You are on page 1of 67

JUNE 2, 2019

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit


Solemnity of the Ascencion of the Lord (C)

Ika-53 Pandaigdigang Araw ng


Komunikasyon
Catholic Comunication’s Sunday
Ang Misa ng
Sambayanan
Tayo’y magsitayo
para sa pasimula ng
pagdiriwang
Awiting
Pambungad
-Amen
-At sumainyo rin
Inaamin ko sa
makapangyarihang Diyos,
at sa inyo mga kapatid na
lubha akong nagkasala sa
isip, sa salita, sa gawa at
sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa
Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at
mga banal at sa inyo mga
kapatid na ako’y
ipanalangin sa Panginoong
ating Diyos.
-Amen
Panginoon, Kaawaan
mo kami
Kristo, Kaawaan
mo Kami
Panginoon, Kaawaan
mo kami
Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’ y kapayapaan sa mga
taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka
namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos,
Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan s alahat.
Panginoong Jesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos
Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang, O Jesukristo,
ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng
Diyos Ama. Amen.
Amen
Pagpapahayag ng
Salita ng Diyos
Unang Pagbasa

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga


Apostol (Gawa 1: 1-11)
Salamat sa Diyos
Salmong Tugunan

Ang ating pong itutugon sa bawat talata ng


Salmo

TUGON: Habang umaakyat Ang Diyos, ang


tambuli’y tumutunog
Ikalawang Pagbasa
Pagbasa mula sa aklat ni Apostol
San Pablo sa mga Efeso
(Ef 1: 17-23)
Salamat sa Diyos
Aleluya
Aleluya! Aleluya!
Humayo’t magturo kayo palaging
kasama ako hanggang sa wakas
ng mundo
Aleluya! Aleluya!
Mabuting Balita(Lc 24: 46-53)
-Papuri sa iyo,
Panginoon.
-Pinupuri ka
namin,
Panginoong
Hesukristo
Homiliya
Tayo’y magsiupo
at makinig sa
pangaral.
Pagpapahayag ng
Pananampalataya
Tayo’y magsitayo sa
pagpapahayag ng
pananampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan
sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Jesukristo, iisang anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng
Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen.Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus,
namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at
huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos
Espiritu Santo, sa banal na Simbahang
Katolika, sa kasamanahn ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan. Amen
Panalangin ng
Bayan
Ama namin,
dinggin mo kami
Amen
Pagdiriwang ng
Huling Hapunan
Tayo’y magsiupo
habang hinahanda
ang mga alay
-Kapuri-puri ang
ang Poong
Maykapal ngayon
at kailanman!
-Tanggapin nawa ng
Panginoon itong paghahain sa
iyong mga kamay sa kapurihan
niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong
sambayanan niyang banal.
Tayo’y magsitayo
para sa panalangin
ukol sa mga alay.
-Amen
-At sumaiyo rin
-Itinaas na namin
sa Panginoon
-Marapat na siya ay
pasalamatan
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng
kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan
ng Panginoon!
Osana ng kaitaasan!
Tayo’y magsiluhod para sa
pagtatalagang maging Katawan at
Dugo ni Kristo ang mga Alay
Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa
wakas ng panahon!
Ang Pakikinabang
•Tayo’y magsitayo para
sa yugto ng
pakikinabang.
Ama namin…
Sapagkat iyo ang kaharian at
ang kapangyarihan at ang
kapurihan magpakailanman!
Amen.
-Amen
Kordero ng Diyos..
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa ka sa amin
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
-At sumaiyo rin
Tayo’y makaluluhod
bago makinabang.
Panginoon hindi ako
karapat-dapat na
magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita
mo lamang ay gagaling
na ako.
Panalanging
Pagkapakinabang
Tayo’y magsitayo
upang hilingin ang
kapakinabangang
dulot ng banal na
pagsasalo.Amen.
-At sumaiyo rin.
-Amen.
-Salamat sa Diyos.
Sumasampalataya ako sa isang
Diyos, Amang makapangyarihan
sa lahat, na may gawa ng langit
at lupa, ng lahat ng nakikita at di
nakikita. Sumasampalataya ako
sa iisang Panginoong
Hesukristo, Bugtong na Anak ng
Diyos,
Banal ka Poong Maykapal! Banal
ang iyong Pangalan! Banal ang
iyong kaharian! Langit lupa’y
nagpupugay sa iyong kadakilaan!
Dinadakila ng lahat ang naparito
mong Anak na siyang nagmulat sa
bulag, sa pila’y ay nagpalakad at
nakiramay sa lahat!
Sumilang sa Ama, bago pa man
nagkapanahon. Diyos buhat sa
Diyos, Liwanag buhat sa
liwanag, Diyos na totoo buhat sa
Diyos na totoo. Sumilang at hindi
ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-
Diyos, at sa pamamagitan niya
ay ginawa ang lahat.
Dahil sa ating pawang mga tao
at dahil sa ating kaligtasan, siya
ay nanaog sa kalangitan.
Nagkatawang-tao siya lalang ng
Espiritu Santo kay Mariang
Birhen at naging tao.Ipinako sa
krus ng dahil sa atin.
Nagpakasakit sa hatol ni Poncio
Pilato, Namatay at inilibing.
Muli siyang nabuhay sa ikatlong
araw ayon sa banal na
kasulatan. Umakyat sa
kalangitan at lumuklok sa kanan
ng Amang Maykapal. Paririto
siyang muli na may dakilang
kapangyarihan upang hukuman
ang mga buhay at mga patay.
Sumasampalataya ako sa
Espiritu Santo, Panginoon at
nagbibigay buhay na
nanggagaling sa Ama at sa
Anak. Sinasamba siya at
pinararangalan kaisa ng Ama at
ng Anak. Nagsalita siya sa
pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang
Banal na Simbahang Katolika at
apostolika gayundin sa iisang
binyag sa ikapagpapatawad ng
mga kasalanan. At hinihintay ko
ang muling pagkabuhay ng
nangamatay at ang buhay na
walang hanggan. Amen.

You might also like