You are on page 1of 37

PERSEPSYON NG PILING MAG-AARAL

NG EPAS-1 SA RELASYON NG KAKULANGAN


SA KAGAMITANG ELEKTRONIKS AT NANG MASIGLANG
PAKIKILAHOK SA GILAS NG PAG-AARAL

MANANALIKSIK:
ALON, JONH MICHAEL A.
ANDAYA, JUNNEL A.
CABIO, ANJELLO S.
GARCIA, CHRISTIAN JAMES C.
LLANERA, JOWARD S.
PIZON, BRIX M.
TERENCIO, JOHN CLARENCE E.

Marso 2019
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG SALIGAN NITO

Introduksyon

Ang kagamitang pangkaligtasan o proteksyon sa mga

manggagawa ay napakahalaga, sapagkat ito ang magiging basehan

sa personal na kaligtasan ng bawat manggagawa. Dahil sa mga

ganitong uri ng trabaho hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na

maaring mangyari gaya ng aksidente. Ang kagamitang pangkaligtasan

ay isa sa pinakamahalaga na kinkailangan ng mga manggagawa at

mag – aaral na nasa larangan ng elektroniks. Kasama narin ang

mga kagamitang kinakailangan upang maayus ang mga Electrical

Appliances. Ang pakikilahok sa pag-aaral ng elektroniks ay

napakahalaga dahil kung ang lahat ng mag-aaral ay may masiglang

pakikilahok sa pag-aaral ng electroniks mapapabilis nito ang kanilang

pagkatuto at maaply din nila ito sa kanilang magiging trabaho.

Personal Protective Equipment (PPE) ay proteksyon gaya

ng damit, helmet, gwantes, goggles, at iba pang kagamitan na

maaring protektahan ang iyong katawan sa pagtatrabaho at sa

disgrasyang maaaring mangyari. Ang kagamitang ito ay ginawa

upang protektahan ang katawa sa anumang aksidente o infection

na nagmumula sa kuryente, init, kemikal at biohazard. Ang

masiglang pakikilahok ay isang aksyon sa pagtulong o paggawa


sa mga gawain at mahalaga ito upang matapos ang hinahangad na

resulta ng isang gawain.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ng mga mag

aaral ang kahalagahan ng kagamitang Elektroniks at personal

protective equipment (PPE) sa bokasyonal na pag aaral sa TVL

EPAS – 1 at ang kahalagahan ng masiglang pakikilahok ng mga

estudyante. Mahalaga rin ang pagsusuri na ito upang malaman

ang mga persepsyon ng mga mag – aaral ng TVL EPAS – 1 (2018

– 2019) kung paano makaka apekto sa kanila ang kakulangan

sa gamit at masiglang pakikilahok. Para mabigyan kaalaman ang

mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay binuo upang makuha ang mga

persepsyon ng mga mag–aaral ng EPAS–1 sa relasyon ng kakulangan

sa kagamitang elektroniks at nang masiglang pakikilahok sa gilas ng

mga mag-aaral. Ang mga katanungan ay pagsisikapang masasagot.


1. Persepsyon ng mga mag-aaral ng Epas-1 sa relasyon ng

kakulangan sa gamitang elektroniks at masiglang pakikilahok sa

kanilang pag-aaral?

2. Naaapekto ang mga mag-aaral sa kakulangan ng kagamitang

elektroniks at masiglang pakikilahok?

3. Ang kakulanganlan ng kagamitan at papakikilahok ay

nakaapekto sa sigla at bilis ng gawain ng mga mag-aaral.


Kahalagahan at Katuturan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga impormasyong

magbibigay ng mga karagdagang kaalaman mula sa perspeksyon ng

mga mag-aaral ng Epas-1 na maaring makatulong sa mga

sumusunod;

Mag-aaral - makakakuha ng mga karagdagang kaalaman sa

kahalagahan ng masiglang pakikilahok at kompletong kagamitan

sa kanilang pag-aaral.

Mga Manggagawa - mabigyan ng kaalaman sa epekto ng

kakulangan sa kagamitan at masiglang pakikilahok sa trabaho na

kanilang ginagawa.
Guro - makakatulong sa kanila makakuha ng kaalaman mula

sa mga perspeksyon ng mga Mag-aaral na maaring makatulong

sa kanilang pagtuturo.

Mananaliksik - ang mga impormasyon na nakapaloob rito ay

maaring makatulong kung may pag-aaral na mayroong kaugnayan sa

pananaliksik na ito.

Magulang - Magsisilbing inspirasyon ito upang magabayan ang

kanilang mga anak ukol sa masiglang pakikilahok.

Administrasyon ng Paaralan – maaring magkaroon ng ideya

kung paano makaaapekto ang kakulangan ng kagamitang

electroniks sa gilas ng mga mag aaral at makagawa ng

programang makatutulong sa mga kakulangan na ito.


