Professional Documents
Culture Documents
ng Gramatika ng mga
Wika sa Filipinas
3 Agosto 2018
Pangunahing hangarin ng panayam na ito ang maipagdiwang ang yaman at diversidad na mayroon
ang gramatika ng mga katutubong wika ng Filipinas. Gagamiting panimula ang mga katangian ng
kasalukuyang gramatikang Filipino upang maipaghambing at maipakilala ang naiibang katangian
ng ilang bahagi ng gramatika ng ibang katutubong wika sa bansa. Sa ponolohiya, tatalakayin ang
mga pasutsot/pasingaw, may aspirasyon, at iba pang mga tunog na kasalukuyang hindi bahagi ng
Wikang Pambansa. Tatalakayin din ang magkakaibang gamit ng impit at diin pati na ang
magkakaibang kayarian ng pantig. Sa morpolohiya, itatampok ang ilang kaibahan ng mga panlapi
at iba pang morpemang gramatikal na ginagamit sa malalaking pangkat ng salita. Sa sintaksis
naman, ihahambing ang pagmamarka ng mga kinakailangang parirala ng sugnay sa iba’t ibang wika
ng bansa.
Pambungad
Pagkatapos nating makita ang pagkakatulad ng gramatika ng mga wika sa Filipinas, itatampok
naman natin ang ilang pagkakaiba ng gramatika ng mga wika sa ating bansa. Ang gagamitin nating
pintuan na magbubukas at magpapakilala ng iláng naiibang katangian mula sa iba’t ibang wika ng
bansa ay ang mga katangian ng kasalukuyang pambansang wika ayon sa Makabagong Balarilang
Filipino nina Santiago at Tiangco. Kung kinakailangan, babanggitin din ang nakasaad sa Balarila ni
Lope K. Santos bilang dagdag o tulong sa paglalahad. Ang mga ito ang magiging batayan ng
paghahambing upang ating mapag-usapan ang pagkakaiba ng gramatika ng mga wika na katutubo
sa bansa. Ang balangkas ng paglalahad at mga terminolohiyang gagamitin ay salin mula sa basic
linguistic theory at linguistic typology. Ang pangunahing sanggunian ay mga panulat ni R.M.W
Dixon. Napili ang balangkas na ito dahil ito ay simple, madling maintindihan, at may kakayahang
ipakilala ang magkakaibang wika nang may pantay-pantay na pagkalugod sa katangian ng mga ito.
PAGE 1
1. Ponolohiya
Simulan natin sa larang ng ponolohiya.
Una, sa mga tunog na ginagamit sa pagbibigkas ng wika. Ayon sa Makabagong Balarilang Filipino
(pahina 4), ang Filipino ay may 21 makabuluhang tunog o ponema: 16 ang katinig at lima ang
patinig.
1.1.1 Katinig
Ang 16 na katinig ay nakahanay sa Tsart 1 sa ibaba.
Subanen, may karagdagang mahahalagang tunog na pasara at pasutsot. Ang mga ito, na idinagdag
PAGE 2
Tsart 2: Mga katinig ng Filipino at may aspirasyong tunog mula Timog na Subanën
Ikompara ang mga salita ng bawat pares minimal na nagpapatunay sa mga ponemang /pʰ, tʰ, kʰ/ at
/sʰ/.
/panaw/ ‘l(um)akad’
/pʰanaw/ ‘lakad’
/tintuluɁan/ ‘turuan’
/tʰintuluɁan/ ‘estudyante’
/kʰapa/ ‘wasay’
/sələd/ ‘pasok’
/sʰələd/ ‘loob’
Sa Boînën naman, mahalagang tunog ang /ɣ/. Idinagdag ito sa Tsart 3 sa ibaba.
PAGE 3
Tsart 3: Mga katinig mula Tsart 2 at /ɣ/
/ɂa.ˈɣag/ ‘nais’
/ɂǝ.ˈsǝg/ ‘urong’
/ɂǝ.ˈsǝɣ/ ‘hika’
/ɂa.ˈƞǝg/ ‘noo’
Malapit na nating mapuno ang hanay ng pasutsot kung idadagdag pa natin ang mga tunog na
PAGE 4
Tsart 4: Mga katinig mula Tsart 3 at mga tunog pasutsot mula sa iba’t-ibang wika ng Filipinas
Ang walang tinig na panlabi na pasutsot kasama ang walang tinig na panlabi na pasara [p͡ɸ] ay
maririnig sa Ayangan Ifugao bilang allophone ng /b/. Ang ponemang /b/ ay nagiging [p͡ɸ] kapag
Sa Hilagang Subanën naman, ang may tinig na panlabi na pasara /b/ ay nagiging pasutsot na [ꞵ] sa
[gba.ꞵuj] ‘baboy’
[qsu:b] ‘damit’
[bəg.bəl] ‘tapon’
PAGE 5
At ang may tinig na velar na pasara ay nagiging pasutsot [ɣ] kung sinusundan ng patinig, maliban
[gbə.ləg] ‘kasili’
[gbə.ɣas] ‘bigas’
[ɣi.na.nud] ‘ulap’
[ɣu.mə.ꞵəq] ‘tumakbo’
[Ɂinəŋgat] ‘inanyayahan’
Sa Ginsalugën naman ang /j/ ay nagiging [z] o [ʒ] kung napapagitnaan ng dalawang patinig.
