon, isang kamangha-manghang pag-basag ang naranasan ng
18,000 nagsi-dalo at habang silay nagha-hagulhulan sa pag-iyak,
humingi sila ng tawad sa Diyos dahil sa hindi nila pag-pansin sa
kanya.
Nang mga sandaling iyon, nakipag-ayos na rin sila sa mga ka-pamilya
nila. Ang buong araw na yon ay natapos na punong-puno ng
mahimalang pagkilos ng Diyos. Doon ko naunawaan na ang basehan
ng maayos na communication ay pag-aalaga ng close relationship sa
Espiritu ng Diyos.
DEVELOPMENT OF THE SUBJECT

I.

PAGBIBIGAY-KAHULUGAN

Communicate: Pagbibigay o pakikipag-palitan ng mga ideya,


damdamin, impormasyon o iba pang tulad non sa pamamagitan ng
pagsusulat, pagsasalita o sa paraan ng signs, symbols, atbp. Ang
procesong ito ay maila-larawan sa pamamagitan ng verbal
(nabibigkas) o non-verbal (hindi binibigkas) na communication. Sa

The Family: YOUTH

42

kahit na anong antas, ito ay isang paraan ng pagbabahagi ng


impormasyon sa isang tao na kung saan ay naunawaan naman niya
ang kung ano ang nais ipahayag nung isa. Bahagi ng communication
ang pagsasalita, pakikinig at pagka-intindi.

A. TUNGO SA MAS MAAYOS NA COMMUNICATION


Kahit na tayoy namumuhay pa sa panahon ng communication, ang
number one problem sa maraming mga tahanan ay kakulangan ng
maayos na excellent communication. Wala nang lalala pa na
makaranas kang lumubha ang relasyon nyong mag-asawa
pagkatapos ay hindi mo ito mai- salva. Nasa Bible ang sagot na ating
kailangan para ma- recover ang mga nawala nating values at upang
magkaroon ng excellent communication.
Mag-ingat sa pagkalito. Sinabi ni Solomon, itatayo ng karunungan ang
inyong tahanan. Lubos na kailangan ang maayos na communication
sa loob ng pamilya. Kung wala nito, hindi ka makakapag-tayo ng isang
maayos na tahanan. Hindi natapos ang Tore ni Babel at basta na
lamang itong iniwan dahil hindi na sila magka-unawaan. Nai- imagine
ko ngang: may ideya ang arkitekto, tapos sasabihin niya yon, wala
namang maka-intindi sa kanya. Hindi naman maka-gawa ang engineer
dahil hindi niya ito na-intindihan; na- discourage na ang iba pang mga
mangga-gawa kaya iniwan na nila ang kanilang mga trabaho.

B. GAWA (ACTIONS)
Santiago 2:14-17. Patay ang pananalig na walang gawa.
Mateo 21:28-31. Ang pagsunod ang nakalulugod sa Diyos.
2 Corinto 11:23, 27. Ang tatak ng pagiging apostol ni Pablo ay
nakamtan dahil sa hard work (pagpapagal).
2 Timoteo 2:4-6. Gumamit si Pablo ng tatlong halimbawa: isang kawal,
isang manlalaro at isang magsasakang nagpapagal. Ang nagbigay ng
honor sa kanila ay yung papano nila ginawa ang kanilang mga
trabaho.
Sa ating pakikipag-usap, 37% ng ating mga sinasabi ay inila-larawan
ng mga actions.

43

The Family: YOUTH

C. UGALI (ATTITUDES)
Mga Bilang 13:31-33. Dahil sa mga ugali nilang hindi naniniwala, ang
sampu sa labin-dalawang mga tiktik ay nagdala ng masamang balita
na ikina-pahamak at ikinamatay ng isang buong henerasyon doon sa
ilang.
Mga Bilang 13:30. May kakaiba namang espiritu sina Caleb at Josue
kung kayat maganda ang kanilang ugali, kaya sila ginantimpalaan ng
Diyos. Pinayagan silang maka-pasok sa lupang pangako.
Dahil sa galit, hinampas ni Moises ang bato na pinakaka-usap lamang
sa kanya ng Diyos. Dahil sa pag-sabog na ito ng kanyang galit, hindi
tuloy siya naka-pasok sa Canaan.

D. ANG BISA NG MGA SALITA


Ang pinaka-matinding insulto ay kalimitan nagaganap sa mga sandali
ng galit o pagka-bigo. Alam nating kung ano ang bukambibig siyang
laman ng dibdib (Lucas 6:45). Ang ating mga sinasabi ang nagbibigay
sa atin ng dignidad o kahihiyan. Minsan nawawala sa loob ng mga
kalalakihan na mahihina lamang ang mga babae at ang pinakamadaling paraan para sila sirain ay sa pamamagitan ng mga
masasakit at nakapan-liliit na mga salita mga salitang nakapaguudyok ng kahihiyan o violence. Gayunpaman, itinuro sa atin ni Jesus
ang tamang paraan kung papano tratuhin ang ating mga asawa: Mga
lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo
sa iglesya. (Efeso 5:25)

Ang relasyon ni Cristo at ng iglesya ang naging magandang


halimbawa kung paano dapat ang tamang pakikipag-relasyon.

Palaging nagsasabi si Jesus ng mga salitang puno ng


pagmamahal at pag-asa sa bawat disciple niya.

Nagsasabi siya ng mga salitang nagpo- protekta: Huwag kayong


matakot munting kawan, ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa
inyo ang kaharian. (Lucas 12:32)

The Family: YOUTH

44

Ang iyong mga salita ang humahatol kung anong klaseng tao ka, kung
mabuti o masama (Mateo 12:35).
Iwasan ang mga walang kabuluhang pag-uusap-usap na wala namang
ibinu-bungang mabuti (Mateo 12:36), sapagkat ikaw ay pawawalangsala o parurusahan, batay sa iyong mga salita (Mateo 12:37). Ang
mga sinasabi moy dapat na nakawi-wili at nakapagpapa-ligaya
(Colosas 4:6). Iwasang mong maka-sakit ang iyong pananalita, dahil
sa iyong pakikipag-usap, maaring 6% lamang ito ng iyong mga sinabi,
pero tiyak nang hindi na ito malilimutan (Santiago 3:2).
Ang mga talatang ito ay maraming ipina-pakita tungkol sa ating mga
sinasabi. Una, nagsasabi ito nang kaalaman kung papanong tutugunin
ang bawat isa ayon sa kasalukuyang sitwasyon, at pangalawa ipinaliliwanag nilang tayoy nagiging ganap kung hindi tayo nakaka-sakit sa
iba sa pamamagitan ng ating mga salita.

