You are on page 1of 15

ANG PAG PAPABABA NG EDAD NG PANANAGUTAN: HOUSE BILL 505

Isang pananaliksik na ihaharap kay Dr. Pelita Panganiban

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 102-Filipino sa


Iba’t Ibang Disiplina

Isinumite nina:

Mendoza, Ericka Marie

Nuᾖez, Nathaniel John

Perlada Leira Dianne

Racelis Janine Stephanie

Salcedo, Froilan Jr.

2019
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 102-Filipino sa Iba’t


Ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito na pinamagatang ANG PAG PAPABABA NG EDAD
NG PANANAGUTAN: HOUSE BILL 505

ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa isang grupo ng BS Devcom

1201, mula sa kursong Bachelor of Science in Development Communication na binubuo nina

Mendoza, Ericka Marie

Nuᾖez, Nathaniel John

Perlada Leira Dianne

Racelis Janine Stephanie

Salcedo, Froilan Jr.

Tinatanggap ito ni Dr. Pelita C. Panganiban, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignarutang

Filipino 102- Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina.

Dr. Pelita C. Panganiban


TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT

TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAGPAPATIBAY

PASASALAMAT

KABANATA I

INTRODUKSYON
Panimula
Paglalahad ng Suliranin
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Sakop at Delimitasyon
Daloy ng Pag-aaral

KABANATA ll

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

SECTION 3 AND 6 OF RA NO. 10630

KABANATA lll

House Bill 505

KABANATA lV

Panayam at Paliwanag

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Lagom
Resulta
Konklusyon
Rekomendasyon

TALASANGGUNIAN
Kabanata I

Panimula

Ang pangunahing reaksyon ng tao, kaugnay ng pagbabago ay ang hindi pag sang-ayon

(Blom, Tonja & Viljoen, Rica. 2016). Naiintindihan man nila o hindi ang pag babagong ito.

Maging mabuti man o masama. Basta’t may pagbabago ang tao agad agad ay hindi sasang-ayon.

Marahil ay dahil sa takot, takot sa kung ano ang babaguhin, sino ang babago? At marami pang

iba. Ngunit ang nagiging dulot nito ay ang pag kakaroon ng maling iterpretasyon sa naka ambang

pag-babago. (Blom, Tonja & Viljoen, Rica. 2016).

Totoo din ito, kahit ang pag babago ay sa batas, na sinusunod ng ating lipunan. Isang

halimbawa nalamang nito ay ang Charter Change. Lahat ng mamayan ay may sari-sariling

interpretasyon tungkol dito. Kahit na wala naman silang konkretong kaalaman sa kung ano ba

ang Charter Change. At kahit saan tingnan malamang sa malamang ang mga mga interpretasong

walang basehan ay mali. At dahil dito, natatkpan na ang malalim nap ag iisip at ag unawa sa

pagbabago, o sa bagong batas na kakailanganing sundin.

Ganitong ganito ang nangyayare, matapos maisabatas ang pag babago, (Reform) sa

SECTION 3 AND 6 OF RA NO. 10630. O mas kilala natin sa ngayon na House Bill 505. Na nag

papababa ng edad ng pananagutan sa ating bansa. At gaya ng nabangit na epekto nito, ay hindi

na makikita at maiisip kung anu baa ng implekasyon nito, kung maganda ba o hindi.

Kaya naman ang pag aaral na ito, ay nakatuon sa pag bibigay nang, parehas na textual at

komprehensibong paliwanag, ukol sa kung anu at bakit: ang House Bill 505.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may layuning sagutin ang mga sumusunod na katanungan

tungkol sa Pagpapababa ng edad ng pananagutan sa Pilipinas.

Ang mga sumusunod na katanungan ay gustong masagot ng mga mananaliksik:

1.) Ano ang batas na ito, ano ang mga balakas at mga bahagi nito, sino o sino sino

ang mga may akda ng batas na ito.

2.) Bakit ganito ang batas na ito? (Komprehensibong paliwanag ng rationale sa likod

ng batas)

3.) Anu anu ang mga iplikasyon ng batas na ito? Sa perspektiobo ng mga kabataan at

sa perspektibo ng batas sa bansa.