[gba.ləj] ‘bahay’
[si.na.luj] ‘binili’
Sa mga wikang Mënubu, naririnig din ang mga tunog pasutsot na [ʝ] at [x].
Sa ilang mga wika sa hilagang Luzon, ang pasutsot na katinig na /h/ ay ginagamit hindi lamang sa
simula o sa gitna ng salita, pati na rin sa hulihan ng salita. At talagang maririnig ang pagbibigkas ng
/maloh/ ‘dumaan’
PAGE 6
/munɁamoh/ ‘maligo’
pagilid na tunog na [ð˕]. Lumalapit o tuluyang lumalabas ang dulo ng dila sa pagitan ng itaas at
/l/ → [ð̞]
PAGE 7
1.1.2 Patinig
Lima ang kinikilalang patinig sa luma at makabagong Balarila. Makikita ang mga ito sa Tsart 6.
patinig (maliban sa mababang sentral) na mayroon ang maraming wika sa Filipinas. Idinagdag ito
Tinatawag ito na patinig pëpët at, sa ortograpiya, binibigyan ng letra na e na may patuldok
(dalawang tuldok sa itaas), malaki man ito na titik (Ë) o maliit (ë).
Ngunit, may iilang mga wika na ang nagkokontrast na mga sentral na patinig ay hindi lamang
PAGE 8
1.2 PANTIG
Sa Tagalog at marami pang wika sa Filipinas, ang tanging kayarian ng pantig ay katinig-patinig-
opsyonal na patinig o KP(K), na ang ibig sabihin ay, ang sentro ng pantig na isang patinig ay
palaging may kasamang katinig sa kaliwa/simula ng pantig at maaaring may kasamang katinig sa
KP(K) = KP o KPK
KPK.KP.KPK
/tam.ba.lan/
KP.KP.KP.KP
/Ɂa.li.ma.ŋu/
KPK.KPK
/Ɂis.daɁ/
Iba sa wikang Ingles na may salita halimbawa na react na kung bigkasin ay [ri.ᴂkt]. Ang unang
pantig ay nagsisimula sa katinig; ang pangalawa naman ay nagsisimula sa patinig. Marami sa mga
wika ng Filipinas, ang may pantig na nagsisimula rin sa patinig; maaari itong takpan ng katinig:
P(K), na ang ibig sabihin, maaaring P lamang o PK. Tingnan natin ang isang pares minimal mula sa
P(K) = P o PK
KP.PK
/ta.Ɂǝn/ ‘bitag’
PAGE 9
KP.KP.KP.KP.PK
Kung dahil sa pantig P(K), magkakasunod and hindi magkaparehong patinig, maaari ring
KP.KP.P
[Ɂa.buu] ‘usok’
[Ɂa.bu] ‘abo’
KP.PK
KP.KPK
1.3.1 Diin
Tumungo naman tayo sa paggamit ng diin. May dalawang pamamaraan. Ang isa, ang kahulugan ng
salita ay nababatay sa kinalalagyan ng diin. Ito ang sistemang umiiral sa mga wika tulad ng Tagalog,
[bu.'haj] ‘buháy’
[pi.'tu] ‘7’
PAGE 10
['bu.hiɁ] ‘class dismissal’ Hiligaynon
[bu.'hiɁ] ‘buháy’
Sa isa naman, nahuhulaan ang kalalagyan ng diin. Maaaring lagi itong sa penultima (pangalawang
pantig mula sa kanan/hulihan), kung kaya, kapag nilalapian ang salita, nagbabago ang pantig na
kinalalagyan ng diin. Sa paglipat ng diin, hindi nagbabago ang salita. Tingnan ang halimbawa mula
sa dalawang wika.
[ti.'na.luɁ] ‘sinabi’
Maliban sa paggamit ng diin, ang wika ay maaari ring gumamit ng tunog na impit bilang bahagi ng
suprasegmental na sistema ng wika. Sa maraming mga wika, ang impit ay isang mahalagang tunog,
isang katinig. May mga pares minimal (mga halimbawa sa ibaba) na magpapakita nito.
