You are on page 1of 7

Kakulangan sa tulog, isa sa tinuturong sanhi ng depresyon ayon

sa pagsasaliksik

- Puyat ang isa sa maaring dahilan ng pagkabalisa, iritable at ang malala ay depresyon

- Malaking bagay ang maayos na tulog sa kalusugan ng isang tao kaya naman ang pagpupuyat ay
mayroon talagang di magandang epekto sa katawan

- Makakatulog ang tinatawag na power nap o pag-idlip kung may pagkakataon para lamang
makapagpahinga ang katawan kahit pansumandali lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa tila lumalalang kaso ng depresyon maging sa ating bansa, isa sa tinuturong posibleng dahilan nito
ay ang kakulangan sa oras ng tulog o pagkapuyat.

Sa ulat ni Katrina Son ng GMA news, lumabas sa sinagawang pananaliksik sa USA na malaki ang epekto
ng pagpupuyat sa kalusugan ng tao.

Lumabas sinagawang pagsusuri ng isang grupo mula sa grupo ng University of Arizona, 20 porsyento
ang maaring makaranas ng iba't ibang mental health problems lalo na ang mga estudyanteng nasa
kolehiyo na madalas magpuyat.

Malaking bagay na makumpleto ang walo hanggang sa siyam na oras na tulog. Dito,
nakakapanumbalik ang ating katawan ng enerhiya na nawala sa atin sa maghapon.

source: GMA news


Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there
too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matindi rin ang epekto ng puyat sa emosyon ng isang tao. Mapapansing iritable, balisa at madaling
magalit at ang malala ay ang pagkakaroon ng depresyon ng taong laging kinukulang sa tulog.

"The reasoning brain is affected by the lack of sleep. So kung affected ang reasoning brain—yun ang
nagko-control ng emotional brain, yung amygdala—so kung kulang ka sa tulog, hindi mo rin mako-
control yung emotions mo,” pahayag ni Cristina Lope Y. Rosello, isang existential-phenomenological
psychologist.

Dahil dito, nagbigay din sila ng ilang mga tips sa kung paano makakmit ang maayos na pagtulog.

Una na rito ang pagbitiw sa anumang gadgets ilang oras bago matulog. Maari ding uminom ng gatas
kung kinakailangan para sa mas mahimbing na pagpapahinga.

Mas mainam ding nakapatay ang ilaw ng silid kung matutulog para sa mas maayos na pamamahinga
ng mga mata.

Kung di maiiwasan ang madalas na pagpupuyat, maaring mag-power nap o umidlip kung maari upang
kahit na paano ay makaranas ng panandaliang pamamahinga ang katawan.

This study source was downloaded by 100000834800378 from CourseHero.com on 05-28-2022 13:24:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/45072245/Kakulangan-sa-tulogdocx/
Kung paano ang Kakulangan Ng Sleep ay nakakaapekto sa iyong Utak At Iyong Personalidad
Isinulat ni Jakke Tamminen, Royal Holloway

Sa 1959, Peter Tripp, isang sikat na New York DJ, nangako na manatiling gising para sa mga oras na 200
para sa kawanggawa habang patuloy na nag-host ng kanyang palabas sa radyo.

Ang mga pag-aaral sa pag-agaw ng tulog ay bihirang sa oras kaya walang alam kung ano ang aasahan.
Ito ay naging isang pangunahing kaganapan, hindi lamang para sa milyun-milyong mga tagapakinig ng
Tripp, kundi pati na rin para sa pang-agham na komunidad.

Ang kasunod na epekto ng "wakeathon" sa pag-iisip ng Tripp ay mas napakahusay kaysa sa inaasahan
ng sinuman. Ang pagkatao ng isang tao na karaniwang inilarawan bilang masayang at pagtaas ay
lumitaw sa makabuluhang pagbabago habang dumadaan ang oras. Sa ikatlong araw siya ay naging
lubhang magagalitin, nagmumura at nakakasinsulto kahit na ang kanyang pinakamalapit na mga
kaibigan. Hanggang sa katapusan ng kanyang pagsisikap, nagsimula siyang magparangalan at
magpakita ng mga pag-uugali ng paranoid.

Ngunit sa kabila ng mga alalahanin ng mga doktor na sinusubaybayan siya (at sa tulong ng mga
stimulant na ibinigay nila sa kanya), nagpatuloy siya at sa wakas ay natulog pagkatapos ng 201 na oras
ng tuluy-tuloy na wake time.

