You are on page 1of 6

PAG-AARAL NG IBA’T IBANG RELIHIYON AT PANANAMPALATAYA NG MGA

MANITEÑO

Panimula

(Kabanata 1) ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang relihiyon ay isang anyo ng pagsamba. Saklaw nito ang saloobin, paniniwala

at gawain. Binubuo ito ng tao o pangkat ng tao na naglalayong mag-alay ng debosyon

sa kinikilalang diyos. Ito ang humuhubog sa moralidad, etika at ugali ng tao.

Ang bayan ng Manito ay kilala rin sa pagiging relihiyoso. Patunay dito ang iba’t

ibang relihiyong inaaniban ng mga Maniteños. Sa paraan ng kanilang pananampalataya

ay natuklasang mayroong ibang pagkakapareho at pagkakaiba-iba.

Bagamat ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa

pananampalataya. Gayunpaman, ayon kay Emile Durkheim, “Ang relihiyon ay iba sa

pananampalataya dahil ang relihiyon ay paniniwala na natatanging panlipunan.

Dito sa bayan ng Manito, ilan sa mga pangunahing relihiyon ay ang Romano

Katoliko, Iglesia ni Kristo, Sabadista, Born Again, Saksi ni Jehova at Ang Dating Daan.

Ang mga nabanggit na iba’t ibang relihiyon ay tinatawag na mga Kristiyano na mayroong

kanya-kanyang paraan ng pananampalataya. Ang mga relihiyon na ito ang pumupuna

sa pangangailangang ispiritwal ng mga taong naninirahan sa Manito. Sila ay may kanya-

kanyang alituntunin sa loob ng bawat relihiyon.

Sa pananaliksik na ito, mababasa ang mga paniniwala, doktrina at paraan ng

pagsamba sa Diyos at/o sa mga diyos.


Ang Romano Katoliko ay ang relihiyong naniniwala hindi lang sa Diyos kundi pati

na rin sa iba’t ibang santo. Ang Simbahan ang lugar kung saan dito nagtitipon-tipon ang

mga sumasamba. Karamihan sa mga tao ang pagkakaunawa sa salitang Simbahan ay

isa lamang gusali. Ngunit ang payak na kahulugan ng Simbahan ay hindi tumutukoy sa

gusali, sa halip ito ay tumutukoy sa mga tao. Ang salitang simbahan ay nagmula sa

Griyegong salita na “Ecclesia” na nangangahulugang isang “pagtitipon” o mga “tinawag”.

Ang mga Katoliko ay may banal na aklat na kung tawagin ay Bibliya na kung

saan ito ang nagsisilbing gabay sa kanilang pananampalataya. Naglalaman ito ng mga

aral at kasabihan upang mapalapit sa Diyos. Sa usaping pamumuno sa relihiyong

Katoliko ay pinangungunahan ito ng tinatawag na “Santo Papa”. Ang “Papa” ay ang

obispong Katoliko at patriyarka ng Roma na namamahala ng Simbahang Katoliko

Romano. Siya ang itinuturing na kataas-taasan sa organisasyon ng simbahan.

Sinusundan ito ng Arsobispo kung saan siya ang namumuno sa mga regular na obispo.

Kung baga siya ang punong obispo ng isang lalawigan. Susundan ito ng Obispo kung

saan sa kanya sumasangguni ang mga pari o mga Kura-Paroko, na siyang namamahala

sa mga lungsod. At sa isang bayan ang pari ang namumuno.

Ang Iglesia ni Cristo ay isang independenteng relihiyon. Sa aking pananaliksik

aking nalaman mula sa kanila na ang bawat kaanib dito ay may iisang paniniwala at

nagkakaisa sa panahon ng pagboboto. Sa kanilang paniniwala ay hindi Diyos si Kristo,

na kung saan sa mga Katoliko ay itinuturing na isa ring Diyos si Kristo sapagkat siya ay

isang anak ng Diyos Ama. Tinatawag si Kristo na Diyos Anak ng mga Katoliko. Ngunit

ayon sa mga Iglesia ay sinasamba nila si Kristo ayon sa utos ng Diyos.

