You are on page 1of 2

Isang Munting Pagdiriwang

PANALANGIN PARA SA INANG KALIKASAN


Mapagmahal naming Diyos, pinupuri ka namin sa Iyong mga kahanga-hangang nilikha
– ang kagandahan ng kalikasan ay nagbibigay ng bagong lakas sa amin, ang sariwang
hangin ay nagdudulot ng kalusugan, ang mga halaman at yamang dagat ay nagbibigay
ng pagkain upang patuloy kaming mabuhay, at ang matiwasay na kapaligiran na
ipinagkakaloob mo ay upang mapayapa kaming mamuhay ayon sa iyong kalooban.

Ang kalikasan – bundok, dagat, bukid, kaparangan, ilog at buong kapaligiran ay


pinagmumulan ng aming buhay. Huwag nawa itong masira dahil sa aming
kapabayaan at paglapastangan sa biyayang banal

Alam po namin na ang lahat ng Iyong nilikha ay ginawa Mo ayon sa Iyong dakilang
pagmamahal at itinagubiling gamitin at pagyamanin para sa kapakanan ng tao.
Maraming salamat po sa tanang kabutihan!

Mapagmahal naming Diyos, kami po ay dumudulog sa Iyong butihing puso upang


pagkalooban kami ng liwanag ng pagpapasya at isipan. Huwag nawa kaming
malinlang ng mapandayang alok ng tinatawag na “kaunlaran” na ang kapalit ay
paglapastangan sa kalikasan at magdudulot kapinsalaan, karamdaman, pagkawala ng
kabuhayan at tirahan sa marami, para lamang sa kikikitaing yaman ng mga iilang nag-
gagahaman.

Bigyan Mo kami ng lakas, tapang at tibay ng loob upang ganap naming mapangalagaan
ang kalikasan at kabuhayan, kalayaan tungo sa kaganapan ng buhay ng tao.
Hipuin Mo ang bawat isa sa amin upang kami ay magkaroon ng pusong may
malasakit, nangangalaga para sa kalikasan at buhay.

Nawa ang aming kakayahan na Iyong ipinagkaloob ay gamitin naming lagi tungo sa
ikauunlad ng aming bayan na walang idudulot na pinsala sa kalikasan, na siyang tunay
na mag-aahon sa pagkadusta ng marami naming kapatid na naghihirap

Patuloy mo po kaming pagkaisahin sa Iyong dakilang adhikain.


KAMI NAWA AY MAGING TUNAY NA KATIWALA NG INANG KALIKASAN.

At sa Iyo Mahal na Inang Maria, Ina ng mga Angel, patuloy po ninyo ipamagitan ang
aming mga panalangin upang ang aming bayan ay malayo sa kapahamakan at
tuwirang pagkasira.

Ang lahat ng ito ay aming idinadalangin sa Iyo Ama, sa pamamagitan ni Jesus at ng


Espiritu Santo. Amen.
Isang Munting Pagdiriwang

Diyos na Manglilikha, tulungan mo kami na maging kagaya ni Santo Francisco, na may


pagmamahal na mangalaga at magbantay sa integridad ng lahat ng nilikha, nang sa
gayon lahat ng nilalang at elemento ay makapagbibigay ng papuri sa iyo, mula sa
simula at katupusan ng lahat ng bagay

You might also like