Mga modernong pag-aaral sa laboratoryo ay kinopya ang ilan sa mga pag-uugali na nakita sa Tripp
bilang resulta ng pagkawala ng pagtulog. Ang kawalan ng pagtulog o matagal na limitadong pagtulog
ay nagreresulta sa pagtaas ng pagkamayamutin, lumalalang mood, at mga damdamin ng depresyon,
galit, at pagkabalisa. Nagtatalo ang ilan ang pagkawala ng pagtulog ay humantong sa pagpapataas ng
emosyonal na reaktibiti.

Pagod at emosyonal
Maraming tulad ng Tripp, na nag-lashed out sa kanyang mga kaibigan sa pinakamaliit na abala,
pagtulog deprived kalahok sa isang pag-aaral nakaranas ng higit na pagkapagod at galit kaysa sa
natitirang kontrol sa mga kalahok kapag hiniling na makumpleto ang isang simpleng pagsubok sa pag-
iisip.

Ang mga pamamaraan ng pagmamanipula ng utak ay nagpapakita kung bakit ang kawalan ng pagtulog
ay maaaring humantong sa mga hindi makatwiran na emosyonal na tugon. Ang amygdala, isang lugar
na malalim sa utak, ang aming sentro ng emosyonal na kontrol. Kapag nawalan ng pagtulog ang mga
kalahok ay ipinapakita damdamin negatibong mga imahe, ang mga antas ng aktibidad sa amygdala ay
kasing dami ng 60% na mas mataas kaysa sa mga antas sa mga nagpahinga.

Tinitingnan din ng mga mananaliksik kung paano nakakonekta ang iba't ibang mga lugar ng utak sa
mga kalahok na ito. Nalaman nila na ang pag-aalis ng pagtulog ay nauray ang koneksyon sa pagitan ng
amygdala at ng medial prefrontal cortex. Ito ay isang kritikal na pananaw bilang ang medial prefrontal
cortex mismo ay nag-uugnay sa amygdala function. Ang pag-agaw ng tulog ay lumilitaw upang maging
sanhi ng amygdala sa overreact sa negatibong stimuli dahil ito ay nagiging disconnected mula sa mga
lugar ng utak na normal moderate ang tugon nito.

Natutulog upang matuto


Ang isa pang lugar ng utak na lubhang nagdurusa sa kawalan ng pagtulog ay ang hippocampus. Ito ay
isang rehiyon na kritikal para sa pag-iimbak ng mga bagong alaala. Kapag ang mga tao ay nawalan ng
pagtulog para sa kahit isang gabi, ang kanilang kakayahang kabisaduhin ang bagong impormasyon ay
bumaba nang malaki. Ito ay ipinapakita sa isang pag-aaral dahil sa isang kapansanan sa hippocampus
na dulot ng pag-agaw ng pagtulog. Kapag memorizing isang hanay ng mga larawan, deprived pagtulog
kalahok ay nagpakita ng mas mababa activation sa hippocampus kumpara sa rested kalahok. Ang

This study source was downloaded by 100000834800378 from CourseHero.com on 05-28-2022 13:24:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/45072245/Kakulangan-sa-tulogdocx/
depisit sa hippocampus ay maaaring sanhi ng pag-agaw ng pagtulog na binabawasan ang kakayahang
magsulat sa bagong impormasyon.

Bilang kahalili, ang hippocampus ay maaaring mangailangan ng pagtulog upang ilipat ang bagong
impormasyon upang maimbak sa ibang mga lugar ng utak. Sa kasong ito, ang kakulangan ng tulog ay
maaaring maging sanhi ng kakayahang imbakan ng hippocampus upang punan, na maiiwasan ang
bagong impormasyon na maimbak.

Mga aral mula sa wakeathon

Ang kuwento ng Tripp ay may malungkot na pagtatapos. Di-nagtagal matapos ang kanyang wakeathon
ang kanyang pag-aasawa ay nabagsak, at sa kalaunan ay nawala ang kanyang trabaho at karera sa
radyo. Sa 1964 ang kanyang record ay nasira sa pamamagitan ng Randy Gardner, isang mag-aaral sa
mataas na paaralan mula sa San Diego, na pinamamahalaang manatiling gising para sa mga oras na
264.

Gayunpaman, ang mga problema sa Tripp ay malamang na hindi konektado sa kawalan ng pagtulog sa
kanya bilang Gardner at iba pa na sinubukan ng huli na matalo ang rekord ay hindi nag-ulat ng mga
katulad na pang-matagalang masama na epekto. Gayunpaman, may mga aral na natutunan mula sa
karanasan ng Tripp at mula sa pinakabagong mga pagtuklas sa agham sa pagtulog.