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang pakikinabangan ng mga mag-aaral na nasa

kolehiyo kundi pati din ng buong komunidad. Ang mga magulang, mga kabataan at mga

kasalukuyan at mga hinaharap na mga mananaliksik ang mas higit na makikinabang sa

pananaliksik na ito. Mga kabataan. Malalaman ng mga kabataan ang mga epekto ng

pagpapababa ng edad ng pananagutan sa kanilang pisikal, mental, emosyonal at sosyal na

kalusugan. Mga magulang. Magkakaroon ng kaalaman ang mga magulang tungkol sa mga

epekto ng pagbaba ng edad ng pananagutan sa kanilang mga anak. Ang pagkaalam ng mga

epekto ng pagbaba ng edad pananagutan ay masisigurado ng mga magulang ang kaligtasan ng

kanilang anak. Mga kasalukuyan at mga hinaharap na mga mananaliksik. Ang mga konsepto na

pinakita sa pananaliksik na ito ay maaring gamitin hindi lamang ng mga kasalukuyan na

mananaliksik pati na din ang mga hinaharap na mananaliksik sa pagsasagawa ng kanilang


kasalukuyan at bagong mga pag-aaral at pagsasaliksik na makakatulong sa paggagawa ng

kanilang konklusyon. Ang pananaliksik na ito ay magiging basehan o gabay na magbibigay sa

kanila ng synopsis tungkol sa mga epekto ng pagpapababa ng edad pananagutan sa Pilipinas.

Sakop at Delimitasyon

Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang kabuuang iterpretasyon ng batas, sangayon sa

mga datos at paliwanag ng mga abogado at dalubhasa sa batas na makakapanayam ng mga

Mananaliksik.

Hindi naman masasakop ng pag aaral na ito ang kabuuang “Penal at Criminal Laws” ng

bansa.

Daloy ng Pag-aaral

Ang unang bahagi ng pag- aaral ay tungkol sa introduksyon ng pananaliksik, ang mga

layunin at ang mga pamamaraan sa pagsasagawa nito. Nakatuon din ito sa mga natapos ng pag-

aaral tungkol sa paksa ng mga mananaliksik. Ang ikalawang bahagi naman ay naglalaman ng

mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik. Naglalaman ito ng mga resulta ng isinagawang

survey ng mga mananaliksik. ang ikatlong bahagi naman na pananaliksik ay naglalaman ng

konklusyon ng mga mananaliksik sa isinagawang pananaliksik at kung makatotohanan ang

panukalang pahayag ng mga mananaliksik. Naglalaman din ito ng mga rekomendasyon para sa

mga tao, mga taga-pagpatupad at tagalikha ng batas upang maging gabay nila sa mga gagawing

batas patungkol sa mga kabataan ng ating bansang Pilipinas.


Kabanata ll

Kaugnay na Literatura

Naaprubahan kamailan lamang sa House Justice Committee ang House Bill 505 na

nagpapababa sa edad ng criminal liability, siyam (9) mula sa labinlima (15) sa kabila ng pagtutol

ng ibat ibang childrens right advocate maging ng United Nations. Nilalaman ng panukalang ito

ay ang naglalayong ibaba and edad ng may chriminal liability mula edad labinlima (15) pababa

sa siyam (9) na taong gulang. Nakasaad din dito na ang mga batang nasa edad siyam (9)

hanggang labinlimang (15) gulang na makakagawa ng mga malalang krimen katulad ng murder,

parricide, infanticide, serious illegal detention, carnapping at violation sa dangerous drugs law ay

dadalahin sa Bahay Pag-Asa para sa rehabilitasyon.

Dahil sa mga maraming mga insidente o krimeng kinasasangkutan ng mga kabataan,

umiinit na naman ang usapin tungkol sa pagpapababa ng edad sa criminal liability ng mga menor

de edad. Kamakailan nga lang naghain ng panukalang batas si Senate President Vicente Sotto III

na naglalayong ibaba sa edad na 13-anyos ang criminal liability. Nakikita kasi na sa

kasalukuyang batas na Republic Act 9344 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,

exempted mula sa criminal liability ang may edad-15 pababa.

