You are on page 1of 11

HEALTH 5

QUARTER 2 – MODULE 2

MGA MALING PANINIWALA O

MISCONCEPTIONS KAUGNAY NG
PAGBIBINATA AT PAGDADALAGA
Part I.
A. Pagpapakilala
Isa sa mga kaakibat ng paglaki ay ang maraming paniniwalang Pilipino tungkol sa pagbibinata at
pagdadalaga. Halos lahat ng panig ng bansa ay may kaniya-kaniyang paniniwala na dapat sundin at gawin
upang makaiwas sa mga suliranin na dulot ng paglaki. Marami sa mga paniniwalang ito ay walang
siyentipikong basehan kung kaya’t hindi dapat paniwalaan.

Sa araling ito, tatalakayin ang mga sinaunang paniniwala na walang

basehan at ang mga medikal na pagsasalungat sa mga ito. Pangunahin na
paksa sa mga paniniwalang walang basehan ay ang pagreregla ng dalaga at
mga paniniwala tungkol sa pagbibinata.

B. Talakayan
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagkakaroon ng Regla
Ang pagdadalaga ay isang pangyayari na nahahaluan ng kaba
at takot. Isa na rito ang pagkakaroon ng unang regla o menarche. Sa
kultura at tradisyong Pilipino, napakaraming paniniwala ang dapat
sundin ng isang nagdadalaga. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
madalas na marinig mula sa mga matatanda na dapat sundin sa
panahon ng pagdadalaga. Ang bawat isang paniniwala ay kinapapalooban ng mga paliwanag at
medikal na pagsasalungat sa mga nasabing paniniwala.

1. Bawal maligo ang isang babae sa panahon ng kabuwanan o pagreregla

Maling paniniwala. Sinasabing ang isang babaeng nasa kabuwanan o may regla ay
hindi dapat maligo dahil ito ay may masamang dulot sa kanyang pag-iisip. Naniniwala ang
mga Pilipino na ang isang babaeng naligo sa kanyang kabuwanan ay mababaliw.

Siyentipikong paliwanag, Walang nakikitang koneksiyon ang pagligo sa panahon ng

kabuwanan at pagkabaliw ng isang babae. Bagkus, ang pagligo araw-araw lalo na sa panahon
ng kabuwanan ay mainam dahil ang katawan ay nalilinis at nagiging maganda ang
pakiramdam. Nararapat na maligo ng maligamgam na tubig at kuskusin ng sabon ang buong
katawan upang matanggal ang mga dumi at mikrobyo. Mainam ding hugasan ang ari ng
madalas upang matanggal ang malansang amoy at maiwasan ang pagdami ng mikrobyo na
magiging sanhi ng impeksyon.

2. Bawal magbuhat ang isang babae ng mga mabibigat na bagay o kaya ay magtrabaho
ng mabibigat na gawain sa panahon ng kabuwanan

Maling paniniwala. Sinasabi na kapag nagbuhat nang mabigat ang isang babae ay
mapi- pigil ang paglabas ng dugo na makasasama sa kalusugan.

1
Siyentipikong paliwanay, Walang nakikitang cpckto ang pagbubuhat sa paglabas ng
regla. Maraming kababaihan ang nagbubuhat ng mga bagay sa panahon ng regla ang
nagiging maayos ang pakiramdam. Ang pagbubuhat ng mga bagay ay isang uri ng ehersisyo
na nakatutulong maibsan ang kirot na dulot ng dysmenorrhea.

3. Bawal makilahok sa mga gawain na pampalakasan o

isports at ehersisyo ang isang babae sa panahon ng
kabuwanan

Maling paniniwala, Masama ang paglahok sa mga gawaing

pampalakasan o kaya ay mag-chersisyo tuwing kabuwanan dahil
makapagpapatagal ito sa pagreregla at mas maraming dugo ang lalabas sa
katawan.

Siyentipikong paliwanag. Ayon sa pag-aaral, ang pagsali sa mga

gawaing pampalakasan at pag-echersisyo ay nakapagdudulot ng magandang
pakiramdam sa katawan. Sa panahon na aktibo ang tao sa mga pisikal na
gawain, ang katawan ay naglalabas ng endorphins. Ang endorphins ay mga
natural na painkiller ng ating katawan na pumipigil o pumapatay sa sakit na
ating nararamdaman.

4. Bawal sa isang babae sa panahon ng kabuwanan na kumain ng kahit anong uri ng

maaasim at maaalat na pagkain

Maling paniniwala, Ang pagkain ng maaasim at maaalat na pagkain tuwing

kabuwanan ay nakapagpapatigil ng daloy ng dugo na magiging dahilan ng hindi paglabas ng
mga dumi sa katawan.

Siyentipikong paliwanag. Walang nakikitang malinaw na koncksiyon na ang

pagkain ng mga maaasim at maaalat na pagkain ay nagdudulot ng pananakit ng puson kapag
kabuwanan. Bagkus, ang mga maaasim na prutas ay mayaman sa bitamina C na nakatutulong
sa katawan. Ang pagbabawas naman ng pagkain ng maaalat na pagkain ay mainam dahil sa
masamang epekto na dulot ng sobrang pagkain nito sa katawan.

5. Mabuting panghugas o pampahid ng mukha ng babae ang unang regla

Maling paniniwala, Ang paggamit ng unang regla na panghugas o pampahid sa
mukha ay mainam dahil nakababawas o nakatatanggal ito ng mga tigyawat.

