You are on page 1of 3

BUOD NG ARALIN LABING-DALAWA, 4th Qtr 2022

External
Inbox

Don Leo Garilva


to DL, Don, me, sagalamelvin

BUOD NG ARALIN LABING-DALAWA / 4th Qtr, December 10-16, 2022


by Don Leo M. Garilva, DMin
 
 
ANG PANANAW SA BUHAY AYON SA BIBLIYA
 
Talatang Sauluhin:
“Pakabanalin nawa kayong lubos mismo ng Diyos ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa
at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 1
Thessalonians 5:23, NKJV 
 
PANIMULA:
Nagsasalita ang AKLAT NG APOKALIPSIS tungkol sa dalawang
pangunahing “GLOBALISASYON” bago ang IKALAWANG PAGDATING ni
CRISTO. Inilarawan ng APOKALIPSIS 13 ang GLOBALISASYON ng KAMALIAN, ng
ang “BUONG SANLIBUTAN” ay NAMANGHA  at susunod sa HAYOP na umahon mula
sa DAGAT (REV. 13:1, 3). Ang APOKALIPSIS 14 ay inilarawan GLOBALISASYON ng
KATOTOHANAN, nang ang  “WALANG HANGGAN EBANGHELYO” ay IPAPAHAYAG “sa
bawat bansa, lipi, wika, at bayan” (REV. 14:6, 7, NKJV). 

 
Narito ang Tatlong na MAG-BUBUOD sa ating ARALON ngayong linggo:
 
1. SI CHRIST ISANG MODEL PARA SA TAO (LINGGO AT LUNES)
Si JESU-CRISTO ay ang perpektong TAO, at KANYANG PAGLAKI ay binubuo ng  LAHAT ng
PANGUNAHING DIMENSYON ng  PAGKABUHAY NG TAO. Ayon sa LUKAS
2:52, “Lumago si Jesus sa karunungan,[sa isipan] sa pangangatawan,[katawan] at naging kalugud-
lugod sa Diyos[espiritu] at sa mga tao.[sosyal]” (NIV). Kung ating KIKILALANIN na ang TAO ay
isang PINAGSAMA at HINDI MAGKAKAHIWALAY NA PERSONA, dahil dito HINDI NATIN
LILIMITAHAN ang ating RELIHIYON sa mga SPIRITUWAL NA BAGAY lamang.. Ang
KATUNAUAN KASAMA ng KATOTOHANAN ang ating BUONG PAGTAO, na sinsakop nito
ang  ATING BUONG BUHAY, at binubuo ng  LAHAT ng DIMENSYON ng ating  BUHAY. Ang
ating PISIKAL at  SPIRITUWAL NA MGA ELEMENTO ay makapangyarihang PINAGSAMA at
HINDI SILA PWEDNG PAGHIWALAYIN. 

TUlad ni  ADAN at EBA ay NILIKHA mula sa saring LARAWAN at WANGIS NG DIYOS (GEN.


1:26, 27), na NAKIKITA  hindi lamang sa kanilang KARAKTER kundi sa kanilang  PISIKAL na
aspeto. Dahil ang LARAWAN ay NASIRA sa pamamagitan ng  PRESENSYA ng
KASALANAN, ang Gawain ng PAGTUBOS ay upang  IBALIK MULI SA MGA TAO sa kanilang
ORIHINAL NA KATAYUAN, pati na ang kanilang PISIKAL NA KALUSUGAN. Kung ating
kikilalanin ma amg TAO ay isang  MAGKAKAHIWALAY NA NILIKHA, at tinatanggap
ng RELIHIYONG iyon ang LAHAT NG ASPETO ng BUHAY ng TAO, kung gayon dapat nating
isaalang-alang ang PROTEKSYON ng ating PISIKAL NA KALUSUGAN na isa ring
TUNGKULIN PANG-RELIHIYON. Kailangang PATNUBAYAN tayo ng KINASIHANG
PRINSIPYONG “kumakain, man o umiinom tayo, o anuman ang ating ginagawa, gawin ninyo ang
lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos” (1 COR. 10:31, NKJV).

 
2.SI CRISTO AT ANG BANAL NA ESPIRITU (MARTES AT MIYERKULES)
Ang ating  PROBLEMA sa TUKSO at KASALANAN ay  MALULUTAS LAMANG sa
pamamagitan ng PAGBABAGO ng ating mga SARILING PUSO (o mga isipan). Kaya
MAKAKAYA NATING MAGTAGUMPAY laban sa TUKSO sa pamamagitan lamang
ng BUMABAGONG BIYAYA NG DIYOS at, sa antas NG MGA ISIPAN at INTENSYON, dapat
nating angkinin ang pangakong iyon upang kayanin natin na patigilin ang mga MAKASALANANG
KAISIPAN (JER. 31:31-33). Gayunpaman, sa buhay na ito gaano man tayo katapat HINDI NATIN
MAAABOT ang LUBOS NA KAWALAN NG KASALANAN hanggang pagdating ni Cristo. Ngunit
kung tayo ay NAKA’Y CRISTO, tayo ay lubos na NATATAKPAN sa pamamagitan ng KANYANG
KATUWIRAN. Bagaman HINDI pa tayo lubos na SAKDAL, tayo
ay ITINUTURING na SAKDAL ayon sa Kanya (PHIL. 3:12-15). Maaari tayong magkaroon ng
ganitong uri ng pagbabago sa ating buhay SA PAMAMAGITAN ng araw-araw na  PAGSUKO, isang
pangaraw-araw na KAMATAYAN sa SARILI, at sa pamamagitan
ng PANANAMPALATAYA, isang araw-araw na  TIYAK NA PAGSISIKAP na
maging MASUNURIN LAMANG KAY JESUS

