You are on page 1of 3

GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN: Ang Madilim na Nakaraan ng

Simbahang Katoliko at Ang mga Nakatagong Katotohanan sa Kasaysayan


ni Daniel Avila De Guzman
Batayang aklat: C. L. Diaz, World History: New Perspectives, Anvil Publishing, 2011, Manila

Minds are like parachutes; they only function when they are open.
-

Thomas R. Dewar

Isang napakahalagang bagay na dapat tandaan ng bawat taong nag-aaral ng kasaysayan ay ang
pagkakaroon ng bukas na isip. Kailangang maging handa ang sarili sa pagtanggap ng bagong
kaalaman na madalas ay mahirap tanggapin at paniwalaan sapagkat mayroon tayong naunang
paniniwala na taliwas sa ating bagong matutuklasan. Ngunit hindi nagsisinungaling ang kasaysayan,
sapagkat malinaw na ito ay nangyari na. Hindi na mababago, at lalong mahirap itanggi lalo na kung
marami ang makapagpapatunay.
Layunin ng lektyur na ito na maglahad ng ilang mga katotohanan sa likod ng nagtataasang templo ng
simbahan at mga bulong ng pananampalataya upang mas mapalalim ang pananaw ng bawat
mambabasa sa dalumat (konsepto) ng Kristiyanismo sa bansa, gayundin, sa ibang mga relihiyon.
Sipiin natin ang sinabi ni Ayn Rand:
If devotion to truth is the hallmark of morality, then there is no greater, nobler, more heroic form of
devotion than the act of a man who assumes the responsibility of thinking . . the alleged short-cut to
knowledge, which is faith, is only a short-circuit destroying the mind.
Itatama natin ang mga maling paniniwala na binuo ng maling pananampalataya.
Maraming mga pangyayari sa kasaysayan ng mga relihiyon sa daigdig ang tuluyan nang pasadyang
tinanggal sa mga aklat na pinag-aaralan sa mga institusyon sapagkat mayroon silang takot na baka
maging dahilan ito upang maapektuhan ang kanilang matibay na paniniwala at kinabibilangang
relihiyon at maging sanhi ng kanilang pag-aalsa. Ipinahayag din ito ni Dr. Rizal sa kanyang nobelang
Noli Me Tangere sa katauhan ni Padre Damaso na nilalait si Crisostomo Ibarra na nakapag-aral sa
Europa. Gayundin sa El Filibusterismo na nakasaad sa aklat ng Tandang Basio Macunat na hindi dapat
matuto ang mga Indio sapagkat magiging dahilan ito upang matuto silang lumaban sa mga Kastila.
Mga katunayang HINDI napapansin ng mga mag-aaral kahit lantarang ipinapahayag ng mga binabasa
nilang panitikan sa paaralan.
Ang kapangyarihan ang isa sa naging sanhi ng pagkakaroon ng kasiraan sa maraming institusyon sa
isang bansa, partikular na ang simbahan. Ayon kay Diaz (2011), While I stick to my belief that power
cannot corrput us unless we let it. Sang-ayon ako sa sinabi niya. Ang maling paggamit ng
kapangyarihan ang magiging dahilan ng kasiraan ng sinumang pinuno ng isang bayan.
Hindi makaliligtas ang simbahan sa usaping ito. Maraming korupsyon ang naganap noon pa man. Hindi
ito dapat ikagulat sapagkat bagaman sila ang nagtataguyod ng mabubuting gawa mula sa salita ng
Diyos, hindi natin dapat kalimutan na silay mga tao ring gaya natin.
Sa ikalawang hati ng Gitnang Panahon (Middle Ages) kung kailan namalas ang pamamayagpag ng
kapangyarihan ng Roman Catholic Church, maraming bilang ng mga pinuno ng simbahan gaya ng mga
pari, obispo, at maging Santo Papa ang umabuso sa kanilang kapangyarihan alang-alang sa kanilang
mga makamundong layaw. Isa sa mga pang-aabusong ito ay ang pagtatalaga ng ilang kamag-anak sa

