You are on page 1of 1

Puyat: Sakit sa Lipunan, Sakit sa Kalusugan

Nagdudulot ng cancer, sakit sa puso, highblood at pagtaas ng sugar level ang labis
na pagpupuyat ng isang tao, ito ay ayon kay Dr. Rod Stewed, isang doktor sa
American Medical Practitioners Association — June 10, 2019.
Ang mahimbing na pagtulog ay nakatutulong sa "renewal of cells" ng katawan. Habang
tulog ang tao, dito nagtratrabaho ang mga cells.
"Walong oras ang kinakailangan na tulog upang maregulate ang pagtratrabaho ng mga
cells, dugo at utak ng isang tao," ayon kay Dr. Stewed.
Kapag nagpapahinga ang isip at ang katawan sa tamang oras, nagkakaroon din ng
maayos na daloy ng dugo sa mga ugat mula sa puso, papunta sa utak at iba pang parte
ng katawan.
Kapag nagpapahinga ang isip at ang katawan sa tamang oras, nagkakaroon din ng
maayos na daloy ng dugo sa mga ugat mula sa puso, papunta sa utak at iba pang parte
ng katawan. Naipagpapahinga din ang utak sa pag-iisip kaya't nakababawas ito ng
"stress" o "depression."
Kaya't kapag palagi ang pagpupuyat ang isang tao, naiistambay ang mga cells, hindi
naipapahinga ang katawan at nawawalan ng regular na takbo ng dugo, dahil dito
maraming sakit ang maaring makuha sa pagpupuyat.
"Sa mga bata, mas maraming oras ang kailangan sa pagtulog dahil kinakailangan nila
ito sa kanilang growth and development," ayon sa Department of Health.
Stress, sobrang pag-iisip, pag-inom ng carbonated drink at caffeine ingredients at
labis na pagkapagod ang mga dahilan upang hindi makatulog nang maaga ang isang tao.
Upang maiwasan ang pagpupuyat ng isang tao, dapat magkaroon ng bedtime sleep,
iwasan ang carbonated at caffeine drinks.
"Tamang oras sa pagtulog ay nakapagdaragdag ng talino para sa mga bata," ayon sa
pag-aaral ng UNICEF.
Bago matulog, iwasang mapagod sa buong araw. Kapag pagod maaaring magpamasahe upang
mai-relax ang mga muscle, patayin ang ilaw kapag matutulog at iwasang magpakabusog
bago matulog.
Ang pagpupuyat ay hindi lamang sakit sa kalusugan ngunit maging sa lipunan,
naaapektuhan ng puyat ang performance ng isang tao sa kanyang trabaho, sa pag-aaral
at naaapektuhan ng pagpupuyat ang mga bata sa kanilang paglaki.

You might also like