Professional Documents
Culture Documents
Wikang Pangasinan
I.Gramatika ng Pangasinan
Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan) o Pangasinense ay
nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang
Austronesian.
PAGTUKOY SA PANGHALIP NG PANGASINENSE
1.1 PAMATLIG
Ang pamatlig ay ginagamit sa pagturo ng bagay, tao o lunan. May apat na anyo
ang panghalip-Pamatlig ng Pangasinense. Ang unang anyo ay may “sa” (saya,
satan at saman); habang ang ikalawa naman ay may “i” o kaya ay “a” (aya, itan
at iman); at ang panghuli ang pinaikling salita na walang unlapi o mas kilala
sa tawag na payak (ya, tan, man). (Benton, 1971)
1.2 PATUROL
Halimbawa:
Pangasinense Tagalog
saraya/saya/aya Ito Malapit sa nagsasalita
Satan/itan/saratan Iyan Malapit sa kausap
1.3. PAARI
Ang Pangasinan ay walang pagkakakilanhan sa anyong paari. Ang Panghalip ay
ginagamit nila bilang mga Pangngalan at at kinukuha ang unang anyo ng paturol saka
idaragdag kasunod pagkatapos ng “na” (gaya ng “ng” sa tagalog). Ginagamit din ito para
sa maramihan.
Pangasinense Tagalog
na saya nito
na satan niyan
na saman niyon/noon
Hal.
PANG: Dinmagop iray amin ya ombaley ed arap na saman ya abung.
TAG: …at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. (Mk 1:33)
1.4. PATULAD
Sa Pangasinense ang “onya” at “singa” (tulad) ay ikinakabit sa unahan ng unang anyo
ng paturol upang makabuo ng panghalili sa “ganoon” ng Tagalong.
Pangasinense Tagalog
onya/singa saya/sirin ganito
onya/singa satan/sirin ganyan
2. PANG-ABAY NA PANLUNAN
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung
saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa,
ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Sa Pangasinense, natutukoy ang “sa
ganito” mula sa “dito” sa pamamagitan ng ed (sa Tagalog ay “sa”) at pagdurugtong sa
dito ng unang anyo ng paturol upang makabuo ng salitang panghalili sa “dia” (“ditto” sa
Tagalog).
Pangasinense Tagalog
ed saya/dia dito
ed satan/ditan diyan
ed saman/diman doon
Hal.
PANG: Siopa kasiy makatalus ed saya? TAG: Sino ang makatatanggap nito? (Jn
6:60)
PANG: Inaro ak na Ama lapud saya, TAG: Dahil dito’y minamahal ako ng
Ama, (Jn 10:17)
PANG: dia ak nepeg a bistaen. TAG: dito ako dapat litisin. (Ac 25:10)
PANG: Tinmaynan diman si Jesus TAG: Umalis doon si Jesus (Mt 1 5:21)
2.1. May katumbas din ang Pangasinense sa mga salitang Pang-abay na Panlunan sa
mga Tagalog gaya ng narito (mula sa). Upang matumbasan ito ng Pangasinense,
kailangan nilang maglagay ng eksistensyal na salitang “wala” (mayroon sa Tagalog) at
susundan ng payak na Panlunan (gaya ng ditan).
Pangasinense Tagalog
wala dia/wadya narito
wala ditan nariyan
wala diman naroon
3. SINTAKSIS
3.1 PANG-ANGKOP
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa
pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito.
Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang
mga salitang binibigyang turing nito.
Ayon kay Amurrio (1970) ang mga pang-angkop na makikita sa Pangasinan ay
a, ya o n. Ang kaibahan nilang lahat ay simpleng mapaganda lamang ang
istruktura ng mga salita.
Ang n ay ay ginagamit kapag ang unang salita na idurugtong sa isa pang salita
ay nagtatapos sa patinig. Gaya ng: inaN maaro (mapagmahal na ina).
Ginagamit naman ang ya kapag ang ikalawang sallitang idurugtong ay
nagsisimula sa patinig gaya ng: baleg ya abung (Malaking bahay) habang ang a
naman ay ginagamit kung ang ikalawang salita na durugtungan ay
nagsisimula sa katinig. Hal. Abung a baleg.
3.3. Sa pagitan ng dalawang Pangngalan. Kung ang nasa huli ay ang tinutukoy
ng nasa unahan.
agew a sinba araw ng pagsimba
bulan a Disyenbre buwan ng Disyembre
Ññ NGng O Pp Qq Rr Ss
‘‘ enye ’’ ‘‘ endyi ’’ ‘‘ o ’’ ‘‘ pi ’’ ‘‘ kyu ’’ ‘‘ ar ’’ ‘‘ es ’’
Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
‘‘ ti ’’ ‘‘ yu ’’ ‘‘ vi ’’ ‘‘ dobolyu ‘‘ eks ’’ ‘‘ way ’’ ‘‘ zi ’’
’’
2.2. Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita na ibinabatay sa pagsasama
ng isang patinig at katinig. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang
patinig sa unahán, gitna, o dulong bahagi ng salita, ito ay hiwalay na pantig.
Halimbawa:
Salita Pantig
Aamayuën /a•a•ma•yu•ën/
Karëënan /ka•rë•ë•nan/
Upaan /u•pa•an/
ikaut /i•ka•ut/
Tutuo /tu•tu•o/
bibii /bi•bi•i/
2.2.2 Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang
unang dalawa ay sumasama sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo ay
isinasama sa kasunod na pantig.
Halimbawa:
Salita Pamitla/Pantig
Eksperto /eks•per•to/
inspirasyon /ins•pi•ras•yon/
Prangkisa /prang•ki•sa/
transportasyon /trans•por•tas•yon/
MGA TALASANGGUNIAN:
366861798-Written-Report-Sa-Pangasinense:
Wikang Pangasinense
nina Joeffrey Sacristan Eubert Lennard Torreliza Antonee Joi Laurio Maria
Migalle:Hernandez Jazmine Camille Candilado.
Dokumen.pub_ortograpiya-na-salitan-pangasinan-ortograpiya-ng-wikang-
pangasinan-9789710197927.
www.wikipidia.com. Wikang Pangasinan
www.hero.com Ortographiyang Pangasinan.