You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA PAMILYA

O Jesus, pinupuri ka namin at ipinagdarangal dahil sa iyong walang hanggang


pagmamahal sa sangkatauhan. Pinasasalamatan kanamin sa mga biyayang iyong bigay.
Minsan pa, inihahandog namin sa Iyo ang aming sarili, sampu ng aming kagalakan at
pagsubok sa buhay. Loobin mo Panginoon na ang aming tahana’y pagharian ng pag-ibig,
kapayapaan, pagkakaisa at kalinisan ng kalooban. Ingatan mo nawa at pagpalain
kaming naririto, pati na ang mga wala rito, kaming mga nabubuhay at mga nasa kabilang
buhay. Mahal na Birheng Maria, mapagmahal na Ina ng aming Panginoong Jesus at
ina naming lahat, ipanalangin mo ang aming pamilya, lalo na ang mga sanggol at
mga kabataan. Mahal na pintakasing Jose, gabay ni Jesus at Maria, ipamanhik mo sa
Panginoong Diyos na ingatan ang aming mag-anak at ilayo sa anumang
kapahamakan, upang sa gayon, sa piling mo at nina Jesus at Maria ay mapanatiling
buo ang aming pamilya. Amen.

PANALANGING PASASALAMAT
Pag-ibig na Dakila, ikaw lang ang may gawa. Salamat sa paglalakbay tungo sa
buhay;sa bukas na pagtanggap sa espiritung namamangha; sa tubig ng buhay na
ibinigay sa uhaw na bata;sa tupang sumama sa kambing na gala; sa bahay na
puntahan ng mga langgam na kawawa; sa pag-akay sa mamang pilay;sa pag-ahon sa
imburnal ng madla; sa agos sa sapang pinagpala na nagdadala ng balita; sa krus ng
kahirapa’y ikaw ay umagapay; sa liwanag para sa pusong bulag at marangya; sa
intrumento ng pagpapala, biyayang ipinagkaloob, itinakda para makuha grasyang
tinitingala; Panginoon ng Pasasalamat, ikaw lang ay sapat na.ikaw ay may gawa .
Dakilang mundo ng biyaya.Kayamanang namana sa Diyos Ama sa araw-araw dapat
ay lumala ng karamiha’y tulad kong nasira, napariwara bumalik, nakabalik sa
kagalakang, kapayapaang, kaliwanagang nababaliwala. Salamat, salamat Diyos na
dakila. Kasama si Kristo at Maria dito, ngayon at kailanman. Siya Nawa.

You might also like