You are on page 1of 1

ONE HOLY CATHOLIC AND APOSTOLIC CHURCH

Ang salitang “Simbahan” ay hango sa salitang Griyego “ekklesia”= silang mga tinawag. Lahat tayong mga
biniyagan at naniniwala sa Diyos ay tinawag ng Panginoon. Tayong lahat ang bumubuo sa Simbahan. Si Kristo,
ayon kay San Pablo, ang Ulo ng Simbahan. Tayo ang kanyang katawan.

1. Ang simbahang itinatag ni Hesukristo na kanyang ililigtas sa kanyang paghuhukom. Ito ay kanyang ibinigay
kay Pedro, na isa sa kanyang mga apostol, upang pamahalaan at ipakalat ang pananampalataya na si Hesukristo
ang Panginoon at Tagapagligtas ng lahat.

“At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatatag ko ang aking Simbahan at ang
kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng
kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay
ipahihintulot din sa langit.” (Mateo 16:18-19)

The Four Marks of the Church.

1. Ang simbahan ay iisa.


Si Kristo ay iisa lamang, kaya naman ang katawan ni Kristo ay nag-iisa. iisa rin ang Kasintahang Babae
ni Kristo, samakatuwid, iisa ang tanging Simbahan ni Hesukristo. Siya ang ulo, habang ang Simbahan
ay ang kanyang Katawan, Sila ang bumubuo sa Simbahan sa “kabuuan ni Kristo”, (ayon kay San
Agustin). Tulad ng katawan na binubuo ng maraming mga miyembro ngunit iisa, gayundin naman ang
nag-iisang Simbahan ay binubuo ng mga partikular na diyosesis.

“Iisang katawan at iisang espiritu dahil sa pagkatawag sa inyo; tinawag kayo sa iisang pag-asa. Iisang
Panginoon, iisang pananampalataya, iisang binyag; iisang Diyos at Ama sa lahat, na nakapangyayari sa
lahat at gumagawa sa lahat, at nasa lahat.” (Ef 4:4-6)

2. Ang simbahan ay banal.


Ang simbahan ay banal, hindi dahil ang lahat ng kanyang mga kasapi ay banal, ngunit dahil ang Diyos
ay banal at kumikilos sa kanya. Ang lahat ng mga kasapi ng simbahan ay pinabanal ng Binyag. Ang
simbahan ay ang templo ng Espiritu Santo, sapagkat sa Simbahan ay naroroon ang pagpapala ng ating
Panginoong Hesukristo sa mga nananampalataya sa kanya.

“Magsalita ka sa buong pamayanan ng mga anak ng Israel at sabihin sa kanila- Magpakabanal kayo
sapagkat akong si Yahweng Diyos ninyo ay banal.” (Lev 19:2)

3. Ang simbahan ay katoliko.


“Katoliko” ay hango sa salitang griyego na “kat’holon) na ang kahulugan ay “kabuuan”. Ang simbahan ay
katoliko dahil tinawag siya ni Kristo upang ipahayag ang kabuuan ng pananampalataya, pangalagaan, at
pangasiwaan ang lahat ng mga sakramento, at ipahayag ang Mabuting balita sa lahat; at ang Simbaha’y
kanyang pinahahayo sa lahat ng mga bansa.

4. Ang simbahan ay apostoliko.


Ang simbahan ay apostoliko dahil siya ay itinatag ng ating Panginoon sa kanyang mga apostol, may
malakas na pagkapit sa kanilang Tradisyon, at pinamumunuan ng kanilang mga kahalili. ang Papa
kasama ng kanyang mga Obispo.

You might also like