You are on page 1of 29

CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL

“Epekto ng Stress sa Pisikal, Sosyal, at Mental na Aspeto ng Baitang

11- STEM ng Centro Escolar Integrated School”

Ipinasa nila:

Bautista, Sky Raiden F.

Bucayu, Jennah V.

Caña, Jeric Bong Jessie L.

Gacis, Julia Marie N.

Hales, Christopher R.

Lasquety, Nico B.

Ramos, Melgen Anne Rhinoa

Silaynan, Jeremie E.

STEM 1- I

Ipinasa kay:

Bb. Katrina Mae D. Gonzales

Abril 2020
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Kabanata 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, “Epekto ng Stress sa Pisikal,

Sosyal, at Mental na Aspeto ng Baitang 11- STEM ng Centro Escolar

Integrated School”. Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang mas

mapaigting ang kaalaman at maging pamilyar ang indibidwal sa mga isyu

patungkol sa paksa na may kinalaman sa stress. Sa pananaliksik na ito ay

pag- uusapan din kung ano ang mga epekto nito sa pisikal, sosyal, at

mental na aspeto ng tao. Ang inaasahan na bunga ng pananaliksik na ito ay

upang masuri kung ang stress ay makikita rin sa mga mag-aaral ng Centro

Escolar Integrated School maging na din ang mga epekto nito at ang iba’t

ibang uri ng stress na kinakaharap ng mga mag-aaral.

I. Kaligirang Kasaysayan

Ang stress o minsan tinatawag na tensiyon sa Pilipino ay isang

sitwasyon na dumadaan sa pakiramdam ng indibidwal na nahihirapan,

nababahala, at labis na kapaguran at tila nawawalan ng pag- asa. Ito din ay

reaksyon ng katawan ng tao upang ang mga mapanganib na mga

traumatikong sitwasyon o labis na pisikal at emosyonal na pangyayari na

sobrang nakakaapekto sa lahat ng sistema ng katawan.

Nabubuo ang stress sa sistema ng tao sapagkat ito ay normal na

reaksiyon lamang. Dahil ang katawan ay nagpapakawala ng mga hormones

na nagpapabilis ng paghinga at tibok ng puso at nagpapataas ng presyon


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
ng dugo na kung tawagin ay stress hormones. Ito ay nangyayari kung ang

tao ay nakaramdam ng panganib. Ang mga hormones na ito ang

naghahanda sa indibidwal upang matagumpay na maharap ang panganib

na nadama ng tao.

Ang stress ay ang tugon sa pisikal, mental at maging emosyonal na

pagbabago sa kapaligiran ng tao. Nagreresulta ito mula sa mga stress

factors. Ito ay may dalawang klase; una, ang external stress factors na ang

mga halimbawa nito ay ang pagkawala ng trabaho at pagkamatay ng

minamahal sa buhay. Ikalawa, ay tinatawag naman na internal stress

factors halimbawa nito ay ang pressure ng sarili upang matagumpay na

magawa ang isang bagay.

Ang stress factors ay mga negatibong epekto sa kalusugan ng tao.

Halimbawa, ang pagkaroon ng mababang enerhiya, pagkasakit ng ulo, at

hindi agad na pagkakatulog sa gabi. Kung kaya’t ang stress ay nagkakaroon

rin ng mga epekto sa mga aspetong pang tao at ito ay ang pisikal, sosyal, at

mental na aspeto.

Ang pisikal na aspeto ng isang tao ay tumutukoy sa katayuan ng

isang tao na may ganap na lakas at kasanayan sa isang pisikal na gawain.

Naaapektuhan ng stress ang aspetong ito sa pamamagitan ng pagpigil nito

sa katawan ng indibidwal upang ito ay gumana sa pinakamahusay na

paraan.
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Ang sosyal na aspeto ng isang tao ay tumutukoy naman sa kung

paano umasal o nakikipag-ugnayan ang isang nilalang sa iba pang mga

indibidwal o grupo ng mga tao. Tinutukoy rin dito kung paano ang isang tao

nagbibigay ng reaksyon o kung paano rumesponde sa aspetong sosyal ng

buhay. Ang pagpasok ng stress sa aspetong ito ay maaaring maging

dahilan ng pahirapan at hindi tuwiran na pakikipag- socialize sa kapwa tao.

Ang mental na aspeto ng tao ay tumutukoy sa larawan ng antas ng

kapakanan na pangsikolohiya, o ng kawalan ng diperensiya sa pag unawa.

Ang kalusugang pangkaisipan ay maaari ring bigyan ng kahulugan bilang

isang pagpapahayag sa saloobin at pagpapahiwatig ng matagumpay na

pakikibagay o pakikiisa. Samantala ang muling pagpasok ng stress sa

aspetong ito ay magbibigay epekto sa indibidwal sa pamamagitan ng hindi

agad pagkakaisip ng maayos sa mga sitwasyon ng pangamba na kailangan

ng maayos na solusyon.

