You are on page 1of 12

1.

Mga pinaniniwala ng katoliko

1. Naniniwala at sumusunod ang mga katoliko sa sampung utos ng Diyos.

2. Naniniwala ang mga katoliko na ang panginoon ay nagkatawang tao sa


pamamagitan ni Jesus na kanyang anak upang tubusin tayo sa ating mga
kasalanan.

3. Naniniwala ang mga katoliko sa Santo Rosario.

4. Naniniwala ang mga katoliko na si Sta. Mariang Birhen ang ina ng langit.

5. Naniniwala ang mga katoliko na meron tayong iisang Diyos.

6. Pinagdiriwang ng mga katoliko ang kapistahan ng mga santo upang


magpasalamat at gunitain ang kanilang kabanalang ginawa.
2. Ano ang katoliko

Ang katoliko ay relihiyong Kristiyanong Romano Katoliko


na naniniwala sa iisang Diyos lamang. Mula sa salitang
Griyego na (katholikos) na ang ibig sabihin ay “Sanlibutan
o Unibersal”.
Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa
buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong
kasapi nito.
3.Sampung Utos ng Diyos na pinaniniwalaan ng mga
Katoliko
1. Huwag kayong sasamba sa ibang Diyos.
2. Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan.
3. Huwag ninyong gamitin ang pangalan ko sa walang
kabuluhan.
4. Sundin ang araw ng Pamahinga.
5. Igalang ang iyong ama at ina.
6. Huwag kayong papatay.
7. Huwag kayong mangangalunya.
8. Huwag kayong magnakaw.
9. Huwag kayong sasaksi ng hindi totoo.
10. Huwag ninyong pagnanasahan ang bahay ng iyong
kapwa, asawa, mga alipin, hayop o alin mang pag-aari
niya.
Ang Sampung Utos ng Diyos ay mga patakaran, kautusan,
o pagtuturo pampananampalatayang ibinagay ng Diyos
upang sundin.
4.Ano ang ritwal na ginagawa ng mga katoliko?

Ang bautismo o binyag ay isang sakramento o ritwal ng


mga Katoliko na ginagawa sa pamamagitan ng
pagbubuhos ng banal na tubig sa may ulunan ng sanggol
o maging nasa-edad na ito ay bilang tanda ng pagiging
bahagi niya sa pamayanang Kristiyano. Ang
pagbabautismo ay sumasagisag din sa pagkakatanggal ng
mga kasalanan ng isang tao. Ang lahat ng mga kasalanan
ay pinatawad, orihinal na kasalanan at lahat ng personal
na mga kasalanan.Ibinibigay ng isang beses para sa lahat
ang binyag at ito ay hindi maaaring ulitin. Sa
pamamagitan nito, inaasahang magiging mabuting
Kristiyano ang binibinyagan.
5. Mga Pangunahing Panalangin na dapat alam ng isang
Katoliko
1. Tanda ng Krus
Dakilang simbolo ng pagiging kristyanong katoliko. Ito rin
ay kapahayagan ng pagsamba o pagkilala sa iisang Diyos
na tatlo ang pagkapersona. Ang Diyos Ama na Siyang
Tagapaglikha; ang Diyos Anak, si Jesukristo na Siyang
Tagapagligtas; at ang Diyos Espiritu Santo na Siyang
Tagapagpabanal at gumagabay.
2. Ama Namin
Nagpapahayag ito nang isang bagong pakikipag-ugnayan,
nang malinaw na pagtanggap at pagpapahayag ng
relasyon sa isa’t-isa. Ito ay pagsamba sa Diyos bilang
Amang may likha.
3. Aba Ginoong Maria
Ito ay panalangin kay Santa Maria. iKnikilala si Maria
bilang ina ni Jesus.
4. Luwalhati
Ito ay isang doxolohiya na nangangahulugang maikling
awitin, panalangin ng pagpupuri, pagsamba sa Diyos
Ama, Anak, at Espiritu Santo sa lahat ng panahon. Isang
panalanging nagpupuri at kumikilala sa Diyos bilang
Diyos.
5. Sumasampalataya
Ito ay panalanging nagpapahayag ng kabuuan ng mga
katotohang pinaniniwalaan o sinasampalatayanan ng
mga Kristiyanong Katoliko.Sa panalanging ito
pinagsamasama ang mga katotohanang itinuturo ng
Simbahan at siyang nagbubuod ng mahahalagang
katotohanang pinaniniwalaan.
6. Saan nag mula ang katoliko

Tinitindigan ng Simbahang Katoliko na ang kanilang


pinagmulan ay ang kamatayan, pagkabuhay na muli, at
pag-akyat ni Hesus sa langit noong humigit kumulang 30
A.D. Ipinroklama ng Simbahang Katoliko na ito ang
iglesyang kinamatayan ni Hesu Kristo at ang iglesyang
itinatag ng mga apostol.
7. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pangungumpisal
sa pari?"

