You are on page 1of 1

Panimula ng Misa

Magandang gabi po sa ating lahat. Ngayon po ay ika-16 ng Disyembre taong kasalukuyan,


araw ng Miyerkules at ipinagdidiwang po natin ang ikalawang gabi ng ating Anticipated
Simbang Gabi. Ang atin pong Punong Tagapagdiwang sa banal na misang ito ay ang ating
Kura Paroko, Reberendo Padre Giovanni Osias Delfin O. Yago. Tumayo po tayong lahat at
sabayan ang koro sa pambungad na awit.

Pagpapakilala kung paring bisita ang magmimisa

Magandang gabi/umaga po sa inyong lahat! Tayo po ngayon ay nasa unang araw ng ating
simbang gabi/misa de gallo. Sa ngalan po ng ating Kura Paroko Reb. Padre Giovanni Osias
Delfin O. Yago, ang atin pong Punong tagapagdiwang sa banal na misa ay ang ating bisitang
pari na si Reb. Padre __________________________.
Tumayo po tayong lahat at sabayan ang koro sa pag-awit.

Pagsisindi ng Kandila ng Adbiyento

Ang rito ng pagsisindi ng kandila ng adbiyento ay isinasagawa sa loob ng Misa pagkatapos ng Ikalawang
Pagbasa (Linggo) o salmon tugunan bago awitin ang Aleluya. Sa ibang pagkakataon ginagawa ito ng
pari sa pagsisimula ng misa. Tatawagin ng commentator ang pamilya na magdarasal at magsisindi ng
kandila.

Commentator: Ngayon ay sisindihan ang ikatlong kandila na kulay rosas para sa ikatlong
Linggo ng Adbiyento. Ang linggong ito ay may diwa ng kagalakan kaya’t masaya nating
hintayin ang pagdating ni Kristo sa araw ng Pasko.

Tinatawagan po ang pamilya ni G. _____________________ at Gng.


__________________________ kasama ang kanilang mga anak upang pangunahan ang
pagsisindi ng kandila.

Mga Patalastas (Announcement)

Paunawa po. Sa kasalukuyan tayo po ay nasa Modified General Community Quarantine o


MGCQ na kung saan ang mga taong pinapayagang lumabas lamang ng IATF ay ang mga may
gulang na 15- 65. Huwag po muna nating isama ang mga bata sa pagsisimba pra na rin po sa
kanilang kaligtasan. Maraming salamat po.

You might also like