Page 1 of 3

isang partikular na mahalagang posisyon sa simbahan nang hindi isinasaalang-alang ang personal na
kuwalipikasyon nito sa posisyong pamumunuan. Ito ang tinatawag na nepotismo. May mga paring
nagbebenta ng mga sagradong kagamitang pansimbahan sa napakamahal na halaga gaya ng mga
relikaryo ng mga santo. May mga obispong naakusahan ng pagnanakaw sa mga alay sa simbahan,
sapilitang pagbabayad ng buwis ng mga mananampalataya upang suportahan ang kanya-kanyang
parokya. Samakatuwid, napakaraming mga katolikong nababaon sa kahirapan nang dahil sa pagsunod
sa kahingian ng mga pinuno sa simbahan habang ang mga pari, obispo at Santo Papa ay namumuhay
sa nakalululang kasaganahan. Mahalaga ring banggitin ang kontrobersya hinggil sa hindi pagpayag ng
mga pari na ipaubaya ang mga lupaing kanilang inari. Mayroon ding mga pangyayari hinggil sa isyu ng
pagpapakasal ng ilang pari na bawal sa doktrinang kanilang sinumpaan, at ang panggagahasa sa
kababaihan at pagtatago ng kanilang mga anak na bunga ng kahayupan. Ang mga taong sumubok na
magsalita upang ibunyag ang ganitong maduming gawain ng mga lider-simbahan ay pinararatangang
naninira sa imahe ng simbahan, nililitis, at kapag nahatulan ng kamatayan ay susunugin nang buhay, o
hindi kayay pinupugutan ng ulo.
Ngunit hindi lamang panlabas na eskandalo ang naganap sa hanay ng simabahan. Isa sa
pinakamalaking kahihiyan ng Simbahang Katoliko ay ang The Great Western Schism na tumagal ng
40 taon (1378-1417) kung saan nagkaroon ng dalawang Santo Papa nang sabay na nanungkulan dulot
ng pagkakaroon ng hiwalay na paksyon o hanay na hindi magkasundo sa loob ng pamunuan ng
simabahan. Ang isang Santo Papa ay nanungkulan sa Vatican at ang isa ay sa Avignon, France.
Nagdulot ng matinding kalituhan at kagipitan ang maraming katoliko sa kung sino ang dapat na sundin
at kilalaning pinuno ng relihiyong katoliko.
Pinalala pa lang kalagayang ito nang nagkaroon ng isang mahalagang pagpupulong ang kaparian
upang resolbahin ang naturang problema ngunit hindi dumalo ang parehong Santo Papa, na
nagbunsod upang magpasya ang mga kardinal na maghalal ng isa pang Santo Papa.
Naresolba sa wakas ang problemang ito nang sa isang pang pagpupulong ay nagkusang bumaba sa
puwesto ang isa sa tatlong santo Papa at napagpasyahan ng lahat na tanggalin sa puwesto ang
dalawang natitirang santo Papa. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay muli silang naghalal ng bagong
santo Papa na si Martin V.
Sa paglipas ng panahon at pagsapit ng Reinaissance Age, marami sa mga pinuno ng simbahan ang
mas naglaan ng panahon sa mga gawaing labas sa simbahan gaya ng siyentipikong pagtuklas, at
pagpapalago ng kanilang mga kalakal. Napabayaan na nila ang kanilang mga responsibilidad bilang
mga pari at maging ang kanilang personal na buhay-espiritwal.
Isa pang isyu ang tunay na kahindik-hindik ay ang pang-aabusong may tuwirang kinalaman sa doktrina
ng simbahan hinggil sa indulhensya. Sa konteksto ng simbahan, ang indulhensya ay nangangahulugan
ng parsyal, o lubusang pagkakaligtas ng kaluluwa ng namayapa sa kaparusahan nang dahil sa
kanyang mga kasalanang nagawa habang ito ay nabubuhay pa sa mundong ibabaw. Natatamo ito sa
pamamagitan ng pagpapadasal, pagbisita sa mga may sakit at nasa bilangguan, at pagtulong sa mga
taong pinanghihinaan ng loob sa buhay. At ayon sa kasaysayan, dulot ng matinding kagustuhan ni
Pope Leo X na matapos ang pagpapagawa ng St. Peters Basilica, walang ingat niyang sinabi sa mga
mananampalataya ng simbahang katoliko na ang pag-aambag ng salapi ay makapagliligtas ng
kaluluwa ng sinuman. Nagkaroon pa siya noon ng slogan na As soon as the coin in the coffer rings,
the soul from purgatory springs.
Hindi ito naging katanggap-tanggap para sa maraming deboto lalo na sa isang taong nagngangalang
Martin Luther. Si Luther na isang kilalang propesor ng Teolohiya (Theology) sa University of Wittenberg
ay hindi sumang-ayon sa sinabing ito ng santo Papa na makatitiyak ang sinuman ng kaligtasan ng
kaluluwa sa pamamagitan lamang ng pag-aambag ng salapi sa simbahan.
Dito naging kilala si Martin Luther na nanguna sa pagtutol sa baluktot na katuruan ng simbahan na
kanyang inilahad sa kanyang 95 theses na kanyang isinulat noong 1517. Dulot ng kasiraang ito ng

