You are on page 1of 1

MODYUL 12: ESPIRITWALIDAD AT PANANAMPALATAYA

Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa


-dito nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Nagsisismula ito sa
simpleng palitan ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan.
Paghahanap ng kahulugan ng buhay
-kailangan ng tao ang makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay.
1. Paglalakbay kasama ang kapuwa
2. Paglalakbay kasama ang Diyos
Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at Kapuwa
Ang persona, ayon kay Max Scheler ay, ang paka-ako ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kayat ang
espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao.
-Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibaturan ng kaniyang
buhay kasama-ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan.
*Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag
ng Diyos.
-Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi
nakikita. (Hebreo 11:1).
-Ang pananampalataya ay hindi maaaring lumago kung hindi isinasabuhat para sa kapakanan ng kapuwa.
-Naipapahayag ng tao kaniyang pananampalatay sa Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasabuhay nito. Wika ni
Apostol Santiago sa Bagong Tipan, Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay (Santiago 2:20)
Ibat-ibang Uri ng Relihiyon:
a. Pananampalatayang Kristiyanismo itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa,pag-ibig, at paniniwalang
ipinakita ni Hesukristo.
Mahahalagang Aral:
1. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
2. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
3. Magmahalan at mgaing mapagpatawad sa bawat isa.
b. Pananampalatayang Islam ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng Islam ay
matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim.
Limang Haligi ng Islam:
1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay ng Pagsamba)
2. Ang Salah (Pagdarasal)
3. Ang Sawm (Pag-aayuno)
4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa)
5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca)
c. Pananampalatayang Buddhismo ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa
na nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay.
4 na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama, ang Budha (The Enlightened One):
1. Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa)
2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (taha)
3. Ang pagnanasa ay malulunasan
4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 fold path): tamang pananaw, tamang intensiyon, tamang pananalita, tamang
kilos, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atensiyon.
Mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos:
1. Panalangin 4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay 5. Pagmamahal sa Kapuwa
3. Pagsisimba o Pagsamba 6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
*Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya naman ang siyang
nagpapataas ng espiritwalidad ng tao.
Ang Pagmamahal sa Diyos at Kapuwa ang Tunay na Pananampalataya
Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyanf kapatid ay isang sinungaling. Kung ang
kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?
(Juan 4:20)
Mother Teresa: Ang tunay na pagmamahal, ay ang magmahal na walang hinihintay na anumang kapalit kahit na
nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal pa rin.
4 na Uri ng Pagmamahal C.S. Lewis
1. Affection Pagmamahal bilang magkakapatid 3. Eros Pagmamahal batay sa pagnanais ng isang tao
2. Philia Pagmamahal bilang magkakaibigan 4. Agape Pinakamataas na uri ng pagmamahal

You might also like