You are on page 1of 6

1.

Katutubong Paniniwala:
- Ang animismo ay isang paniniwala na nagsasabing mayroong mga espiritu o puwersa na hindi
materyal at madaling makita ng mga mata. Ang mga espritu at pwersa na ito ang nagpapakilos
sa ating kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniyang kaluluwa ang mga bagay-bagay lalo
sa ating kalikasan. Bukod dito, isa itong paniniwala sa kapangyarihan at lakas ng kaluluwa. Ang
mainstream nito ay likas na relihiyon, wala itong sistema ng pagtuturo o organisasyon. Kahit na
ang core ay nakikita sa pananampalataya ng Shogun at ang panayam , ang natitirang pribadong
pananampalataya ay kinikilala din sa mga kaugalian na pira-piraso bilang marupok na
paniniwala tulad ng pag- aari (nakatali) at contraindications . Ang paglitaw nito ay batay sa
buhay ng nayon, ngunit kung ano ang propagated sa pamamagitan ng ito ay madalas na isang
traveler ng itinerant kasaysayan. May mga kaso kung saan nilikha ang bagong relihiyon mula sa
pribadong relihiyon.

2. Kristyanismo (pinakamalaking populasyon)


- May 3 aral ang relihiyong ito: a. Ang Diyos ay nasa ating lahat, b. Tanggapin ang kalooban ng
Diyos, at c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa dahil lahat ay kawangis niya.
Kakaiba ang Kristiyanismo sa lahat ng relihiyon sapagkat ang mensahe ng Kristiyanismo ay mas
nakatuon sa relasyon kaysa sa mga ritwal na pang-relihiyon. Sa halip na magpa-alipin sa listahan
ng mga dapat at hindi dapat gawin, ang layunin ng isang Kristiyano ay linangin ang kanyang
malapit na kaugnayan sa Diyos Ama. Naging posible ang naturang relasyon dahil sa ginawa ni
Hesu Kristo at sa gawain ng Banal na Espiritu sa buhay ng isang Kristiyano.Naniniwala ang mga
Kristiyano na ang Bibliya ay hiningahan ng Diyos at walang pagkakamali at ang itinuturo ng
Bibliya ay pinal at sakdal.Naniniwala ang mga Kristiyano na nilalang ng Diyos ang tao upang
magkaroon ng maayos na relasyon sa Kanya, subalit nahiwalay ang tao sa Diyos dahil sa
kasalanan. Upang maligtas ang isang tao, kinakailangang ilagak niya ng buong-buo ang kanyang
pananampalataya sa natapos na gawain ng pagliligtas ni Hesus sa krus. Ang sinumang
nagtitiwala na namatay si Hesus bilang kahalili niya sa krus ay maliligtas, sapagkat binayaran ni
Hesus ang kaparusahan ng kanyang mga kasalanan.

3. Islam
- Isa sa mga pinakalaganap na relihiyon sa Pilipinas. Ito ay itinatag sa Mecca, Saudi Arabia.
Koran o Quran ay ang aklat kung saan naroon ang kanilangmga banal na aral. Naniniwala ang
mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ni Allah) ang kanyang banal
na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga propeta gaya ni Muhammad.Si Allah ay hindi
espesyal na panginoon para lamang sa mga Muslim, bagkus si Allah ang Diyos at ang
Tagapaglikha ng lahat, kabilang dito ang sangkatauhan. Ang Quran ay ang tunay na koleksyon
ng mga rebelasyon na naitala sa anyong aklat. Ito ang eksakto at walang pag babago na salita ni
Allah para sa Sangkatauhan.Limang beses sa isang araw na tawag sa itinakdang mga ritwal na
pagsamba na umaalingawngaw mula sa mga minarete (minarets) ng mga masjid (Moske),
malakas na ugong (tunog) mula sa aplikasyon ng mga IPhone, at mga panawagan ng tao na
pumunta sa isang bagay na mas mabuti kaysa sa kung ano ang kanyang ginagawa. Ang
panawagan na purihin (sambahin) ang Nag-iisang Panginoon (Allah), pagpapatotoo sa Kaisahan
ng Allah, pagpapatotoo ng pagiging sugo ni Propeta Muhammad (saw) at mga pagtawag sa tao
sa tagumpay

