You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Lungsod ng Quezon

PAGSAPIT NG GABI: HINDI MAKATULOG SANHI NG INSOMNIA

Panananaliksik sa Filipino

Rolando Irojo Jr.


Erold Tingson
Chesla Nuval

Bb. Karen G. San Diego

2015

i
PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay buhat sa oras at tiyaga ng mga mag-aaral na


mananaliksik. Nais ng grupo na pasalamatan ang mga taong tumulong upang
matapos ang pag-aaral na ito.

Unang-una ay sa Panginoong Maykapal. Siya ang nagbigay sa ating lahat ng


kaalaman at karunungan na ating ginagamit ngayon. Ang kanyang gabay ang isa
sa mga dahilan upang matapos ang proyektong ito.

Ikalawa ay sa aming mga mahal sa buhay na walang sawang pag-intindi at


pagsuporta upang magkaroon ng katuparan sa paggawa ng pananaliksik.

Gayundin sa lahat ng mga bumubuo sa aklatan ng PUPQC Library na


nakapagbigay rin ng tulong sa aming mga mananaliksik upang makahanap ng
mga datos na kinakailangan para sa aming pag-aaral.

At higit sa lahat, ipinaabot ng mga mananaliksik ang taos-pusong pasasalamt sa


aming gurong si Bb. Karen San Diego na nagsilbing tagapayo namin upang
mapabuti at mapaganda ang pag-aaral.

ii
PAGHAHANDOG

Nais naming ihandog ang thesis na ito sa aming mga magulang na


pumapatnubay sa amin. Sa mga taong nasa likod ng tagumpay upang matapos
ang namin ang thesis na ito. Sa aming mga kaibigan na nagbigay ng tulong sa
amin upang maisagawa namin ang thesis na ito at sa aming propesor na si Bb.
Karen San Diego na patuloy na tumutulong at nagbibigay ng kaalaman sa amin

iii
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat………………………………………………………………..…………...ii
Paghahandog…………………………………………………………………………. iii
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………..iv
Abstrak……………………………………………………………………….….............v

Kabanata 1 : Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan


Panimula…………………………………………………………………………..vii
Kaligirang Pangkasaysayan………………………………………………….…viii
Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………….….ix
Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………....ix
Saklaw at Limitasyon…………………………………………………….............ix

Kabanata 2 : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Lokal na Pag-aaral………………………………………………………………....x
Banyagang Pag-aaral…………………………………………………................xi
Lokal na Literatura…………………………………………………………...…..xiv
Banyagang Literatura……………………………………………………………xiv
Katuturan ng mga Salitang Ginamit…………………………………………....xv

Kabanata 3 : Metodo ng Pananaliksik


Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik………………………………………xv
Instrumentong ginamit sa pananaliksik……………………………………..…xv
Paraang ginamit sa pagkuha ng Sampol ng Populasyon……......................xvi
Deskripsyon ng mga kalahok o respondente…………………………….……xvi
Mga Talahanayan………………………………………………………………...xvi
Pagsusuring Istadistika ng mga Datos………………………………………...xvii
Bibliograpiya……………………………………………………………………….xx

iv
ABSTRAK

Pamagat : Pagsapit ng Gabi : Hindi makatulog sanhi ng Insomnia


Mga Mananaliksik : Rolando Irojo Jr.
Erold Tingson
Chesla Nuval

Ang pananaliksik na ito ay may layuning alamin kung ano ba ang Insomnia na
nagbubuhat ng kahirapan sa pagtulog sa gabi at ang mga pangunahing sanhi at
sintomas ng pagkakaroon nito.
Nilalayon din ng pag-aaral na ito na malaman ang mga bagay na maaaring
maging lunas sa sakit na ito.

Gumamit ang mga mananaliksik ng paraang deskriptibo at ng instrumentong


talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng pag aaral hinggil sa sakit
sa insomnia. Sinuri at binigyang deskripsyon ang mga katugunan ng mga
respondente na siyang naging batayan ng natuklasan sa pananaliksik ng tao.

MGA NATUKLASAN:

Batay sa isinagawang pag aaral, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga


sumusunod :

Ang Insomnia o kawalan ng tulog ay isang karaniwang problema na


nakababawas sa iyong enerhiya at nakasasama sa iyong kalusugan at
kakayahang magtrabaho sa umaga. Maaari ding magdulot ng malalang
problemang pangkalusugan ang chronic insomnia.