Balangkas at Konsepto

Ang pag-aaral na ito ay maipapaliwanag sa pamamagitan ng

IPO tsart. Ang IPO tsart ay isang gramatikang representasyon na nag

lalaman ng lahat ng mga kadahilanan na bumubuo sa isang proseso.

Pinagbatayan Proseso Resulta(Output)

(Input)
Pinagba (Process) Epekto ng

kakulangan sa
Profyl Sarbey gamit ang
kagamitang
talatanungan ukol
Edad
elektroniks at
sa persepsyon ng
kasarian masiglang
mga mag-aaral ng
pakikilahok sa
EPAS – 1.
mga mag-aaral .

Sa Pinagbatayan (Input frame) pinapakita ang profyl ng

mag-aaral na maaring makuhaan ng persepsyon ukol sa epekto ng

kakulangan sa kagamitang elektroniks at masiglang pakikilahok ng

mga mag aaral ng Epas-1. Proseso (Process frame) ito ay tumutukoy

sa hakbang na gagawin upang makuha ang persepsyon ng mga mag-

aaral, sa pamamagitan ng talatanungan (questionniere). Resulta

(Output) nakapaloob ang mga posibling kalalabasan ng ginawang

proseso.
Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik ay ginawa upang makuha ang persepsyon ng mga

mag-aaral sa posebling epekto ng kakulangan sa kagamitang

electroniks at masiglang pakikilahok sa mga mag-aaral. Ang mga

mananaliksik ay nag handa ng mga katanungan upang makuha ang

persepsyon ng mga mag-aaral ng Epas-1. Labing limang mag aaral ng

11-Electricians ang inaasahang makapanayam.

Depinisyon ng Terminolohiya

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyan namin ng sariling

depinisyon ayun sa gamit nito sa pananaliksik na ito.

Kagamitang Elektroniks

Ito ay ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng mga Electrical

appliances gaya ng soldering iron, lead, multitester,soldering stand,

soldering pump, kasama ang mga kagamitang pang kaligtasan o

Personal Protective Equipment (PPE) at marami pang iba.


Masiglang Pakikilahok

Ito ay ang mga meyembro ng isang grupo na masayang tumutulong

sa gawain at nakikisama sa mga meyembro ng isang grupo.

EPAS-1 (Electronic Products Assembly Servicing GRADE 11)

Ito ay track sa TVL-Grade 11 sa CAA Campus na nakapukos sa

bokasyonal na pag-aaral. Tinuturo dito ang pag gawa at pag aayus ng

mga Electrical appliances gaya ng Power supply,Radio,Amplifier at

marami pang iba.


Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mga nilalaman ng kabanata na ito ay mga pag aaral

namayroong kaugnayan sa pananaliksik na ito upang masmadaling

maunawaan at maintindihan ang relasyon ng kakulangan ng

kagamitang pang elektroniks at masiglang pakikilahok sa pag aaral ng

mga mag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Francine Mrugijemariya, biology & chemistry na guro ng

APAPER Complex School sa Kicukiro,Kigali. Ayon sa kanya maraming

pagsubok ang kanyang nakikita sapag tuturo sa mga mag-aaral lalo na

sa Experiments. Sabi niya “ Meron tayong mga Laboratoryo pero may

mga Experiments na hindi magawa sapagkat ang mga kagamitan na

gagamitin ay masyadong mahal”

Para naman kay Rachael Uwizeye, Studeyante ng Lycee

De Kigali now University of Rwanda Colledge of Science, Wala ng

problema sa mga praktikal. Sabi niya “ Ang aming laboratory ay may

kumpletong kagamitan at mga materyales. Sa Exam Hindi ako

magaling sa Science. Pero sa ibang


studeyante iba ang problema sa kanila hindi maganda ang pinapakita

nilang gilas sa kadahilanang hindi sila nakikilahok sa mga praktikal na

gawain sa paaralan”

Kooperasyon at Kompetisyon (2019)

Bomuo ng epektibo at Produktibong grupo ay isa sa mga

prayoridad ng mga managers . napakaraming mananaliksik at

Negosyante halos sa lahat ng industriya ay gumawa ng libo libong

artikolo at libro sa kahalagahan ng pagkakaisa at patunay na Malaki

ang papel ng masiglang pakikilahok sa pagiging matagumpay ng

negosyo o gawain. Sa mga nasasagap nilang impormasyon ang

kunlusyon ay pare-pareho : ang kawalan ng masiglang pakikilahok sa

gawain ay may negatibong epekto sa buong grupo at sa gawain. Ang

kooperasyon ay isa sa may pinaka importanting papel sa mga gawain,

lalo na sa mga Pangkatang gawain . pag bawat isa’y nakikilahok mula

simula ang gawain ay maayus na magagawa ngunit kung isa sa

kagrupo ay hindi nakikilahok sa gawain ang buong gawain ay babagal.

