You are on page 1of 8

UNANG PAGBASA (Genesis 1, 1.

26-31a)

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit,


sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating
gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala
sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo
o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao
ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki
at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya,
“Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling
ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo
ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng
maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko
rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na
inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay
ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o
maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari.
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos
siyang nasiyahan.

Ang Salita ng Diyos.


SALMONG TUGUNAN (Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6)

May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.

Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,


tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.
Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,
Siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig
sa batis ng kaligtasan. T

Magpasalamat kayo sa Poon,


Siya ang inyong tawagan;
ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan. T

“Umawit kayo ng papuri sa Poon,


sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ipinahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at
ang Banal ng Israel.” T
IKALAWANG PAGBASA (Efeso 2:1-10)

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-


Efeso

Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway


at mga kasalanan. Sinusunod ninyo noon ang masamang
takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng
mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung
naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Ang
totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa
pagnanasa ng ating laman, at sumusunod sa mga hilig ng
katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan,
kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos.
Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila
ng pag-ibig niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni
Kristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating
pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang
kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo
Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang
mamunong kasama niya sa kalangitan. Ginawa niya ito
upang sa darating na mga panahon ay maipakita niya ang
di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-
loob, sa kabutihan niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo
Jesus. Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo
ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y
kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito
bunga ng inyong mga gawa kaya't walang
maipagmamalaki ang sinuman. Kung ano tayo ngayon ay
gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Jesus
ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na
inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.

Ang Salita ng Diyos.

PANALANGING PANGKALAHATAN
Mga kapatid, italaga nating muli ang ating sarili sa
pagsasabuhay ng diwa at mga prinsipiyo ng Laudato Si
tungo sa pagtataguyod ng mga sumusunod na
paninindigang ekolohikal, Sama-sama tayong dumalangin
upang tayo ay aktibong tumugon sa panawagan para sa
pagbabagong ekolohikal. Ating Sambitin:

PANGINOON DINGGIN MO KAMI.

1. Nawa'y maisama namin sa mga gawain ng pagiging


Kristiyanong disipulo ang pangangalaga sa kalikasan
bilang ating tahanan at matuto kaming mamuhay nang
payak, umiwas sa labis na pagkonsumo at aktibong
magtaguyod ang kamalayan pang-ekolohikal, Manalangin
Tayo:

2. Nawa'y makiisa ang lahat upang mapigilan ang


pagkawala ng 'biodiversity' sa pamamagitan ng
pagtatanim ng mga katutubong halaman at puno,
pagtutol sa mapanirang pagmimina, maruming enerhiya,
walang habas na konstruksyon ng mga kalsada at dam, at
pati na rin ng mga proyektong sisira sa kagubatan at mga
protektadong pook. Kasama rin ang pagtataguyod namin
ang sustenableng pagsasaka. Iwasan ang mga produktong
agrikultural na gumagamit ng pamamamaraang sumisira
sa biodiversidad at naglalagay sa panganib sa mga
katutubong lupang sakahan. Manalangin Tayo:
3. Nawa'y makiisa ang lahat sa mga pagsisikap na
protektahan at panatilihin ang ating mga dagat, karagatan
at pangisdaan. Tulungan mo kaming kumilos upang
protektahan ang mga pinagkukunan ng yamang tubig.
Gamitin nang matalino ang mga sariwang tubig-inumin,
at sumuporta sa pagpapatigil sa mga inprastraktura na
magiging hadlang sa preserbasyon ng ekolohiya.
Manalangin Tayo:

4. Mapagsumikapan nawa naming isulong ang dagliang


paglipat sa ligtas, malinis, at murang eherhiya. Tiyakin
ang makatarungan at patas na paglipat sa renewable
energy sources at makiisa sa kampanya sa madaliang
pagtatanggal ng mga coal-fired power plants at iba pang
nakadepende sa paggamit ng nakaruruming fossil-fuel.
Kasama narin ang pagkakaisa ang sambayanan sa
pagsusulong ng divestment campaign upang ang mga
pondo ng aming mga institusyon ay di mapalagak na
puhunan sa mga coal-fired power plants, mga kumpanya
ng pagmimina at iba pang mapanirang proyekto.
Manalangin Tayo:

5. Upang mapalaganap at maisama namin sa mga


programa ng paghuhubog sa mga paaralan at seminaryo
ang pag-unawa sa nagbabagong klima at mga paraan para
mapigilan ito. Kasama narin ang malayang paghuhubog
sa mga tao upang maging mga mamamayang may
kabatiran at kapangyarihan sa pamamagitan ng paggamit
ng lahat ng uri ng media, tungo sa pagsasabatas ng mga
panukala na may layuning protektahan ang kalikasan.
Manalangin Tayo:

6. Maging amin nawang panata na igalang, kilanlin at


suportahan ang mga karapatan ng mga katutubo sa
pagprotekta sa mga lupain ng kanilang mga ninuno at sa
pagtataguyod ng sustenableng pag-unlad. Kasama narin
ang pagtatanggol sa Karapatan ng mga nasa ilalim ng
laylayan ng Lipunan, mga walang lakas na ipagtanggol
ang kanilang mga sarili sa pang aabuso ng mga nasa
posisyon at pagtugon sa kapatang pantao ng bawat isa.
Manalangin Tayo:

7. Nawa'y sama-sama naming itaguyod na mapalakas ang


mga hakbangin sa pagharap sa mga kalamidad, at
pangangasiwa sa pagtugon sa mga kapinsalaang dulot ng
climate change, lalo na sa mga mahihirap na pamayanan.
Kasama na rin ang ating kapatid na hinusgahan, pinatay
at walang sawang pinakaitan ng hustiya. Manalangin
Tayo:

P- Diyos na Manglilikha, tulungan mo kami na maging


kagaya ni San Fransisko, na may pagmamahal na
mangalaga at magbantay sa integridad ng lahat ng
nilikha, nang sa gayon lahat ng nilalang at elemento ay
makapagbibigay ng papuri sa iyo, mula sa simula at
katupusan ng lahat ng bagay hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni Kristo aming Panginoon.
-Amen.

You might also like