You are on page 1of 1

Puyat pa boy!!

Hindi ka pa ba nagtataka kung ano ang nangyarari sa pagpupuyat mo ?


Mayroon dalawang kahulugan ang kawalan ng tulog-kulang ng oras ng pagtulog at “di karaniwang padron ng pagtulog.
Ang Pagpupuyat ay natural na natural na sa mga estudyante mapa-highschool man o college at mga taong
naghahanapbuhay.
Ayon sa lack of sleep.com , isa sa mga sanhi ng kawalan ng tulog ng isang indibidwal ay ang kanyang personal na buhay ,
mga personal na problema,mabigat na schedule at mga problema sa trabaho.
Ang mga panimulang epekto ng kalawan ng tulog sa pangangatawan ay ang madaling pagkapagod at fatigue.Sa
sikolohikal na aspekto,naaapektuhan ang haba ng atensyon,konsentrasyon,tamang pag-iisip at nagiging sensitibo sa
pisyolohikal,naapektuhan ang pangangatawan ng isang indibidwal. Susunod na dito ang mga somatic pain, kagaya ng mga
sakit sa mga kasu-kasuan at sakit ng ulo.
Ang pinakamalalang epekto ng kawalan ng tulog ay ang pagkapinsala ng immune system ng isang indibidwal. Ang ating
immune system ang pangunahing ng katawan laban sa mga sakit at impeksiyon. Kapag ito ay humina, mas mabilis ang
paglala ng isang sakit.
Ipinayo ni Prof. Edilberto Gonzaga . isang propesor sa Department of Psychology ng College of Science , na sa
pagkakaroon ng tamang oras ng pagtulog, mas gumaganda an gating pangangatawan at kalusugan.
Ang Pagtulog sa tamang oras ay nakakatulong sa katawan upang magpakawala ng mga growth normones. Nakakatulong
ang growth hormones sa mga kabataan upang lalong tumangkad.
Mula sa mga nabasa mo? Magpupuyat ka pa ba?

You might also like