You are on page 1of 9

PAGSISIYAM SA KARANGALAN NG MALUWALHATING AMANG SAN FRANCISCO

NG ASSISI
PANIMULA AT PAGBATI:

+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Namununo:
Pinagkalooban ako ng Panginoon
ng pananampalataya sa mga Simbahan
upang buong kapakumbabaan ako
ng manalangin sa ganitong pamamaraan.

Lahat:
Sinasamba Ka namin,
Panginoong Hesukristo,
dito at sa lahat ng Iyong Simbahan
sa mundo, at pinupuri Ka namin sapagkat sa pamamagitan
ng Iyong Banal na Krus,
tinubos Mo ang sanlibutan.

Namumuno:
Dasalin natin ang

PANALANGIN NI SAN FRANCISCO SA HARAP NG KRUS.

Lahat:
Kataas-taasan, maluwalhating Diyos,
liwanagan Mo ang kadiliman
ng akong puso at bigyan Mo ako,
Panginoon, ng wastong paniniwala,
tiyak na pag-asa, ganap na pagmamahal,
kaisipan at kaalaman,
upang maisakatuparan ko
ang Iyong banal na tunay na utos.

ANG MGA PAPURI:

Antipona:
Pinakamakapangyarihan,
kabanal-banalan, kataas-taasan
at walang kapantay na Diyos,
lahat ng kabutihan, ganap na kabutihan.
Ikaw na tanging mabuti.
Bayaang ibigay namin sa iyo ang lahat ng papuri,
lahat ng parangal, lahat ng pagpapala. Siya nawa.
Amen.
Santo, Santo, Santong
Panginoong Makapangyarihan,
Siya ngayon ay Siya noon
at Siya ang darating pa. [Rev. 4:8]
Purihin at luwalhatiin ang Diyos
magpakailanman.

O Panginoon naming Diyos,


karapat-dapat Kang tumanggap
ng papuri at pagluwalhati
at parangal at pagpapala. [Rev. 4:11]
Purihin at luwalhatiin ang Diyos
magpakailanman.

Ang pinaslang na Kordero


ay karapat-dapat
na tumanggap ng kapangyarihan
at pagka-Diyos,
karunungan at kalakasan,
parangal at pagluwalhati at
pagpapala. [Rev. 5:12]

Purihin at luwalhatiin ang Diyos


magpakailanman.
Pagpalain natin ang Ama
at ng Anak
kasama ng Espiritu Santo.

Purihin at luwalhatiin ang Diyos


magpakailanman.
Pagpalain ang Panginoon,
lahat kayong gawa ng Panginoon [Dan. 3:57]

Purihin at luwalhatiin ang Diyos


magpakailanman.
Umawit ng papuri sa ating Diyos,
lahat kayong tagapaglingkod Niya
at kayong may takot sa Diyos,
hamak man o dakila. [Rev. 19:5]

Purihin at luwalhatiin ang Diyos


magpakailanman.
Bayaang ang langit at lupa
ay magpuri sa Kanya,
Siya na maluwalhati. [Ps. 68:35]
Purihin at luwalhatiin ang Diyos
magpakailanman.
At ang lahat ng nilalang
na nasa langit
at nasa lupa at sa ilalim ng lupa
at ang nasa karagatan at nasa
ilalim nila. [Rev. 5:13]

Purihin at luwalhatiin ang Diyos


magpakailanman.

Namumuno:
Luwalhati sa Ama at sa Anak
at sa Espiritu Santo.
Purihin at luwalhatiin ang Diyos
magpakailanman.

Lahat:
Kapara noong una, ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.

Antipona:
Pinakamakapangyarihan, kabanal-banalan, kataas-taasan
at walang kapantay na Diyos, lahat ng kabutihan, ganap na kabutihan.
Ikaw na tanging mabuti. Bayaang ibigay namin sa iyo ang lahat ng papuri, lahat ng parangal,
lahat ng pagpapala. Siya nawa.
Amen.