II.

ANONG
NAGAGAWA
COMMUNICATION?

NG

MAAYOS

NA

Iyung mga natuto nang makipag-ugnayan nang maayos sa mga tao


ang siya ring mga mabisang nakaka- penetrate sa lipunan. Iyung mga
ma-impluwensiyang klase ng tao ang siyang nakaka-hawa sa paguugali ng marami.
Kailangang ang isang communicator ay clear, concise, precise, at
anointed.

A. CLEAR (MALINAW)
Dapat maunawaan ng communicator na ang paraan ng pamamahayag
niya ng kanyang mensahe ay tapatang ka-kumpitensiya ng television,
sine at iba pang presentations na punung-puno ng buhay at talaga
namang nakaka-wili. Kaya, dapat niya itong i- present ng malinaw na
malinaw! Ito ang dahilan kung bakit gumamit si Jesus ng mga
talinghaga, na nagbigay-liwanag sa kanyang mga mensahe kung
kayat halos parehong pareho na nai-sulat ng mga author ng four
gospels ang kanilang interpretation.

45

The Family: YOUTH

B. CONCISE (MAIKLI)
Hindi yung haba, kundi yung bisa ng mga salita na nakapagba-bago
ng mga buhay. Konti lang ang mga sinabi ni Jesus dahil ang gusto
lamang niyang sabihin ay yung mga mahahalaga. Bawat salita na
nagmumula sa kanyang mga labi ay puno ng kapangyarihan, na
humantong pa nga sa napa-sunod niya ang panahon (weather) dahil
sa power ng kanyang mga salita.
Mga isat kalahating minuto pa lamang si Pedrong nangangaral sa
bahay ni Cornelio nang mag-interrupt ang Banal na Espiritu at bumaba
sa bawat isang nakikinig. Lahat silay napuspos ng kanyang
presensiya. Naunawaan ni Pedro na ang mensaheng kanyang
ipinangaral ay yun yong kailangan nila, para matupad ang layunin ng
Diyos (Gawa 10:33).
Ang masama niyan, maraming magagandang mensahe ang nasisira
dahil hindi ito tinatapos sa tamang oras ng mga nangangaral. Mas
mabuti pang nabitin ang mga tao kaysa sa nasuya sila.

C. PRECISE (AKMA)
Iwasang lumayo sa putukan (paksang tinatalakay) at samantalahin
ang bawat sandaling ibinibigay ng Diyos sa iyo para mag-bahagi sa
iba. Maaring iyon lang ang pagkakataon mo. Bibigyan ka ng
discernment ng mabisang salita na makakatugon sa pangangailangan
ng mga nakikinig. Sinabi ni Solomon na mabuting magsabi ng tamang
salita sa angkop na pagkakataon (Kawikaan 15:23). Pinayuhan ni
Pablo si Timoteo na magsanay na mabuti sa Salita ng Diyos, kung
papanong ang kawal sa kanyang sandata.

D. ANOINTED
Dumarating ang anointing bilang resulta ng ating intimacy sa Diyos.
Tungkulin nating pababain ang presensiya ng Diyos saan man tayo
magpunta dahil ang mga mata niya ay nasa mga matuwid dito sa
mundo at naririning niya ang kanilang mga hinanaing. Lubos na binaback-up-pan ng hukbo ng mga anghel ang bawat mananampalataya.
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disciples na nagpa-palayas siya ng

The Family: YOUTH

46

mga demonyo dahil sa Espiritu ng Diyos. Gumagawa siyang sangayon sa Ama at lahat ng kanyang ginagawa ay upang dalhin ang
Kaharian ng Diyos sa mga tao nang sa ganon ay tumanggap sila ng
buhay.

III.

PATUNGO SA MAAYOS NA COMMUNICATION


Magsalita sa tamang oras. Napaka-ganda ng salitang sinabi sa
tamang oras (Kawikaan 15:23).
May kanya-kanyang panahon sa mga pangyayari sa daigdig
(Mangangaral 3:1).

Magsalita lang, huwag mambu-bulyaw. Ang malumanay na sagot


ay nakapapawi ng poot, ngunit nakagagalit ang salitang walang
taros. Ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman,
ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan
(Kawikaan 15:1-2). Higit na mabuti ang tiyaga kaysa
kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga
bayan (Kawikaan 16:32).
Mahirap manghi-masok sa isang argumento na walang ka-controlcontrol, nagsi-sigawan at nagpa-palitan ng masasakit na salita ang
mga nag-aaway. Hindi ito nagpa-pakita ng kaayusan ng character.

Mag-isip ka muna bago ka magsalita at huwag ka munang magsasalita hanggat hindi ka pa nakakapag-isip. Tinitimbang ng
matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na ini-isip ng masama
ang kanyang sasalitain (Kawikaan 15:28). Kung gagawin ng mga
mag-asawa ang utos na ito, maraming di-pagkakaunawaan ang
maiiwasan sa kanilang pagsasama.

Mag-sabog ng buhay sa pamamagitan ng iyong mga salita. Ang


magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang mahayap
na pangungusap ay masakit sa kalooban (Kawikaan 15:4).
Karamihan sa mga tahanan ay hinahayaang mamayani ang mga
negatibong salita sa kanilang mga usapan. Mas marami pang oras
ang nagugugol sa pagpuna sa mga kamalian ng iba kaysa sa pagfocus sa mga nagawang positibo ng bawat isa. Lumilikha tuloy ito
ng matitinding sugat sa emotion.

47

The Family: YOUTH

Magsalita na may katalinuhan, karunungan, kabaitan at respeto.


