You are on page 1of 2

1. Ang pagiging ina ay isang pagtawag ng Diyos.

Naniniwala po ba kayo na ang pagiging ina ay pagtawag mula sa Diyos? Yes! Motherhood is a
calling from our God. Kagaya nalang po sa nangyari kay Maria sya ay tinatawag ng Diyos para
maging lalagyan or vessel ng ating Panginoong Hesus. At gayundin ang bawat ina ay may mataas
na pagtawag mula sa Diyos. Kayo po ay tinawag dahil sa Pananaw ng Diyos kayo po ay handa
na.
Tinutukoy din po dito na dapat daw po sa mga kabataang kababaihan ay maghanda rin para sa
pagtawag ng ating Panginoon Diyos. At huwag dapat silang magmamadali sa pag-aasawa. Alam
nyo po ba kung bakit? Dahil ang pagiging Ina ay may malaking responsibilidad. Hindi ho basta
basta ang pagiging ina. Ang nakakalungkot nga lang po, kapag ang isang babae ay hindi pa
handa na magbuntis ay eventually makakagawa po sila ng karumaldumal na bagay at yan po ay
ang Abortion.
Malaking kasalanan po yan sa ating Panginoong Diyos na kitilin mo ang sarili mong anak dahil
lamang sa hindi kapa handa sa pagiging Ina. At para maiwasan po natin ang bagay na iyon.
Kayong mga kabataan na kababaihan or rather tayong mga kababaihan na wala pang asawa
kelangan po nating pagingatan ang ating pagkababae dahil yan po ay sagrado. Yan po ay
sagrado at regalo mula sa Diyos na kelangan po nating pag-ingatan. Sabi nga ho ng mga
matatanda “huwag mong isusuko ang Bataan hintayin mo munang ibigay ng diyos ang tamang
panahon”.
Pinarangalan po ang mga Ina sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila. At sila’y tinawag dahil
alam ng Diyos sila’y handa na.

2. Kinalulugdan siya ng Diyos.


Tinutukoy po dito na si Maria ay kinalugdan ng Diyos. Kung babasahin natin sa verse 30. “ Kaya’t
sinabi sa kanya ng ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos.”
Si Maria po ay isang babae na inilarawan ng Diyos bilang isang babaeng Kanyang "kinalugdan"
(Lukas 1:28). Ang salitang kinalugdan po ay mula sa isang salitang Griyego na nangangahulugan
na "binigyan ng maraming biyaya."
Tunay ngang pinagpala si Maria. Ito ay dahil sa siya'y nakikinig at sumusunod sa Salita ng
Diyos. Kaya kinalulugdan siya ng Diyos at pinili si Maria na maging ina ng ating tagapag-
ligtas.
Halimbawa po kung titignan po naten ang sitwasyon ni na Elisabet at ni.Zacarias. pareho po
silang matanda at baog pa si Elisabet pero dahil sila’y naging matuwid sa harapan ng
Panginoon kinalugdan sila at Biniyayaan ng Anak. At the same time ganoon din po sa ating
pangkasalukuyang panahon. Maraming gustong mabiyayan ng ating Panginoong Dios pero
kung tayo’y magiging matuwid at sumusunod sa mga utos ng Dios panigurado ho tayong
lahat ay pararangalan o bibiyayaan ng Ating Dios kamukha ng nangyari kina Maria at
Elizabeth.
3. Ang Kasabikan ng Diyos sa Matamis nating “oo”.
Tama ho, sabik na sabik po ang ating Dios sa ating mga “oo” and this is applies in all
Christians.Umaasam ang ating Panginoon sa ating pagtango upang magamit niya ang ating
mga buhay.
Kamukha nalamang po kay Maria na noong sa unang dating ng balita, nabigla si Maria at
nagulumihanan. Wala siyang idea kung paano ito mangyayari. Totoo na ang anyaya ng Dios
ay napakaimposible pero dahil sya’y naniniwala at nag tiwala sa Dios sya ay sumunod.
My Brothers’ and Sisters’, Nawa’y Tularan po natin si Maria na isinuko ang kanyang buhay
na naging dahilan ng kanyang pagiging mapalad dahil sa kanyang pag"oo" sa ating Diyos.
Tumalima siya sa kalooban ng Diyos. Nakinig siya sa Salita ng Diyos at iningatan ito sa
kanyang puso.
At ang pagsambang ito ay pasasalamat sa Diyos sa buhay ng bawat ina na tumanggap sa tawag
ng Diyos. Tandaan po natin na mula sa sinapupunan ni Maria, ipinanganak ang
Tagapagligtas. Mula sa sinapupunan ng mga ina, pinanganak po tayong lahat. Salamat sa
mga ina, sa kanilang mga sakripisyo, sa pagpapagamit nila sa Dios.

At ditto nalamang po nagtatapos ang ating pangalawang serye ngayong gabi and to God be all
the Glory.

You might also like