Maraming tao ang hindi nakakakuha ng sapat na pagtulog habang ang mga tao ay naghahain ng oras
ng pahinga upang magtrabaho, lalo na sa mga device.

Masamang Epekto ng Kulang sa Tulog


Maraming salik ang dahilan at nagreresulta sa pagpupuyat. Sa haba ng listahan baka hindi ka na rin
makatulog. Bilang numero unong dahilan ng puyat, nariyan ang home works, requirements, deadlines,
at social media. Sa 24 oras na mayroon ang isang tao sa isang araw, napaghahati-hati niya ang kanyang
oras sa iba’t ibang aktibidad. Anu’t anopaman, gigising pa rin siya kinabukasan ng animoy pagod at
parang walang tulog. Ang pagpupuyat ay may malaking epekto sa magiging araw ng isang tao. Ang
kakulangan ng sapat na tulog ay maaring maging sanhi sa mas malaking problema.

Maaaring makaapekto sa mental at physical performance ng isang tao ang hindi maayos na tulog.
Hindi magiging masaya ang araw ng taong nagpuyat. Ang pakiramdam ng lungkot, pagod, gutom, at
antok ay naghahalo-halo na maaring maka-abala sa buong araw. Mahihirapan din ang taong kulang sa
tulog na makagawa ng isang mahusay na desisyon o makalutas ng problema ng maayos. Hindi ito
nakakabuti sa memorya. Mataas ang tyansa ng pagbaba ng productivity level at alertness level ng
taong walang sapat na tulog.

Ang pagpupuyat ay hindi nakakaganda ng kutis. Pinahihina nito ang sistema ng imyunidad laban sa
sakit. Madaling kapitan ng sakit ang mga taong laging nagpupuyat gaya ng hypertension at diabetes.
May malaking epekto ang tulog sa timbang ng isang tao. Madalas rin na kakulangan sa tulog ang
nagtatangay sa tao sa stress at depression. Kaya’t ngayon pa lang ay sanayin na natin ang ating sarili na
magkaroon ng sapat at magandang tulog.

Article written by Leogene Bomitivo

This study source was downloaded by 100000834800378 from CourseHero.com on 05-28-2022 13:24:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/45072245/Kakulangan-sa-tulogdocx/
Pagtulog: Epekto Sa Kakayahang Pang –akademiko ng mga Mag-aaral
Written by Juvilyn V. Caber | T-I | Orani National High School | Orani, Bataan

Ang oras ng pagtulog ay nagbabago habang tayo ay nagkakaedad, ito ay ayon kay Dr. Maria
Melendres, Pediatric Pulmonologist at sleep specialist sa John Hopkins Childrens Center Baltimore.

Para sa Preschooler [3 hanggang 5 taong gulang] kinakailangan ng 10 hanggang 13 oras na


pagtulog ayon sa National Sleep Foundation.

Ang mga batang nasa ganitong edad ay kinakailangang matulog ng masmaaga kumpara sa mga
toddler, dahil hindi na sila gaanong natutulog sa hapon, ayon din kay Melendres.

Samantalang ang nasa “ school-age children “[ 6 hanggang 13 taong gulang] ay inirerekomenda


ng National Sleep Foundation ang 9 hanggang 11 oras ng pagtulog sa mga school- age- children tuwing
gabi.

Ito ang mga panahon na ang mga bata ay nananaginip ng masasama, gaya ng pagiging takot sa
dilim, ayon kay Melendres . Ang mas batang school-age children ay may malawak na imahinasyon,
aniya.

Teenager [14 hanggang 17 taong gulang] madalas mabigo ang mga teenager na sundin ang 8
hanggang 10 oras na pagtulog tuwing gabi.Sa katunayan kalahati lamang ng mga teenager ang may
sapat na tulog.

Ang mga batang nasa ganitong edad ay napakaraming gawaion, gaya ng mga aktibidad sa
paaralan at mga takdang aralin, dahilan upang gabihin sila sa pagtulog. At kinakailangan pa nilang
gumising ng maaga para sa pagpasok sa paaralan.

Tuunan natin ng pansin ang epekto ng kakulangan ng poagtulog sa mga teenager.May epekto ba
ito sa kanilang kakayahang pang-akademiko?

Ayon sa pag-aaral, ang pagpupuyat ay nakapagpapahina ng isip at memorya at kabilang ang mga
kabataang estudyante sa pinakananganganib ditto.