Ang labi ng may unawa ay nagkakalat ng karunungan, ngunit
hindi ganon ang hangad ng isang mangmang (Kawikaan 15:7).
Mahalagang magsalita ng mga nakakapag-patatag na mga salita
sa pag-aasawa, mga nakaka- encourage at nakakapag- paganang
mga salita. I-angat mong palagi ang mga katangian ng iyong kapartner at tratuhin mo silang tulad ng gusto mong pag-trato nila sa
iyo.

Magsalita na may pagka-unawa at karunungan. Ang matalinong


tao ay nakikilala sa kanyang pang-unawa, ang matamis niyang
pangungusap ay awit sa ibang diwa. Iniisip ng matalino ang
kanyang sasabihin kaya naman ang kausap ay madali niyang
akitin (Kawikaan 16:21, 23). Ang mga salitang sasabihin mo sa
iyong asawa ay dapat na nakakatulong at nakaka-aliw. Silay
dapat na makaka-asa sa yo sa ganong larangan. Kaya, maging
blessing ka, hindi isang pabigat.

Ang mga sinasabi mo naway maging matamis at makapagpagaling. Ang magiliw na pangungusap ay parang pulotpukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan
(Kawikaan 16:24).
Dahil sa iyong pananalita ang buhay ng iyong asawa ay magiging
masaya o magiging mapait. Itoy maaring magdala ng kagalingan
o karamdaman, gana o discouragement. Mamili ka kung anong
klaseng tahanan ang iyong gusto.

CONCLUSION
Para magkaroon ng maayos na antas ng communication, dapat tayong
maging clear, concise, precise at anointed. Kailangan nating
maunawaan na ang lahat ng ating ibina-bahagi ay nakakapag-patatag,
nakaka-gana at nakaka-tulong. Ang maayos na communication ay
isang sandatang magagamit natin para mabawasan ang hindi
pagkaka-unawaan at mapag-yaman pa ang mga relasyon sa pamilya.

The Family: YOUTH

48

STUDENTS ASSIGNMENT
Pagawin ang mga estudyante ng isang workshop sa kanilang mga
tahanan mag-practice sila ng isang mas mabisang pamamaraan ng
communication upang ma- improve pa ang relasyon sa kanilang mga
pamilya.
APPLICATION
Balik-tanawin ang mga salitang ginagamit mo kapag tinatawag mo ang
iyong mga mahal sa buhay; palitan mo yung pagtawag mo don sa
mga hindi ayos ang iyong communication.

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY


1. Ilarawan kung ano ang communication:
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
2. Ano ang mga elements of communication?
a. _________________________________________________
_____________________________________
b. _________________________________________________
_____________________________________
c. _________________________________________________
_____________________________________
3. Paano tayo magkakaroon ng maayos na
communication?
a. _________________________________________________
_____________________________________
b. _________________________________________________
_____________________________________
c. _________________________________________________
_____________________________________

49

The Family: YOUTH

4. Ano ang mga nakaka-sira sa maayos na


communication?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___________
5. Anong dapat kong isa-isip kapag nakikipagcommunicate ako?
a. _________________________________________________
_____________________________________
b. _________________________________________________
_____________________________________
c. _________________________________________________
_____________________________________
6. Anong guidelines ang dapat kong sundin para maging
isang magaling na communicator?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
___________
7. Humarap sa isang salamin at i-evaluate ang iyong sarili kung
paano ka mag- mensahe. Tiyakin ang linaw ng mga sinabi mo sa
iyong mga taga-pakinig sa pamamagitan ng paghiling sa kanilang
bigkasin ang mga sinabi mo. Narinig ba nila ng malinaw ang gusto
mong sabihin? Maayos ka bang naka- communicate? Hindi magsisinungaling ang salamin.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

The Family: YOUTH

50

ANG BLESSING NG DIYOS SA


PAMILYA

LESSON

BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE


Genesis 1:28
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
Genesis 1:26-30

2 Corinto 8:9

Deuteronomio 28:1-14

Kawikaan 10:22

1 Corinto 2:9

Galacia 3:13

Efeso 2:8-9
KEY VERSE
Mahal kong Gayo, idinadalangin kong ikaw sanay nasa mabuting
kalagayan, at malusog ang pangangatawan tulad ng alam kong
mabuting kalagayan ng iyong buhay espirituwal. (3 Juan 2)
DEVELOPMENT OF THE SUBJECT

I. KILALANIN ANG MGA BLESSINGS


A. ANG PAG-AASAWA AY ISANG BLESSING
Ang layunin ng Diyos sa pag-aasawa ay para magdala ng kaligayahan
sa pamilya. Nung una, mag-isa lang si Adan. Pagkatapos na lalangin
si Eva, dumating na ang biyaya ng Diyos sa kanilang dalawa.
Mahal na mahal sila ng Diyos gaya ng pagmamahal ng isang tatay sa
nag-iisa niyang anak. Ibnigay niyang lahat ang kanilang kailangan para
ma- enjoy ang kanyang mga blessings. Si Adan at Eva ay:

51

The Family: YOUTH

Ang wangis ng Diyos, (Genesis 1:26) Ang character ng Diyos ay


nai-salin ng husto sa kanila.

Ini-ayon sa Diyos, (vs.27) Ang Diyos ay triune (tatlong iisa); ang


Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu. Silang tatlo ay iisa at
hindi nagsa-salungatan. Sa gayon ding paraan, nilalang ng Diyos
ang pag-aasawa para ang dalawa ay mamuhay na sumasangayon sa isat isa.

Inilagay sila ng Diyos bilang mga hari sa lahat ng kanyang nilalang


(vs.28).

Itinuro sa kanila ang tuntunin sa pagtatanim at pag-aani (vs.29).