Ayon sa isang pananaliksik na ginawa sa De La Salle- Saint Benilde,

nakalap sa pamamagitan ng pag survey sa mga kapwa kamag-aral na 66%

mula sa isang daan na porsiyento ang nakararanas ng stress o pagkahapo,

isinaad din bilang paglalarawan kung ano ang stress, ay sinasabing ito ay

pag-igting ng damdamin o emosyon ng isang tao dahil sa patong patong na

gawain. Dagdag pa rito, 33% ang nagsabi na mula sa pag-aaral ang

karaniwang dahilan ng pagka- stress, pangalawa naman ang pamilya, at

ikatlo ang iba pang bagay.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
II. Balangkas Teyoretikal

Ang pag- aaral na may paksang “Epekto ng Stress sa Pisikal,

Sosyal, at Mental na Aspeto ng Baitang 11- STEM ng Centro Escolar

Integrated School” ay binatay sa mga sumusunod na teorya:

Sa Response-Based Model of Stress na nakahahawig sa fight-or

flight response na nangyayari sa isang sitwasyong nakararamdam ka ng

paggigipit o nakakaabalang sitwasyon. Ang modelo na ito ay nagbibigay ng

empasis sa karaniwang pisyolohikal na kinahinatnan ng mga nakahahapong

pangyayari.

Ang ideya na ito ni Selye ay nilinang at hanggang sa naging isang

teoritikal na modelo ng pagkahapo na tinatawag na General Adaptation

Syndrome Theory. Mayroon itong tatlong yugto ang alarm, resistance at

exhaustion. Binigyang kahulugan ang pagkahapo bilang isang di tiyak na

tugon ng katawan. Iminungkahi dito na iba- iba man ay magreresulta pa rin

ng parehong pisyolohikal na tugon.

Sa teorya naman nina Lazarus at Folkman (1980) sinuri muna ang

mga naunang teorya. Ayon sa mga naunang teorya ay nagpapakita na ang

mga tao ay inihahalintulad sa mga makina. Pinaniniwalaan na ang mga tao

ay may kakayahang mag-isip, sumuri bago magbigay ng reaksyon. Ang

pag-iisip ay may kakayahang mapabuti o mapasama ang pagkahapo. Ang

Transactional Model of Stress ay nagbibigay ng empasis sa kakayahan ng

taong makapag-isip sa mga panahong nakararanas ng pagkahapo.

Ayon naman sa teorya ni William James at Carl Lange noong 1884 at

1885, kanilang Iminungkahi ang korelasyon ng stress sa emosyon ng tao.

Kanilang sinasabi sa kanilang teorya na ang emosyon ng isang tao ay hindi


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
agad nauunawaan o nadarama ang stressor ng isang pangyayari, bagkus

nadarama lamang ito ng indibidwal matapos rumesponde sa pisikal na

paraan ang katawan ng tao sa sinasabing stressor. Upang mas mapalawig

ang kaalaman na ito, sa madaling salita, isinasaad na makadarama lamang

ng emosyon kung mauuna lamang makadama ng bodily responses ang tao

gaya ng pagbilis ng tibok ng puso o kaya naman ay ang pagpapawis ng

kamay ng indibidwal.

Sa kabilang banda naman, isinasaad naman sa teorya ni Walter

Cannon, na kabaliktaran ang nangyayari sa tao na nakararanas ng stress.

Kanyang sinasabi na ang emotional response sa stress ng isang tao ay mas

mataas ang pagkakataon na madama ito kung walang pagbabagong

naramdaman sa pisikal na aspeto ng indibidwal. Ipinaliwanag niya na ang

internal physiologic response ng katawan ng isang tao ay mas mabagal

makakilala o makaramdam ng pagbabago kumapara sa utak ng isang tao

na ang trabaho ay maglabas ng emotional response. Kung kaya’t sa

kanyang teorya ay sinasalungat ang pag- aaral nila James at Lange.

III. Balangkas Konseptuwal

Makikita sa pigura na mayroong tatlong teorya na inuugnay sa paksa

ng pag-aaral. Una ang mga taong na nagsasabi na o tinitingnan ang

pagkahapo bilang isang resulta ng isang pangyayaring naganap sa kanilang

buhay. Halimbawa nito ang isang mag-aaral ay bumagsak sa isa niyang

asignatura.

Sa kadahilanan na ito siya ay nakaranas ng matinding pagkahapo.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Isang halimbawa pa ang isang mag-aaral ay nagiisip muna bago

tumugon sa kanyang pagkahapo at hindi agad-agad nadadala ng kanyang

mga emosyon. Pinagiisipang mabuti kung paano makakatugon ng maayos

sa mga pagkakataon na nakararanas ng pagkahapo. Ngunit sa pagiisip na

ito ay hindi lamang laging mabuti ang naidudulot nito bagkus maaaring

magkaroon ito ng positibo at negatibong epekto sa stress na nadarama.