Ang buong gawain ay babagal. Pakikipag kompitesyon kahit friendly

competition man yan ay may negatibong epekto parin sa relasyon ng

isang grupo. Kompetisyon, limitadong oras, kakayahan , at kagamitan

ay isa sa mga dahilan kung bakit nawawalan ng masiglang pakikilahok

ang mga meyembro sa pangkatang gawain .


Dean Tjosvold propesor ng Simon fraser University sa Canada, Found

that cooperation, instead of competition, leads to more satisfied

employees and skyrocketing productivity.

Interpersonal Conflict

Ang isang gawin ay bumabagal dahil imbis na magfucos ang isang

leader sa pagtapos ng gawain, kailangan pa niyang ayusin ang

relasyon niya sa kanyang ka-grupo. At pag pinuna pa ng isang leader

ang kagrupong hindi nakikilahok mag kakaroon pa ng pag-aaway at

ang meyembro na ito ay mas lalong hindi magiging produktibo.

Himukin ang mga meyembrong makilahok upang maiwasan ang

ganitong problema.

Share Goals

in 2002, leadership at Revenue Technology Services, a Texas-based

software company, napansin nila na ang tatlong parte ng kumpanya ay

hindi na maganda ang pinapakitang gilas. Kaya para maresolba ang

pinapakitang gilas. Kaya para maresolba ang problema binigyan nila

ng goals ang bawat grupo (3-5 quarterly goals). At ang bawat grupo

ay nakikipag tulongan sa ibang grupo kaya hindi pa umabot ng isang

taon mas gumanda na ang pinapkitang gilas ng bawat grupo, kaya

himukin ang bawat isa na makipag tulongan na walng halong

kompetisyon upang mapabilis at mag karoon ng masiglang pagkakaisa

ang isang grupo.


KAKULANGAN SA PASILIDAD AT MGA

KAGAMITANG PANG-EDUKASYON (2019)

“Ang kakulangan sa pasilidad at gamit pangedukasyon ay

isa sa mga suliraning dapat solusyonan ng ating pamahalaan. Naiulat

na marami pang paaralang ang nakakaranas ng kakulangan sa silid-

aralan at palikuran na ilan lamang sa mga pasilidad na maaaring

kailanganin at gamitin ng mga mag-aaral. Mayroong mga mag-aaral

na nagsisiksikan sa silid-aralan o kaya naman ay wala talagang silid-

aralan. Sa mga ganitong pagkakataon, bumababa ang porsyento ng

pagkatuto ng mga magaaral dahilan upang bumaba ang kalidad ng

pagaaral. Isa din sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-

aaral ay ang mga kagamitan na tulad ng mga mag-aaral ay ang mga

kagamitan na tulad ng aklat. Ang aklat na ginagamit ng mga mag-

aaral na nag-aaral sa public schools ay nagmumula sa gobyerno.

Mayroong mga mag-aaral na nakakasira o nakakawala ng mga librong

ipinahiram sa kanila ng gobyerno kaya naman sa paglipas ng panahon

ay wala nang nagagamit ang mga sumusunod na henerasyon. Isa ring

problema ang pabago-bagong aklat na ini-issue ng pamahalaan kung

kaya naman ang mga luma ay hindi na nagagamit at natatambak na

lamang. Ang mga suliraning ito sa pasilidad at kagamitang pang-

edukasyon ay dapat pagtuonan ng pansin upang magkaroon ng mas

epektibong pagkatuto ang mga kabataan na kinabukasan ng bayan.


Ang opinyon na ito ay pumapailalim sa pag-aaral ng mga estudyante

sa PANSOL NATIONAL HIGH SCHOOL.”

Kaugnay na Pag-aaral

Ayun kay Angela Dela Cruz ( 2017 ) Epekto ng Kakulangan ng Gamit

sa SHS MGA. ang KAUKULANG PAG-AARAL Ayon sa aking mga nakalap

na mgasanaysay, aklat, dokumento at ibapa, Ang isang dahilan kung

bakit nagiging malala angkakulangan ng classrooms at guro sa public

schools ay maraming mga estudyante saprivate schools ang lumilipat

sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyonang mga estudyantemula

elementary hanggang high school sa publicschool. Tumaas ng 11

porsiyento o maydagdag na mga 2.2 milyon naestudyante. Ang

pinakamalaking dahilan kungbakit lumilipat ang mgaestudyante sa

private sa public schools ay kahirapan. Pataasna pataas naang tuition

ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat nabilihin.

(Ellen Tordesillas, journalist). Sinasabi rin sa datos ng Department of

Education, 58 lamang sabawat 100 estudyantenapumapasok sa Grade

1 ang nakatutuntongnghayskul at 14 lamang sa mga ito ang

nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, dimaitatago ang

katotohanan na malaki ang problema natin saedukasyon. Dahil na rin

sakahirapan, hindi natatamasa ng kabataang Pilipino ang karapatan

nila saedukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon, Artikulo IV

Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na dapat pangalagaan ng Estado ang


karapatan ng lahat ngmamamayan sa mahusay na edukasyonsa

lahatng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang

matamo ng lahat ang gayong edukasyon.´ Dapat ay bigyan din ng

pinakamataas na prayoridad ng pamahalaanang edukasyon.

