You are on page 1of 17

ESPIRITWALIDAD AT

PANANAMPALATAYA: DAAN
SA PAKIKIPAG UGNAYAN SA
DIYOS AT KAPUWA
PAGMAMAHAL SA
DIYOS
◦ Ang buhay ay maituturing na isang PAGLALAKBAY. Sa
paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ang makakasama
upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay. Una,
paglalakbay kasama ang kapuwa at ikalawa, paglalakbay
kasama ang Diyos.

◦ Ang PAGHAHANAP SA DIYOS na siyang


pinagmumulan ng lahat ng biyaya at pagpapala.
◦ Ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao.
◦ Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu
ng tao ay sumasalamin sa kaibaturan ng kaniyang buhay
kasama-ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan.
◦ Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng
mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng
Diyos.
◦ Ang PANANAMPALATAYA ay ang personal na ugnayan
ng tao sa Diyos.
“Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga
bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi
nakikita.” (Hebreo 11:1).
◦ Naipapahayag ng tao kaniyang pananampalatay sa
Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasabuhay
nito.
Wika ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “Ang
pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay”
(Santiago 2:20)
IBA’T-IBANG URI NG
RELIHIYON:
PANANAMPALATAYANG KRISTIYANISMO
Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-
ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.
Mahahalagang Aral:
1. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng
ating buhay.
2. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at
likas na pagsunod.
3. Magmahalan at mgaing mapagpatawad sa bawat isa.
PANANAMPALATAYANG ISLAM
– Ito ay itinatag ni MOHAMMED, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng
Islam ay matatagpuan sa KORAN, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim.
Limang Haligi ng Islam:
1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay ng Pagsamba)
2. Ang Salah (Pagdarasal)
3. Ang Sawm (Pag-aayuno)
4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa)
5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca)
PANANAMPALATAYANG BUDDHISMO
ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa na
nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa
materyal na bagay.
4 na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama, ang Budha (“The
Enlightened One”):
1. Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa)
2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’)
3. Ang pagnanasa ay malulunasan
4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 fold path): tamang pananaw, tamang
intensiyon, tamang pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, tamang
pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atensiyon.
GAWAIN: “ALAMIN ANG
PAGKAKAIBA”
TANONG KRISTIYANISM
O
ISLAM BUDDHISMO

1. SINO ANG
KINIKILALAN
G DIYOS?

2. ANONG ARAL
ANG
SINUSUNOD NG
BAWAT
RELIHIYON?
SA TATLONG RELIHIYON NA NABANGGIT, IISA LAMANG ANG MAKIKITA AT IPINAPAHAYAG AT ITO ANG SINASABI NG GINTONG
ARAL (GOLDEN RULE)
”HUWAG MONG GAWIN SA IBA ANAG AYAW MONG GAWIN NILA SA IYO”
TAKDANG ARALIN
Panuto: Sa one half (1/2) na papel isulat at sagutan
ang mga sumusunod na tanong.

1. Tukuyin ang mga paraan upang mapangalagaan


ang ugnayan sa Diyos.
2. Tukuyin ang apat na uri ng pagmamahal ayon
kay C. S Lewis
MARAMING
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!

You might also like