You are on page 1of 2

ANG LITURHIYA

Ang liturhiya ay gawaing pampari ni Hesukristo na kung saan ang buong pagsamba ng sambayanan at ang pagpapabanal
sa sangkatauhan ay ginagawa ng buong Mistikal na Katawan ni Kristo, ang ulo kasama ang katawan, at gumagamit ng
mga tanda na nararanasan sa pamamagitan ng mga pang-ramdam or senses.

GAWAING PAMPARI NI KRISTO: PAGSAMBA AT PAGPAPABANAL


Ang liturhiya ay gawaing pampari ni Hesukristo na kung saan ang buong pagsamba ng sambayanan at ang pagpapabanal
sa sangkatauhan ay ginagawa ng buong Mistikal na Katawan ni Kristo, ang ulo kasama ang katawan, at gumagamit ng
mga tanda na nararanasan sa pamamagitan ng mga pang-ramdam or senses.

LAHAT NG LITURHIYA AY TUMUTURO SA AT NAGDIRIWANG NG MISTERYO NG PASKUWA

Nang ginanap ni Kristo ang kanyang pagkapari sa kanyang Pagpapakasakit, Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Nang
mamatay siya sa krus, ipinasa niya sa Simbahan ang kanyang Espiritu, ang Espiritu ng kabanalan. Gayun din, kapag
ginaganap natin ang liturhiya, kapag inaalala (remember) at isinasa-ngayon (make present) natin ang Paschal Mystery sa
ritwal [anamnesis], nalulukuban din tayo ng Espiritu at naliligtas tayo [epiclesis]. Ang Liturhiya ay anamnesis at epiclesis.

Nagaganap para sa atin ang gawaing pagliligtas ni Kristo sa pamamagitan ng Liturhiya kaya ang Liturhiya ay extension ng
Salvation History. Sabi nga sa Panalangin ukol sa mga Alay ng Pagdiriwang sa Pagtatakipsilim ng Paghahapunan ng
Panginoon, “...tuwing ipinagdiriwang ang alaala ng Anak mong nag-aalay, ang pagliligtas niya sa tanan ay nangyayari
upang aming pakinabangan.”

Mula sa ritwal na pagalala ng pag-aalay ni Kristo, ang Simbahan ay laging lumalago, puspos ng Espiritu hanggang sa
maging ganap kay Kristo.

SI KRISTO ANG NAGDIRIWANG NG LITURHIYA

Siya ang pari, altar at alay. Siya lang ang makagagawa ng pag-aalay na kalulugdan at tatanggapin ng Diyos para magdulot
ng kapatawaran at kaligtasan para sa sangkatauhan dahil siya lang ang taong walang kasalanan, ang taong kinalulugdan
ng Diyos. Ang kanyang pag-aalay ay pangwalang hanggan, epektibo sa lahat ng panahon. Ngunit ito ay kailangang
maranasan ng mga ililigtas.

Iniwan ng Panginoon ang liturhiya, ang pagdiriwang ng kanyang misteryo, sa kanyang Simbahan – sabi ni San. Leon ang
Dakila,

Kung ano ang nakikita sa Panginoon ay naipasa na sa kanyang misteryo sa Simbahan. Samakatuwid ang Liturhiya ang
opisyal na panalangin ng Simbahan. Ipinagdiriwang ng Simbahan ang misteryo ng kaligtasan sa liturhiya bilang Mistikal
na Katawan ni Kristo, kaisa at sa kapangyarihan ng Panginoong Diyos na nagkatawang-tao, ipinako at muling nabuhay,
upang magdulot ng kaligtasan, ng pakikipagkaisa sa Diyos, ng pagpapaloob sa pag-iral ng Diyos ng mga mabibiyayaan
nito.

Every liturgical celebration, because it is an action of Christ the priest and of His Body, which is the Church, is a sacred
action surpassing all others; no other action of the Church can equal its efficacy by the same title and to the same
degree.

(Sacrosanctum Concilium 7)

Sabi ni San Agustin, ginawa tayo ng Diyos nang wala tayo, ngunit hindi niya tayo maliligtas kung wala tayo. Ang pag-aalay
ng Simbahan ay nakasalalay sa pagkakabilang ng bawat Kristiyano sa katawan ni Kristo sa pamamagitan ng Binyag.
Kasama ang mga bahagi sa kung ano man ang ginagawa ng katawan. Pero hindi ito dahil nadadala lang ng katawan ang
mga bahagi – hinihingi pa rin ang pakikibahagi ng bawat isa dito. Kapag ang pakikibahagi ay may higit na pagmamalay,
mas malalim itong nararanasan, at mas tumitindi ang pakikibahaging panlabas at samakatuwid pati ang panloob na
pakikibahagi.