(MylenePadua).

KONKLUSYON

Napakahalaga para sa isang paaralan namagkaron ng isang kumpleto

at de-kalidad na pasilidad at kagamitan. Sapagkat kung wala angmga

bagay na ito hindi magagawa at mapag-aaralan ng mga mag-aaral ng

mabutiang kanilang mga leksyon. Kung ang isang paaralan ay

mayroong kumpletong pasilidad at kagamitan, tiyak na ang mga mag-

aaral ay magkakaroon ng maayos na pagkatuto. Hindilamang iyon

dahil sa mga natutuhan at nagiging karanasan nila sa paaralan ay

maaari rin nilang magawa ang mga natrang bagay sa kanilang bahay.

Modyul 8 PAKIKILAHOK

Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kaila ngang isakatuparan ng

lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang

panlahat. una, maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong

upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.

ikalawa, magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na

mayroong pagtutulungan. ikatlo, maibabahagi ang sariling kakayahan

na makatutulong sa pagkamit ng

kabutihang panlahat. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan


mong gawin sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong

mawawala sa iyo. Ang Pakikilahok ay nagbibigay sa tao ng

makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat

nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin para sa

kabutihang panlahat. Ang obligasyon na ito ay likas dahil sa taglay na

dignidad ng tao. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala

ng tao ang kanyang pananagutan. Mula dito makakamit ang

Kabutihang Panlahat. Narito ang mga Antas ng Pakikilahok na

makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon kay Sherry Arnsteinis:

Impormasyon .Sa isang tao na nakikilahok mahalaga na matuto siyang

magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap na impormasyon.

Makatutulong ito upang madagdagan ang kaalaman ng iba.

Halimbawa: Sa Brigada Eskwela, maari mong ipaalam sa iyong mga

kamag-aral at kakilala kung kalian ito magaganap, maaring ipost mo

ito sa facebook o di kaya’y itext sila gamit ang iyong cellphone upang

malaman nila ito at ano ang magandang bunga nito kung sila din ay

makikilahok. Konsultasyon, Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito

ay bahagi na kung saan hindi lang ang sarili mong opinion o idea ang

kailangang mangibabaw kundi kailangan pa ding makinig sa mga puna

ng iba na maaring makatulong sa pagtatagumpay ng isang proyekto o

gawain. Halimbawa: Sa iyong pakikilahok sa Brigada Eskwela ay

naatasan kang mamuno sa iyong kapwa kamag-aral sa lugar na

inyong lilinisin sa paaralan. Marahil ay marami kang ideya kung paano

ito pasisimulan ngunit mas mabuti kung ikaw ay kokonsulta muna sa


iyong guro o kapwa kamag-aral sa naiisip mong gawin. Sama-samang

Pagpapasya, Upang lalong maging matagumpay ang isang gawain

mahalaga ang pagpapasya ng lahat. Ito ay hindi lamang dapat gawin

ng isang tao kundi ng nakararami. Sa pagpapasya kinakailangang

isaalang-alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili

kundi sa mas nakararami.

Halimbawa: Nabigyan na ang bawat isa ng kanyang gagawin.

Mahalaga pa rin na tanungin sila kung sila ay pumapayag dito at kaya

ba ang napunta sa kanilang gawain. Sama-samang Pagkilos, Hindi

magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi kikilos ang

lahat. Tingnan mo ang walis tingting. Hindi ito makalilinis ng kalat

kung isa lamang tingting ang gagamitin;

ngunit kung ang bawat tingting ay pagsasamasamahin

mabilis itong makakalinis ng paligid. Ganyan din ang tao. Kung ang

bawat isa ay kikilos ng sama-sama para makatulong sa kanyang

lipunan tiyak makikita natin ang tunay na pagbabago nito. Halimbawa:

Sa pagsisimula ninyong maglinis sa lugar na naatas sa inyo hindi

maari na ang pinuno lamang ang palaging gagawa. Kailangan ang

bawat isa ay gaganap sa tungkulin na ibinigay sa kanya upang

matapos ng maayos at mabilis ang trabaho. Pagsuporta (Support),

Ang isang gawain kahit ito ay mahirap ay napapadalikung ang bawat

isa ay nagpapakita ng pagsuporta dito. Hindi ito tumutukoy sa tulong

pinansyal lamang. Ito ay maaring ipakita sa pagbibigay ng talento o

kakayahan o anumang tulong basta’t ito ay nanggagaling sa iyong


puso. Halimbawa: Hindi mo kayang maglinis sapagkat mahina ang

iyong pangangatawan. Maibibigay mo pa rin ang iyong suporta sa

pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon, paghahanda ng pagkain

para sa mga naglilinis o di kaya’y pagpapalaganap ng impormasyon sa

mga tao para makilahok sila.

