You are on page 1of 4

ROSARYO NG DAKILANG AWA NG DIYOS

Ang Antanda ng Krus (Signum Crucis)

Sa ngalan ng Ama,at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Pambungad na Panalangin

Pumanaw Ka, Hesus, subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan
ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan.

O Bukal ng Buhay, walang hanggang awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong
ganap ang Iyong Sarili para sa aming lahat.

O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat,
ako ay nananalig sa Iyo. (tatlong ulit)

Ama namin (Pater Nostre)

Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob
Mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para
nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso. At
iadya Mo kami sa lahat ng masama

Amen.

Aba Ginoong Maria (Ave Maria)

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami ʼy mamamatay.

Amen.

Sumasampalataya (Credo)

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at


lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat;
nagkatawang-tao Sʼya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni
Poncio Pilato, ipanako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may
ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na
tao. 
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan
ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao. At
sa buhay na walang hanggan. 
Amen.

Luwalhati (Gloria Patri)

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Unang Misteryo

Namumuno: Ama na walang hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang katawan at dugo, kaluluwa at pagka-
Diyos ng kamahal-mahalan mong Anak na si Hesuskristo, na aming Panginoon at Manunubos

Tugon: para sa ikapapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sanlibutan.

Amen.

Namumuno: Alang-alang sa mga itiniis na hirap at kamatayan ni Hesus

Tugon: kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob. (sampung ulit)

Amen.

Ikalawang Misteryo

Namumuno: Ama na walang hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang katawan at dugo, kaluluwa at pagka-Diyos ng
kamahal-mahalan mong Anak na si Hesuskristo, na aming Panginoon at Manunubos

Tugon: para sa ikapapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sanlibutan.

Amen.

Namumuno: Alang-alang sa mga itiniis na hirap at kamatayan ni Hesus

Tugon: kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob. (sampung ulit)

Amen.

Ikatlong Misteryo

Namumuno: Ama na walang hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang katawan at dugo, kaluluwa at pagka-
Diyos ng kamahal-mahalan mong Anak na si Hesuskristo, na aming Panginoon at Manunubos

Tugon: para sa ikapapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sanlibutan.

Amen.

Namumuno: Alang-alang sa mga itiniis na hirap at kamatayan ni Hesus


Tugon: kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob. (sampung ulit)

Amen.

Ikaapat na Misteryo

Namumuno: Ama na walang hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang katawan at dugo, kaluluwa at pagka-
Diyos ng kamahal-mahalan mong Anak na si Hesuskristo, na aming Panginoon at Manunubos

Tugon: para sa ikapapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sanlibutan

Amen.

Namumuno: Alang-alang sa mga itiniis na hirap at kamatayan ni Hesus

Tugon: kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob. (sampung ulit)

Amen.

Ikalimang Misteryo

Namumuno: Ama na walang hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang katawan at dugo, kaluluwa at pagka-
Diyos ng kamahal-mahalan mong Anak na si Hesuskristo, na aming Panginoon at Manunubos

Tugon: para sa ikapapatawad ng aming mga sala at sa sala ng buong sanlibutan.

Amen.

Namumuno: Alang-alang sa mga itiniis na hirap at kamatayan ni Hesus

Tugon: kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob. (sampung ulit)

Amen.

Ang Trisagion

Banal na Diyos. Banal na puspos ng kapangyarihan. Banal na walang hanggan. Maawa po Kayo sa amin at sa buong
sansinukob. (tatlong ulit)

Pangwakas na Panalangin

Walang hanggang Diyos, na ang awa ay walang katapusan at ang kabang yaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong
tingnan po kami at palagoin nyo po ang awa sa amin, nangsa mahihirap na sandali ay maaring di kami panghinaan ng loob,
o kaya ay malupaypay, kundi ng may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa iyong banal na kalooban, na siya ring
pag-ibig at awa din. Amen.
Panalangin sa Ikatlo ng Hapon

Pumanaw Ka, Hesus, subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng Awa ay
bumugso para sa sanlibutan.

O Bukal ng Buhay, walang hanggang awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong
Sarili para sa aming lahat.

O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay
nananalig sa Iyo. (tatlong ulit)

O Hesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo!

You might also like