4. Iglesia ni Cristo
- Naniniwala ang mga kasapi at kaanib nito na ito ang katuparan ng mga hula ng Bibliya, ang
iglesyang itinatag ni Kristo. Ani nila, muling babangon sa Malayong Silangan si Kristo at ang
pagsapit ng Ikapitong Tatak ay hudyat ng mga huling araw ng daigdig.

 Ang basehan ng mga aral ng INC ay ang BIBLIYA. Dito nakasulat ang mga salita ng Diyos.
Hindi sila sumusunod sa mga kredo.

 Naniniwalai sa iisang Diyos, ang Ama. Hindi naniniwala sa Trinity.

 Naniniwalang hindi Diyos si Kristo. Siya ay TAO, ngunit hindi ordinaryong tao na katulad
natin. Siya ay Panginoon, tagapaglitas, tagapamagitan, anak ng Diyos, at ang nagtayo ng
Iglesia. Sinasamba siya ayon sa utos ng Diyos.

 Naniniwalang ang pag anib sa tunay na Iglesia ay kailangan sa pagtamo ng kaligtasan. Hindi
naniniwala na sapat na ang pananampalataya lamang upang maligtas.

 Naniniwalang ang bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ay kailangan sa pagtamo


ng kaligtasan. Hindi nagsasagawa ng bautismo sa sanggol.

 Naniniwalang nagtayo si Kristo ng IISANG IGLESIA lamang. Hindi naniniwala na ang lahat ng
Iglesiang nakatatag ngayon sa mundo ay tunay at mga kay Kristo.

 Naniniwala ang Iglesiang itinayo ni Kristo noong unang siglo ay ang Iglesia ni Cristo. Iyon
ang pangalan ng kanyang Iglesia at ang ililigtas niya pagdating ng araw ng paghuhukom,
sapagkat ito ay ang kanyang katawan. Lahat ng tao ay kailangan umanib sa Iglesia upang
maligtas.

 Naniniwala na ang Iglesia na natatag noong unang siglo ay natalikod. Ito ang kilala ng
marami ngayon sa pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.

 Naniniwalang si Kapatid na Felix Manalo ay sugo ng Diyos sa mga huling araw. Siya ang
instrumento sa pagtatayong muli ng Iglesiang natalikod. Hindi siya kinikilala bilang
FOUNDER ng Iglesia.

 Naniniwala na ang katuparan ng hula sa bibliya kung saan at kailan lilitaw muli ang Iglesia ni
Cristo ay sa Pilipinas (na nasa malayong silangan),noong July 27, 1914 (simula ng unang
Digmaang Pandaigdig).
 Naniniwala na hindi sapat na miyembro ka lamang ng Iglesia para maligtas. Kailangan ang
pagbabagong buhay at pagsunod sa utos ng Diyos hanggang kamatayan.

 Naniniwala na ang araw ng paghuhukom ay magaganap sa ikalawang pagparito ni Kristo.


Naniniwala sa pagkabuhay na mag uli.

 Naniniwala sa ikalawang kamatayan, ito ay sa dagat-dagatang apoy.

 Naniniwala na ang pagdalo sa mga pagsamba at ang pag-aabuloy ay obligasyon.

 Hindi nagsasagawa ng 10% tithing. Naghahandog ayon sa dikta ng puso.

 Naniniwala na aral ng Diyos ang pag-iibigang magkakapatid. Tinatrato ang isat-isa sa loob
ng Iglesia na pantay-pantay.