Mula sa Pakikilahok, nahuhubog ng tao na mapukaw ang kanyang

damdamin at kaisipan na siya ay kasangkot at kabahagi ng kanyang

lipunan sa pagpapalaganap ng pangkalahatang kabutihan. Ito ay

maipapakita sa pamamagitan ng Paggalang sa makatarungang

batas Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng

pagtataguyod ng maayos na pamilya at pagiging tapat sa gawain

Ang Pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito dapat ay isang patuloy

na proseso hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa

ikababuti ng iyong lipunan, sapagkat mula dito nabibigyan ng saysay

ang iyong pagiging TAO na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

Sa pamamagitan ng Pakikilahok ang tao ay nagiging mapanagutan

hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa kaniyang kapwa. Nakilala niya

ang kaniyang mga kakayahan, talento at kahinaan na makatutulong

upang magkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili. Nakikibahagi siya

sa lipunan bilang isang aktibong kasapi nito at nagkakaroon ng

kaganapan ang kanyang pagkatao.

Ngunit hindi kaila na mayroong mga taong nakikilahok dahil sa

kanilang pansariling interes lamang o pansariling layunin.Tulad nalang

halimbawa ng mga tao na naglilingkod o tumutulong sapagkat


mayroon silang kailangan o mayroon silang hinihintay na kapalit

o mga tao na ginagawa lamang ito bilang pampalipas ng oras

o mga tao na kung nakuha na nila ang kanilang nais o pakay ay

humihinto na sa kanilang ginagawa Sa mga ganitong gawi ng ilang tao

nawawala ang tunay na diwa ng pakikilahok at napapalitan ito ng

pansariling kapakinabangan lamang. Madalas na nakararanas ang

ating bansa ng mga kalamidad tulad ng Bagyong Ondoy, Pedring at

Habagat at Yolanda. Sa ganitong mga sitwasyon makikita ang

kabayanihan ng ilang kababayan nating Pilipino na kung saan sila ay

nag-aalay ng kanilang panahon, sarili at yaman para sa

iba.Nakatutuwa sapagkat sa mga ganitong pagkakataon ay makikita

ang pagkilos ng mga kabataan upang tumulong sa iba. Hindi lamang

iyan; nakikisangkot na rin ngayon ang mga kabataan sa mga isyung

hinaharap ng ating bansa upang pakinggan ang kanilang tinig.

Hinihimok ang lahat ng kabataan ngayon na makiisa at magbigay ng

sarili para sa kapakanan ng iba. Maraming maaaring magawa kahit pa

ito ay maliit lamang. Kung ito ay bukal sa iyong kalooban, ito ay

kapuri-puri sa ating Poong Maykapal. Ang pakikiisa sa iyong barangay

sa paglilinis ng paligid, ang pagtuturo ng iyong kaalaman at talento sa

iba, ang pagtulong mo sa iyong mga kamag-aral sa asignaturang hindi

nila maunawaan o ang pagtuturo mo sa iyong mga kapitbahay na

magbasa at magsulat sapagkat hindi sila nakapag-aral at marami pang

iba ay ilan lamang na maaring gawin ng isang kabataang katulad mo.


Kabanata III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSI

Sa kabanatang ito maipapakita ang mga desinyo, instrumento/teknik

at proseso upang makuha ng mga mananaliksik ang mga karanasan

at persepsyon ng mga mag-aaral ng EPAS-1.

Instrumento

Ang instrument ng ginamit ng mga mananaliksik ay ang

purposive sampling technique kung saan ang mga tagatugon ay napili

dahil sinadya ito ng mga mananaliksik para sa kanilang pag-aaral.

Proseso

Ang mga mananaliksik ay kukuha ng mga impormasyon

sa mga sagot ng mga tagatugon. Bago makakuha ng mga

impormasyon ay kailangan ng mga mananaliksik sumunod sa mga

proseso:
Pahintulot

Ang mga mananaliksik ay kailangang humingi ng

pahintulot sa nakakataas na Opisyal ng paaralang Las Pinas City

National Senior High School CAA- Campus at sa mga pag kukuhaan ng

impormasyon o tagatugon.

Pangangalap ng impormasyon

Matapos makahingi ng pahintulot ay maaari nang

mangalap ng impormasyon ang mga mananaliksik sa kanilang mga

tagatugon sa pamamagitan ng survey.

Pagbabahagdan

Ginagamit upang masuri ang mga nakuhang datos

tungkol sa persepsyon ng mga mag-aaral ng EPAS-1 sa relasyon ng

kakulangan sa kagamitan at masiglang pakikilahok sa pag-aaral.

Ang:

P = pahagdan (Percentage)

F =Bilang ng mga sugot at pumili (frequency)


N = Bilang ng mga kalahok (Number of Respondent)

Katumbas na bigat

Ginagamit ito upang malaman ang antas na Kabutihan ng mga

inilahad na mungkahi.