Binigyan sila ng provision (vs.30)

3 Juan 2 (Ang triple blessing). Mahal kong Gayo, idinadalangin kong


ikaw sanay nasa mabuting kalagayan, at malusog ang
pangangatawan tulad ng alam kong mabuting kalagayan ng iyong
buhay espirituwal.
Kawikaan 10:22 (Ang full blessing).
Ang pagpapala ni Yahweh
ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan.
Nakapag- bahagi na ako sa libu-libong mga tao sa buong mundo at
ang masasabi ko lang, gusto ng bawat isa sa kanila ang mas
masaganang buhay, kahit na yung mga nag-iisip na ang pagiging
espritual ay walang kinalaman sa mga material na bagay. Kailangan
nating maunawaang ibinigay ng Diyos sa atin ng masagana ang lahat
ng bagay para natin ito enjoy-yin.

B. ANG DIYOS ANG AMA NG KASAGANAAN (1 Corinto 2:9)


Ang pagpapala ng Diyos ay higit pa sa kaya nating isipin. Ang mga
bagay na hindi pa nakikita ng mata, o narinig ng tenga, ay ang mga
bagay na inihanda na ng Diyos, at mahahayag lamang ang mga ito
doon sa kanila na merong pananalig, na makita ito, mahipo at
ipahayag na para bang sa kanila na ang mga yon.
Hindi pulubi ang Diyos at hindi siya madamot, kung kayat, lagi siyang
sagana kung magbigay. Hindi niya pin-lanong bigyan lamang ng

The Family: YOUTH

52

kapirasong lupa, na may konting hayop, ang sangkatauhan. Napakagalante niya kung kayat ibinigay niya ang buong mundo sa tao upang
matirhan niya ito, kasama na ng kanyang mga anak at i- enjoy nang
habang panahon.
Kung hindi lamang naging sakim at maka-sarili ang tao, sigurado
akong ang bawat isay mamumuhay na parang isang hari. Ngunit dahil
sa kasalanan, iwinala ng tao ang lahat ng kanyang mga pribilehiyo.

C. ANG LAYUNIN NG DIYOS AY I- BLESS KA

(Deuteronomio

28:1-14)
Ang blessing ng Diyos ay naka-tali sa pagsunod sa kanyang Salita.
Vs.2

Lahat ng uri ng blessing ay mapapa-sa yo.

Vs.3

Ibe- bless ka kahit saan ka man mag-punta.

Vs.4

Ang mga blessings ay mapapasa- yong mga anak, kapitbahay mo at sa iyong trabaho.

Vs.5

Ang mga blessings ay lagi nang nasa lalagyan ng inyong


pagkain.

Vs.6

Lahat ng gagawin moy ibe- bless.

Vs.7

Malulusutan mong lahat ang iyong mga problema.

Vs.8

Ikay ibe-bless sa lahat mong gagawin.

Vs.9.

Tatawagin ka sa ministry.

Vs.10 Ita-taas ka ng Diyos at bibigyan ka niya ng honor.


Vs.11 Mana-nagana ka saan ka man manirahan.
Vs.12 Ikay magiging dakilang businessman na makaka-tulong pa sa
iba.
Vs.13 Malu-luklok ka sa mga pwestong may honor at authority.

D. TINUBOS TAYO NI JESUS MULA SA SUMPA


(Deuteronomio 28:16-68)
Ang pagkakaroon ng mga blessings ay kasing totoo rin ng
pagkakaroon ng mga sumpa. Sa aklat ng Deuteronomio, chapter 28,
sumulat si Moises ng isang buong chapter tungkol sa blessing at sa

53

The Family: YOUTH

sumpa. Meron tayong mga hinango sa chapter na yon. Sinasabi ng


talatang 15 na ang isang tao ay nala-lantad sa maraming uri ng sumpa
kung hindi siya susunod sa Salita ng Diyos. Apat na doble pa ang dami
nito kaysa sa blessings.
Vs.16 Susundan ka nito saan ka man pumunta.
Vs.17 Ma-aapektuhan nito ang mga pangunahing pangangailangan
ng pamilya mo.
Vs.18 Ma-aapektuhan nito ang iyong mga anak, mako-contamina
ang lugar na tinitirhan nyo at hihina ang iyong negosyo.
Vs.19 Magdadala ito ng kabiguan sa buhay mo.
Vs.20 Ma-aapektuhan ang kalusugan mo, emotion at lahat ng iyong
gagawin.
Vs.21 Paliligiran ka ng kamatayan pati na ang iyong pamilya.
Vs.22 Aatakehin ka ng lahat ng uri ng karamdaman.
Vs.23 Hindi ka pakikinggan ng kalangitan, at ang lupa ay hindi ka
tutugunin.
Vs.24 Dahil sa yo ang lupay matutuyo at matitigang.
Vs.25 Hindi ka magwawagi at lagi ka na lang talunan.
Vs.28 Lagi kang maba-baliw, hihina ang paningin at malilito.
Vs.29 Mahihirapan kang umunlad at lagi kang masi-sikil.
Vs.30 Mawawala agad ang iyong asawa at mga ari-arian.
Vs.32 Malululong sa bisyo ang iyong mga anak at hindi mo sila
matutulungan.
Vs.33 Iba ang magpa-pasasa sa iyong pinag-trabahuan.
Vs.37 Walang gustong tumulad sa yo.
Vs.38-43

Hindi mo makikita ang bunga ng iyong ministry.

Vs.44 Malulubog ka sa utang.


Vs.47 Ma-aapektuhan ka ng kawalan ng utang na loob.
Vs.48 Magiging mahirap ka pa kaysa daga.
Vs.62 Liliit ang iyong ministry hanggang sa mawala ito.

The Family: YOUTH

54

Vs.65 Susundan ka ng kasamaan kahit saang bansa ka magpunta.


Vs.66 Ang pag-aalangan, takot at insecurity ay mananatili sa iyong
buhay.
Vs.67 Hindi ka na consistent at hindi maaasahan.
Vs.68 Babalik ka sa mundo dahil ini-isip mong tutulungan ka nitong
malutas ang iyong mga problema, ngunit masusumpungan
mong wala palang nagma-malasakit sa iyo doon.