Mayroon din pagtingin sa stress na dumadaan sa proseso o mga

yugto. Sa bawat yugto ay may iba’t ibang lebel ng pagkahapo. Ang una ay

naihahanda pa ang sarili sa posibleng maramdaman na pagkahapo.

Ikalawa, nakakayanan pang buhatin ang sarili laban sa pagkahapong

nararamdaman. Huli, sapuntong ito ay ang tuluyang pagbagsak ng katawan

at pisikal na sakit na ang nararamdaman dahil sa pagkahapo.

Sa huli, makikita na may iba’t ibang tingain ang mga mag-aaral sa

stress. Hindi lamang emosyonal, mentalidad kundi pati pisikal na

pangangatawan ang naapektuhan ng pagkahapong nadarama ng isang

indibidwal.

IV. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag- aaral na ito ay may paksang “Epekto ng Stress sa

Pisikal, Sosyal, at Mental na Aspeto ng Baitang 11- STEM ng Centro

Escolar Integrated School” ay naglalayon at nagsisikap na sagutin ang

mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang propayl ng respondent batay sa:

1.1 edad; at

1.2 kasarian
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
2. Ano ang salik kung bakit nakararanas ng stress ang

respondente?

3. Ano ang mga epekto ng stress sa mga sumusunod na aspeto:

3.1 pisikal;

3.2 sosyal; at

3.3 mental

V. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang paksang “Epekto ng Stress sa Pisikal, Sosyal, at Mental na

Aspeto ng Baitang 11- STEM ng Centro Escolar Integrated School” ay

bibigyan ng makabuluhang pansin sa pananaliksik na ito. Ang pokus ng

pag- aaral na ito ay ang stress at ang iba’t- ibang aspeto nito. Ang

pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng sampung (10)

respondente sa bawat seksyon ng STEM sa baitang 11 mula sa CEIS

Makati at ang kabuoan na kailangan na respondente ay isang daan (100)

respondente. Nililimitahan ng pananaliksik na ito sapagkat, tanging mag-

aaral ng baitang 11- STEM lamang ng Centro Escolar Integrated School.

Upang sa pag-aaral na ito ay makukuha ang mga nais na konklusyon at

interpretasyon sa pamamagitan ng tatlong dahilan kung bakit ito

isinasagawa. Una, ay upang malaman kung ang factors ng stress ay

nagkakahalintulad ba o nagkakaiba- iba depende sa edad at kasarian.

Pangalawa, upang malaman ang epekto ng stress sa mga mag- aaral ng

11- STEM. Pangatlo, upang mas mapalalim ang pag- aaral kaugnay sa

paksa ng stress at sa iba’t ibang aspeto ng tao na naapektuhan nito, lalo na


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
sa mga mag- aaral ng baitang 11- STEM ng Centro Escolar Integrated

School

VI. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at

makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang

lalong mapalawak ang kaalaman kung paano maging isang mahusay na

mag-aaral. Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kaisipan at

kakayanan patungkol sa isyu ng stress. Inaasahan na ang pag-aaral na ito

ay makakatulong ng malaki para sa epektibong pagsuri at pamamaraan ng

pagkaya ng stress sa iba’t ibang aspeto ng tao na naaapektuhan nito.

Sa mga Guro. Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa mga guro,

upang mas higit na maunawaan ang mga epekto ng stress sa isang mag-

aaral. Ito rin ay makakatulong sa paghimok ng mga mag-aaral sa paraan na

ang mga ito ay magkaroon ng positibong pagtingin sa salitang stress.

Sa Administrasyon. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang

magkaroon ng kaalaman kung ano ang kailangan ibahagi sa mga susunod

na henerasyon tungo sa makabuluhang pagharap sa suliranin na dala ng

stress. Upang makabuo din sa mga susunod na panahon ng isang

programa na tumutugon sa kalusugan ng pisikal, sosyal, at mental na

aspeto ng tao.

Sa mga Magulang. Ang mga magulang bilang unang taga-

pangalaga ng mga anak, ay makakapag-isip-isip ng mga bagay na

maipapayo at maitutulong sa anak lalo na sa usapin ng stress, kasabay ng


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
pag-gabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan ng pag-aaral ng

mga ito.

Sa mga Susunod na mga Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay

magsisilbing gabay upang mas mapalalim ng mga susunod na gagawa at

susuri ng mga datos na may kinalaman din sa paksa na stress.

VII. Katuturan ng mga Katawagan

Aspeto. Ang salitang aspeto ay nangangahulugan ng natatanging

bahagi o anyo ng isang bagay. Ito ay natatanging paraan kung saan ang

isang bagay ay maaaring maisaalang- alang. Sa gramatika, ang ibig sabihin

nito ay isang kategorya o anyo na siyang nagpapahayag nang paraan na

kung saan naisasaad ang panahon sa pamamagitan ng pandiwa.

