You are on page 1of 26

WELCOME!

Sagipin ang Bukas


Healthy Lifestyle Seminar
April 17-23, 2016

Adventist Community
Services

Presented by:
Joel B. Macaraig, MPA, DrPH (IP)
Stress!
Walang sinoman ang hindi maaapektuhan ng
stress, o kaya ay lubusang maiaalis ang stress sa
buhay. Ang stress ang nagtutulak upang matapos
agad ang gawain o maging magana na gumawa.
Kapag nabuo ang
mga hormones ng
stress, ang mga
ito’y kumakawala
at pinaliliksi ang
pagkilos,
pinatataas ang
lakas, pinabibilis
ang pagtugon
(reaction) ng mga
sistema ng
katawan.
Upang maabot ang
ganitong epekto ay
bibilis ang tibok ng puso,
tumataas din ang blood
sugar, ang dugo ay
lilipat ng pinag-uukulan
mula sa tiyan patungo sa
mga dulong daluyan ng
kamay, paa, at ulo, na
magiging dahilan upang
bumagal ang panunaw,
at pagtatanggal ng
anumang sobra na sa
katawan (taba at toxin).
Ang “maigsing tulak” ng stress ay nagdudulot ng mabuting
pakiramdam at maayos na paggawa, ngunit kapag ito’y
humaba ay nagdudulot ng kasakitan. Ang katulad na
halimbawa ay pag-inom ng kape, alak, at paninigarilyo, na sa
una ay may dulot ginhawa ngunit habang tumatagal ay mga
mapanganib na sakit ang bunga.
Kapag tumagal ang ganitong kalalagayan ay
humihina ang concentration, tumataas ang
pagkabalisa, at humihina ang pag-uugnayan ng
mga bahagi ng katawan.

Source: Habib, K.E., et al. (2001)


Neuroendocrinology of Stress
Ang stress ay nagdudulot ng:
1. Pagkabalisa
2. Atake sa puso
3. Stroke
4. Hypertension
5. Pagbaba ng depensa ng katawan na
nagdudulot ng pagtaas ng infection at
madaling pagkapit ng mga kasakitang
dulot ng virus
6. Kasakitang autoimmune tulad ng
rheumatoid arthritis at multiple
sclerosis.
Source: American Institute of Stress
Karagdagan pa
ang sakit sa balat,
gastrointestinal
system, peptic
ulcer, irritable
bowel syndrome,
ulcerative colitis,
hindi pagkatulog,
at kabagabagang
pangkaisipan tulad
ng Parkinson’s
disease.
Sa katunayan ay halos walang maisip na sakit na
hindi kaakibat ang stress. Malawak ang tinatamaan
ng stress: nervous system, muskuloskeletal system,
respiratory system, cardiovascular system,
endocrine system, gastrointestinal system, at
reproductive system.
Ang stress ay reaksyon sa kapaligiran at sa kung
ano ang pumapasok sa bibig, isipan, at nakikita,
nararamdaman ng katawan. Ang ilan dito ay mula
sa maling pagkain at inumin, klima, polusyon, di
angkop na kapaligiran, ingay, kalalagayang
panlipunan, at iba pa na nakakaepekto sa tiwasay
na buhay.
Malalim ang dulot ng stress kapag nanggagaling
ito sa relasyon, kabiguan, pananalapi, emosyon,
personalidad, profession, banta, kasakitan, at
kamatayan. Na nagdudulot ng pagkabagabag ng
sistema ng katawan at mahaba ang epekto na
nagpapahina ng kalalagayang pangkalusugan.
Pangangasiwa ng Stress

Alamin ang
pinagmumulan
ng stress.
Mabuti na
tukuyin at
alamin upang
maiwasan at
paghandaan.
Tiyakin ang reaksyon sa stress. Makabubuti na
kontrolin at lubusang mapigilan ang epekto sa
sarili.
Paghandaan at asahan ang stress. May mga
stress na kusang dumarating tulad ng
kasakitan, emergency, pag-aaral, at
kamatayan. Mas mabuti na napaghahandaan at
may plano upang di lubhang maapektuhan.
Tamang pagkain. Ang unang pinahihina ng stress ay
ang katawan. Pakainin ang katawan ng
masustansiya at umiwas sa mga stress food tulad
ng kape, bisyo, softdrinks, matatamis na pagkain,
matataba o mamantika, makemikal (processed,
artificial flavor at coloring).
Mag-ehersisyo at maglibang. Mabuti na may
physical activity na nakakalibang tulad ng
swimming, sports, fishing, o anumang gawaing
nakikinabang ang isipan, sosyal, at pisikal.
Higit sa lahat ay sandigan ng buhay. Kailangang
may pananampalataya na pinagkukunan ng lakas
at inspirasyong harapin ang hamon ng buhay.
Pag-uugnay sa Pananampalataya
Sa sumasampalataya man o hindi ay parehas na
humaharap sa hirap ng buhay. Ngunit nakahihigit kung may
Dios na pinagkakatiwalaan.
Dios na nakakaunawa ng kalalagayan ng tao, sapagkat
dumanas na Siya ng hindi matatawarang hirap, siya ay ang
Panginoong Jesu-Kristo. Dama Niya ang kalalagayan mo.
Siya ang humahawak ng kapangyarihan upang papangyarihin
ang bagay na nakabubuti sa sumasampalataya sa Kaniya,
“Sapagka’t kung paanong ang mga langit ay mataas
kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang
kagandahang-loob sa kanila na nangatakot sa
kaniya” (Mga Awit 103:11).
Siya ay tanging pag-asa sa mundong puno ng
kalamidad, kasakitan, karahasan, at kamatayan,
“Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y
sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t
ako’y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking
tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang
kamay ng aking katuwiran”
(Isaias 41:13).
Ang Kaniyang pagbabalik ay
napakalaking stress sa mga
hindi nagsipaghanda, ngunit
ang tanging lunas sa lahat ng
stress ng nagsisampalataya,

“At papahirin niya ang bawa’t


luha sa kanilang mga mata; at
hindi na magkakaroon ng
kamatayan; hindi na
magkakaroon pa ng
dalamhati, o ng pananambitan
man, o ng hirap pa man: ang
mga bagay nang una ay
naparam na” (Apoc. 21:4).
Maligayang Kalusugan ang Sumainyo!
Paksain Bukas

Ang Kalusugan
ay Kabanalan
Ang pagsamba ay hindi lamang spiritual,
May malaking kinalaman ang
pangangatawan sa pagpupuri at
paglilingkod sa Dios.
Family Group Activity
Sagutin ng bawat ipinanganak ng buwan ng Abril, Mayo
at Hunyo ang tanong na ito:

“Ano ang lubhang nakaka-stress sa iyo?


“May maitutulong ba ang pananampalataya sa
stress mo, bakit?”

You might also like