E. ANG KRUS: ANG ATING TAGUMPAY (Galacia 3:13)


Kung makaka-balik lamang tayo sandali sa Kalbaryo at makitang si
Jesus ay nakapako sa krus, malilinawan tayo na ang sumpa, na nasa
atin dahil sa kasalanan, ay napunta sa katawan ni Jesus. Tiniis niya
ang matinding gutom nang siyay nasa krus dahil hindi pa siya
kumakain ng mahigit na 24 oras. Nakaramdam siya ng pagka-uhaw at
sumigaw ng Akoy nau-uhaw! Nakaranas siyang mahubaran at
namatay na wala man lamang kadamit-damit. Nilagyan na lamang ng
mga artists, sa kanilang pagpe-painting, ng takip ang mga maselang
na bahagi ng kanyang katawan, pero huwag tayong padaya sa paglalarawang iyon dahil si Jesus ay wala talagang kadamit-damit nang
siyay mamatay. Ipinakita niya ang kanyang kahihiyan dahil kinuha niya
ang ating lugar upang lubos tayong mapalaya sa anumang uri ng
sumpa.
Alam ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ng ating Panginoong
Jesu-Cristo, na bagamat mayaman ay nagpaka-dukha upang
yumaman kayo sa pamamagitan ng kanyang karukhaan. (2 Corinto
8:9)
Kung namatay si Jesus para sa aking kahirapan at kalungkutan, hindi
ko na kailangan pang mag-hirap muli dahil mangangahulugan lamang
ito na pinagdu-dudahan ko ang ginawa niya para sa akin doon sa krus.
Kung iisipin kong makukuha ko ang damdamin ng Diyos sa
pamamagitan ng pagwa-waksi sa mga material na bagay, then, ang
kaligtasan ko pala ay may presyo, dahil sinusubukan kong kamtan ang
aking kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa. Kung ganito ang
aking gagawin, kagaya rin ito ng pamumuhay sa ilalim ng kautusan at
hindi sa ilalim ng biyaya.

55

The Family: YOUTH

Dahil sa kagandahang loob ng Diyos ay naligtas kayo sa


pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang itoy
kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga
gawa kayat walang dapat ipagmalaki ang sinuman. (Efeso 2:8-9)

F. TAYOY MGA TAGAPAGMANA NG BLESSING NI ABRAHAM


(Galacia 3:14)
Minana natin ang mga blessings kay Abraham.
vs 29. Ang pagiging Cristiano ko ang nagbigay sa kin ng karapatan
upang maki-bahagi sa mga blessings na ibinigay kay Abraham.
CONCLUSION
Ang pinaka-madaling paraan, ay tumakbo papunta sa Diyos ngunit
ang pinaka-sigurado ay lumakad na kasama ng Diyos. Ipinakita niya
sa atin ang mga sumpa at ang mga blessings. Ang tagumpay at
kasaganaan ay naka-depende lamang sa atin. Maging matalino tayo at
piliing lumakad sa tiyak na daan: sumusunod sa Salita ng Diyos.
STUDENTS ASSIGNMENT
Dapat review-hin ng mga estudyante ang aralin sa bahay at cancellahin ang anumang sumpa na matukoy nila sa kanilang mga buhay at
akuin ang mga blessings.
APPLICATION
Araw-araw ay i-deklara ang mga blessings sa Deuteronomio 28:1-14.
I-angkop at ipahayag ang mga ito para sa sarili mo at sa iyong
sambahayan.

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY


1. Hanapin ang definition ng mga salitang blessing at sumpa (curse)
sa dictionary.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
2. Kumpletuhin: Ano sina Adan at Eva sa Diyos?
Ang wangis ____________________________________

The Family: YOUTH

56

Ini-ayon ______________________________________
Inilagay ng Diyos bilang ______________________ ng lahat ng
nilalang,
Tinuruan ng tuntunin ng _________________________
at ___________________ Binigyan ng ______________
3. Nagbibigay ang Diyos ng triple blessing ayon sa 3 Juan 2 at
Kawikaan 10:22.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
4. Ipaliwanag kung bakit ang Diyos ay siyang Ama ng kasaganaan
ayon sa 1 Corinto 2:9.
______________________________________________

5.

6.

7.

8.

_____________________________________________________
_______________________________________
Isulat ang mga blessings para sa iyo na mata-tagpuan sa
Deuteronomio 28:1-14.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
Review-hin ang mga sumpang mata-tagpuan sa Deuteronomio
28:15-68.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
Ang krus ang dako natin ng tagumpay. Bakit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
Bakit na-mana natin ang mga blessings kay Abraham?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________

57

The Family: YOUTH

ANG LEADER AT ANG


KANYANG PAMILYA

LESSON
BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE
1 Timoteo 3:1-7
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
Gawa 26:18

Genesis 27:13

Awit 127:1

Genesis 27:46

Colosas 2:14

Panaghoy 5:7

Deuteronomio 27:15

Genesis 31:32

Isaias 61:4

Genesis 35:16-21

KEY VERSE
Kailangan namang ang mga magiging tagapaglingkod sa iglesya ay
marangal, tapat mangusap, hindi sugapa sa alak at hindi sakim.
Kailangang silay tapat sa pananampalataya na ating ipinahayag at
walang dapat ikahiya. Kailangang subukin muna sila at makitang
marapat bago gawing tagapaglingkod. Kailangang ang kanilang mga
asawa ay matitino, hindi mapanirang-puri kundi mabait, at tapat sa
lahat ng bagay. Kailangan ding isa lang ang asawa ng isang
tagapaglingkod sa iglesya, maayos siyang mamahala sa sariling
sambahayan at mabuting magpasunod sa kanyang mga anak. Ang
tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay igagalang ng lahat, at buong
tapang nilang maipapahayag ang pananampalatayang napasa-atin
dahil sa ating pakikipag-kaisa kay Cristo Jesus. (1 Timoteo 3:8-13)
LAYUNIN

The Family: YOUTH

58

Para lubusang matiyak ng estudyante na ninanais ng Diyos ang mga


pina-banal na pamilya at ang pangunahing layunin ng church ay irestore (papanauliing-muli) ang mga pamilya para mai-ligtas ang
bansa.
DEVELOPMENT OF THE SUBJECT

