You are on page 1of 3

PAGSASABALIKAT NG ALITUNTUNIN AT ARAL NG IBA’T IBANG RELIHIYON

RELIHIYON- ang kabuuan ng mga paniniwala, mga aral, mga seremonyas o ritwal at pagsanba sa isang dakilang
limikha na tinatawag na diyos o panginoon.
- Paraan ng pagkamit ng kaligtasan (salvation) ang walang hanggang kaligayahan sa kabilang buhay.
- Nakapagdudulot rin ng diwang kaganapan ng sarili (sense of individual fulfillment) at nakapagbibigay ng pag-
uunawa sa kahulugan ng buhay.
** aktibistang nakikipaglaban para sa katarungan ay may kakaunting panahong naibibigay para sa panalangin at
pagsamba
** may sumasapi sa kilusang karismatiko na di rin nagsisimba
** Fundamentalist ay naniniwalang si Jesus ang tagapaglista ngunit di matanggap ang sinasabi ng malawakang
pagmamalasakit pagkat lieral ang pagkahulugan

IBA’T IBANG PANANAMPALATAYA, PILOSOPIYA O RELIHIYON AYON SA ULAT NI Leo Buscaglia

1. TAOISMO (TAOISM)
- Hindi isang relihiyon bagkus isang pilosopiya o pananaw na ipinakilala ni LAO TZU sa Tsina (3 or 4
centuries before birth of Jesus Christ)
- TAOISMO o DAISMO (Intsik) na mula sa tao o do na ang ibig sabihin ay THE WAY O ANG DAAN-
Inilahad na ang tao ay isinilang na likas na mabait
LAYUNIN: maipagtutuloy ang likas na kabaitang ito sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa panahon ng tunggalian
(conflicts), mapalakas ang diwa ng pagkakaisa sa panahon ng pagkakawatakwatak (unity in separation), pag-ibig
at pangingibabaw (love and transcedence) sa panahon ng pagkakagulo at di pagkakaunawaan
- Pagiging makasarili ang nagbibigay daan sa di pagkakaunawaan at pagkawatak watak ay ang kalaban ng lakas
na kabutihan na bigay ng Diyos sa mga tao

2. CONFUCIANISMO
- Confucius ay tinaguriang pinakadakilang guro sa kasaysayan ng bansang Tsina dahil sa kanyang mga
makataong pagtuturo, mga pagsasanay sa paghubog ng magandang asal
LAYUNIN- hikayatin ang tao na magkaroon ng lakas ng loob na maipahayag ang sarili at magkaroon ng lakas ng
loob na maipahayag ang sarili at magkaroon ng katalinuhaN (WISDOM) upang makisangkot sa pagpapabuti ng
kalagayan ng tao sa kanilang lipunan
** ang mga aral niya’y nagmula sa nakaugaliang paggalang sa pamilya ayon sa paniniwala niya ay dapat magig
modelo ng wastong pakikipag-ugnayan.
ILAN SA MGA KATANGIAN AT ARAL NITO AY:
a) Upang maging maligaya- binigyang diin ang pagsunod sa GOLDEN RULE- Huwag mong Gawin sa iba ang
ayaw mong gawin sayo
b) Upang matamo ang karunungan,kabutihan,pagkakaisa ang tao’y kailangang mapagsiyasat
c) Itinuturo na hindi lamang pansariling kapakanan ang paunlarin, kundi pati ang sa kanyang kapwa

