You are on page 1of 2

ORATIO IMPERATA:

PANALANGIN PARA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD


Amang Makapangyarihan,
Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong
nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung
saan kami ay bahagi, sa pagkalinga Mong nagtataguyod
sa aming mga pangangailangan at sa karunungan mong
gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa Iyo at sa
sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng
kalikasan. Pinagkamali namin ang Iyong utos na
pangasiwaan ang daigdig.
Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at
ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at
kawalang pakialam.
Ang “global warming” ay laganap na. Ang mga lindol,
bagyo, pagbaha, tagtuyot, pagputok ng bulkan at iba pang
kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.
Lumalapit kami sa Iyo, mapagmahaL na Ama, at
humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.
Hinihiling namin na kami, kasama ang aming mga mahal
sa buhay at pinagpagurang ari-arian ay ipag-adya sa
banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog namin na kami’y gawing mapanagutang
katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa
sa mga nangangailangan.
Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon. Amen.
Inang Birhen Maria ng Piat, ipanalangin mo kami.

You might also like