WA= Katumbas na Bigat Table 1: edad ng mga tagatugon

Edad Bilang %

16 pababa 6 20%

17 to 19 21 70%

20 pataas 3 10%

Kabuoan 30 100%

Table 2: kasarian ng mga tagatugon

Kasarian Bilang %

Lalaki 25 83.33%

Babae 5 16.66%

Kabuoan 30 100%
Table 3

Katumbas na bigat Antas Kahulugan

3.25-4.00 4 Palaging nakaaapekto

2.5-3.19 3 Madalas nakaaapekto

1.75-2.49 2 Madalang

nakaaapekto

1.00-1.75 1 Hindi nakaaapekto


KABANATA IV

PRESENTASYON, PAGAANALISA AT PAGPAPAKAHULUGAN SA

MGA DATOS

Sa kabanatang ito maipapakita ng mga mananaliksik ang

pag-aanalisa sa mga sagot ng mga tagatugon upang malaman ang

magiging resulta ng ginawang sarbey.

Talahanayan 3.1

Sa tahanayan na ito mapapakita ang epekto sa mga mag-aaral ng

relasyon ng kakulangan sa kagamitan at masiglang pakikilahok sa

pag-aaral.
Mga Pahiwatig Iskala Deskripsyon Mean/ Pagpapakahul
/Scale g Kwalitatibo Katum ugan
bas na
Bigat

Bumabagal ang 2.236 Madalas 0.0953 Ang mga


mga gawain tagatugon ay
dahil sa di sapat nakaaapekto bumabagal
na kagamitan sa dahil sa
elektroniks. kakulangan ng
kagamitan

Naaapektohan 2.236 Madalang 0.0745 Ang gilas ng


ang gilas dahil mga
sa limitadong nakaaapekto tagatugon ay
kagamitan hindi
elektroniks masyadong
naaapektohan
ng kakulangan

Nawawalan ng 2.291 Madalang 0.0763 Ang gana ng


ganang gumawa mga tagatugon
ng mga gawaing nakaaapekto ay hindi
pang elektroniks masyadong
dahil sa kulang napektohan ng
ang kagamitan kakulangan

Di na nagagawa 2.245 Madalang 0.0748 Ang mga


ang gawaung tagatugon ay
eletroniks dahil nakaaapekto minsan hindi
sa kulang ng nakakagawa
kagamitan. dahil sa
kakulangan

Nakakaradam 2.968 Madalas 0.0987 Ang mga


ng inis sa tagatugon ay
tuwing nakaaapekto. madalas naiinis
makakakita ng dahil sa mga
walang meyembro na
pakikilahok na hindi
miyembro sa nakikilahok
gawain.
Sa talahanayan na ito napatunayan ng mga mananaliksik

na ang kawalan ng kagamitang elektroniks at masiglang pakikilahok

ay nakakaapekto sa mga mag-aaral ng EPAS-1.

Nasasabi sa mga talahanayan na naapektohan ang mga

mag-aaral ngunit hindi labis ayun sa mga sagut ng mga tagatugon

madalang at madalas lamang silang naapektohan ng kakulangan.

Talahanayan 3.2

Sa talahanayan na ito mapapakita ang persepsyon ng mga tagatugon

ukol sa relasyon ng kakulangan sa kagamitang elektroniks at

masiglang pakikilahok sa pag-aaral.


Mga pahiwatig Iskala Deskripsyong Mean Pagpapakahulu
/ kwalitatibo / ganw
Scale Katu
mbas
ng
bigat
Naapektuhan 2.213 Madalang 0.073 Madalang
ang relasyon sa nakaaapekto. 7 naapektohan ang
mga kapwa mag relasyon ng mga
aaral dulot ng tagatugon sa
kawalan kanialng kapwa
kagamitan sa mag aaral dahil
elektroniks. sa kawalan ng
kagamitan.
Hindi 2.480 Madalang 0.082 Ang mga
makikilahok ang nakaaapekto. 6 tagatugon ay
mga miyembro madalang hindi
sa gawain dahil na nakikilahok sa
sa limitadong gawain dahil sa
kagamitan sa kakulangan.
elektroniks.
Hindi 1.809 Madalang 0.060 Ang mga
nakikilahok dahil nakaaapekto. 3 tagatugon ay
limitado ang minsan ay di
kaalaman. nakikilahok dahil
limitado lamang
ang kanilang
kaalaman sa
gawain.
Hindi 2.068 Madalang 0.068 Ang mga
nakikilahok dahil nakaaapekto. 9 tagatugon ay
hindi hindi nakikilahok
pinagkakatiwala sapagkat hindi
ang miyembro o sila pinag
walang tiwala kakatiwalaan ng
ang miyembro. miyembro at ang
iba ay hindi
nagtitiwala sa
miyembro kaya
hindi nakikilahok.
Nahihiyang 1.627 Hindi 0.054 Ang mga
makilahok sa nakaaapekto. 2 tagatugon ay
pangkatang nakikilahok parin
gawain dahil sa kahit wala silang
kawalan ng ambag sa mga
ambag sa materyales
kagamitan.
Ayon sa mga persepsyon ng mga mag-aaral ng EPAS-1

madalang lamang nakaaapekto sa mga mag-aaral ang kakulangan na

ito.