Ang mga Iglesia ni Cristo ay hindi naniniwala sa mga Santo ng mga Romano

Katoliko. Walang rebulto o imahen ng mga santo sa kanikanilang bahay maging sa


kanilang kapilya. Ang kanilang simbahan ay tinatawag na bahay-sambahan kung saan

isinasagawa nila ang kanilang pagsamba. Sinasabing si Felix Manalo ang nanguna sa

pagtatag ng Relihiyong Iglesia ni Cristo sa Pilipinas. Kinikilala siya ng mga Iglesia ni

Cristo na sugo ng Diyos sa mga huling araw na ayon at batay sa mga aral ng Bibliya.

Siya ang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. Mayroon silang tinatawag

na Ministro. Ang kanilang samahan ay pinamumunuan ng isang ministro ng INC. Ang

bawat kaanib sa relihiyong ito ay tinatawag na “Kapatid”. Bibliya rin ang tawag sa

kanilang banal na aklat kung saan dito nakasulat ang mga salita ng Diyos.

Ayon sa isang website, ang Born Again ay isang Kristiyanong termino na

tumutukoy sa pagbabagong espiritwal sa pamamagitan ng Sakrameto ng Bautismo sa

kapangyarihan ng banal na tubig at sa salita ng Diyos. Ang terminong “Born Again” o

ipinanganak muli ay tumutukoy sa bagong pasimula ng kaugnayan sa Diyos.

Dahil sa si Jesus ang unang taong ipinanganak muli dahil binautismuhan siya sa

Ilog Jordan at pagkatapos ay pinahiran ng Diyos sa banal na espiritu at sa kadahilanang

siya ay ipinanganak muli bilang espiritwal na anak ng Diyos na may pag-asang muling

mabuhay sa langit, ang relihiyong Born Again ay naniniwalang ang maipanganak muli ay

inaampon ng Diyos bilang kanilang mga anak. Tulad ng mga inaampon ay nagbabago

ang kalagayan at nagiging miyembro ng pamilya ng Diyos.

Ang mga Saksi ni Jehova naman ay isang Kristiyanong relihiyon na naniniwala

kay Jehova bilang Diyos. Ang mga kaanib dito ay nagpupunta o namamahay-mahay sa

mga tahanan upang ituro o mangaral kung sino nga ba talaga ang Diyos na tinatawag

nila sa pangalang Jehova at kung ano ang misyon dito sa mundo.

Ang relihiyong Saksi ni Jehova ay may mga mangangaral, o ministro rin, ngunit

kabilang dito ang milyun-milyong kababaihan. Bagaman hindi sila nangunguna mismo
sa kongregasyon, lubusan silang nakikibahagi sa pagmadlang ministeryo. Kakaiba ang

mga Saksi ni Jehova sa kanilang kaayusang Organisasyon kumpara sa ibang relihiyon.

Wala o hindi sila pinangungunahan ng iisang tao lamang. Wala silang herarkiya.

Ang kanilang turo ay mula sa pagsasaliksik sa Bibliya ng Luping Tagapamahala

na umaako ng pananagutan sa pagbibigay kahulugan ng kasulatan. Mayroon silang

publikasyong inilalathala ng “Watch Tower Society”. Ang publikasyong ito ay nagtuturo

na ang mga pagbabago sa mga doktrina at pagdadalisay nito ay bunga ng pagsulong sa

pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos na si Jehova. Ang regular na personal na

pagbabasa ng Bibliya ay kanilang laging inirerekomenda.