External Stress Factors. Ang mga pangayayari sa isang buhay ng

tao na maaaring magdulot o makaapekto sa iba’t ibang aspeto ng kanyang

katauhan.

Internal Stress Factors. Ang mga mensahe sa isip ng indibidwal na

nanggagaling sa sariling ekspetasyon na maaaring humantong sa anxiety o

depression.

Emotional Response. Ang reaksyon ng katawan sa isang sitwasyon

na dala ng mga impluwensiya ng iba pang mga indibidwal.

Internal Physiologic Response. Ang automatic na response na

nagdudulot sa pisikal na response sa isang stimulus.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Panimula

      Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na akademiko at

propesyonal na akda na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral na may

paksang: “Epekto ng Stress sa Pisikal, Sosyal, at Mental na Aspeto ng

Baitang 11- STEM ng Centro Escolar Integrated School.”

I. Mga Kaugnay Na Literatura

Ayon kay Whitman et. al. noong 1985, ang pagkahapo o stress ay

anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam sa isang tao.

Ang isang sitwasyon ay maaring maging kahapo-hapo sa isang tao, ngunit

hindi para sa iba. Bagkus, hindi lahat ng tao ay nakararanas ng iisang

pakiramdam at damdamin kapag nahahapo. 

Ayon sa pag-aaral ng American Psychological Association, sinasabi

nila na 75%- 90% sa mga pasyente na bumibisita sa doktor ay may stress-

related na problema. Sa Carnegie Mellon University, Pittsburgh ay

natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga tao na nakararanas ng stress

sa trabaho at bahay ay mas tinatamaan ng mga sakit sa tatlong beses

hanggang limang beses.

Ayon sa Funk and Wagnalls New Encyclopedia noong 1986, ang

stress o pagkahapo, sa larangan ng medisina, ay isang pisikal, kemikal, o

emosyonal na pangyayari na nagdudulot sa pisikal o mental na

karamdaman. 
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL

Ayon kay Carr Deborah noong 2014, ang stress, ito man ay maliit o

malaki’y makaaapekto pa rin sa ating kalusugan. Nasabi ito ng propesor

sapagkat, nahinuha nito na ang stress ay makikita sa iba’t ibang paraan sa

buhay ng indibidwal na maaaring magdulot ng masamang epekto lalo na’t

kung ito’y hindi pagtutuunan ng pansin. Maaari rin itong humantong sa

malalang karamdaman kung hindi kaagad na mabibigyan ng pangunang

lunas.

II. Lokal na Literatura

Ayon kay Christa Orcollo, malaki ang epekto ng mahabang pagklase

sa pag-aaral lalo na at nakakapagod sa pisikal ang pagkaklase ng wala man

lang pahinga o break. Sa pagbibigay linaw ni Orcollo, hirap daw ang mga

mag-aaral na makapagpokus sa pag-aaral sapagkat iba't iba ang

pinagtutuunan ng pansin at nakadaragdag ito sa stress o kaya naman ay

tensiyon na nararamdaman.

Ang stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay

nararanasan ng bawat indibidwal, lalo na ang mga tao na nagtratrabaho at

mga mag-aaral, sa magkakaibang antas at kadahilanan. Ngunit ang stress

ay lubhang nakakaapekto sa isang tao sa pisikal at mentalidad. Maaari itong

humantong sa sakit na lubhang depresyon o pagkalungkot, atake sa puso

atbp. 

Ayon sa akda ni John Michael P. Morelo, na may pamagat na

"Panahon ng Pagseseryoso,” sinabi na ang indibidwal ay hindi makapag-

aral nang mabuti sa kadahilanan na nakakatamad ang pagpasok, dagdag


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
pa rito ang sunud-sunod na pag-aasikaso sa mga aralin. Ang mga

mahihigpit na guro ang mas lalong nagpapadagdag ng stress at nagpapa-

init sa ulo ng mga mag-aaral, sapagkat lalo lang itong nagbibigay ng

tensyon sa kanila. Dahilan upang mahirapang magseryoso sa

pagkakaunawang hindi matatapos agad ang mga pinapasang mga

requirements dahil sa kakulangan sa oras.

        Ayon rin sa artikulong Balita Online noong 2017, ang  stress ay parte

ng buhay na pinagdadaanan ng lahat.  Ito ay kinakailangan ng kaagarang

aksyon. Kapag hindi naagapan, maaaring mauwi ang stress sa depresyon,

sakit na mas mahirap gamutin, na kadalasang sumasailalim sa therapy at

medikasyon.

        Ayon rin kila Cofer at Appley noong 2004, na ang pagkahapo ay hindi

lamang basta-basta, ito ay nasa larangan ng maraming indibiduwal ang

nakararanas at nagpatunay na maraming bagay ang maaaring maidulot

nito; positibo man o negatibo. Dito nagmula ang iba’t ibang mga depinisyon

o ang pag-iintindi ng iba sa pagkahapo gaya ng pagod, takot, kaba, galit,

dismaya, atbp. Kaya inipahayag na magmula ng matuklasan ang salitang

stress o pakahapo, ang mga mananaliksik na trinatrabaho ang konseptong

patungkol sa pagkahapo ay agad na nakaramdam ng koneksyon sa

nararamdaman ng indibidwal, ngunit ito’y patuloy pa rin na pinag-aaralan.