ANG PANALANGIN NG SANTO PAPA, JUAN PABLO II SA BUNDOK NG LA VERNA

Manalangin tayo:
O San Francisco,
sa La Verna ay tinamo ng iyong katawan
ang limang sugat ni Hesus sa Kalbaryo.
Hinahanap-hanap ka ng daigdig
ng iyong puso
na nakabukas sa Diyos at sa iba;
ng iyong sugatang mga paa,
ng iyong sugatang mga kamay
na nakataas sa pagsamo.
Hinahanap-hanap ng daigdig
ang iyong tinig -
mahina, subali malakas
sa kapangyarihan ng Ebanghelyo.
San Francisco,
tulungan mo ang mga tao sa panahong ito
na makita ang kasamaan ng kasalanan
at humanap ng paglilinis ng kalooban
sa pamamagitan ng pagbabalik-loob.
Tulungan mo sila na maging malaya
sa lahat ng nyo ng kasalanan
na nagpapahirap sa lipunan ngayon.
Muli mong papag-alabin sa kaisipan
ng mga namumuno sa pamahalaan
ang isang dagliang pangangailangan
para sa kapayapaan sa pagitan
ng mga bansa at mga tao.
Iukit mo sa mga kabataan
ang iyong kasariwaan ng buhay
na kayang labanan ang hibo
ng maraming kalinangan ng kamatayan.
Sa lahat ng may sugat
dala ng iba't ibang uri ng kasamaan,
turuan mo, O San Francisco,
ng kagalakang dulot ng pagpapatawad.
Sa lahat ng mga nakapako
dulot ng paghihirap,
pagkagutom at digmaan,
muli kong buksan ang pinto ng pag-asa.

PANALANGIN NG BAYAN:
Namumuno:
O Panginoong naming Diyos,
hangad naming maipahayag ang karisma
ng aming Serapikong Amang Francisco
sa buhay at layunin ng Simbahan
sa maraming anyo
subalit sa nagbibigay-buhay
na pagkakabuklod.
Loobin mong misabuhay namin
ang Ebanghelyo
ng aming Panginoong Hesukristo
sa pamamagitan ng pagsunod
sa halimbawa ni San Francisco,
na naglalakbay mula sa Ebaghelyo
tungo sa buhay at mula sa buhay tungo
sa Ebanghelyo.
Sa bawat panalangin, ang atin pong itutugon:

PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN. (Ulitin)
N: Upang patuloy kaming magsikap na
makipag-ugnayan sa buhay at masiglang
katauhan ni Kristo, sa aming mga kapatid,
sa Salita ng Diyos, sa Simbahan at sa Eukaristiya.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang ang kami'y maging saksi at kasangkapan


ng misyon ng Simbahan sa lahat ng tao na
ipinahahayag si Kristo sa pamamagitan ng
aming buhay at gawa at upang tanggapain namin
ang bawat tao bilang handog ng Panginoon
at larawan ni Kristo.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang ang aming mga isipan at gawain ay


maayon sa isipan at gawain ni Kristo sa
pamamagitan nang walang pasubaling pagbabalik-loob
sa tulong ng sakramento ng pakikipagkasundo.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang ang panalangin at pagninilay ang


maging kaluluwa ng aming buong pagkatao at
lahat ng aming gawain.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang aming matularan ang Mahal na


Birheng Maria na naging bukas sa Kanyang
Salita at panawagan at nag-alay nang ganap
ng kanyang buhay.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.
N: Upang buong katapatan naming
magampanan ang aming mga tungkulin
ayon sa aming kalagayan sa buhay
taglay ang maka-Kristiyanong diwa
ng paglilingkod.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang pagdalisayin namin ang aming puso


sa lahat ng paghahangad at pagnanasa sa
kayamanan at kapangyarihan nang sa ganoon
ay maging malaya kaming mahalin ang Diyos
at aming mga kapatid.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang maitaguyod namin ang katarungan


sa pamamagitan ng aming pamumuhay at lakas-loob
na pagkukusa lalo na sa larangan ng pangmadlang pamumuhay.
At upang sa aming pamilya ay aming mapayabong ang
Franciscanong diwa ng kapayapaan, katapatan at paggalang sa buhay.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang aming pahalangaan ang paggawa


bilang biyaya at bahagi ng patuloy na
paglalang, pagtubos at paglilingkod sa
lipunan at igalang ang lahat ng nilikha.
May buhay man o wala, na may "tatak ng
Kataas-taasan."
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

N: Upang kami'y maging tagapagdala ng


kapayapaan at ganap na kagalakan at pag-asa
sa lahat ng tao; at upang sa huling sandali
ng aming buhay at mahanap namin nang may
kahinahunan ang pakikipagtagpo sa Ama.
Manalangin tayo.