Ang mga tagatugon ay naapektohan ng mga kakulangan ngunit

hindi labis, madalang lamang at minsan ay hindi.

Kabanata V

PAGLALAGOM, KONKLUSYYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ay nag lalaman ng lagom, konklusyon at

rekomendasyon ng mga mananaliksik upang makatulong sa mga guro

at mag-aaral na naaapektohan sa kakulangan na ito.

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay binuo upang malaman ang epekto at

relasyon ng kakulangan sa kagamitang eleektroniks at masiglang

pakikilahok sa kanilang pag-aaral.

Mula sa 30 na tagatugon, maraming impormasyon ang nasagap

ng mga mananaliksik na maaring makatulong sa iba pang mga mag-

aaral.
Hindi labis ang epikto sa kanila ng kakulangan na ito ngunit ang

mga mag-aaral ay naapektohan at maari parin itong makasira sa

kanilang pag-aaral kaya hindi parin siya dapat ikawalang bahala.

KONKLUSYON

Ang mga mananaliksik ay maglalahad ng mga Konklusyon ayun

sa datos na nakuha sa pananaliksik na maaring makatulong sa mga

mag-aaral mula sa (30) tagatugon na may (25) na lalaki at (5) na

babae. Makikitang hindi palaging naaapektohan ang mga tagatugon at

sa kanilang pag aaral ang kakulangan sa kagamitang elektroniks at

masiglang pakikilahok, ngunit sila ay naapektohan parin at iyon ay

maaring makasagabal sa kanilang paaaral. Sa lahat ng persepsyon ng

mga tagatugon at epekto, nalaman ng mga mananaliksik na

naapektohan ang kanilang pag-aaral dahil sa mga kakulangan na ito.

Ayun naman sa mga opinion ng mga tagatugon ang mga

nakasulat ay nag sasabing labis silang naaapektohan ng kakulangan.

Hindi palagi ang epekto sa mga mag aaral ang kakulangan ngunit sila

ay labis nanaaapektohan.

REKOMENDASYON

Maraming datos ang nakalap ng mga mananaliksik mula sa

persepsyon at karanasan ng mga mananaliksik sa at ang iba dito ay

maaring makatulong sa ibang mag-aaral upang masulosyonan ang


problema sa kakulangan kaya magbibigay ng iilang rekomendasyon

ang mga mananaliksik.

Ang mga sumusunod ay rekomendasyon ng mga mananaliksik:

- Ang mga guro ay maaring mag pagawa ng mga recycled

material upang gawing kagamitan ng mga mag aaral para sa

kanilang mga gawaing elektroniks, upang maiwasang bumili at

mag hintayan sa kagamitan. sa pamamagitan nito maaring

makatipid sa pera at oras ang mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ay maaring mag kusang loob na gumawa

ng kanikanilang recycled na materiales.

- Ang gubyerno ay maaring mag dagdag pa ng mga kagamitan sa

mga paaralan upang mas magiging aktibo ang mga mag-aaral

sa kanilang gawain dahil kompleto ang kagamitan.

- Para sa mga walang masiglang pakikilahok na mga mag-aaral

mas magiging madali ang mga gawain kung ang lahat ng

meyembro ay may masiglang pakikilahok. Ang pakikilahok ay

isa sa pinakamahalagang gawain sa isang lipunan, mas mag

kakaroon ng magandang pakikilahok ang mga mag-aaral kung

may maganda tayung relasyon sa kanila, hikayatin natin an g

ating kapwa na makilahok at ang ating relasyon sa kanila ay

magiging maganda at ang pakikilahok ay mas magiging

masigla.
Dahong dagdag / Apendiks

A. Mag lahad ng karanasan kung paano naaapektohan ang

gawain/pag-aaral dahil lamang sa kakulangan ng

kagamitang elektroniks? Pangatwiranan ang sagot.

Tagatugon 1:

“nawawalan ng gana dahil kulang kulang ang mga pyesa

katulad ng LED dahil importante ito kaya nakakawalang ganang

gumawa.”

Tagatugon 2:

“nagkakaroon ng problema sa paggawa dahil sa kakulangan ng

kagamitan dahil magagawa kung kulang kulang ang gamit,

makakagawa man ngunit hindi matatapos ang proyekto”

Tagatugon 3:

“tumatagal ang aing gawain dahillimitado ang aking kagamitan

tulad ng kakulangan sa lead, at soldering iron.”


Tagatugon 4:

“nawawalang gana sa pagawa dahill kulangkulang ang

kagamitan nakatunganga lang.”

Tagatugon 5:

“naranasan kung hindi gumawa pang electronics dahil sa

kakulangan ng kagamitang electronics.”