Isinabatas ang panukalang ito sa kadahilang lumalalang bilang ng krimen na kung saan

sangkot ang mga batang labing walong (18) taong gulang pababa sa krimibalidad na kinakaharap

ng bansang Pilipinas. Sa patuloy na pagdaan ng makabagong panahon na kung saan maraming

indibidwalidad ang nasasangkot sa ibat ibang klase ng krimen kung saan kabilang ang mga

batang nasa edad labing walo (18) pababa pa lamang. Sa murang edad pa lamang ay nasasangkot

na ang ilang bata sa mga gawaing hindi naayon sa batas, kadalasan ay nagiging suspek na din sa
ilang makapanindig balahibong krimen. Maaring marami ang tumutol sa batas na ito sapagkat

para sa iba ang edad siyam (9) hanggang labinlima (15) ay wala pa sa maturidad na pag-iisip

para sa mga bagay bagay lalo na sa paggawa ng krimen subalit may ilan din naman ang

sumasang-ayon sa panukalang pagpapababa ng edad sa criminal liability para mas mapagtuunan

ng pansin ng pamahalaan ang lumulobong kriminalidad na nangyayare sa bansa kung saan

sangkot ang mga batang wala pa sa hustong edad. Nakapaloob din dito na kung sino man ang

magulang na magtutulak umano sa kanyang anak na gumawa ng krimen ay may karampatang

mabigat na parusa.

Ayon sa RA No. 10630 nakasaad dito na ang sinumang makakagawa ng krimen na nasa

edad labinlima (15) pababa ay dadalahin sa Bahay Pag-Asa kung saan itinayo para pagdalhan ng

mga batang makakagawa ng krimen ng wala pa sa hustong edad. Nilinaw naman ni Mindoro

Rep. Doy Leachon, chair ng House justice committee, na hindi ikukulong kasama ng mga

ordinaryong preso ang mga mahuhuling bata. Sa halip, ipapasok aniya ang mga ito sa mga

reformative institution gaya ng Bahay Pag-asa na pinangangasiwaan ng Department of Social

Welfare and Development (DSWD). "Let it be understood that with the present bill, we are not

putting these children in jail but in reformative institutions to correct their ways and bring them

back to the community," paliwanag ni Leachon. Hindi rin daw tatawaging mga kriminal ang mga

bata. Mahaharap daw sa parusang reclusion perpetua ang mga taong mahuhuling nananamantala

ng mga bata para gumawa ng krimen. Sasailalim din sa intervention ang mga magulang ng mga

batang mahuhuling lumalabag sa batas. Kapag umabot ang bata sa edad 18 at hindi nagbago,

doon lang daw siya isasama sa mga regular na pres Armamento o sa bilangguan.

Dito sa Pilipinas,  batay sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na

inamyendahan ng Republic Act 10630  ang isang batang ang edad ay labinlimang taong gulang o
mas bata pa na lumabag sa batas ay ipinalalagay na walang kriminal na pananagutan pero

kailangang sumailalim sa isang intervention program. Kung ang pagbabatayan nga naman ang

pag-aaral ng Child Rights International Network, na siyang ipinupunto  ni Sen. Sotto, ang

average minimum age ng criminal responsibility sa Asya at Africa ay 11- anyos habang sa US at

Europe ay 13. Ilan sa mga nais amyendahan o baguhin sa kasalukuyang batas ay ang Sections 6,

20, 20-A, 20-B at 22 ng RA 9344 na kung saan ang mga batang may edad 18 pababa pero above

12 ay dapat panagutin sa nagawa nilang krimen puwera na lamang kung nagawa niya ito ng hindi

niya alam o hindi naiiintidihan na dito dapat sumailalim siya sa intervention program ng

pamahalaan.