May tatlong klasipikasyon at uri o klase ang Insomnia. Ang mga ito ay : Una, ang
Pansamantalang Insomnia na tumatagalmula isang gabi hanggang ilang araw.
v
Karaniwang sanhi nito ang pansamantalang pagbabago sa buhay ng tao, gaya
ng pagbibiyahe, pagpapalit ng iskedyul, pagkabalisa, o pakikipagtalo. Ikalawa,
ang Magaang insomnia. Ang pinagmumulan nito ay pisikal na pagkakasakit, o
mga sandali ng stress na batay sa mga pangyayari. Tumatagal ito nang tatlong
Linggo. At Ikatlo ay ang Paulit-ulit na insomnia. Para sa mga espesyalista, ito
ang tinatawag na tunay na sleep disorder. Nararanasan ito halos kapag gumabi,
nagbibigay ng labis na pagtitiis o paghihirap, at tumatagal nang hanggang isang
buwan o mahigit pa (minsan ay ilang taon).

Natalakay din sa pag-aaral na ito ang mga sintomas ng Insomnia. May tatlo
lamang na senyales ng pagkakaroon ng sakit na ito. Ito ay ang 1.) Panimula.
Mahirap humanap ng tulog; ito ang pinakakaraniwang sintomas, 2.) Paputol-
putol. Madalas na paglalakad tuwing gabi at hirap na makabalik muli sa pagtulog,
at 3.) Malubha. Hindi karaniwang gising at kawalan ng kakayahan na muling
bumalik sa pagtulog.

Sa pananaliksik na ito ay amin ding pinagtuunan ang mga bagay na nagsasanhi


ng pagkakaroon ng Insomnia. Marami ang posible at maaaring maging dahilan
ng pagkakaroon nitoHalimbawa nalang nito ay ang stress o kapag ang tao ay
binabagabag ng mga problema at kabiguan.

Sa aming isinagawang pag-aaral ay aming natuklasan ang mga maaaring


maging paraan, solusyon, at lunas para sa sakit na ito.

vi
KABANATA 1
Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

PANIMULA

Ang pagtulog ay isa sa mahahalaga at likás na gawain na kinakailangan ng tao


sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Sinasabing ang pagtulog ay
napakasensitibong tungkulin ng katawan dahil sa pisikal at iba pang sanhi na
humahadlang sa tao na magkaroon ng masarap na pahinga.

Tumutulong ang pagtulog upang mapasigla ang pag-iisip at katawan at nang


maibalik ang nawalang lakas na kinokonsumo sa loob ng maghapon. Kailangan
ito upang mapanatili ng tao ang pagiging alerto sa pang-araw-araw na ginagawa.

Habang natutulog, pumapasok ang tao sa paulit-ulit na estado ng paghimbing.


Humihinto ang kamalayan pansamantala upang mabigyan ng kalayaan ang
katawan na makapagpahinga.

Ang utak ng tao ay may bilang ng kani-kaniyang gawain, estruktura, at sleep


centers na pumapailalim sa siklo ng pagtulog at paggising. Ang katawan ay
gumagawa ng mga sustansiya na kapag sumama sa daluyan ng dugo ay
nakapagpapaantok sa sinuman. Kapag ang prosesong ito ay nabago, dahil sa
pagod, pag-aalala, gulo, at pisikal na pagkakasakit, maaaring maranasan ang
insomnia.

Maraming tao ay nakakaranas ng kahirapan sa pagtulog at maging ako ay


nakakaranas nito. Ngunit ano nga ba talaga ang mga pangunahing sanhi ng
problemang ito at ano ba ang mga mabisang paraan para maiwasan ang
pagkakaroon nito?

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

vii
Ang Kahirapan sa pagtulog ay ang pagkawalang-kayang matulog kahit na kapag
ikaw ay pagod, o pasumpung-sumpong na pagkakatulog sa magkakasunod na
mga araw. Ang mga taong may ganitong sintomas ng hindi pagkakatulog o
insomnia partikular ay karaniwang nakakaranas ng malabis na pagkapagod sa
buong araw ng pagtatrabaho sanhi ng kakulangan ng pagtulog at pagpapalit-palit
sa posisyon ng paghiga sa gabi, sa kabila ng sobrang pagod sa maghapunang
pagtatrabaho. Kung ikaw ay nakakaranas nito, alam mo kung ano ang sanhi ng
pagkakaroon nito.

