You are on page 1of 1

32th Sunday in Ordinary Time – Year A – November 12, 2023

Sa ating buhay mga kapatid, kapag ang pag ibig ay kusang dumating, nagiging marupok tayo. Bakit? Bigla ka lang ng
chocolate…… bigyan ka lang ng flowers…kilig yarn? O nag I love yu na sa chat, m.u na agad.
Alam naman natin ang love eh…sabi nga sa kanta, kapag tumibok ang puso….. pero yun pala, sasaktan lang tayo at iiwan
lang…dba ang sakit iwanan….binigay mo na ang lahat eh. Eh marami kang tanong na naglalaro sa isip mo?...kapalit palit
ba ko, panget baa ko or ano kulang sa atin….pagktapos ng ganitong disposisyon ay matatuhan na pala tayo na mali pala
ang pagkakaintindi natin ng pag ibig.

Sa unang pagbasa, ating narinig na ang karunungan ay nandirito lamang. Kahit saan ay may karunungan na kung baga,
hanapin mo lang at itoy iyong masusumpungan. Ano ba ang karunungan na ito, itong karunungan na ito ay ang ating
natutunan, naririnig at naisasabuhay. Pero may karunungan na mali ang pagkakaunawa sa karunungang ito tulad ng
maling pagibig, pinagtagpo peri hindi tinadhana… sapagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya. At makikita
ka niya saan ka man naroon. Minsan hinahanap mo nan ga pero hindi makita.

Sa ikalawang pagbasa inilalahad sa atin ang tungkol sa kamatayan. Patay na patay daw siya sayo…ano ka sementeryo?
Dba…. Just kidding pero Ipinapaliwanag sa atin ni Apostol San Pablo na wala tayong dapat ikabahala kung dumating man
tayo sa punto na kunin tayo ng Diyos, kung ginagawa natin ang nararapat bilang kristiano.

Ngayon. Sa ebanghelyo, narinig natin ang parable of the ten virgins o talinghaga ng sampung dalaga.
Sa pag aaral namin ng bibliya, mapapansin Ninyo sa ebanghelyo na ito ay ang “bakit lang ang lalaking kakasal ang
nabanggit? Nasaan ang nobya or ang bride?” sa tingin nyo nasaan?
(itanong sa mga tao? Nasaan ang bride?)
Sa konteksto na ito ay Tayo ang bride, tayo ang ikakasal kay Kristo? Bakit ano ang implikasyon nito? Ano ang
karunungan na ito? Ang karunungan na ito ay alam natin at naniniwala tayo ay kay Kristo na nagdudulot ng pag ibig. Si
Kristo ang ating patutunguhan. Tulad ng unang pagbasa na inilalahad lahat ng karunungan sa atin. Alam natin na darating
siya sa takdang panahon hindi man ngayon pero ang ating pagkamatay ay siyang kasal natin kay Kristo upang madama
natin ang kanyang pagibig na inihanda tulad nang nabanggit sa ikalawang pagbasa.

Natutukoy dito ay ang Ikalawang Pagdating ng Panginoon, ang kanyang muling pagbabalik sa katapusan ng mundo. Ang
pagdating ng Kaharian ng Langit ay tulad ng isang piging ng isang kasal, Si Hesus ay ang lalaking ikakasal, ang limang
maalam na dalaga ay ang mga nakapasok, at ang limang hangal na dalaga ay mga hindi nakapasok. Sapagkat ang limang
matalinong dalaga ay naghanda ng langis para sa kanilang mga lampara upang ito’y sindihan sa pagdating ng lalaking
ikakasal. Pero ang limang hangal na dalaga ay hindi naghanda ng langis dahil tingin nila mahuhuli ang lalaki. Kaya nga
ang Ikalawang Pagdating ni Kristo, o mas kilala bilang Parousia, ay mangyayari sa wakas ng panahon sa oras na hindi
natin inaasahan. Maaaring ngayon, maaaring bukas, o kaya maaaring sa kinabukasan na biglaan lang. Kaya dapat tayo’y
maging handa sa ating kasal sa kanya hindi lang pisikal, kundi espirituwal. Araw araw ay tayo ay kinakasal kay Kristo
upang ating siya mapisan sa buhay na walang hanggan. Pero kung hindi tayo handa, nako mahihirapan tayo niyan.

Ang liwanag sa lampara ay sumisimbolo sa kabutihang-loob at kawang gawa natin araw-araw, at iyan ang batayan ng
Panginoon kapag siya’y magbabalik dito sa lupa. Kahit sabihin natin na nagdasal tayo at nagtiwala sa kanya, nagsisimba
tuwing Linggo, sumasayaw, kumakanta, naging matalino sa akademiko at interes, atbp., ang lahat ng mga nakasanayang
ito ay nagmula sa kanya (karunungan ba), at nararapat lang natin isabuhay natin ng mga ito. At dahil malapit na ang
Adiyento at Pasko, dito tayo’y gagawa ng mabuti sa kapwa at hindi masama, pero hindi lang tuwing mga panahong ito, at
lalo nang hindi lang tuwing panahon ng Kuwaresma, kundi dapat araw-araw.. dahil tayo ay kasal kay Kristo. Kaya sa
ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y maging handa tayo sa muling pagbabalik ng Panginoon sa wakas ng panahon sa
oras na hindi inaasahan sa pamamagitan ng pagkikinig sa kanyang mga utos at turo at pagsasabuhay ito sa aksyon at
kawang-gawa dahil tali na tayo sa kanya

Tularan natin ang limang maalam na dalaga at maging puno ng langis na dala ng Pag ibig ng Espiritu Santo na
magliliwanag sa ating mga lampara sa paggawa ng mabuti at pang araw araw nap ag oo kay Kristo tulad ng ating
sinumpaang misyon nuon tayo binyagan. Amen

You might also like