I. ANG TAHANAN NG LIDER (1 Timoteo 3:1-7)


Nagbigay si Apostol Pablo ng mahahalagang requirements na dapat
makita sa buhay ng bawat lider:
Wala siyang kapintasan
Isa lamang ang asawa: Maayos ang buhay may asawa niya
Maingat: Kaya nyang balansehin ang kanyang pagiging asawa,
ama, lider, isang disciple, isang businessman o bilang isang
empleyado.
Marunong magpigil sa sarili: Alam niya kung kailan siya
magsasalita at kung kailan dapat tumahimik, may kakayanang
mapag-tagumpayan ang lahat ng kaguluhan.
Kagalang-galang: Meron siyang maayos na pagpili, lumilikha ng
isang atmosphere of excellence.
Mabuting tagapagturo: Ang isang mabuting disciple ay nagiging
isang magaling na teacher, mahal niya ang kanyang trabaho.
Hindi mahilig sa alak: Kaya niyang kontrolin ang kanyang pagnanasa, napipigil niya ang kanyang sarili.
Hindi mapusok: Hindi niya ipinagpi-pilitan ang kanyang doctrina,
ipinagpapa-ubaya na lang niya sa Banal na Espiritu ang kanyang
gawain.
Hindi gahaman sa salapi: Hindi siya naa-akit sa kinang ng ginto,
marunong maghintay sa Diyos.
Mahinahon: Meron siyang kaloob ng paglilingkod at nagsusumikap na madama ng iba na silay pinaha-halagahan.
Maibigin sa kapayapaan: Lagi siyang kalmado at hindi mainitin
ang ulo.

59

The Family: YOUTH

Hindi mapag-imbot: Mahal niya ang Diyos ng buong puso niya,


nang buong kaluluwa, at nang buong lakas, at dahil dito hindi niya
nabibigyan ng lugar sa kanyang puso ang pagmamahal sa pera.
Mahusay mamahala sa sariling sambahayan: Nalalaman niya at
isinasa-pamuhay ang mga alituntunin ng Bible kung kayat ang
buong pamilya niya ay involve sa ministry.
Hindi baguhang mananampalataya: Hindi niya nilampasan ang
proseso ng pagti- training; marunong gumawa sa ilalim ng
pamamahala ng kanyang lider.
May maayos na reputasyon: Ang kanyang mga gawa ay mas
pansin kaysa sa kanyang mga salita.

A. HAYAANG SI JESUS ANG MAGTAYO NG TAHANAN MO


Malibang ang Panginoon ang gumawa nitong bahay, ang ginawa ng
nagtayo ay wala ring kabuluhan; ang lunsod na hindi ang Diyos ang
syang magsasanggalang, walang saysay ang naroong nakatayong
mga bantay. (Awit 127:1)
Naglilitawan ang mga krisis sa pamilya dahil nakalimutan na natin ang
mga simple ngunit mahahalagang elemento sa loob ng samahan sa
pamilya. Ang hindi pagtuturo sa mga anak, hindi pag-galang sa asawa,
pagkakaroon ng sama ng loob at hindi pagpapatawad; pagkamakasarili, kayabangan, at ang hindi pagpapahalaga sa buhay ang
mga bagay na naka-apekto sa maraming mga pamilya. Ngunit ang
pinaka-masama sa lahat ay yung inalis nila ang Diyos sa tahanan at
mas ginusto pa nilang itatag ang pamilya sa sarili nilang lakas.
Ang lahat ng pagsusumikap na hindi kasama ang Diyos ay walang
saysay dahil maaring maakay ng mga magulang ang kanilang mga
anak sa kaligtasan o kapahamakan, sa tagumpay o kabiguan,
kasaganaan o kahirapan, pagpapala o kahihiyan. Ang talagang
sigurado lamang at palaging garantisado ay yung palakihin ng mga
magulang ang kanilang mga anak na may pagka-takot sa Diyos.

B. PAGPAPAWALANG-BISA SA MGA ARGUMENTO


(Colosas 2:14)

The Family: YOUTH

60

Marami sa mga away-away na nararanasan sa pamilya ay nagugat pa sa tahanan ng mga magulang:


Dahil sa mga kasalanang na-mana pa sa mga magulang:
Nagkasala ang aming mga magulang. At ngayong wala na sila ay
kami ang nagdurusa. (Panaghoy 5:7)
Dahil sa pagsamba sa mga diyus-diyosan (Deuteronomio 27:15)
Dahil sa mga salitang binanggit ng mga magulang sa kanilang
mga anak. Anumang sabihin mo ay mangyayari sa yo. (Marcos
11:23b)
Dahli sa pag-ako sa kaparusahan ng iba. Tinanggap ni Rebeca
ang sumpa para sa kanyang anak. My son, let the curse fall on
me. (Genesis 27:13 - NIV)
Dahil sa mga negatibong salita. Sinabi ni Rebeca kay Isaac,
Hirap na hirap na ang loob ko... mabuti pay mamatay na ako.
(Genesis 27:46)
Dahil sa mga salitang binanggit ng iyong asawa. Kung makita
ninyo ang inyong diyus-diyosan sa sinuman sa amin, dapat siyang
mamatay, (Genesis 31:32). Hindi ito na- realize ni Jacob, pero
naglagay siya ng sumpa sa kanyang pinakama-mahal na asawa.
At dahil dito namatay si Raquel sa panganganak kay Benjamin.
(Genesis 35:16-21).

Ang lahat ng mga salitang itoy nagiging argumento laban sa atin, sa


spiritual realm, at ang mga ito ang nagiging legal ground para
panghawakan ng kaaway at gamitin laban sa atin. Sa ginawang
pagtubos ni Jesu- Cristo, pinawalang bisa ang lahat ng mga
argumentong ito at ang mga kapangyarihan ng demonyo na nagooperate sa pamamagitan ng mga bagay na iyon ay tinanggalan ng
sandata at inilantad sa krus ng Kalbaryo. Para maranasan mo ang
lubos na deliverance, kailangan mong matukoy ang argumentong
inilagay laban sa iyo. Upang maranasan mo ang tunay na kalayaan
mula dito, ipahayag mo ang iyong kasalanan sa Diyos, i-renounce ang
sumpa na nakapasok dahil sa kasalanang iyon, at sa kilos na may
pananalig, tanawin mo ang sumpa na na-tatanggal sa iyong buhay at
pati na rin sa iyong pamilya. Maari mo ring hingiin sa Diyos sa

61

The Family: YOUTH

panalangin na ibigay sa iyo ang kabaliktaran ng kung saan ka nadeliver.