: Ang konsepto ng pangungumpisal ng kasalanan sa pari


ay hindi kailanman matatagpuan sa Bibliya. Una, hindi
itinuturo na mayroong Pari sa Bagong Tipan; Sa halip,
itinuturo sa Bagong Tipan na ang lahat ng mga
mananampalataya ay saserdote (o pari sa terminolohiya
ng Romano Katoliko) ng Kataas-taasang Diyos.
Inilalarawan sa 1 Pedro 2:5-9 bilang mga "banal na
saserdote" at "mga saserdote ng Hari". Inilarawan sa
Pahayag 1:6 ang mga mananampalataya bilang "isang
kaharian at mga saserdote. Sa Lumang Tipan, ang mga
mananampalataya ay dapat na lumapit sa Diyos sa
pamamagitan ng mga saserdote.
8. "Ano ang doktrina ng 'pagakyat ni Maria sa Langit'?

Ang pag-akyat ni Maria sa langit (o ang pag-akyat sa


langit ng birhen) ay ang katuruan na pagkatapos na
mamatay ng ina na si Hesus na si Maria, siya ay nabuhay
na mag-uli, niluwalhati ang katawan at dinala ang
katawan sa langit. Ang salitang "assumption" ay mula sa
salitang Latin na nangangahulugan na "iakyat." Ang
pagakyat ni Maria sa Langit ay itinuturo ng simbahang
Romano Katoliko at sa mas mababang antas, ng Eastern
Orthodox Church.
9."Si apostol Pedro ba ang unang Papa?"

Pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko na si Pedro ang


unang papa kung kanino itinayo ng Diyos ang Kanyang
iglesia (Mateo 16:18). Dahil sa posisyong ito, may
kapamahalaan siya sa ibang mga apostol. Itinuturo ng
Simbahang Katoliko na ilang panahon pagkatapos ng mga
pangyayaring natala sa Aklat ng Gawa, si apostol Pedro
ang naging unang obispo sa Roma at di naglaon, ang
obispo sa Roma ay tinanggap ng unang iglesia na may
kapamahalaan sa lahat ng iglesya. Itinuturo nila na
ipinasa ng Diyos ang awtoridad ni Pedro sa mga sumunod
sa kanya na naging obispo sa Roma. Ang katuruang ito na
ipinasa ng Diyos ang awtoridad ni Pedro sa kanyang mga
kahalili ay tinatawag na "pagsasalin ng pagkaapostol."
10.Ang papa ba ang kinatawan ni Kristo sa lupa?"

Ang salitang "vicar" ay nagmula sa isang salitang Latin na


"vicarius" na nangangahulugang "kahalili" o “kinatawan.”
Sa simbahang Katoliko, ang vicar ay ang kinatawan ng
isang opisyal na mataas ang ranggo, ngunit may kapantay
na kapangyarihan at kapamahalaan na gaya ng mataas na
opisyal na iyon. Sa pagtawag sa Papa bilang "kinatawan
ni Kristo" o "Vicar of Christ," nangangahulugan ito na ang
Papa ay may kaparehong kapangyarihan at awtoridad na
gaya ni Kristo sa iglesya. Ang titulong ito ay nagmula sa
mga pananalita ni Kristo kay Pedro sa Juan 21:16-17,
"Pakainin mo amg Aking mga tupa.... Alagaan mo ang
Aking mga tupa." Ang mga salitang ito, ayon sa
pangangatwiran ng Simbahang Katoliko ay nagsasaad na
si Pedro ang Prinsipe ng mga apostol, ang unang papa, at
siyang gumanap sa mga salita ni Hesus sa Mateo 16:18-
19, (kung saan tinawag ni Hesus si Pedro na bato kung
saan Niya itatayo ang Kanyang iglesya).

You might also like