 Naniniwala na aral ng Diyos ang PAGKAKAISA at hindi dapat magkaroon ng pagkakabaha-


bahagi sa loob ng Iglesia. Kami ay bumoboto rin bilang ISA tuwing eleksyon.

 Naniniwala sa separation of Church and State. Ang bawat miyembro ay inaasahang


susunod sa mga alituntunin at batas ng gobyerno.

 Isinasagawa ang disiplina at kaayusan.

 Naniniwala na labag sa utos ng Diyos ang pagkain ng dugo, live-in, pakikipagrelasyon sa di


kapananampalataya, pag aasawa sa di kapananampalataya, pakikipagrelasyon sa kapwa
babae/lalake, same sex marriage, divorce, annulment, legal separation, pakikiapid, pre-
marital sex, pagkalulong sa alak, sugal at droga.

 Hindi naniniwala sa mga santo ng Iglesia Katolika. Walang mga rebulto o imahen ng mga
santo sa aming bahay at kapilya. Hindi rin naniniwala sa mga milagrong diumanoy
nagagawa nito.

 Hindi naniniwala na si Maria ay ang ina ng Diyos. Hindi siya tagapamagitan sa Ama.

 Hindi naniniwala sa purgatoryo at hindi ipinanalangin ang mga patay.

 Naniniwalang hindi dapat kine-cremate ang patay.

 Hindi naniniwala sa mga multo, feng shui, magic, at pamahiin.

 Hindi nagdidiwang ng Pasko, Halloween, Araw ng mga patay, Valentines Day, Mahal na
araw, at mga fiesta na para sa mga santo o patron. Hindi rin kami sumasali sa Flores de
Mayo/Santacruzan/Sagala at nakikikain sa fiesta na alay para sa mga patron..
 Lahat ng miyembro ay inaasahang marunong manalangin. Hindi gumagamit ng rosaryo at
hindi kami nananalangin ng inuulit-ulit. Hindi rin nagsisign of the cross.

 Naniniwala na marapat lamang na sumunod at magpasakop sa pamamahala at mga


maytungkulin sa Iglesia.

 Ang Iglesia ni Cristo ay sumusuporta sa family planning at paggamit ng contraceptives


ngunit hindi ang aborsyon.

 Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay:

 1. Hindi sumasali sa mga unyon, fraternity at sorority.

 2. Hindi nakikisama sa pagsasayaw sa bar, J.S prom at cotillion.

 3. Umiiwas na dumalo sa Christmas Party, pagsamba sa ibang relihiyon, at iba pang


pagkakatipon na hindi naaayon sa aral ng Iglesia ni Cristo.

 4. Hindi nakikigaya sa mga gawaing pang sanlibutan.

 5. Nagbabagong buhay at sumusunod sa mga aral sa loob ng Iglesia.

 6. Masigla sa pakikipagkaisa sa mga aktibidad sa Iglesia.

 7. Hindi nagmumura at hindi nagsasabi ng di magagandang salita.

 8. Isinasagawa ang kaayusan sa sarili sa pagdalo ng pagsamba.


 - Hindi nagpapalagay ng tattoo sa katawan.
 - Hindi nagpapakulay ng buhok na kaiba sa orihinal nitong kulay.
 - Hindi nagsusuot ng shades at sumbrero
 - Hindi nagsusuot ng rubber shoes, maong, shorts, tsinelas, tshirt, etc.

 Sa lalaki:
 - Polo/long sleeves/Amerikana, Slacks, black shoes etc.
 - Hindi mahaba ang buhok, at maayos
 - Hindi nagsusuot ng earrings

 Sa babae:
 - Blouse/Paldang hanggang tuhod etc.
 - Hindi nagsusuot ng maiikling palda, sleeveless, backless, tube etc.
IBA’T IBANG
PANINIWALA,
RITWAL AT MGA
GAWAIN NG IBA’T
IBANG RELIHIYON
Ipinasa ni:
Bart Eugene B. Nieves

You might also like