You are on page 1of 27

WELCOME!

Sagipin ang Bukas


Healthy Lifestyle Seminar
April 3-9, 2016

Adventist
Community
Services

Presented by:
Joel B. Macaraig, MPA, DrPH (IP)
Ang Kalusugan ay Kabanalan
Ang Bibliya ay nagtuturo ng malalim na
pagkaunawa ukol sa kalusugan. Hindi ito
tumutukoy sa pisikal lamang, may
kaugnayan ito sa spiritual.
Sinimulan ang kahalagahan ng kalusugan sa paglikha
sa tao. Ang Dios na Manlalalang ay ibinigay sa unang
tao ang pinakamabuting pagkain,
“At sinabi ng Dios,
narito, ibinigay ko sa
inyo ang bawa’t
pananim na
nagkakabinhi, na nasa
ibabaw ng balat ng
lupa, at ang bawa’t
punong kahoy na may
bunga ng punong
kahoy na
nagkakabinhi; sa
inyo’y magiging
pagkain”
(Genesis 1:29).
Si Adan at ang mga unang tao ang unang
nakinabang sa biyaya ng malusog na pagkain, si
Adan ay nabuhay hanggang 930 taon (Gen. 5:5),
si Matusalem ay 969 taon (Gen. 5:27),
si Noe ay 950 (Gen. 5:29).
Matapos ang unang
gunaw sa panahon ni Noe,
ay ipinahintulot ng Dios
ang pagkain ng karne
(Gen. 9:3).

Noon pa man ay may


tinatawag ng malinis na
pagkaing karne na nakatala
sa Gen. 7:2 at Gen. 8:20.

Dati pa ay ipinagbawal
na ng Dios ang pagkain
ng dugo (Gen. 9:4), at
maging ng taba (Lev.
3:17).
Ang Dios na lumalang
sa tao ang
nagpapahintulot ng
kung ano ang
makabubuti sa
Kaniyang mga
nilikha. Ang bawat
salita ng Dios ay
BATAS na dapat
ituring at HINDI
PAYO na maaaring
pagpiliang sundin o
suwayin.
Nagsimula pa sa mga Israelita (ang unang
tanging pangkat ng tao na sumamba sa tunay na
Dios), ay nagbigay na ang Dios ng batas at
panuntunan sa pagkain. May mga palatandaan na
ibinigay ang Dios ukol sa maaaring kainin,
“Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal
na bagay”. Ito ang mga hayop na inyong
makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing.
Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang
lalaking usa, at ang mabangis na kambing,.. At
bawa’t hayop na may hati ang paa, at baak, at
ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain”
(Deut. 14:3-6).
Deut. 14:7
Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga
ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang
liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya,
nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;
Kasama sa mga tinukoy na HINDI DAPAT KAININ
ay ang baboy,

“At ang baboy,


sapagka’t may hating
paa, nguni’t hindi
ngumunguya, ito’y
marumi sa inyo: ang
laman nila’y huwag
ninyong kakanin, at ang
kanilang bangkay ay
huwag hihipuin.”
(Deut. 14:8).

Dahil ang Dios ang lumikha sa tao, alam Niyang


higit ang mabuti sa tao.
Pinatunayan ito ng modernong medical science, “Trichinella
spiralis (roundworm) has a long standing association with
pork products, not only in the U.S. but around the world. The
concept which many people have about the need to cook pork
thoroughly is based on the risk of becoming infected with this
parasite. This concern is well founded in history.” *
-US Dept. of Agriculture

*https://www.aphis.usda.gov/vs/trichinae/docs/fact_sheet.ht
Youtube/Animal Planet/Monster Inside Me/Tapeworm
: https://www.youtube.com/watch?v=pY538A6Zw-s -
Pork Tapeworm
Sa pagkaing nilalang mula sa tubig, dagat man o
ilog, ay may batas din ang Dios,
Deut. 14:9,10
“At ang mga ito’yinyong makakain sa lahat ng
nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga
palikpik, ay inyong makakain,
at anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag
ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.”
Ang Kalusugan at Pagsamba
Roma 12:1
“Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa
inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Dios, na
inyong iharap ang inyong mga katawan na isang
haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya
ninyong katampatang pagsamba.”

Ang talatang ito ay tumutukoy sa kabuuang


aspeto (mental, pisikal, social, at moral/
spiritual) ang ihinaharap ng tao sa pagsamba sa
Dios.
3 Juan 1:2
“Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng
mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang
iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng
iyong kaluluwa.”

Ang pisikal ay pahalagahan tulad ng


pagpapahalaga sa spiritual.
1 Corinto 10:31
“Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom
man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo
ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.”

Ang pagsamba ay hindi ukol lamang sa


pananalangin, pagbasa ng Biblia, pagtulong sa
kapuwa, kundi sa pag-iingat ng katawan sa
pamamagitan ng gawi at asal, kinakain o iniinom.
Ang talatang ito ay prinsipyo na anumang
makasisira sa ating katawan ay dapat iwasan at
tigilan. Hagip nito ang gawi, bisyo, at mga
pagkain at inuming dulot ay kasakitan sa
kalaunan. Ang pag-iingat sa katawan ay paraan
ng pagpupuri sa Dios na lumikha nito.
1 Corinto 6:19, 20
“O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong
katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa
inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo
sa inyong sarili; sapagka’t kayo’y binili sa
halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong
katawan ang Dios.”

Ang katawan ay panatilihing malinis tulad ng


templo na pinaninirahan ng Dios. Ang katawang
may kalusugan at kalinisan ay nakakaluwalhati
sa Dios.
1 Corinto 3:17
“Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios,
siya’y igigiba ng Dios; sapagka’t ang templo
ng Dios ay banal, na ang templong ito ay
kayo.”

Pananagutan natin sa Dios ang maling ginawa


sa katawan; sa pamamagitan ng pagkain,
inumin, at gawi.
Panawagan ng Dios
“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at
magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag
kayong magsisihipo ng mga bagay na marumi, at
kayo’y aking tatanggapin, at ako sa inyo’y
magiging ama, at sa akin kayo’y magiging mga
anak na lalaki at babae, sabi ng Panginoong
Makapangyarihan sa lahat.”
- 2 Corinto 6:17, 18
Makabanalang kalusugan ang sumainyo

Thank you for listening!


Family Group Activity
Sagutin ng bawat panganay at bunso ang tanong na
ito:

“Ano ang pagkakaugnay ng kalusugan sa


pagsamba sa Dios?”

You might also like