You are on page 1of 1

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Mga kapatid, halina’t manalangin para sa Simbahan at mga


namumuno rito, at para sa mga pangangailangan ng lahat ng tao,
ating isamo:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin
1. Para kay Francisco, ang aming Papa, kay Dennis, ang aming Obispo, at sa lahat ng
mga Obispo ng Simbahan, upang tayo ay maakay nila sa lalong tapat na pamumuhay
ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon. (T)
2. Para kay Jose Arturo, ang ating bagong kura paroko, upang kakitaan natin siya ng
tunay na pagmamahal at pagmamalasakit, manalangin tayo sa Panginoon. (T)
3. Para sa mga nag-uukol ng kanilang panahon at kakayanan sa parokyang ito, upang
ang kanilang paglilingkod sa Simbahan ay makatulong sa pagpapalaganap ng aral ni
Hesus, manalangin tayo sa Panginoon.(T)
4. Para sa kapayapaan at katarungan sa daigdig at para sa pagbabago ng mga may
pusong bulag sa pangangailangan ng kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.(T)
5. Para sa mga dukkha sa ating sambayanan at sa buong daigdig, upang tumugon tayo
sa kanilang pangangailangan at magbahagi mula sa ating kasaganaan, manalangin
tayo sa Panginoon.(T)
6. Para sa ating lahat, upang tayong bumubuo ng Parokya ng San Bartolome, Apostol,
ay samasamang kumilos para ipahayag ang Mabuting Balita ng pag-ibig ni
Hesukristo, manalangin tayo sa Panginoon.(T)

Pari: Amang Mapagmahal,


kay Hesukristong iyong Anak,
nabanaag sa daigdig
ang iyong kaluwalhatian.
Patnubayan mo ang gawain ng iyong simbahan:
tulungan mo siyang ipahayag ang iyong pangalan,
magtiyaga sa pananampalataya
at ihatid sa lahat saanman ang iyong pagliligtas,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Epiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

You might also like