C. BIYAYANG NAGTATAYONG-MULI (Isaias 61:4)


Isa sa pinaka-mahalagang aspeto ng ministry ni Jesus ay ang ministry
ng restoration (pagtatayong-muli).
Nagdala ng restoration sa mga seremonya ng kasal. Ang kanyang
presensiya sa isang kasalan sa Cana ng Galilea, ay isang
katuruan sa mundo na ang mga mag-asawa ay dapat na
magsama sa tamang paraan: sa sagradong matrimonya.
Ni-restore ang kalusugan ng mga may sakit.
Ni-restore ang paningin ng mga hindi nakakakita.
Ni-restore ang pag-iisip ng mga nababaliw.
Ni-restore ang dignidad ng mga tinanggihan na ng lipunan.
Nagdala ng liwanag sa mga nasa kadiliman.
Nagdala ng buhay kung saan may kamatayan.
Itinuro ang lingguwahe ng pag-ibig.
Binuksan ang pintuan ng pag-asa para sa mga nalulunod sa
kalituhan.

D. INATASAN TAYO NI JESUS NA ITULOY ANG KANYANG


SINIMULAN

...imulat ang kanilang mata, upang ibalik sa kaliwanagan mula sa


kadiliman at sa Diyos mula sa kapangyarihan ni satanas. At sa
pamamagitan ng pagsampalataya nila sa akin, silay patatawarin sa
kanilang mga kasalanan at mabibilang sa mga pinapaging-banal.
(Gawa 26:18)
CONCLUSION
Sinumang sinanay para sa ministry ay dapat na hilingin sa Diyos na
gamitin sila sa isang natatanging paraan para ma- restore ang sarili
nilang pamilya, pati na ang tahanan ng kanilang mga kamag-anak at

The Family: YOUTH

62

mga disciples. Nawa ang kanilang mga buhay at pangunguna ay


maging bukal ng inspirasyon para sa marami.
APPLICATION
Tiyaking walang argumentong naiwan na nakatayo laban sa iyong
pamilya. Panatilihing sensitibo ang iyong prayer life sa direksiyon ng
Diyos, na kung saan maipa-pakita niya sa iyo ang pangangailangan ng
iyong pamilya para mabisa mo silang mai-panalangin.
STUDENTS ASSIGNMENT
Gumawa ng listahan ng mga miyembro ng pamilya na hindi pa
mananampalataya. Alamin kung anong mga argumento ang nandiyan
laban sa kanila para mapawalang-bisa ang mga ito sa pamamagitan
ng pananalig at i-deklara ang kaligtasan para sa iyong pamilya.

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY


1.

Ayon sa Bible, ano ang layunin ng Diyos sa paglalang sa


pamilya?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
2. Ano ang mga pangunahing kahilingan sa kaninumang lider ayon
sa 1 Timoteo 3: 1-7?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
3. Paano ko mahahayaang ang Diyos ang magtayo ng aking
sambahayan ayon sa Awit 127?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
4. Saan nang-gagaling ang mga pag-aaway na pinag-durusahan sa
pamilya?

63

The Family: YOUTH

_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
5. Ayon sa Isaias 61:4, paano ko mare- restore ang aking pamilya?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
6. Ayon sa Gawa 26:18, inatasan tayo ng Diyos na
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________

The Family: YOUTH

64

MASAGANANG BUHAY

LESSON
BIBLICAL FOUNDATIONAL REFERENCE
3 Juan 2
CORRESPONDING BIBLICAL FOUNDATION
Efeso 2:1
Mateo 25:20-24
Gawa 16:31
Juan 10:19
Genesis 17:1
Roma 12:2
Genesis 14:22-23
KEY VERSE
Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating
hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang
naghahari sa atin. (Efeso 3:20)
LAYUNIN
Ang masaganang buhay ay nagmumula sa loob pa-palabas, mula sa
espiritual tungo sa material, mula sa di- nakikita tungo sa nakikita.
Itinuro ni Jesus na walang saysay na makamtan mo ang sanlibutan
ngunit mapahamak naman ang iyong kaluluwa dahil walang maipantutubos dito. Sinasabi niya sa atin na walang ka-tagumpayang pangmaterial, gaano man ito kalaki, na makapa-pantay sa mga espiritual na
kayamanang Diyos lamang ang tanging makapagbi-bigay.
Ang buhay na masagana ay isang kombinasyon ng espiritual, moral at
material values. Hindi gusto ng Diyos na tayoy managana sa espiritual
na pagpapala, at sa kabilang banda naman ay mamuhay ng salat sa
material. Sa kabaliktaran, ni- restore sa ginawang pagtubos ang naiwala ng tao dahil sa kasalanan. Sinabi ni Pablo na si Jesus, kahit na

65

The Family: YOUTH

siyay mayaman, ay naging mahirap upang sa pamamagitan ng


kanyang kahirapan, tayoy maging mayaman. (2 Corinto 8:9). Ang
masaganang buhay ay para sa iyo para ma- enjoy mo ang good
health. At dahil sa kanyang mga sugat ikaw ay pinagaling, (1 Pedro
2:24).
Ang masaganang buhay ay pag- enjoy sa kaloob na kaligtasang
ibinibigay lamang sa pamamagitan ni Jesus (Efeso 2:8). At dati kang
patay dahil sa iyong pagsalangsang at mga kasalanan. Ngunit maari
din nating sabihin na ang masaganang buhay ay makita ang ating
pamilya na maligtas. Sinabi ni Pablo sa bantay ng bilangguan:
Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka ikaw at
ang iyong sambahayan (Gawa 16:31).