Ang insomnia o hindi makatulog sa gabi ay problema ng maraming tao. Una sa


lahat, ang mahalagang suriin ay kung ano ang sanhi ng iyong kahirapang
makatulog. Ito ba ay dala ng ‘stress’ sa trabaho? Problema sa relasyon?
Paggamit o pagtigil sa paggamit ng alak o sigarilyo? Ang pagkawala ng sanhi ng
insomnia ay ang kadalasang pinakamabisang gamot para dito.
Bago sumailalim sa pag-inom ng mga gamot para sa insomnia, maganda ring
subukan muna ang mga lunas na hindi nangangailangan ng gamot (non-
pharmacological management).

BALANGKAS KONSEPTUWAL

Ang pag aaral ay ginamitan ng masusing pag aanalisa sa pamamagitan


ng libro, internet at sarbey. Ang mga ginamit na aklat ay batayan ng
impormasyong nakalap. Nagsagawa ng pagkompyut upang makuha ang
porsyento ng prosesong resulta ay ginamitan ng basehan sa konkulsyon at
rekomendasyon.

Ang mga nakalap na impormasyon ay pinag sama sama at nagsilbing


batayan ng makatotohanang at makabuluhang thesis.

viii
INSOMNIA?

SANHI SINTOMAS EPEKTO LUNAS

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin at sagutin ang mga sumusunod :


1. Ano ang Insomnia ?
2. Ano ang mga bagay na maaaring magsanhi ng pagkakaroon nito ?
3. Ano ang mga sintomas at posibleng epekto ng pagkakaroon nito ?
4. At kung ano mga lunas sa paggamot nito.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Estudyante/Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral


upang malaman nila ang mga posibleng maging epekto, sanhi, at dahilan ng
pagkakaroon ng insomnia at kung papaano maiiwasan ang pagkakaroon nito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang aming pananaliksik ay sumasaklaw kung ano ang sakit na insomnia,


papaano nagkakaroon neto at ano ang masamang epekto o dulot neto sa
kalusugan ng tao gayon din papaano maiiwasan ang pagkakaroon neto at ang
mga posibleng maging paraan upang malunasan ang sakit na ito.

ix
Nagbigay ang mga mananaliksik ng mga talatanungan sa mga respondente. Eto
ang pinaka unang ginawang basihan ng a mananaliksik sa pag gawa ng mga
ebalwasyon at ng pagtataya. Ang pag aaral na ito ay isinagawa sa Baranggay
Commonwealth, Lungsod ng Quezon sa batayang taong 2014-2015.

KABANATA 2
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

LOKAL NA PAG-AARAL
Sino ang mga mas posibleng magkaroon ng Insomnia ?
Bihira sa atin ang nagkakaroon ng problema sa pagtulog. Pero merong ibang
mga tao ang nakakaranas ng malubhang problema sa pagtulog kaysa sa iba.
Alamin natin kung sino ang mga taong maaaring magkaroon ng sakit na
Insomnia.
Halos nasa 40 hanggang 60 porsiyento ng matatanda (edad 60 pataas)
ang nakakaranas ng insomnia dahil sa mga iba’t-ibang problemang medical at
dahil na din sa paggamit atp ag-inom ng iba’t-ibang gamot. Mula sa edad na 16
hanggang 50, ang mga lalake ay nawawalan ng halos 8 porsiyento ng kanilang
kabuuang pagtulog. Ang mga babae naman ay doble sa mga lalake sa
pagkakaroon ng insomnia na maaaring maging dahilan ng pagbaba ng mga
hormones sa katawan dahil sa menstruation, pagbubuntis at menopause.
Nasa 51 porsyente sa mga balisadong tao ang mayroong insomnia. Nasa 90
porsiyento naman ng mga taong depressed ang may insomnia. 56 porsiyento
naman ang mga taong nagtatrabaho ang nakakaranas ng isa sa mga klase ng
insomnia kada linggo at nasa 40 hanggang 40 porsiyento ng mga bata ang hindi
nakakatulo ng tama sa oras. Sa mga edad 13 hanggang 19 o mga teenagers,
dahil sa pagiging busy sa pag-aaral, hindi pagtulog ng maaga at hindi tamang
pagkain ang nagiging sanhi sa kanila ng pagkakaroon ng insomnia.

x
BANYAGANG PAG-AARAL

Ang Insomnia o kawalan ng tulog ay isang karaniwang problema na


nakababawas sa iyong enerhiya at nakasasama sa iyong kalusugan at
kakayahang magtrabaho sa umaga. Maaari ding magdulot ng malalang
problemang pangkalusugan ang chronic insomnia. A ng simpleng pagbabago ng
iyong pamumuhay at mga nakagawian ayu makatutulong upang malunasan ang
iyong insomnia.