Ang BANAL NA ESPIRITU ay isang makapangyarihang AHENTE na Siyang nagbubuhos ng PAG-


IBIG NG DIYOS sa ating mga PUSO (ROM. 5:5), na gumagabay sa atin sa tunay NAGLILIGTAS
NA KARANASAN(JN. 16:7-11), pinapatnubayan tayo sa  LAHAT ng KATOTOHANAN (JN.
16:13), at PINALALAKAS tayo upang TUPARIN ang MISYON NG EBANGHELYO (ACTS
1:8). Ang mismong BANAL NA ESPIRITU na PUMAPATNUBAY sa atin
sa LAHAT ng KATOTOHANAN ay NAGBIGAY LAKAS din sa atin na PATNUBAYAN ang iba
sa kahanga-hangang KATOTOHANANG IYON (MATT. 28:18-20, ACTS
1:8). Habang ISINASAGAWA natin ang banal na MISYONG IYON, tumatangagap tayo ng
Kanyang ESPESYAL NA TULONG. Kaya’t, Sa BAWAT UMAGA, kailangan natin
na LUMUHOD sa harap ng PANGINOON at MULING BAGUHIN ang ating PAGTATALAGA sa
KANYA. Kung gagawin natin ito, PAGKAKALOOBAN NIYA tayo ng PRESENSIYA ng
KANYANG ESPIRITU, ng  KANYANG BUMUBUHAY, at NAGPAPABANAL NA
KAPANGYARIHAN. 

3. SI CRISTO AT ANG ATING PAGHAHANDA (HUWEBES)


Tayo ay nabubuhay sa isang  MASILAKBONG MUNDO na mayroong napakaraming ARTIPISYAL
NA MGA PANGANGAILANGAN at  NAKAKATAWAG-PANSIN MGA
PAGKAKAABALAHAN. Kung HINDI TAYO MAINGAT, MAKUKUHA nito ang lahat
nating PANAHON at BALUKTUTIN ang ating mga PRIYORIDAD. ANG MGA KRISTYANO
sa BAWAT PANAHON, ay dapat na MAGBANTAY laban sa mga PAGSISIKAP NI SATANAS na
ILAYO  sila sa mga  BAGAY NA MAHALAGA sa buhay na ito. Mula sa PANANAW NG
BIBLIYA, ang panahon ng KALIGTASAN ay palaging “NGAYON” at kailanman ay hindi
bukas (PS. 95:7, 8). At higit pa, MALIBAN ang isang PANGUNAHING KARANASAN NG
PAGBABAGO ay maganap, MAGPAPATULOY TAYO kung ano tayo NGAYON. Mula sa
PANANAW na ito  masasabi natin NA ANG BAWAT ARAW i sa ating BUHAY ay isang MALIIT
na BUHAY para sa ATIN . Kaya, sa pamamagitan ng BIYAYA NG DIYOS, kailangan
nating MAGPANUKALA para sa HINAHARAP ngunit dapat na mamuhay BAWAT ARAW na
handa sa PAGDATING NI JESUS.

 
KUNKLUSYON:
Si ELLEN WHITE ay nagsalita: “Sa pamamagitan ng dalawang dakilang kamalian, ANG
IMORTALIDAD NG KALULUWA at ang kabanalan ng araw ng linggo, Dadalhin ni Satanas ang
bayan sa ilalim ng kanyang mga pandaraya. Habang ang una ay maglalagay ng PUNDASYON NG
ESPIRITWALISMO, ang nahuli ay lilikhang tali ng awa sa Roma.” GC 588.1 Hanggang sa ang
PANGHULING MGA PANGYAYARI ay makita, kailangan MANATILI TAYONG
MATATAG sa ating PANINIWALA sa lahat ng KATOTOHANAN nasa atin, na KASAMA rito
ang  LIKAS NG SANGKATAUHAN at ng  KAMAATAYAN, habang ating hinahanap
na PATNUBAYAN TAYO ng  BANAL NA ESPIRITU na magkaroon ng LAYUNIN na
maging HANDA sa MALUWALHATING PAGKAHAYAG O PAGDATING NI JESUS
--
Don Leo M Garilva, DMin
Mountain View College
8709 Valencia City, Bukidnon
Philippines

You might also like