/bali/ ‘utang’
/balik/ ‘bumalik’
PAGE 11
Iba ito kaysa pag-iimpit o glottalization na tinutukoy dito. May mga wika tulad ng Tagbanwa na
mahuhulaan kung saan maririnig ang impit sa salita o sa pangungusap. Hulaan ninyo kung kailan
maririnig ang impit sa Tagbanwa sa ibaba. Ang ibig sabihin ng asterisk (*) ay mali ang
halimbawang nakasulat.
bitalaɁ ‘wika’
2. Morpolohiya
sa mga halimbawa sa Balarila na ang pangunahing morpolohiya ng mga ito ay: ang mga pangngalan
ay payak, ang ibang pang-uri ay payak rin ngunit marami ang nilapian. Ang pandiwa naman ay
nilapian at nagtatambalan ang mga panlapi ayon sa kung nangyari o natapos na ba o hindi pa ang
galaw o estado na ipinapahayag ng pandiwa. Tingnan ang ílang halimbawa ng pangngalan, pang-
PAGE 12
Tsart 9: Morpolohiya ng tatlong uri ng salita sa Tagalog
Sa mga wikang Subanen naman, lahat ng tatlong malalaking uri ng salita, pati na ang pangngalan,
ay may nakakabit na morpema. Ang mga morpemang ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat
uri ng salita. Sa pangkalahatan, ang pangngalan ay may klitik na G=. Ang pang-uri ay may
morpolohiya na kahawig sa morpolohiya ng ibang pandiwa at meron din itong klitik na kaparehas
2.2 NG PANDIWA
Kalimitan, ang panlapi ng pandiwa ay nagsasaad ng tatlong impormasyon: transitivity, semantic
role ng pariralang ang o kapantay nito sa wika, at TAM o tense/aspect/mode. Tawagin nating
‘kailanan’ ang TAM. Pinag-iiba ng tense ang galaw ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Pinag-
iiba naman ng aspect ang galaw na tapos na sa hindi pa tapos. At pinag-iiba ng realis-irrealis mood
PAGE 13
Tingnan natin kung ano ang pinag-iiba ng mga panlapi ng pandiwa sa iba’t ibang wika. Ang
mga halimbawa sa Tsart 11 mula sa Makabagong Balarila. Ang galaw na nangyari na, tapos man o
Sa Hiligaynon, ang galaw na nangyari na, tapos man o nagpapatuloy pa ay nilalapian ng nag-, may
opsiyonal na karagdagang <a> kung nagpapatuloy sa kasalukuyan. Kung mangyayari pa ang galaw,
Sa Subanen, miG- lang talaga ang panlapi kapag nangyari na ang galaw, tapos man o nagpapatuloy
PAGE 14
Tsart 13: Morpolohiya ng pandiwa sa Hilagang Subanën
Ngunit sa Kankanaëy, ang galaw na tapos na ang siyang may ibang panlapi, nen- . Ang galaw na
nagyayari pa at hindi pa nasisimulan ay parehong may panlaping men-; may dugtong lang na pag-
uulit ng unang KPK ng salitang ugat ang panlapi ng galaw kung ito ay kasalukuyan pang nagyayari.
Nakita natin na may dalawang sistema ang morpolohiya ng pandiwa. Sa isang sistema, pinag-iiba
ang mga galaw na totoo nang nangyari o nasimulan na, natapos man ito o hindi pa, sa mga galaw
na hindi pa nagyayari o nasimulan. Tinatawag ang sistemang ito na realis-irrealis mood. Sa isa
namang sistema, pinag-iiba ang mga galaw na nakompleto na at hindi pa. Tinatawag naman ang
PAGE 15
dalawa, maaaring idagdag ang senyas na nagpapatuloy o kasalukuyang nagaganap ang galaw na
3. Sintaksis
Sa larang naman ng sintaksis, pagtuonan natin ng pansin ang sistema ng pagmamarka ng mga
3.1 PAGMAMARKA
Dalawang pagmamarka ang titingnan: ang pagmamarka na makikita sa pariralang pangngalan at
PAGE 16
3.2 TAGALOG
3.2 ILOKANO
PAGE 17
Pagtatapos
Marahil, ang panayam na ito ay pagbabalik-tanaw sa ilan at panimula naman sa iba. Panimulang
tingnan ang aspekto ng grammatika ng mga wika kung saan maaari silang magkakapareho at saan
naman magkakaiba. Nawa’y ang panayam na ito ay nakapagbigay sa inyo ng balangkas o template
para sa inyong sariling pananaliksik sa anumang wika sa bansa. At nawa’y, magiging daanan ang
pagsamasama natin dito upang masimulan ang pambansang pag-aambagan ng mga resulta ng
PAGE 18