Ang pagtulog ay isa sa mahahalaga at likás na gawain na kinakailangan


ng tao sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Sinasabing ang pagtulog ay
napakasensitibong tungkulin ng katawan dahil sa pisikal at iba pang sanhi na
humahadlang sa tao na magkaroon ng masarap na pahinga.

Tumutulong ang pagtulog upang mapasigla ang pag-iisip at katawan at


nang maibalik ang nawalang lakas na kinokonsumo sa loob ng maghapon.
Kailangan ito upang mapanatili ng tao ang pagiging alerto sa pang-araw-araw na
ginagawa.

Habang natutulog, pumapasok ang tao sa paulit-ulit na estado ng


paghimbing. Humihinto ang kamalayan pansamantala upang mabigyan ng
kalayaan ang katawan na makapagpahinga.

Ang utak ng tao ay may bilang ng kani-kaniyang gawain, estruktura, at


sleep centers na pumapailalim sa siklo ng pagtulog at paggising. Ang katawan ay
gumagawa ng mga sustansiya na kapag sumama sa daluyan ng dugo ay
nakapagpapaantok sa sinuman. Kapag ang prosesong ito ay nabago, dahil sa
pagod, pag-aalala, gulo, at pisikal na pagkakasakit, maaaring maranasan ang
insomnia.

xi
MGA URI NG INSOMNIA

1. Pansamantalang insomnia. Tumatagal ito mulang isang gabi hanggang


ilang araw. Karaniwang sanhi nito ang pansamantalang pagbabago sa buhay ng
tao, gaya ng pagbibiyahe, pagpapalit ng iskedyul, pagkabalisa, o pakikipagtalo.

2. Magaang insomnia. Ang pinagmumulan nito ay pisikal na pagkakasakit, o


mga sandali ng stress na batay sa mga pangyayari. Tumatagal ito nang tatlong
Linggo.

3. Paulit-ulit na insomnia. Para sa mga espesyalista, ito ang tinatawag na


tunay na sleep disorder. Nararanasan ito halos kapag gumabi, nagbibigay ng
labis na pagtitiis o paghihirap, at tumatagal nang hanggang isang buwan o
mahigit pa (minsan ay ilang taon).

MGA SINTOMAS NG INSOMNIA

1. Panimula. Mahirap humanap ng tulog; ito ang pinakakaraniwang sintomas.

2. Paputol-putol. Madalas na paglalakad tuwing gabi at hirap na makabalik


muli sa pagtulog.

3. Malubha. Hindi karaniwang gising at kawalan ng kakayahan na muling bumalik


sa pagtulog.

MGA SANHI NG INSOMNIA

Ang pagpupumilit na makatulog kapag ikaw ay napapagod at ang hindi


pagkakatulog ay isang malaking kaparusahan. Hindi kinakailangang magkaroon
ng paulit-ulit na insomnia; o kaya'y maghanap ng mga paraan kung paano
magkakaroon ng masarap at mapayapang pagtulog. Maraming bagay ang
maaaring gawin upang labanan ang di-pagkatulog.

Maraming sanhi kung bakit nakararanas ng insomnia:

1. Stress. Kapag ikaw ay binabagabag ng mga personal na problema at


kabiguan.

xii
2. Uri ng pamumuhay. Pagbabago sa oras ng pagtulog, pagpupuyat, problema
sa trabaho, jet lag, pagdiriwang at parti, at matagal na pagkakaidlip sa hapon;

3. Mga salik sa kapaligiran. Ingay o kaguluhan sa paligid, kama o higaang di-


komportableng tulugan, masyadong malambot na kutson, matigas na unan,
sobtang liwanag na ilaw, at sobrang init o sobrang lamig, ang ilan sa mga sanhi
ng di-pagkakatulog ng tao.

4. Malabis na pagkain o pag-inom. Ang pagkain ng mataas sa saturated fats


(taba) bago matulog, ang at pag-inom ng alkohol o pampagising ay
makadaragdag sa hindi mapayapang pagtulog.