DEVELOPMENT OF THE SUBJECT

I. MASAGANANG BUHAY
Masagana: mula sa wikang Griyego, PERISSEIA:
Sumagana
Kapuspusan
Sobra-sobrang sagana, nangingibabaw at higit pa sa
pangkaraniwan

II. PAANO NATIN ITO MAKAKAMTAN?


A. LUBOS NA PAG-SANDAL SA DIYOS
Nakilala ni Abraham ang Diyos bilang El Shaddai, na ang ibig sabihin
ay ang Diyos na nagsu- supply o tumutugon sa lahat ng ating mga
pangangailangan.
Ang kahulugan ng salitang Hebreo na ito ay:
El
= Makapangyarihan sa lahat
Shad = Dibdib (dibdib ng ina)
Kung papanong ina-alagaan ng isang ina ang kanyang anak, inaalagaan din tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang lakas. Sinabi

The Family: YOUTH

66

ng Diyos kay Gideon, Lumakad ka at gamitin mo ang buong lakas mo


sa pagliligtas sa Israel (Hukom 6:14). Inalagaan ng Diyos si Gideon at
ngayon ang kanyang lakas ay ang siyang kalakasan ng Diyos.
Si Abraham ay isang lalaking may determinasyon (Genesis 14:22-23).
a. Sumumpa si Abraham ng pag-sandig sa Diyos, na maniniwalang
ang Diyos lamang ang tanging source ng kanyang provision.
b. Alam ni Abraham na ang mga kayamang iyon ay mula sa mga
kamay ng Diyos, kung kayat siyay naging isa sa pinakamakapangyarihang tao nang kapanahunan niya. Lubos ang kanyang
pagsandal sa Diyos.

B. PAGSASA-AYOS NG MGA PRAYORIDAD (Mateo 6:33)


Gusto ng Diyos na maging lubos ang pagsandal natin sa kanya dahil
merong pagpapala yon. Kung ating nanasain na pasaganain niya tayo
sa ating mga espiritual na buhay, kahit na sa material na
pangangailangan tayoy kanyang ibi-bless din.

C. MALAYA SA PAG-IIMBOT (Awit 62:10)


Ang ibig sabihin ng pag-iimbot ay sobra-sobrang pagnanasa sa
kayamanan. Gusto ng Diyos na tayoy managana, subalit kung
nandiyan na sa atin ang pag-iimbot, imposibleng pagpalain tayo ng
Diyos. Ang pag-iimbot ay isang anyo ng idolatry (pagsamba sa diyusdiyusan).

D. PAGIGING TAPAT NA MGA KATIWALA


Kung tayoy tapat sa pamamahala sa mga biyayang ipinagka-katiwala
ng Diyos sa atin, dadagdagan pa ito ng Diyos. Ang layunin ng mga
talento ay:
Gamitin ng may katalinuhan
Paramihin
Gamitin para ma-luwalhati ang Diyos
Dapat nating maunawaan na palaging gina-gantimpalaan ng Diyos
ang mga nagta-tagumpay sa mga ipinag-katiwala sa kanila. Pero
hinihiya rin niya yung mga matatakutin at pabaya. Dahil dito, kukunin

67

The Family: YOUTH

din ng Diyos sa kanila ang kakaunting natanggap nila para ibigay iyon
sa mga nag-tagumpay.

E. PAGTANGGAP NG MASAGANANG BUHAY (Juan 10:10)


Ang kabaliktaran ng buhay na masagana ay pagnanakaw, kamatayan
at pagka-wasak. Ito ang ginawa ng kasalanan sa bawat isa sa atin.
Nadaya tayo nito, inakit at nang malaon ay kinuha ang lahat sa atin.
Pagkatapos, dinala tayo sa landas ng kapahamakan at kamatayan.
Dahil sa kalagayang ito, wala tayong kaalam-alam sa katotohanang
ang kamangha-manghang buhay na masusumpungan kay Jesus, ay
puwede rin pala sa atin.
Baguhin ang pag-iisip (Roma 12:2). Ang tao ang bunga ng kanyang
mga ini-isip. Kaya dapat nating buksan ang ating isipan sa
kapahayagan ng Espiritu dahil ito ang mag-aakay sa atin sa mga
bagong tagumpay. Hindi pinapayagan ng isang binagong pag-iisip ang
mga kaisipang pagiging mahirap, salat, wasak, kabiguan, pagka-talo,
atbp. Ang kaisipan ng masikap ay tiyak na naka-hilig sa kasaganaan.
CONCLUSION
Makakamtan lamang natin ang masaganang buhay sa pamamagitan
ng krus. Doon pinawalang-bisa ni Jesus ang bawat sumpa at
argumentong naka-amba sa atin. Kaya kailangan nating lumakad na
may binagong pag-iisip.
STUDENTS ASSIGNMENT
Kailangang ma-saulong lahat ng estudyante ang Biblical Foundational
Reference ng araling ito.
APPLICATION
Magbasa ng aklat patungkol sa renewing of the mind (pagbabago ng
isip). Basahin ang lahat ng salita na nagsasabi ng kasaganaan at iclaim ang mga yon para sa buhay mo.

QUESTIONNAIRE FOR FURTHER STUDY

The Family: YOUTH

68

1. Ipaliwanag ang salitang kasaganaan.


_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
2. Paano mo makakamtan ang masaganang buhay ayon sa
Genesis?
a. Genesis 17:1
_____________________________________________________
_______________________________________
b. Genesis 14:22-23
_____________________________________________________
_______________________________________
3. Paano ko uunahin ang mga bagay para magkaroon ng isang
masaganang buhay ayon sa Mateo 6:33?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
4. Ano ang pag-iimbot at paano ako makakalaya mula rito ayon sa
Awit 62:10?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
5. Sino ang mga katiwala at ano ang kanilang mga tungkulin ayon
sa Mateo 25?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
6. Paano ko mata-tanggap ang masaganang buhay na iyon ayon sa
Juan 10:10?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________
7. Dapat kong baguhin ang aking pag-iisip. Ipaliwanag ayon sa
Roma 12:2.

69

The Family: YOUTH

_____________________________________________________
___________________________________________

You might also like