III. Global na Pag-aaral 

Ayon sa European Journal of Pharmacology, Vol. 583, issues 2-3

noong 2008, na may pamagat na “Central Effects of Stress Hormones in


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Health and Disease: Understanding the Protective and Damaging Effects of

Stress and Stress Mediators”, isinasaad na ang stress ay nagsisimula sa

utak ng isang tao, hanggang sa maapektuhan na nito ang utak maging na

din ang buong katawan ng tao. Isang uri ng stress ay ang Chronic Stress.

Ang pagbabagong dala ng chronic stress sa isang tao ay kilala bilang sa

terminolohiya na tinatawag itong Allostatic Overload. Kalimitan ito ang

pagbabago sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang tao na dala ng

chronic stress. Halimbawa nito ay ang paninigarilyo, pagkain ng sobra, at

kakulangan sa tulog.

Ayon kay Loralaine noong 2013, ang stress ay bahagi na ng araw-

araw na pamumuhay ng bawat indibidwal at ang tao ay nahihirapan sa

sitwasyon, hindi na mapakali, labis na pagkalungkot at kapaguran,

nawawalan ng pag-asa at marami pang iba. Mas mainam kung ito’y

maagapan at hindi na humantong sa agarang pagkamatay.

Alinsunod sa pag-aaral ni Lynnes noong 2007, ang stress ay isang

karamdaman na nalilikha kapag ang isang indibidwal ay kumikilos bilang

tugon sa isang pangyayari. Ito ay paraan ng isang katawan upang harapin

ang hamon at mga mahihirap na sitwasyon na may halong pokus, lakas at

pagka-alisto. Ito ay nagdudulot ng pagkabagabag at pagkabalisa ng isang

tao, dahilan upang mawala ito sa pagbibigay ng atensyon sa iisang bagay.

IV. Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral nila Marison, et. al noong 2013, ang

nangungunang dahilan ng pagkahapo ay ang patungkol sa pag-aaral. Isa na


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
rito ang dahilan ng kakulangan sa kakayahang agad-agarang makaintindi sa

itinuturo o panuto at ang kaisipang hindi na sapat ang oras ng isang mag-

aaral upang makihalubilo sa iba pa nitong kapwa mag-aaral o kakilala.

Ipinahayag sa pag-aaral na ang mga maikling panahong ibinibigay ng guro

upang gawin ang ispesipikong aktibidad sa paaralan ay nakadadagdag sa

kanilang isipin dulot ng pagkahapo. Sa bawat taon na dumaraan—at ang

pagtanda ay sumasabay ang mabibigat nap responsibilidad at mga gawain,

kasabay ng paglala ng pagkahapo kung hindi ito pagpupukulan ng pansin.

Lumabas sa naging resulta ng pag-aaral na higit pa ang pagkahapo sa pag-

aaral ay nakaaapekto rin ang mental, pisikal, sosyal at kognitibong

kaanyuan ng isang indibidwal. Maging ang relasyon ng indibidwal sa

pamilya at kasintahan.

Ayon sa pag-uulat ng World Health Organization (WHO) noong

Septyembre 2014, ang pagpapakamatay ay pangalawa sa mga

pangunahing dahilan kung bakit maraming namamatay na mga kabataan sa

mundo, halos lahat ay nanggagaling sa sekundarya at kolehiyo na may

edad na 15 hanggang 24 na taong gulang. Isa sa mga pangunahing dahilan

ng pagpapakamatay ay ang mga problema na hinaharap nila, lalo na ang

mga presyur na nararanasan sa mga gawaing pang-eskwelahan at pang-

pamilya.

Mula sa artikulo ni Echaluce noong 2014, inilahd ng respondente na

si Dr. Rhea Conception, na ang adolescence ay isa sa mga pinaka-mahirap

sa mga magulang nating para sa negosasyon; ang ating adolescence ay

kinakaharap ng madaming pagsubok at ang mga pagsubok na ito ay


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
nanggagaling sa mga stressful pressures at kaganapan sa buhay na galing

sa pamamahay, paaralan, trabaho, kaibigan at para sa mga kabataan.

Pananakit sa sarili ang ginagawa upang maibuhos ang lahat ng hirap na

dinadala mula sa mga gawain sa paaralan.