Tagatugon 6:

“oo dahil naaapektuhan ako kasi hindi sapat ang aking

kakayahan sa aking ginagawa at kulangan ielectronic sa sa

kagamitan.”

Tagatugon 7:

“naapektuhan ang gawain pag-aaral dahil hindi ako

nakakatapos sa project sa electronics dai tinatamad dahil kulang sa

mga kagamitan”

Tagatugon 8:

“ang kommento ko dito ay labis na nakaapektuhan ang isang

gawain pang-elektroniks kung kulangkulang sa gamit. Ewan ko lang

kung may epekto ito sa pag-aaral. Minsan naiinis ako kapag hinihiram

mga gamit ko.”

Tagatugon 9:
“ dahil hindi makakagawa ng maayos ang mga mag-aaral sa

kadahilanan nakulang ang mga kagamitan sa elektroniks.”

Tagatugon 10:

“hindi natatapos ang gawain elektroniks dahil sa kakulangan ng

mga kagamitan”

Tagatugon 11:

“dahil din nagal ikaw mawawalan ng gamit sa mga klasmate ng

nakukulangan ng gamit sabay lalapit sayo para sa pangangailangan

nila sa tinagal ikaw mawawalan ng gamit kaya ikaw rin aasa sa iba.”

Tagatugon 12:

“isang beses ay natagalan ako mag ayos ng AM radio receiver

dahil kulang ako sa gamit pero nakatapos parin ako. Isa pa ay yung

pangatng trouble ni sir glen, ang hirap sobrang hindi maayos kasi

kulang sa gamit. Don’t worry! Isa ako sa mga maagang natapos kasi

mabilis ako! Ako kaya si “the flash”.”

Tagatugon 13:

“kakulanagan ng kagamitan sa PCB tulad lang ng transistor

C8050 at c8550 kaya hindi agad nagagawa ang dapat gawin.”


Tagatugon 14:

“nakakatamad gumawa ng isang project pag walang gamit.

Iniisip ko palagi yung project pag hindi ko magagawa”

B. Sapat bang dahil lamang sa kakulangan sa gamit

elektroniks ay nawawalan ng kasiglahan sa pakikilahok

ang isang mag-aaral? Bakit?

Tagatugon 1:

“hindi dahil kaya naman ding gawan ng paraan kung nawawala

ng sigla sa pag-aaral.”

Tagatugon 2:

“hindi, kung ayaw may dahilan pero kung gusto may paraan”

Tagatugon 3:

“hindi sapat yun! Dahil kung gusto mong mag-aral hahanap at

hahanap ka ng paraan para magawa.’

Tagatugon 4:

“oo dahil hindi ka makakagawa kung wala kang pambayad o

pambili ng piyesa kaya hindi makakabuo ng AM radio.”

Tagatugon 5:
“hindi kung kulang naman sa gamit pwede namany bumili, kung

walang pera edi mangutang marami naming paraan kung gusto.”

Tagatugon 6:

“oo dahil minsan hindi nakakatapos dahil kakulangan sa

kagamitan kaya bumababa ang grado ng mag-aaral dahil hindi

nakakatapos ng project sa electroniks dahil sa kakulangan ng gamit.”

Tagatugon 7:

“sa aking palagay ay madalas na ganun ang mangyayari

nawawalan ako ng kasiglahan sa tuwing deadline ng aming proyekto.”

Tagatugon 8:

“sa tingin ko oo dahil aanuhin pa ang piyesa kung kulang naman

ang mga kagamitan pang elektroniks. Thank you.”

Tagatugon 9:

“hindi sa pagkat maraming solusyon para maipagpatuloy ang

mga gawain.”

Tagatugon 10:

“hindi, dahil kahit kulang kapa sa kagamitan ay hindi mona

magagawang makilahok sa mga gawain pampaaralan dahil kung gusto

ay may paraan at kung ayaw ay may dahilan.”

Tagatugon 11:
“hindi kahit na kulang ang kagamitan kailangan parin ng

lumahok upang makatulong at may matutunan sa groupo.”

Tagatugon 12:

“oo dahil kung walng gamit wala ding magagawa kaya kailangan

ng kumpletong gamit”

Tagatugon 13:

“oo dahil sa kakulangan sa elektroniks naabutan kana ng mga

iba kaya tinamaad na gawin ang dapat gawin .”

Tagatungon 14:

“minsan ganun mas iisipin ko nalang yung project naming sa

electronics kesa magsaya mahal ko pa grade ko.”

Tagatugon 15:

“Opo, dahil kapag walang ang kagamitan ay makakawala ng

gana ang mag ayus at maari akong bumagsak dahil wala akong

bumag sak dahil wala akong gawa.”

Tagaatugon 16:

“hindi! Marami pang mga factors na nkaaapekto sa pakikilahok.

Halimbawa nalang ng mga seksyon na walang elektroniks na subject,

masigla silang nakikilahok at wala silang pake sa elektroniks.”

You might also like