Ang nagiging resulta nito ay pagiging mayayamutin at pagiging sobrang likot. Pinag-aaralan ng mga
siyentipiko ang nagkukulang iminumungkahing walong oras na pagtulog gabi-gabi [ Globe and Mail
2002].

Bagaman ang istilo ng kanilang buhay ay madalas na umaagaw sa panahong dapat sanang itulog
ng mga kabataan, maaaring may ilan sa kanila ang di pa natutuklasang karamdsaman tulad ng sleep
apnea.

Paano ang wastong pamamahala ng oras upang magkaroon ng sapat na oras na pagtulog ng
mga mag-aaral, dapat ay mayroon silang walo hanggang sampung oras na pagtulog , ngunit hirap ang
mga kabataang matutuhan ito.[Nurture SG Committee ,2017].

Ang kasanayan sa maayos na pagtulog ay nagmumula sa mga magulang bago pa man magkaroon
ng edukasyon ang mga anak ayon kay Luan[2017].Ang paglilinang sa pagkakaroon ng mabuting
kasanayan ay dapat magsimula bago pa man sila ipanganak. Dapat silang maging handa at magkaroon
ng kasanayan .

Ngunit sa dami ng pinagkakaabalahanan ng mga kabataan sa kasalukuyan , lumalabas na marami


sa kanilang oras ay nakukuha sa paggamit ng mga ito, at nagreresulta ng mababang perpormans sa
pag-aaral.

Kaya napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang upang masubaybayan ang


kanilang mga anak sa wastong pagtulog ng mga ito.

This study source was downloaded by 100000834800378 from CourseHero.com on 05-28-2022 13:24:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/45072245/Kakulangan-sa-tulogdocx/
Maaaring para sa ibang tao ang pagtulog ay pagsasayng lamang ng oras dahil mas gusto nila ang
magtrabaho, mag-aral, o magsaya .Samakatwid, mas gusto nilang manatiling gising kaysa matulog.
Ngunit sa katunayan, ang pagtulog ay isang pangangailangan n gating katawan upang makamit ang
magandang resulta sa isang gawain dala ng maayos na pag-iisip.

At upang makamit ang katagumpayan sa pang-akademikong kakayahan ang pinakamahalagang


susi ay ang pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Tanong mula kay Myka Porciuncula, ikatlong taon sa Tourism

Ano ang mga panganib sa kalusugan ng kakulangan sa pagtulog?

NATANONG mo na ba sa iyong sarili kung bakit tila pagod na pagod ka kapag puyat ka?

Ayon kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of Psychology ng College of Science, bukod
sa panghihina ng katawan, may dalawang epekto ang kakulangan sa tulog. Ito ay pawang sikolohikal at
pisyolohikal.

Sa sikolohikal na aspekto, naaapektuhan ang haba ng atensyon, konsentrasyon, tamang pag-iisip at


nagiging sensitibo.

“Hindi ba, kapag tayo ay puyat mabilis tayong mapikon at mainis sa ating paligid?” puna ni Gonzaga.
“Mabilis din tayong mapagod at mawalan ng pokus sa ating mga ginagawa.”

Ayun sa lackofsleep.com, isa sa mga sanhi ng kawalan ng tulog ng isang indibidwal ay ang kanyang
personal na buhay, mga personal na problema, at mga problema sa trabaho.

“Lahat ng mga naaapektuhan [atensyon, pag-iisip at pokus] ay hindi dapat balewalain ng isang
indibidwal; ito ay makakasama sa kanya kung babalewalain,” ani Gonzaga.

Sa pisyolohikal na aspeto, naapektuhan ang pangangatawan ng isang indibidwal.

“Dahil sa ating biological clock, ang kawalan ng tulog ay makakapinsala sa ating biological rhythm,”
ayon kay Gonzaga.

Ang mga panimulang epekto ng kawalan ng tulog sa pangangatawan ay ang madaling pagkapagod at
fatigue.

Susunod na dito ang mga somatic pain, kagaya ng mga sakit sa mga kasu-kasuan at sakit ng ulo.

“Lalo na sa mga henerasyon ng mga kabataan ngayon, mabilis talaga ang lifestyle kaya madali silang
nagkakasakit,” sabi ni Gonzaga.

Ang pinakamalalang epekto ng kawalan ng tulog ay ang pagkapinsala ng immune system ng isang
indibidwal.

Ang ating immune system ang pangunahing proteksyon ng katawan laban sa mga sakit at impeksyon.
Kapag ito ay humina, mas mabilis ang paglala ng isang sakit.

“Ang simpleng sipon ay maaaring maging pneumonia kung ang immune system ay humina,” babala ni
Gonzaga.

