You are on page 1of 3

Ay mapuspos ng Banal na Espiritu ayon sa Lucas 11:11-13; Marcos 11:24 at Mateo 21:22.

Paano natin malalaman kung tayo ay puspos ng Banal na Espiritu? Ayon sa Galacia 5:16-25 tayoy ay puspos ng Banal na Espiritu kapag nasa atin ang Bunga ng Espiritu pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil. Ayon sa Galacia 5:25 Kung tayoy nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu. Ano-ano ang mga Kaloob ng Banal na Espiritu? Ayon sa I Corinto 12:1, 8-11 at Roma 12:68 o Kakayahang magpahayag ng mga aral ng Diyos o salita ng karunungan. o Kakayahang makaunawa ng aral ng Diyos o salita ng kaalaman. o Malaking pananalig o pana-nampalataya. o Kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. o Paggawa ng himala. o Magsalita sa ibat ibang wika. o Magpaliwanag ng ibat ibang wika

o Paglilingkod o Pagtuturo o Pagbibigay o Pamumuno o Nagpupuno Bakit Kailangan natin ang mga kaloob ng Banal na Espiritu? Ayon sa I Corinto 12:4-7 & 14:12 binigyan tayo ng ibat ibang mga kaloob ng Banal na Espiritu para gamitin natin ito sa paglilingkod sa Diyos. Hinihimuk tayo ng Diyos na sumagana sa mga kaloob ng Banal na Espiritu upang makapagpapaunlad ang Iglesia. Ano ang mangyayari kung ang mga kaanib ng Iglesia ay hindi puspos ng Banal na Espiritu at hindi sumagana sa mga kaloob ng Banal na Espiritu? Hindi uunlad ang Iglesia at unti-unti ito hihina at mababawasan ng mga kaanib. Manganganib ito na mawala o magsara ang Iglesia.

Our Becoming United Church of Christ In The Philippines Sunday School Guide Book 2

UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE PHILIPPINES


BINANGONAN EVANGELICAL CHURCH
ADULT SUNDAY SCHOOL

UNIT IV DIVERSE QUALITIES ONE COMMITMENT LESSON I THE UCCP SEEKS THE FELLOWSHIP OF THE HOLY SPIRIT SUMMARY

Isinalin sa Pilipino at isinaayos ni Josephine A. Bernardo,M.D mula sa The Churchs Identity Our Being And

MAGBALIK-ARAL: HINAHANAP NG UCCP ANG PAKIKISAMA NG BANAL NA ESPIRITU Layunin ng Pagaaral: 1. Mapahalagahan at kalugdan ang Gawain ng Banal na Espiritu sa kanilang Buhay. 2. Kilalanin at pagtibayin ang gawain ng Banal na Espiritu sa Simbahan Local. 3. Kilalanin at magsalita tungkol sa mga palatandaan ng mabunga at mahalagang gawain ng Simbahan. Sino ang Banal na Espiritu, kailan siya nagmula at bakit siya mahalaga sa buhay ng isang Kristiano? Ayon sa Aklat ni Juan 4:24 Ang Diyos ay Espiritu. Bahagi Siya ng Banal na Trinidad. Ang Banal na Trinidad ay ang paniniwala natin na iisa ang Diyos ngunit nagpapakita Siya sa pamamagitan ng tatlong paraan: Bilang Ama (Father), Anak (Son) at Banal na Espiritu (Holy Spirit) o bilang Manlilikha (Creator), Tagapagligtas (Redeemer) at Tagapagalaylay (Sustainer). Ayon sa Genesis 1:2 kabahagi na ang Banal na Espiritu sa Diyos Ama o Manlilikha sa paglikha na sanglibutan.

Ayon sa Santiago 2:26 mahalaga ang Banal na Espiritu sa buhay ng isang Kristiano sapagkat kung wala sa kanyang buhay ang Banal na Espiritu tinuturing siyang patay (Spiritual Dead) at di lalago ang kanyang buhay spiritual. Di lamang sa panahon ng Pentecostes bumaba at napuspos ng Banal na Espiritu ang mga tao. Maraming Tao binanggit sa Lumang Tipan na puspos ng Banal na Espiritu gaya ni Noah, Abraham, Moses, Joshua, David at iba pa. Ano ang gawain ng Banal na Espiritu? (Ref. Juan 15:26-27, 16:115, Gawa 1:8, Roma 8:1-16) Ang Banal na Espiritu ang presensya ng Panginoon sa buong mundo. Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng kapangyarihan at gabay sa mga naniniwala sa kanya upang maunawaan at mamuhay ng may paniniwala kay Hesukristo. Tayo ay naniniwala na ang Banal na Espiritu ay naghahatol (convicts), nagkukumbinse (convinces), nag-papabago (converts), naglilinis (puri-fies), at gumagabay sa ating kakayahang (enables) at kapang-yarihan (empowers) ng lahat ng naniniwala sa kanya. Ito rin ang Espiritu na nagbubuklod o nagkakaisa sa atin kasama si Kristo at lahat ng mga Nananampalataya dito. Sa Roma, tinalakay ni Paulo ang Katotohanan sa paghihirap at

kamatayan ng buhay ng isang tao dulot ng kasalanan. At kahit ganun na lamang kabigat at hindi na makayanan ang paghihirap na ito, sa ganitong kalagayan o katayuan ang Banal na Espiritu ay nasa ating likuran at handang tumulong sa ating mga kahinaan. Kahit gaano pa kadami ang ating mga pagsubok o kahit kamatayan pa, ang Banal na Espiritu ay nagbibigay sa atin ng kakayahan para manalig sa Panginoon para sa ating kaligtasan. Bakit Kailangan mamuhay ayon sa Banal na Espiritu? Ayon sa Efeso 5:15-18 ito ay kalooban at utos ng Dios na tayo ay mapuspos ng Banal na Espiritu. Paano tayo mamuhay ayon sa Banal na Espiritu? Ayon sa Efeso 2:8,9; 2 Corinto 5:7 at Roma 1:17 Tayo ay mapuspos ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Pananampalataya. Ano ang mga hakbang upang maihanda ang sarili para mamuhay ayon sa Banal na Espiritu? o Unang Hakbang: Sangayon sa Mateo 5:6 Kailangan nais mo mamuhay ayon sa kalooban ng Dios. o Ikalawang Hakbang: Kailangan handa kang ialay ang buhay mo kay Cristo ayon sa utos ng Dios na binanggit sa Roma 12:1

o Ikatlong Hakbang: Kailangan ipahayag natin ang ating mga kasalanan sa Dios ayon sa I Juan 1:9 at Magtiwala na tayo

You might also like