Ang lahat ng nabinyagan ay bahagi ng Mistikal na Katawan ni Kristo. Samakatuwid, tayo din ay Kristo. Ang salitang
“Christ” ay nangangahulugang anointed, hinirang, itinalaga. Si Kristo ay itinalaga para maging Hari, Pari at Propeta. At
ganoon din lahat ng bininyagan dahil pagkatapos ng pagbibinyag, ang bawat isa ay lalagyan ng langis sa bumbunan at
ina-anoint, itinatalaga gaya ni Kristo – bilang Hari, Pari at Propeta. Ang pagganap natin sa liturhiya ay pakikibahagi natin
sa ating pagka-Kristong Pari. At bilang bahagi ni Kristo, tayo din ay namamagitan sa Diyos at sa sangkatauhan. Sa
pamamagitan ng pagganap natin sa liturhiya, nagaganap din para sa sangkatauhan sa ating panahon ang pag-aalay ni
Kristo na nagdudulot ng kaligtasan.

GUMAGAMIT NG MGA TANDA

Dahil tayo ay tao at nabubuhay tayo sa natural na mundo, gumagamit tayo ng mga tanda upang mangusap, para mag-
communicate. Ganito din sa liturhiya. Hindi tayo dumadanas sa pamamagitan lamang ng ating imahinasyon. Para tunay
na maranasan natin ang isang bagay, dapat natin itong makita, madama, mahawakan, maamoy, matikman. Para ganapin
ng Katawan ni Kristo ang pag-alala at pagsasa-ngayon ng misteryo ng Paskuwa, gumagamit tayo ng mga tanda gaya ng
mga bagay, mga kilos, mga salita.

Ang mga tandang ito ay hindi lamang basta mga natural na bagay, o karaniwang kilos, o karaniwang salita – dahil kay
Kristo, sa misteryo ni Kristo, nagkakaroon ito ng malalim na kahulugan at epektong hindi mababanaag maliban sa
pamamagitan ng pananampalataya. Tinuturo ng mga makamundong tandang ito ang makalangit na mga bagay. Sa
pamamagitan ng mga tanda, ang hindi nakikitang Diyos ay atin nang nakikita. Dahil nga tumuturo ang mga tanda na ito
sa misteryo ng Diyos, sila ay nagbibigay ng pagpapala, ng kaligtasan. Napapaloob din sa kanila ang presensiya ng kanilang
tinuturo – naroroon sa kanila ang presensiya ng Diyos.

ANO-ANO ANG MAITUTURING NA LITURHIYA

Sa mga sakramento nararanasan ang misteryo ng kaligtasan sa iba’t ibang aspeto. At ang mga pagdiriwang nito ay likas
na pang-sambayanan. Unang-unang halimbawa ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya. Lahat ng Sakramento ay
gawain hindi lamang ng mga indibidwal kungdi ng buong Simbahan. Ang lahat ng liturhiya ay ipinagdiriwang nang may
pakikibahagi ng Bayan ng Diyos.

Isa sa mga naiisantabi ng karamihan ang panalangin ng Kristiyano sa maghapon o Liturgy of the Hours. Mas epektibo sa
lahat ng mga nobena dahil ito ay liturhiya – ipinagdiriwang ang misteryo ng Paskuwa sa pamamagitan ng pagdarasal ng
mga salmong patungkol kay Kristo sa iba’t ibang yugto ng araw na nagdudulot ng pagpapabanal ng araw (day) at ito ay
ipinagdiriwang kahit ng iisang tao dahil kahit siya ay nag-iisa kasama niya sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga
nagdarasal din nito. At ang panalangin niya ay pakikibahagi niya sa gawain ni Kristong Pari na namamagitan sa Diyos at
sangkatauhan.

Liturhiya din ang mga blessing dahil kasamang nagbabasbas ang mga buong Simbahan sa pamamagitan ng pari at ng
mga natitipon. Ang binabasbasan ay hindi lang gamit kungdi pati ang mga gagamit nito.

BUKAL AT RUROK NG BUHAY KRISTIYANO

Sa liturhiya nanggagaling ang mga mabuting gawa, ng pagsasabuhay ng pananampalataya kasi sa liturhiya natatanggap
ang Espiritung magdudulot nito – ang Espiritu ng pagkupkop ng Diyos, Espiritu ng pagkakaisa, Espiritu ng kapatawaran,
Espiritu ng paghilom, Espiritu ng pagtatalaga, Espiritu ng pagpapala. Ang Espiritu Santo ang nagdudulot at nagpapalakas
sa bawat Kristiyano upang magpaka-Kristiyano.

Ang Liturhiya ang rurok ng buhay Kristiyano dahil ang Liturhiya ay pakikipagtagpo sa Diyos – ang pinakamataas na
gawain na maaaring pakibahaginan ng tao. Ito ang pinakadakilang gawain ng Mistikal na Katawan ni Kristo. Sa
pagdiriwang ng liturhiya ang gawaing pagliligtas ng Diyos ay nagaganap sa pamamagitan ng mga gumaganap dito. Ang
Simbahan ay nasa kanyang pinakamahusay – sa pakikibahagi nang nararapat dito, ang bawat bahagi ay nakikibahagi sa
gawain ni Kristo at mababanaag ang misteryo ng Simbahan.

You might also like