This study source was downloaded by 100000834800378 from CourseHero.com on 05-28-2022 13:24:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/45072245/Kakulangan-sa-tulogdocx/
Mayroong dalawang kahulugan ang kawalan ng tulog—kulang ng oras ng pagtulog at ‘di-karaniwang
padron ng pagtulog.

Mga salik na napapabilang sa kakulangan ng tulog ng mga estudyante ay ang iskedyul ng mga klase at
mabigat na gawain sa eskwela. Sabi ni Gonzaga, “lalong nahihirapan ang mag-aaral na mag-adjust sa
ganitong iskedyul dahil mula elementarya, umaga ang mga klase.”

Sa kabilang banda, ipinayo ni Gonzaga, na dapat ay pangunahing prayoridad ng isang indibidwal, lalo
na mga kabataan, ay ang kanilang kalusugan.

“Sa pagkakaroon ng tamang oras ng pagtulog, mas gumaganda ang ating pangangatawan at
kalusugan,” sabi niya.

Ayon sa matagal na pananaliksik at pag-aaral, ang pagtulog sa tamang oras ay nakakatulong sa


katawan upang magpakawala ng mga growth hormones. Nakakatulong ang growth hormones sa mga
kabataan upang lalong tumangkad.

“Kung hindi magkakaroon ng tamang oras ng pagtulog ang isang indibidwal, patungo ito sa retardation
ng ating mga buto ng nagreresulta sa pagtigil ng pagtangkad,” ani Gonzaga.

Paalala ni Gonzaga, “mas importante ang kalusugan. Kung mataas nga ang iyong mga marka sa klase,
maganda ba ito kung ang iyong katawan ay malapit nang bumagsak?”

Kaya’t sa susunod na maisip mong mag-puyat, aalalahanin mo muna ang iyong kalusugan.

Paano nga ba nakaaapekto sa iyong focus ang pagpupuyat?


NEW YORK — Maaaring makaapekto ang pagpupuyat sa pagtanggap ng impormasyon, ayon sa bagong
pag-aaral.

Sa nabanggit na pag-aaral, kinumpirma ng mga researcher na ang kakulangan sa tulog ay maaaring


makasira sa tinatawag na “selective attention,” o ang abilidad na mag -focus sa partikular na
impormasyon kapag ang nakikisabay ang ibang bagay sa iyong mga gawain.

Ang klasikong halimbawa ng mga pangyayari na kinakailangan ng atensiyon ay ang cocktail party, ayon
kay Eve Wiggins, dating estudyante ng Willamette University sa Oregon at lead researcher ng nasabing
pag-aaral.

Ang selective attention ay ang kakayahan na mag-focus sa taong iyong kausap sa party, kahit na
naririnig mo rin ang boses ng iba pang mga tao sa party, aniya.

Sa nasabing pag-aaral, nais malaman ng researchers kung paano makaaapekto ang pagpupuyat sa
abilidad na makapag-focus.

Upang magawa ito, hinati-hati nila ang mga partisipante sa dalawang grupo — ang control group na
binubuo ng 10 tao na inatasang matulog sa kinagawiang oras, at iba pa ay sleep-deprivation group na
binubuo ng walo katao na hindi natutulog sa loob ng 24 oras.

Pagkatapos nito, ang mga kalahok ay inatasang makinig sa dalawang magkaibang istorya sa
kaparehong oras, ang bawat kuwento ay pinakikinggan ng magkabilang tenga. Ang istorya ay may
kanya-kanyang narrator at nilalaman. Habang inilalahad ang istorya, sinukat ng mga researcher ang
brain activity ng mga partisipante.

This study source was downloaded by 100000834800378 from CourseHero.com on 05-28-2022 13:24:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/45072245/Kakulangan-sa-tulogdocx/
Sinabihan ang mga kalahok na ang kanilang goal ay pagtuunan ang isa sa mga istorya. Napag-alaman
ng researcher na mas naging madali para sa control group na umintindi at magbigay atensiyon sa
impormasyong kanilang naririnig kumpara sa grupo na walang sapat na tulog.

Lumalabas sa brain activity na ang mga taong nasa control group ay nakapagbigay ng sapat na
atensiyon sa isang bagay habang may naririnig na iba pang impormasyon, sinabi ni Wiggins sa Live
Science nitong Abril 3, sa Cognitive Neuroscience Society’s annual meeting

This study source was downloaded by 100000834800378 from CourseHero.com on 05-28-2022 13:24:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/45072245/Kakulangan-sa-tulogdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like