Ang Sabadista naman o ang Seventh Day Adventist ay naniniwalang ang Diyos

ay may tatlong persona. Sila ay naniniwala sa “Sabath” ibig sabihin ay “Magpahinga o

tumigil mula sa paggawa. Ang Sabadismo ay isang sekta rin ng Kristiyanismo na

kabilang sa maraming paniniwala na ang pagsamba ay dapat ganapin tuwing ikapitong

araw, ang araw ng Sabado sa halip na ang araw ng Linggo.

Ang grupong ito ng mga Adventist ay nagpapatuloy sa kanilang paniniwala na

ang pangalawang pagbabalik ni Kristo ay nalalapit na. Katulad rin ng mga Katoliko, ang

mga Sabadista ay naniniwala na ang tao ay obligado na sumunod sa sampong utos,

kasama na ang Sabbath. Ang pagsunod sa mga utos na ito ay isang moral na

responsabilidad na siyang gumagalang at nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos na

tagapaglikha at tagapagligtas.

Sa pagaaral na ito, malalaman ang mga impormasyon sa pagkakaiba-iba ng

bawat relihiyon at kanilang pananampalataya dito sa bayan ng Manito.


Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral ang mabatid kung ano-anong relihiyon

mayroon ang bayan ng Manito at ano-ano ang kani-kanilang paniniwala at paraan ng

pananampalatay.

Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga relihiyon sa Manito, Albay?

2. Ano-ano ang mga paniniwala, tradisyon, kultura, pananampalataya at paraan ng

pagbibinyag?

3. Ano-anong mga doktrina na siyang nagiging batayan ng mga paniniwala?

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung anong mga relihiyon ang

presente sa Munisipalidad ng Manito.

Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga paniniwala, tradisyon, kultura at

pananampalataya ng mga Maniteños.

Ang naging sukatan at batayan ng pag-aaral ay ang pangangalap ng mga

impormasyon upang matipon ang mga realistikong datus na may kaugnayan sa paksang

napili.

Nakabatay ang mga impormasyon batay sa pananaw ng mga napiling

kinapanayam sa loob lamang ng bayan ng Manito na mayroong 15 barangay.

Hindi saklaw at hindi na biniyang tuon ang mga arkitektura ng simbahan o

bahay-sambahan ng bawat relihiyon.


Nakapokus lamang ang pag-aaral na ito sa relihiyon ng mga Maniteños.

Kabilang dito ang kanilang mga paniniwala, tradisyon, kultura at pananampalataya.

Sinasaklaw din sa pananaliksik na ito ang kahalagahan ng pag-unawa at

pagrespeto sa bawat tao anuman ang relihiyong kaniyang kinaaaniban.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na ang pananaliksik na ito ay magiging

makabuluhan, kapaki-pakinabang at malaki ang maitutulong sa mga sumusunod:

Sa mga Guro. Magagamit ito sa pag-tuturo sa antas ng Elementarya, Sekondarya at

Tersarya upang mas lubos silang makapagturo tungkol sa relihiyon kung nais

nilang magtatag ng matibay na pananampalataya sa buhay ng mga kabataan.

Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lubos na maunawaan

ang mga paniniwala ng mga tao sa inyong lugar.

Sa mga Mamamayan/Pamayanan. Upang makatulong sa pagpapalago at pagpapalakas

ng pananampalataya ng mga Maniteños. Makatutulong din upang maunawaan at

respetuhin ang kapwa anumang relihiyon ang kinaaaniban.

Sa Mananaliksik. Magsisilbing Sanggunian at batayan sa mga gagawin pang pag-aaral

sa hinaharap sa hinaharap na magbibigay daan sa pagkakaroon ng positibong

pananaw sa mga Kristiyano.

Sa Lahat. Upang mabigyan ng sapat na kaalaman at mabigyan ng pagkakataon ang

bawat panig o grupong panrelihiyon na marinig, mabasa at malaman ang

pagkakaiba ng mga Doktrina at paniniwala nang sa gayon ay mabigyan ng

pagpapahalaga at paggalang ang bawat isa.

You might also like