You are on page 1of 31

Sa Batangas:

Ang Lokalays na
Wika sa Salita
Sosyo-
heograpiko = Sab-grup ng
mga wika
kung susuriin ang ilang komunidad na gumagamit ng wikang ito
makikitang may kanya-kanya silang paraan ng paggamit ng naturang
wika.

 ang pagkakaiba ay maaaring nasa aksent, lexicograpya, o kaya’y


nasa pagbigkas lamang.
A-lituntuin
S-ettings
(Norms)
L-ayunin I-nstrumentaliti/language
(Ends) Estilo (Genre)
A-ntas ng Partisipant
T-ono (Key)
(Participant)
Anyo at Nilalaman ng Pinag-uusapan
(Act Sequence)
DI- EXTRA
VERBAL
VERBAL VERBAL

*panahon
Sintaks at *organisasyon Naririnig na mga
senyas
lexicon ng ng mosyon (diin,tono,bilis, lakas,
wika *pagkakaayos haba at antala)
ng espasyo
Teban: Sergio (Sirgio)! Hu! Sergio (Sirgio) (Tumatawag ito mula sa geyt [tarangkahan] na may kalayuan sa bahay.
Maririnig siya ni Tony, ang pamangkin niya na naglalaro sa bakuran.)
Tony: Aba, si Kakang Teban (Tiban)! Mano po. (Makikita ang kanyang ina na si Aling Flora at tatawagin ito.) Nay po!
Nay po! Naare po si Kaka.
Teban: O, Flora (Plura), gayak na baga si Sergio (Sirgio)?
Flora: Aywan ko ho. Nakain ho ata ang inyong kapatir. Tayo na ho muna sa loob (luob). (Papasok ang dalawa sa bahay.
Hindi makikita ni Flora ang asawa.)
Flora: Hindi ho pala nakain. Baka ho nasa kuwarto. Saglit ho at tatawagin ko. (Papasok sa kuwarto at kakausapin ang
asawa.)
Flora: Hoy, na-andiyan na si Kuya Teban (Tiban).
Sergio: Na-andiyan na ga? Pinakain mo ga? Flora: Hindi pa eh (i).
Sergio: Aba’y pakaini. (Lalabas si Flora at aalukin ang bayaw na kumain.)
Flora: Kuya Teban (Tiban), kumain muna kayo. Mayroon (Mer-on) ho ritong adobong panos at gulay na tabayag.
Teban: Anla’y hindi na. Di ga pista sa San Felix (Sampilis)? Doon ang punta namin eh (i). Siyanga pala, pinakakamusta
ka ng biyenan (bi-anan) ng kapatid mo. Suminsay ako sa kanila kanina. (Lalabas si Sergio na nakahanda na sa pag-alis)
Sergio: Tayo na ga, Kuya?
Teban: Aba’y oo (uo). Tanghali na eh (i). (Lalapitan ni Sergio ang asawa at magpapaalam)
Sergio: Hoy, payao na kami Flora: Sige na. Gaor na kayo at baka kayo gabihin (gab-ihin).
Kaka ang gagamiting
pantawag sa amaing
nakakatanda at Tiyo at Tiya
naman para sa nakakabata.
Sa Taal, Batangas, sa halip na Kaka ang
pantawag nila ay Manong; Ate naman
para sa tiyahin. Sa mga batang
henerasyon, Tito at Tita, o kaya
naman ay Uncle at Auntie ang
ginagamit.
Kaka
Wikang Kastila
(Arte De La Lengua Tagala Y Manual Tagalog Para Los
Sacramentos) (Totanes 1865)
-Isinasaad dito na ang katumbas ng Caca ay hermano
mayor de su padre o madre na ang ibig sabihin ay
pinakamatandang kapatid ng ama o ina.
Cacang Capatir ay hermano mayor o pinakamatandang
kapatid.
Ang ho o po ay para sa mga
taong mas mataas ang antas
kaysa nagsasalita.
Tanging sa mga magulang
ginagamit ang ganitong paraan ng
pagtawag na may paggalang, at
ito ay sinasabi nang mabilis.
Nagiging impormal na sila sa isa’t
isa dahil sa itinuturing nila na sila
ay pinag-isa na ng kasal.
Ginagamit ang mga salitang tumutukoy sa relasyon ng asawa sa anak o
sa kapatid ng kausap.
Halimbawa:
“Aywan ko nga baga sa ama ng mga batang ‘yan kung bakit bibili
pa ng kotse.”
- Kung kumpadre ang kausap ng nagsasalita, papalitan niya ang
pangungusap nang ganito:

“Aywan ko nga baga sa kumpadre mong ‘yan...”

Kung sa pamangkin naman nakikipag-usap, ang dayalog ay magiging:


“Aywan ko nga baga sa tiyo mong ‘yan...”
Ginagamit ang tawag na ito kapag malayo
ang nagsasalita sa kausap.
Lumilitaw na ang estruktura ay ganito:
dalawang beses na tatawagin ang
pangalan at sasabihin ang Hu sa pagitan
ng pagtawag.
Sa maraming bayan sa Batangas, malimit
pinapalitan ang letrang d ng r.