Sa kasalukuyan may mga hindi sang-ayon sa panukalang batas na naglalayong ibaba ang

minimum age ng criminal liability sa siyam na taong gulang, bagay na tinututulan ng ilang Child

Rights Group. Ayon kay CHR Commissioner Leah Tanodra-Armamento, hindi pa umano handa

ang Bahay Pag-asa facilities kung saan ilalagak ang mga children in conflict with the law

(CICL).  Nasa 58 Bahay Pag-asa facilities pa lamang sa 114 kinakailangang pasilidad ang

naipapatayo. “The present Bahay Pag-asa does not meet the standards as they don’t have enough

budget,” ani Tanodra-. Mariing tinutulan ng ilang grupo at mga kongresista ang panukalang

batas na layong ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age of criminal liability.  Sa

pulong ng Commission on Human Rights (CHR) kasama ang ilang civil society groups nitong

Martes, kinondena nila ang naturang panukala na layong ibaba sa 9 anyos mula 15 anyos ang

edad ng pananagutan. 

Ayon sa UNICEF Philippines, Child Rights Network at Philippine Action for Youth

Offenders (PAYO), hindi maaaring ibaba ang minimum age sa criminal liability ng mga menor
de edad dahil nakalagda ang Pilipinas sa United Nations Convention on the Rights of the Child.

Ibig sabihin, kinakailangang sundin ng gobyerno ng Pilipinas ang mandato na protektahan ang

karapatan ng mga bata. Paliwanag naman ng Psychological Association of the Philippines at

Humanitarian Legal Assistance Foundation, hindi maaaring ibaba sa siyam (9) na taong gulang

ang minimun age sa criminal liabilty dahil hindi pa ganap ang pag-unlad ng mga bata. Bagamat

masasabi anila na may kakayahan na silang matukoy kung ano ang tama at mali ngunit kulang pa

rin ang kanilang kapasidad dahil sa murang edad ay hindi pa nila ganap na makita ang

pangmatagalang epekto ng kanilang mga desisyon.

Batay sa tala ng Philippine National Police(PNP), Syamnapu’t-walong porsyento (98 %)

ng mga naitalang krimen sa Pilipinas mula 2006 hanggang 2012 ay gawa ng mga matatanda.

Dalawang porsyento lamang ng kabuuang bilang ng krimen ang kinasasangkutan ng mga bata na

kung minsan ay ginagamit pa ng mga sindikato. Dahil dito, ang dapat daw na hulihin ay ang mga

sindikatong nambibiktima ng mga bata. Dahil naman dito, pinaniniwalaang ang mga probisyon

dito ang mistulang ginagamit ng grupo ng sindikato para ang menor de edad ang kanilang

kasangkapanin sa kanilang operasyon sa katwiran na wala namang kulong. Hindi maikakaila na

grabe at patindi nang patindi ang mga krimeng kinasasangkutan ng maraming menor de edad sa

kasalukuyan. Mula sa mga petty crime, pandurukot, pang-iisnatch o panghoholdap at ngayon nga

na hayag na hayag na ginagamit na rin ng grupo ng akyat-bahay gang lalo’t higit sa operasyon ng

ilegal na droga, kaya nga labis na itong nakakaalarma kaya lumulutang ang pag-amyenda o

pagbago  sa ilang probisyon ng batas.

Sa tema o mga nangyayari ngayon, maraming kabataan edad labing isa ay maaaring

nakakaintindi na kung ano ang tama sa mali. Kung minsan masasabing intesyon na nila na
pasukin ang mga asunto. Marami dito ay impluwensiya rin ng droga at kahirapan. Marahil ay

napapanahon na nga na mapag-aalan ito nang husto, na baka mas lalong makatulong sa mga

kabataan na maaga pa ay makapagbago habang hindi pa huli ang lahat.