Lahat: PANGINOON, SA PAMAMAGITAN NI SAN FRANCISCO,


DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

Namumuno:
Alalahanin mo kami na iyong mga Anak,
na nagsisikap na sumunod sa iyong mga landasin,
kahit na sa malayong paraan.
Kami ay lumalapit sa iyong pagkalinga
dahil sa di-masukat na panganib,
na nakapaligid sa amin, na nababatid mo naman.
Palakasin mo kami upang kami'y di sumuko;
linisin mo kami upang kami ay magluningning;
pasiyahin mo kami upang kami ay magalak.
Idalangin mo na ang diwa ng biyaya
at panalangin ay sumaamin,
upang ang tunay na kababaang-loob
na tinaglay mo ay taglayin namin;
upang ang karalitaan na niyakap mo ay yakapin namin;
upang mapuspos kami ng pag-ibig na inilaan mo kay
Kristong nakapako sa krus na kasama ng Ama
at ng Espiritu Santo na nabubuhay at naghahari,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen

UNANG ARAW
ANG KABABANG-LOOB NI SAN FRANCISCO
Si San Francisco ay tinawag ang kanyang sarili na makasalanan. Inihayag niya ang kaniyang
mga pagkukulang at nilayuan ang mga papuri… Itinakwil niya na siya’y mataas sa karangalan ng
pagkasacerdote sapagka’t inakala niya na wala siyang karapatan… Ipinaubaya sa iba ang
pamamhala sa kaniyang “Orden”, at sumang-ayon na sumunod na lamang sa kahuli-hulihang
kaanib sa Ordeng itinatag niya. Nagpakababa hanggang sa alikabok… kaya’t ang Santa Iglesia
ay tinawag siyang MAPAGKUMBABANG SANTO. Lahat ng lahi ay pinagpala siya. Ang Diyos
ay itinaas siya sa haring luklukan sa Langit na iniwan ni Lucifer…Napakalaki ang gantimpala sa
pagpapakumbaba!

PANALANGIN
Lahat:
Amang San Francisco,
Ako na alipin ng pagmamataas at ng pag-ibig sa sarili,
Hindi ako nararapat na tawaging anak mo.
Itungo mo ang iyong maawaing mata
At putulin ang mga tali ko sa pagmamataas.
Ipagkaloob mo sa akin
Ang kabanalan ng pagka mapagkumbaba,
Na nagdala sa iyo sa kataas-taasang kalagayan sa langit.
Bigyan mo ako ng biyaya na makilala ang sarili,
At ng siphayuin ko ang kapalaluan,
At sa ganoon ay magkamit ako
Ng kapatawaran ng aking mga kasalanan,
At ang biyaya na ninanais kong makamtan sa nobenang Ito

MANALANGIN TAYONG KASAMA NI SAN FRANCISCO


Panginoon
Gamitin mo akong kasangkapan ng
Iyong kapayapaan
Saan man may alitan,
Papaghasikin mo ako ng pag-ibig;
Sa may pagkukulang, kapatawaran;
Sa may alinlangan, pananampalataya;
Sa kasawiang-palad, pag-asa;
Sa kadiliman, liwanag;
Sa kalungkutan, ligaya.
O Panginoon,
Loobin Mo nawang higit kong naisin
Ang umaliw, kaysa aliwin;
Ang umunawa, kaysa unawain;
Ang magmahal, kaysa mahalin;
Sapagkat nasa pagbibigay
Ang pagtanggap
Nasa pagpapatawad ang kapatawaran,
At nasa pagkamatay ang pagsilang sa
Buhay na walang hanggan.
Namumuno: Ipanalangin mo kami, mapagpalang Amang San Francisco.
Lahat: Nang kami’y maging dapat magtamo ng mga pangako ni Jesukristong Panginoon.
MANALANGIN TAYO
O Jesus na Panginoon,
Na upang mag-alab ang aming mga puso sa apo’y ng pag-ibig,
Ay sinariwa ang mga mahal na tanda ng iyong mga hirap
At pagpapakasakit sa katawan ng aming Amang San Francisco,
Ipagkaloob mo sa amin
Na sa mga karapatan at panalangin Niya,
Ay kami’y manatili ng pagdadala ng krus,
At magtamo kami ng mahahalagang bunga ng pagpapakasakit.
Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
Siya nawa.

BENDISYON NI SAN FRANCISCO


Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka.
Ipakita nawa sa iyo ang Kaniyang Mukha at kaawaan ka.
Iharap nawa sa iyo ang Kaniyang mukha
At pagkalooban ka ng kapayapaan.
Basbasan ka nawa ng Panginoon.
Siya nawa.

+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like