Ayon kay Jerome Visperas noong 2019, ang pagtaas ng bilang ng

mga pagsubok sa mental na kalusugan at naobserbahan ang mga ito sa

mga mag-aaral. Lumabas sa naging pag-aaral ni J. Visperas, na kapag ang

indibidwal ay ina-abuso ang kaniyang mental na kalusugan at nagiging

balisa kaka-isip, maaaring maging dahilan ng pagka-baliw o magkaroon ng

sakit sa pag-iisip. Kung ating titingnan ay mahalaga rin at hindi dapat

isinasawalang bahala ang ating mental kalusugan. Hindi man ito nakikita ng

mga mata ngunit, ito naman ay nararamdaman ng indibidwal at kaagad na

bigyang lunas upang maagapan—nang sa gayon ay hindi na umabot pa sa

malala at delikadong kalagayan. 

Inilathala sa pag-aaral ni Gizelle Vergara noong 2013, ang stress ay

pagtugon ng ating katawan sa mga pangangailangang pisikal, emosyonal at

pangkaisipan ng isang tao. Ito ay nagdudulot sa mental na aspeto ng tao;

pagkawala ng konsentrasyon, pagkababa ng tingin sa sarili, pagkalito, at

depresyon. Ito rin ay nakaaapekto sa pisikal na aspeto ng tao; pagkalagas

at pamumuti ng buhok, obesity, at pagkakaroon ng tigyawat. Lalong-lalo na

sa sosyal na aspeto ng tao; mailap sa tao at mahirap intindihin.

     

         Nakasaad sa pag-aaral ni Laura Reyes noong 2000, ang stress o

pagkahapo ay nagdudulot ng depresyon at pagkabalisa, hika na dulot ng


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
madalas na pagkahapo at mabilis na pagtanda—ang chromosomes ng ina

sa kanyang anak ay nagbibigay-epekto sa mabilis na pagtanda ng isang tao

mula 9-17 na dagdag na taon. Dahilan ito kung bakit marami sa mga

nakararanas nito ang nagpapakita ng sintomas sa pagtanda.

        Ayon sa pag-aaral ni Jeanne Bondoc noong 2003, ang pagkahapo sa

paaralan ay mas malala ngayon kung ikukumpara noon.  Sa sobrang tindi

ng pagkahapo ng kabataan, minsan ito ay umaabot sa pagpapakamatay.

Mayroong isang mag-aaral ang nagtatangkang magpakamatay bawat 78

segundo. Ang kasalukuyang panahon na tinatawag na Information Age ay

nakadaragdag sa pagkahapo ng kabataan. Kung hindi ito maaagapan ay

maaari itong magdulot ng masamang epekto sa ating lipunan.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Kabanata 3

MGA PAMAMARAAN AT DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay may paksang, “Epekto ng Stress sa

Pisikal, Sosyal, at Mental na Aspeto ng Baitang 11- STEM ng Centro

Escolar Integrated School”. Inilahad sa kabanatang ito ang mga

pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang na

isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan nung mga epekto ng

stress sa pisikal, sosyal. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik at

mga pamamaraan kung paano nakuha ang datos.

I. Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik,

ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research

Design”, na gumagamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa

paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa

maraming respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan,

ngunit ang uri ng disenyong ito ay hinde lamang nakadepende sa dami ng

suamgot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga

mananaliksik ng nababagay ito sa pag-aaral kungsaan maari ring

magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa

pagkalap ng mga datos at impormasyon.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Ang disenyong paglalarawan o deskiptibo ay ang Nakita ng

mananaliksik na magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas

makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

II. Pagpili ng Kalahok

Sa pamamagitan ng simple random sampling ay gagamit ng fish

bowl technique kung saan nakalista ang mga numero ng mga respondente

sa bawat pangkat at pipili ng limang makikilahok para sa pagsasalik. Bawat

pangkat ng 11- STEM ay kukuha ng sampung (10) respondent sa bawat

pangkat (11 sections) ng STEM baitang 11. Naglalayon na makakuha ng

Isangdaang sampung (110) kalahok bilang kabuoan para sa pag- aaral na

ito.

Ang mga kalahok o respondente sa isasagawang pananaliksik ay

mga estudyante mula Centro Escolar Integrated School na nasa baitang 11-

STEM, kasabay na paggamit ng Slovin’s Formula.

Pormula:

N
n=
1+ Ne ¿ 2

Na ang ibig sabihin ay:

n= sample size

N= population size

e= margin of error

III. Instrumentong Ginamit


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey

questionnaire bilang pangunahing instrument sa pagkalap ng mga datos na

magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa tatlong pangkat:

ang profile, salik kung bat nakakaranas ng stress at ang survey ukol sa mga

epekto ng stress sa aspetong: Pisikal, Sosyal at Mental. Ang survey ay

nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung ano-ano ang

ang mga epekto ng stress sa mag aaral ng Centro Escolar Integrated

School.

Narito ang aming sipi ng survey questionnaire upang lubos na

maunawaan ang komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-

aaral.