Kabanata III

House Bill 505

“AN ACT AMENDING SECTION 3 AND 6 OF RA NO. 10630, OTHERWISE KNOWN

AS AN ACT ESTABLISHING A COMPREHENSIVE JUVENILE JUSTICE AND WELFARE

SYSTEM, CREATING THE JUVENILE JUSTICE AND WELFARE COUNCIL UNDER THE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT, APPROPRIATING FUNDS

THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES.” O mas kilala sa tawag na, House Bill 505. Ay

ang batas na nag papaba ng edad ng pananagutan (“Criminal Liability”), sa ating bansa. Isa sa

mga pinaka pinag uusapang kaganapan sa ating bansa. Hindi lamang dahil sa ito ay isang pag

babago sa ating batas, ngunit lalo’t higit dahil sa implekasyong kaugnay nito: Ang pag baba ng

edad ng mga maaring mapanagot sa batas. Narito ang buod ng nasabing batas, na inilabas ng

Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.

“ABSTRACT: Reduces the minimum age of criminal liability of a minor from fifteen (15)

years old to nine (9) years old.

PRINCIPAL AUTHOR/S: YAP, VICTOR A.

DATE FILED: 2016-06-30

SIGNIFICANCE: NATIONAL

NATURE: Reform

CO-AUTHORS:
Espino (047 2016-11-22)

Nieto (023 2017-09-12)” (House of Representatives, 2019)

(Naka-paloob din sa pag aaral na ito ang kopya ng panukalang batas na ito, na nag mula din sa

Kapulungan ng mga Representante.)

Narito naman ang mga “highlight”, ng batas na ito:

 Ang HB 505 ay naglalayong ibaba ang edad ng may criminal liability mula edad 15

pababa sa 9 taong gulang.

 Ang mga batang nasa edad siyam (9) hanggang labinlimang (15) gulang na nakagawa ng

mga malalang krimen katulad ng murder, parricide, infanticide, serious illegal detention,

carnapping at violation sa dangerous drugs law, ay dadalhin sa Bahay Pag-Asa para sa

rehabilitasyon.

 Ang exploiter o taga-udyok ay haharap sa labindalawa (12) hanggang dalawampung (20)

taong pagkakakulong kapag ang krimeng nagawa ng bata ay may karampatang parusa na aabot

sa anim na taong pagkakabilanggo.

 Kung ang krimeng ginawa naman ng bata ay may karampatang parusa na aabot sa higit

anim na taon, ang exploiter o taga-udyok sa bata ay maaring humarap sa habangbuhay na

pagkakabilanggo o 40 taon na pagkakakulong.

 Kailangan dumaan sa intervention program sa bahay pag-asa ang mga magulang at kung

hindi, sila ay makukulong.


 Ang penalty ng bata ay mababa kumapara sa matanda, pero kung ang krimen na nagawa

ng bata ay may karampatang parusa na habangbuhay na pagkakakulong, siya ay mabibilanggo ng

labindalawang (12) taon.

 Kapag ang bata ay labingwalong (18) taong gulang na at hindi pa tumino, siya ay

ipadadala sa mga agricultural camps o training centers. Pagsapit ng 25 taong gulang, siya ay

palalayain kahit hindi pa natatapos ang sentensya. ang mga camps na ito ay nasa pangangalaga

ng Bureau of Corrections at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 Lahat ng mga records o tala ng mga batang nahuli ay mananatiling kumpidensyal.

 Ang pangangasiwa ng Bahay Pag-Asa ay ililipat sa mga ahensya ng lokal na pamahalaan

at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 Ang Kongreso ay magbibigay ng pondo sa Bahay Pag-Asa kada taon. (Del Rosario J.

2019)
TALASANGGUNIAN

Internet:https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2013/ra_10630_2013.html

Internet:https://news.abs-cbn.com/news/01/21/19/panukalang-pagbaba-sa-edad-ng-

pananagutan-lusot-sa-komite-ng-kamara

Kristel Mae Deang, (2019) DWIZ 882 A.M

Internet:https://www.dwiz882am.com/index.php/ano-nga-ba-ang-house-bill-505/.

Yap. V.A (2019) House Bill 505. Republic of the Philippines: House of Representatives

17th Congress, Third Regular Session.

R.A No. 10630 (1987) Republic of the Philippines. Section 3 and 6

Atty. Lumangalas D.J (2019) Panayam

You might also like