3. BUDISMO
- Siddharta Gautama (mula sa anak ng maharlikang angkan sa India, iniwan niya ang kanyang anak at asawa
para pumunta sa gubat at pagnilaynilayan ang kahulugan ng paghihirap ng tao tulad ng pagkakasakit, hapdi o
pagsama ng loob, pagtanda at kamatayan)
- Sa kabila ng dinanas na pagtiis at pighati di pa rin nakadama ng kaligayahan at kapayapaan
** ayon sa Budismo ang paghihirap ng tao sa buhay ay nag-uugat sa kanyang pagnanasa (desires)-
nagbubunga ng kasakiman (greed), katakawan (lust), matinding pagkamuhi (hatred) at labis na pagpapahalaga
(attachments) sa mga materyal na bagay sa buhay.
LAYUNIN- makiisa sa tunay na makapangyarihan (ultimate oneness) sa pamamagitan ng isang buhay na pagiging
tunay na tao at pagiging makatao habang nabubuhay pa sa lupa
** inilahad ni Gautama Buddha na maiiwasan ang labis na paghihirap ng tao sa pamamagitan ng pagsunod sa walong
pamamaraan na tinagurian niyang THE EIGHTFOLD PATH:
1. Ang wastong pananaw ( rigth view) at pag-iisip
2. Ang wastong hangarin (right intentions)
3. Ang wastong pagsasalita (right speech)
4. Ang wastong pagkilos (right action)
5. Ang wastong paghahanapbuhay ( right livelihoo)
6. Ang wastong pagsisiskap (right effort)
7. Ang wastong pag-iisip para sa kasalukuyan (right mindfulness of the present)
8. Ang wasto at tamang pag-iisip ( right concentration)
**MAKABULUHANG BUHAY PARA SA BUDDISMO ay ang pagsunod ng GOLDEN RULE sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa. Binibigyan nila ang pagpapahalaga ng kabutihang loob, pagmamahalan at pagdamay sa kapwa
(love ang compassion), hindi pananakit sa kapwa, pagiging mapagbigay (liberality), kahinahunan(moderation), at
pagtitimpi (temperance) sa pakikitungo sa kapwa.
** FULLY FUNCTIONING BUDDHIST
- Pag-iwas sa isang mapagmasang materyal na pamumuhay
- Siya ay magalang, mapagbigay, tapat at magalang sa karapatan ng kapwa

4. HINDUISMO
- Pinakamatandang relihiyon na itinatag ng mga Indo Asyano
- MAHABHARATA at RAMAYANA- pinaka pangunahing banal na kasulatan na batayan ng tuntunin ng
moralidad (ethics)
- May kinikilalang tatlong Diyos ang mga HINDUS: Brahman o Tagapaglikha o one spirit; Vishnu- ang
tagapangalaga at ang Shiva-tagapagwasak
MGA PANINIWALA:
1. Ang buhay ay pansamantala lamang
2. naniniwala sa reinkarnasyon, transmigration at karma
3. kaligtasan ay matatamo sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral at mabuting pakikipag-ugnayan

5. ISLAM
- Islam o Mohameciano ay isa sa mga pinakamalaganap na relihiyon
- Itoy itinatag sa mEcca, saudi arabia ni Mohammed, isang arabo
- Ang mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa KORAN na siyang Banal na kasulatan ng mga Muslim
- Tinatawag ang kinikilalang Diyos na Allah
- Ayon kay Mohammed siya ang naatasang tagapaghatid ng mga aral sa mga pagano
- Sa banal na kasulatan nakapaloob ang mga paniniwala ng Islam kagaya ng pagpapahayag ni Allah kay
Mohammed, nakapaloob din ang limang pangunahing tungkulin ng bawat muslim at ang mga alituntunin
dapat maging gabay sa kanilang alituntunin at panlipunang pamumuhay
- MOSQUE ang tawag sa bahay dalanginan at tuwing tanghali ng Biyernes ay araw na sila’y sumasamba na
pinamumunuan ng Imam
- Sa limang ulit na panalangin ang muslim ay nakaharap sa siyudad ng Mecca na itinuturing na banal na siyudad
hindi sila sumasamba sa mga bagay bagay o imahen ng hayop o tao

6. KRISTIYANISMO
- Ang tagapagtatag ay si kristo sa Israel
- -ang mga aral ay nakapaloob sa SAMPUNG UTOS ng DIYOS na unang inihayag kay Moises
- Nahahati sa dalawa ang sampung utos : pag-ibig sa diyos at pag-ibig sa kapwa
PANINIWALA:
1. Banal na santatlo, ang AMANG nasa langit, kay JESUKRISTO banal na anak na nakatawang tao at ang
ESPERITO SANTO
2. May dalawang pangunahing paraan ng pagsasabuhay sa kapwa: una- pagkakawanggawang pangkatawan
(corporal act of mercy) at pangkaluluwa (spiritual act of mercy)
ikalawa - moral na kabutihang asal : dito nakapaloob ang apat na pangunahng kabutihang asal (cardinal
virtues) gaya ng KAHINAHUNAN, KATARUNGAN, KATATAGAN NG LOOB at PAGTITIMPI.
Kasama na dito ang tatlon teyolohikal na kabutihang asal- pananampalataya,pag-ibig, pag-asa.
//mnlb08.IV.2013//

You might also like