Pangalan (Opsyonal):___________________________________________

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) ang inyong mapipiling sagot

UNANG BAHAGI: PROPAYL NG MGA RESPONDENTE

EDAD

 15- 17 taong gulang


 18- 20 taong gulang
 21 pataas na taong gulang
KASARIAN
 Lalaki
 Babae

IKALAWANG BAHAGI

Panuto: Lagan ng tsek (✔) ang inyong mapipiling sagot

Sa inyong palagay, ano ang mga madalas na kinakaharap na stress

ng mga mag-aaral na katulad mo?


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
 Mababang grado
 Hirap sa pag-intindi
 Problemang pinansyal
 Hirap sa pakikipag-usap
 Mabilis na pag-init ng ulo
 Madalas panghinaan ng loob
 Hirap sa pagkakaroon ng pokus
 Napahiya sa tuwing nagsasalita
 Mababa ang kumpyansa sa sarili
 Hindi pagkakaintindihan ng pamilya
 Tuwing nagkakaroon ng karamdaman ang miyembro ng
pamilya
Iba pa:
_____________________________________________________

IKATLONG BAHAGI

Ano ang mga epekto ng stress sa mga sumusunod na aspeto:


Pisikal
Sosyal
Mental

IV. Paraan ng Pagngalap ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon

upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-

aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang

mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang

mananaliksik ay gumawa nang letter para sa mga mag-aaral na siniguro

ang pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago ang

pamamahagi ng mga talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga

sasagot ng tanong.
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Enero hanggang Marso ng

taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay sinagawa ng tatlong araw

kung saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral.

V. Komputasyong Istadistika

Ang resulta ng mga pangangalap ng mga datos ay inalisa at sinuri sa

pamamagitan ng mga sumusunod na mga kompyutasyong istadistikal:

1. Percentage Distribution. Isang pormula na ginagamit upang

matukoy ang bilang ng mga nagsagot at ang bahagdan ng mga

respondente. Ang ginamit na pangangalap ng mga kasagutan ay

sa pamamagitan ng bahagdang pamamaraan. Ang paraan ng

pagkuha ng bahagdan ay ginamit sa bilang ng taon/pag-aaral at

pinakamataas na natamong edukasyon. Ginamit ito sa

kadahilanang upang makuha ang bilang ng mga respondente

batay sa propayl.

F
Bahagdan (%) (P) = × 100
n

P = bahagdan

F = bilang ng mga nagsagot

N = kabuuang bilang ng sagot ng mga respondente.


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL

2. Weighted Mean. Isang uri ng pormula na tumutukoy sa pinal na

ebalwasyon ng pinagsamang mga resulta ng mga tugon sa bawat

katanungan. Ginamit ang paraan na ito sa sa pagkuha ng

kabuuan ng mga pinagsamang resulta sa bawat kraytirya.

X = weighted mean

W = sum of weighted terms

X = total number of terms


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL

Kabanata 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Inilalahad sa kabanatang ito ang aming mga datos na nakalap mula sa mga

respondent sa pag gamit ng talatanungan o sarbey na naglalarawan,

nagsasalin, at susuriin. Ang mga datos na nakolekta ay binibigyang

kahulugan ng mga mananaliksik upang matukoy ang mga epekto ng stress

sa Pisikal, Mental at Sosyal na Aspeto ng mga mag-aaral.

Suliranin Bilang 1. Ano ang kasarian ng mag-aaral na naapektuhan ng

“stress”?

Talahanayan 1

Kasarian ng Mag-aaral na Naapektuhan ng Stress

Kasarian Bilang Bahagdan


Lalake 34 34%
Babae 66 66%
kabuoan 100 100%

Ipinapakita sa unang talahanayan ang kasarian ng mga mag-aaral na

naapektuhan ng stress. Sa kraytiryang ito, isinasaaad na ang bilang ng

mga lalaking respondente ay tatlumpu’t-apat (34) na katumbas ng 34%

habang ang bilang ng mga babaeng respondente ay animnapu't anim (66)

na katumbas ng 66%. Ang kabuoan na bilang ng mga respondente ay isang

daan (100).

Hindi isinasaalang-alang ng mga mananaliksik ang iba pang propayl ng mga

respondente gaya ng edad at ang katayuang sibil sapagkat ito ay hindi na


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
sakop ng suliranin ng pananaliksik at naniniwala ang mga mananaliksik na

wala itong makabuluhang koneksyon o kinalaman sa kasanayan at sa

pagganap lalo na sa pagpapalawak ng kaalaman.

Suliranin Bilang 2 Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa

pagkakaroon ng stress sa mga mag-aaral.