5. Ugali sa gabi. Pagbabasa, pakikinig ng musika, panonood ng telebisyon, o


kapag may iba pang gawaing pampagising.

6. Labis na ehersisyo at labis na pagkalampa. Ang pag-eehersisyo bago


matulog ay maaaring maging dahilan ng insomnia. Sa kabilang banda, kapag
walang sapat na ehersisyo ay maaari ding maging dahilan ng hirap sa pagtulog.

LOKAL NA LITERATURA

PAPAANO MAGAGAMOT ANG INSOMNIA O HIRAP MAKATULOG?

Kung ang sanhi ng insomnia ay natukoy, maaaring magamot ang sakit sa


pag-iwas sa sanhing ito. Maaari ding may baguhin sa sleeping habits sapagkat
maaari ding ito ang dahilan ng hirap sa pagtulog. Kung hindi pa rin umepekto
ang mga hakbang na ito, ang doktor ay maaaring magrekomenda ng ilang
behavioral therapy na makakatulong sa pagtulog. Layunin ng therapy na ito na
ituro sa pasyente ang mga tamang sleeping habits o ang mga dapat at hindi
dapat gawin bago matulog. May ilang relaxation therapy din na itinuturo na
makakatulong sa mas mahaba at malalim sa tulog.

xiii
Maaaring din namang magreseta ang mga doktor ng sleeping pills o gamot
pampatulog na makakatulong sa pagpapahimbing ng pagtulog. Ilan sa mga
gamot na maaaring i-reseta ay ang zolpidem, eszopiclone, zaleplon or
ramelteon.

MABISA BANG PANGONTRA SA INSOMNIA ANG MGA SLEEPING PILLS?

Bagama’t makatutulong ang mga sleeping pills o mga gamot na


pampatulog sa pagpapahimbing ng tulog, hindi ang pag-inom nito ang
pangunahing solusyon na pinapayo ng mga doktor sa pasyente. Tandaan na ang
mga sleeping pills ay maaaring makapagdulot ng ibang epekto sa katawan gaya
ng problema sa pag-ihi at pagiging antukin sa araw.

BANYAGANG LITERATURA

Sa panahon ngayon kung saan ang mga tao ay subsob sa pagtatrabaho


at sa mga taong puspusan ang paggawa para maabot ang mga iba’t-ibang
pangarap sa buhay, ang pagtulog ang pinakaimportante at pinakamahalagang
bagay. Maraming mga tao ang nakakatulog lamang ng hindi lalagpas sa lima
hanggang anim na oras sa gabi kahit na ang mga sinasabi sa mga isinagawang
pag-aaral na ang dapat na maging pagtulog ay pito o walong oras.
Ang pagkakaroon ng insomnia na tumatagal ng araw hanggang linggo ay
nakakaapekto sa mahigit 50 porsiyento ng mga nasa tamang edad at ang
insomnia naman na tumatagal ng halos anim na linggo ay maaaring maka
apekto ng 10 hanggang 15 porsyento ng kabataan.
Ang insomnia ay maaaring kahirapan sa pagtulog o pananatiling gising sa
oras ng pagtulog. Ang mga ito ay nagdudulot ng maraming problema sa taong
nakakaranas nito. Ang iba sa mga hindi magandang dulot nito ay ang labis na
pagkapagod, pagiging iritable at kawalang ng pokus at konsentrasyon sa
ginagawa.

xiv
KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Insomnia – karamdaman na kung saan ang isang tao ay hirap sa pagtulog o


hindi makatulog

Sleep disorder – mga karamdaman sa pagtulog gaya ng sleep apnea,


narcolepsy at iba pa.

Stress – dulot ng mga kabagabagan, problema at suliranin sa buhay

Sleep centers – ito ang mga parte ng utak na responsible sa pagiging gising o
kaya naman ay pagiging tulog

KABANATA 3
Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraan at instrumentong


ginamit upang malikom at mapag aralan ang mga datos na magbibigay
kasagutan sa paksa ng thesis na ito.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik ay deskriptibo. Ito ang


pinaka epektibong paraan upang malaman ang katotohanan at napag aralan ang
tungkol sa sakit na Insomia at makuha ng mga aktwal na datos ukol dito.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Gumamit ng mga talatanungan ang mga mananaliksik upang mas


mapabilis at mas maging mabisa ang pagkuha nila ng impormasyon tungkol sa
sakit na insomia. Sa pamamagitan nito nasuring mabuti ang mga datos na
kakailanganin sa pag aaral.

xv
PAGKUHA NG SAMPOL NG POPULASYON

Ang pamamaraang ginamit sa pagkuha ng sampol ng populasyon ay


convenience sampling. Malaya ang respondente na tumugon sa mga sarbey na
ikinalat ng mga mananaliksik. Ang mga sumagot din ay random at walang
partikular na kahanayan.

MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente ay binubuo ng mga ibat- ibang residente ng


Lungsod ng Quezon na babae at lalake, edad 15 hanggang 25 taong gulang.
Ang mga sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng demograpikong propayl
ng mga napiling respondente.

TALAHANAYAN BLG.1
PAGKAKAHATI HATI NG MGA RESPONDENTE BATAY SA KANILANG
EDAD

EDAD FREQUENCY FREQUENCY

15-18 40 80%

19-22 5 10%

23-26 5 10%

KABUUAN 50 100%

Ipinapakita sa taas ang pagkakahati hati ng mga taga tugon batay sa kanilang
edad. Sa unang hanay nakatala ang mga respondente na edad 15 hanggang 18
taong gulang na may frequency na 40 o porsyento na 80. Ikalawa, may mga
respondente na edad 19 hanggang 22 taong gulang na may frequency na 5 o
porsyento na 10. panghuli ay ang mga respondente na edad 23 hanggang 25

xvi
taong gulang na may frequency na 5 o poesyento na 10. Ang kabuuang bilang
ng mga respondente batay sa kanilang edad ay may frequency na 50 o
porsyento na 100.

TALAHANAYAN BLG.2
PAGKAKAHATI HATI NG MGA RESPONDENTE BATAY SA KANILANG
KASARIAN

KASARIAN FREQUENCY FREQUENCY

BABAE 26 52%

LALAKE 24 48%

KABUUAN 50 100%

Pinapakita sa itaaas ang pagkakahati hati ng mga respondente batay sa kanilang


kasarian. Sa unang hanay, makikita ang bilang ng mga babae na may frequency
na 26 o porsyento na 52. Sa ikalawang hanay, makikita naman ang bilang ng
mga lalake na may frequency na 24 o porsyento na 48. Ang kabuuang bilang ng
mga respondente batay sa kanilang kasarian ay may frequency na 50 o
porsyento na 100.

PAGSUSURING ISTADISTIKA NG MGA DATOS

Matapos makalap ang mga tala tanungan ay tinala ng mga mananalksik


ang mga nakalap na datos gamit ang tally sheets at nilagay ito sa mga
talahanayan upang mas maintindihan ng maigi ang mga datos.

OPSYON DEPINISYON MEAN

5 Lubos na sumasang- 4.50 to 5

xvii
ayon na nakakaranas
sila ng insomnia

4 Sumasang-ayon na 3.50 to 4.49


nagkaroon na sila ng
insomnia

3 May kaunting pagsang- 2.50 to 3.49


ayon

2 Di sumasang-ayon 1.50 to 2.49

1 Lubos na di sumasang- 1.00 to 1.49


ayon

STATISTIKAL NA PORMULA

Ginamit ng mga mananaliksik ang dalawang pormula sa pag interpret ng


mga datos.

WEIGHTED MEAN

Kabuuang frequency at ang katumbas na bilang ng baryabol na hinahati


sa kabuuang bilang ng frequency.

PORMULA:

xviii
Kung saan:

f = frequency

x = rank

n = bilang ng respondente

PERCENTAGE

PORMULA: P= r/n*100

Kung saan:

P = percentage

r = rate

n = bilang ng responde

BIBLIOGRAPIYA

xix
9. http://en.wikipedia.org/wiki/Insomnia
10. http://www.helpguide.org/articles/sleep/cant-sleep-insomnia-treatment.htm
11. http://www.webmd.com/sleep-disorders/guide/insomnia-symptoms-and-causes
12. http://www.minddisorders.com/Flu-Inv/Insomnia.html
13. Jacobs, Gregg . Say Goodnight to Insomnia. New York : Henry Holt and Co., 1866
14. Johanssohn J.R. The Night Walkers. New York : Flux. June 8, 2013

xx

You might also like