Sa Cuenca, Lipa City, Taysan, at Agoncillo,


karaniwang naririnig ang sumusunod na mga
salita o parirala: sinulir, tuhor, sasar, natisor,
bakor, ipor-ipor, isor-isor, at gaor na.
Ang mga engklitik na ito ay katumbas ng ba sa ibang parte
ng Katagalugan, maging sa ibang rehiyon.
Ang engklitik na baga ay bahagi ng ilang katanungang
ibinibigay ng mga pari tungkol sa pangungumpisal, gaya ng
mga sumusunod:
1. “Ano ba, anac co, ibig mo pa cayang itoloi pa iyang asal
mo? Ay baquin nacapangahas cang magcasala diyan sa
babaye?”
2. “Nahuli ca baga sa pagsimba? Ay baquin ca nahuli?”
3. May sinira ca cayang ari ng capoua mo tauo? Ano baga
yaong sinira mo?
4. Ay baquin mo sinira” (Totanes 1865).
BAQUIN (BAKIT)
Sa karaniwang pakikipag-usap, mapapansin natin na
ang bakit ay nagiging ba’t sa kontraksyon nito. Kaya
ang tanong na:
“Bakit ka nahuli?” ay napapalitan ng: “Ba’t ka
nahuli?”
Pinaiikli rin ng mga Batanggenyo ang kanilang bakin;
at ang kontraksyon nito ay:
Bayn:Kung ganoon, ang katanungang: “Bakin ka ga
nahuli?” ay magiging: “Bayn ka ga nahuli?”
Sa Batangas ang tawag sa babae
ay babaye.
Ang ibang baryasyon nito ay
babaysot at sa lalake naman ay
lalaksot.
Ang katumbas nito ay Aba
naman.
Ang sagot ni Teban na “Anla’y
hindi na,” ay pwedeng sabihing:
“Aba’y hindi na naman.”
Morpoponemikong Pagbabago

Ang unlaping na- sa wikang Batanggenyo ay


ginagamit upang ipahayag ang isang aspekto
ng pandiwa.
“kumakain ho yata”

Flora: “Nakain ho yata.”


1. Siya ga(ba) ang nakanta (kumakanta) sa Music
Lounge?
2. Sino sa inyo ang napasok (pumapasok) sa DLSU?
3. Ikaw ga ang malimit na nasagot (sumasagot) sa
klase? 4. Huwag ka munang umalis. Naulan
(umuulan) pa.
5. Saan natugtog (tumutugtog) ang DLSU Band?
“Pakainin mo”-“Pakaini”.

Pinalitan ang hulaping -in ng -i. Ang


pekulyaridad na ito ay maririnig din sa
ibang probinsya tulad ng Cavite,
Marinduque, at Quezon.
1. Sa mga pandiwang nagtatapos sa –an/-han at –in/-
hin, ipapalit ang –i sa nabanggit na hulapi, gaya ng:
Takpi (takpan), buksi (buksan), lagyi (lagyan), sarhi
(sarhan), lakari (lakarin), dalhi (dalhan), kaini (kainin),
basahi (basahin).
2. Sa mga pandiwang may panlaping –i sa unahan, aalisin ang
unlapi at idadadag ang –i bilang hulapi, tulad ng: lagai
(ilaga), tamai (itama), babai (ibaba), layui (ilayo), sulati
(isulat), patungi (ipatong), taasi (itaas), lipati (ilipat)
Kaugnay ng nauunang apat na halimbawa, may glotal na
pagtigil sa pagbigkas ng huling letra, sapagkat malumi at
maragsa ang katumbas na pandiwa.
3. Samantala, ginagamit ang hulaping –hi para sa
pandiwang malumay o mabilis na nagtatapos sa patinig,
at may unlaping –i. Sa kasong ito, inaalis ang unlapi
bago idagdag ang nabanggit na hulapi, gaya ng makikita
sa mga salitang ito: prituhi (iprito), samahi (isama),
gisahi (igisa), pasahi (ipasa, malumay man o mabilis).
Aspektong Ponolohikal
Ayon kay Bowen (1962), ang varyant ng mga
tunog ng isang lenggwahe ay iba kaysa varyant ng
ibang wika, at ang malaking pagkakaiba ay dahil sa
ito ay katangian ng isang partikular na wika.
Ang ponemang /e/ ay binibigkas sa tunog
ng i, tulad ng Tiban, at Sirgio.
Gayundin ang ponemang /o/ na nagiging /u/,
tulad ng mapapansin sa mga salitang Plura, at
luob.
Ilan sa mga salitang Tagalog na hinango sa wikang Kastila
na kung saan pinalitan ang e ng i at ang o ng u ang mga
sumusunod:
bintana (ventana) asikaso (hace caso) kandila (candela)
sibuyas (cebollas) nagsisindi (enciende) bulsa (bolsa)
burdado (bordado) kusina (cocina) kurbata (corbata)
kurtina (cortina) Mapupuna rin na ang letrang f ay
nagiging p sa pangalan ni Flora. Gayundin sa San Felix, na
kung saan ang x ay naging s.
Ang ponemang fricativ na /f/ ay isa sa mga idinagdag sa istak
(stock) ng mga ponemang Tagalog at hindi pa bahagi ng sistemang
ponemiko ng maraming Tagalog ispiker (Otanes, 1956). Ayon pa rin
kay Otanes, sa normal na mabilis na pakikipag-usap, ang salitang
may faynal na letrang n ay maaaring mapasailalim ng prosesong
asimilasyon. Ito ay isang pamaraan kung saan ang isang tunog ay
isinasama sa kasunod na tunog. Kaya kapag ang isang salita ay
nagtatapos sa letrang n at ang kasunod na salita ay nagsisimula sa
p, b, m, o f, malimit na pinapalitan ng m ang n. Samantala, hindi
nabibilang ang letrang x sa abakada ng Tagalog, kaya ang tunog
nito ay naging s.
Sa kaso naman ng ilang salitang may
ponemang glayd (glide phoneme), gaya ng /y/
at /w/, inaalis ang mga ponemang ito at
inilalapat ang glotal na pagtigil.

You might also like