Talahanayan 2

Ang mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkakaroon ng Stress sa mga

mag-aaral

Mababang grado Hirap sa pag-intindi


Problemang pinansyal Hirap sa pakikipag-usap
10%
7%5% %12% Mabilis na pag-init ng ulo Madalas panghinaan ng loob
6% Hirap sa pagkakaroon ng Napahiya sa tuwing
17% 5% pokus nagsasalita
7%
8% Mababa ang kumpyansa sa Hindi pagkakaintindihan ng
17% sarili pamilya
17% Tuwing nagkakaroon ng Iba pa.
karamdamang ang miyembro
ng pamilya

Ipinapakita sa ikalawang talahanayan ang salik na nakakaapekto sa

pagkakaroon ng stress sa mga mag-aaral. Sa grap na ito, ipinapakita

ang iba’t ibang salik na naglalaman ng iba’t ibang porsyento. Ang

salik na Mababang grado ay may bilang na animnapu't anim (66) na

katumbas ng 16%. Ang salik na Hirap sa pagintindi ay may bilang na

apatnapu't apat (44) na katumbas ng 10%. Ang salik na Problemang

pinansyal ay may bilang na labinsiyam (19) na katumbas ng 5%. Ang


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
salik na Hirap sa pakikipag-usap ay may bilang na labingwalo (18) na

katumbas ng 4%. Ang salik na Mabilis na pag-init ng ulo ay may

bilang na dalawampu't lima (25) na katumbas ng 6%. Ang salik na

Madalas panghinaan ng loob ay may bilang na limampu’t pito (57) na

katumbas ng 14%. Ang salik na Hirap sa pagkakaroon ng pokus ay

may bilang na limampu’t anim (56) na katumbas ng 14%. Ang salik

na Napahiya sa tuwing nagsasalita ay may bilang na dalawampu't

walo(28) na katumbas ng 7%. Ang salik na Mababa ang kumpyansa

sa sarili ay may bilang na limampu’t siyam(59) na katumbas ng 14%.

Ang salik na Hindi pagkakaintindihan ng pamilya ay may bilang na

dalawampu't lima (25) na katumbas ng 6%. Ang salik na uwing

nagkakaroon ng karamdamang ang miyembro ng pamilya ay may

bilang na labing-anim (16) na katumbas ng 4%. Ang salik na kung

may iba pang sagot ay may bilang na dalawa (2) na katumbas ng

0.49%.

Suliranin Bilang 3 Bilang mag-aaral, ano sa iyong palagay ang epekto ng

stress sa mga sumusunod na mga aspeto?

1.1) Pisikal

1.2) Sosyal; at

1.3) Mental

Talahanayan 3

Ang Epekto ng Stress ayon sa Iba’t-ibang Aspeto

Kraytirya Mean Interpretasyon


2.1 Ako ay madalas na 2.06 HSA
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
magkasakit.
2.2 Nagkaroon ako ng 2.56 SA

tigyawat.
2.3 Ako ay nakakaranas 3.21 SA

ng labis na kapaguran..
2.4 Nadaragdagan o 2.60 HSA

nababawasan ang aking

timbang.
2.5 Ako ay nakararanas 2.10 HSA

ng paglalagas/pamumuti

ng buhok.
2.6 Ako ay hindi na 2.70 SA

makatulog nang maayos o

mahimbing sa gabi.
2.7 Ako ay nakararanas 2.82 SA

ng stress eating o pagkain

ng sobra sobra
Kabuoan 2.58 SA

Kraytirya Mean Interpretasyon


3.1 Ako ay nagiging 2.49 HSA

mailap sa mga tao sa

akig paligid.
3.2 Ako ay minsan 2.80 SA

mahirap intindihin o

unawain.
3.3 Ako ay nakararanas 3.14 SA

ng pressure sa pag-

aaral.
3.4 May pagkakataong 2.73 SA

inilalayo ko ang aking

sarili sa mga tao.


3.5 Ako ay nahihirapan 2.76 SA
CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
na ihayag ng lubusan

ang aking sarilisa ibang

tao.
Kabuoan 2.78 SA

Kraytirya Mean Interpretasyon


4.1 Ako ay nakararanas 2.54 SA

ng takot.
4.2 Ako ay 2.16 HSA

nagkakaroon ng

“suicidal thoughts”.
4.3 Ako ay nakararanas 2.84 SA

ng pagkalito.
4.4 Ako ay nakararanas 2.79 SA

ng labis na kalungkutan.
4.5 Ako ay nakararanas 2.46 HSA

ng pagkabalisa.
4.6 Bumababa ang 2.79 SA

tingin ko sa aking sarili.


4.7 Ako ay nawawalan 2.9 HSA

ng konsentrasyon o

pokus sa aking

ginagawa
4.8 Ako ay 2.55 SA

nakakaramdam ng

negatibong emosyon

(halimbawa: depression

at social anxiety).
Kabuoan 2.63 SA

Gabay sa Interpretasyon

Mean Deskripsiyon Interpretasyon

4.00 – 3.26 = Lubos na Sumasang-ayon (LSA)


CENTRO ESCOLAR INTEGRATED SCHOOL
3.25 – 2.51 = Sumasang-ayon (SA)

2.50 – 1.76 = Hindi Sumasang-ayon (HSA)

1.75 – 1.00 = Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS)

You might also like