Page 2 of 3

simabahng katoliko, nagkaroon ng maraming ibat ibang relihiyon sa daigdig na nabuo ng mga
tumiwalag na katoliko.
Ngunit ang lahat ng kahihiyang ito ay nalagpasan ng simbahan dahil sa kanilang mga pagbabagong
ipinatupad na sinimulan sa loob ng simbahan.
Sa lagom ng lektyur na ito, ipinapakita na ang anumang relihiyon ay hindi masasabing perpekto,
sapagkat tao rin ang mga nagpapatakbo nito, gaano man sila tinitingala sa ibabaw ng daigdig na ito.
Ang kaligtasan ng kaluluwa ay hindi nakasalalay sa salaping iniaalay sa simbahan, gaya ng naunang
itinuro ng Santo Papa na si Pope Leo X.
Bagaman ang simbahan ang nangunguna sa pagtuturo sa mga salita ng Diyos, tandaan nating
maaaring magkamali ang sinuman. Kung sa tingin natin ay mali ang iniuutos sa atin, huwag tayong
magbulag-bulagan sa katotohanan.
Hindi dapat gamitin ang anumang kasiraan ng isang relihiyon ng kalabang relihiyon. Pare-pareho
tayong tao na likha ng iisang Diyos. Nagkakaiba-iba lamang tayo sa paraan ng pagsamba sa kanya.
Ang mga pagkakamali ng isang relihiyon ay hindi dapat maging dahilan upang talikuran ang naunang
paniniwala kundi mas higit pang tuklasin ang katotohanan, tanggalin sa kapangyarihan ang ugat ng
karahasan, kasakiman, at kahayupan, linisin at ituwid ang mga pagkakamali, at simulang linanging
higit ang pananampalataya. Sa ganitong paraan, mas mapatatag mo ang iyong pananampalataya.
At higit sa lahat, gaya ng sinabi ni Ayn Rand, gumamit ng isip upang hindi maligaw sa pinag-aalayan
ng pananampalataya.
Tandaan natin na wala sa haba ng panalangin, dami ng beses ng pagsisimba, at klase ng relihiyong
kinabibilangan ang tunay na kaligtasan, kundi nakasalalay sa paggawa ng lahat ng mabuting bagay
para sa kapwa, sinuman sila sa ating paningin.

Antipolo City,
Enero, 2016

Page 3 of 3

You might also like