Siyentipikong paliwanag, Ang mukha ng isang nagdadalaga ay normal na nagiging

pawisin at malangis dahil sa pagiging aktibo ng mga swear at oil glands sa mukha ngunit ang
paggamit ng unang regla na panghilamos sa mukha ay taliwas sa wastong pangkalusugang-
gawi. Ang tamang paglinis ng mukha ay ang paggamit ng tubig at sabon na hindi matapang at
pagdampi ng malinis na tuwalya.
2
Mga Paniniwala Tungkol sa Pagbibinata
1. Ang pagpapatuli ay nakapagpapabilis ng pagtangkad
Maling paniniwala, Mainam na ang isang nagbibinata ay mapatuli agad upang
mapabilis ang pagtangkad. Ang pagpapaliban ng pagpapatuli ay nangangahulugang hindi
pagtangkad at paglaki ng isang lalaki.

Siyentipikong paliwanag, Sa mga Pilipino, ang pagpapatuli ay ginagawa sa panahon

ng pagbibinata kung kailan mabilis ang pagtangkad. Dahil nagsasabay ang pagpapatuli at ang
mabilis na pagtangkad ay inaakala ng karamihan na ang pagpapatuli ang dahilan ng mabilis
na pagtangkad. Ang totoo, ang pagbibinata ang dahilan ng mabilis na pagtangkad at hindi ang
pagpapatuli. Kailangang magpatuli ang mga batang lalaki upang maiwasan ang impeksiyon.

2. Kapag nakita ng babae ang ari ng bagong tuli na lalaki, ito ay mamamaga at mas
matagal gumaling

Maling paniniwala, Mahigpit na ipinagbabawal na ipakita o makita ng isang babae

ang ari ng lalaki na bagong tuli dahil ito ay mamamaga o mangangamatis, at mas tatagal ang
paggaling.

Siyentipikong paliwanag, Sa panahon na tinuli ang isang lalaki ay hindi maiiwasan

na ito ay maimpeksiyon dahil sa sariwang sugat. Ang nararapat na gawin ay hugasan ito ng
maligamgam na tubig araw-araw, panatilihin na tuyo, at palitan ng gasa upang maiwasan ang
impcksiyon. Maaaring inuman din ito ng gamot na inireseta ng doktor tulad ng mga
antibiotics at anti-inflammatory.

3. Ang pagkakaroon ng nocturnal emission o wet dream ay may

kinalaman sa pag-iisip ng tungkol sa sekswal na kaisipan

Maling paniniwala, Ang nocturnal emission o wet dream

ay isang makasalanang Gawain at dapat pigilan o ipahinto.

Siyentipikong paliwanag, Ang nocturnal emission ay isang

natural na pangyayari sa isang nagbibinata. Nangyayari ito madalas
sa gabi kung kailan tulog ang tao at pagkagising $a umaga ay
mapapansin na basa ang kaniyang damit-pantulog o salawal. Hindi
dapat matakot o mahiya dahil ito ay normal at senyales ng pagiging
binata na.

C. Pagbasa
Gaano katagal ang normal na pagreregla?

3
Ang pinakamadalas na regular na tagal ng pagreregla ay ay 3-5 araw. Ngunit ang dalawa
hanggang pitong araw ay normal pa rin. Kumonsulta sa inyong doktor kung higit sa isang linggo
ang pagdudugo kapag ikaw ay niregla o kapag biglaang nagbago ang regular mong regla. Lalo na
kung dahil sa tagal ng regla at dami nito ay namumutla ka na. Pwede kasing magkaroon ng anemia
dahil sa lakas ng pagreregla.
May mga kondisyon din na iregular ang interval ng regla. Minsan matagal na mawawalan ng
regla. Kailangan ding magpacheck-up dahil baka may problema sa iyong matris at makakaapekto ito sa
kakayahan mong magbuntis. Mga benepisyo ng pagtutuli:

1. Kung ang bata ay tuli, ang mga pagkakataon na magkaroon ng mga sakit sa ihi ay magiging mas
mababa.

2. Ang isang tuli na ari ay mas madaling panatilihing malinis at makakaiwas sa posibleng
impeksiyon.
3. Maaaring magkaroon ng isang mas mababang pagkakataon ng paghihirap mula sa kanser ng ari
ng lalaki, karaniwang 1 sa 10,000 lalaki ay mayroon nito.

4. Binabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng iba pang mga sakit na nakukuha sa sakit na
sekswal tulad ng HIV, syphilis at gonorrhea ng isang o apektadong babaeng nahawa.

Dagdag Kaalaman:
Karamihan sa mga kababaihan ay mawawalan ng mas mababa pa sa 16 kutsarita ng dugo (80ml)
kada menstrual cycle o buong panahon na may regla. Ang mabigat na pagdurugo (heavy blood loss) sa
panahon ng regla ay tinukoy bilang pagkawala ng 80ml o higit pa sa bawat menstrual cycle, at pagkakaroon
ng pagdurugo na tumatagal ng mas mahaba kaysa sa 7 araw, o pareho. Ngunit hindi karaniwang
kinakailangan masukat ang pagkawala ng dugo.

Part II. Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Gayahin ang graphic organizer sa iyong sagutang papel. Pumili sa loob ng kahon ng limang
misconceptions kaugnay ng puberty o pagdadalaga at pagbibinata at Isulat ito sa loob ng ginuhit na
graphic organizer

• Ang pagtuli ay nakatutulong sa pagpapatangkad ng isang batang lalaki.

• Ang mga prutas na mayaman sa bitamina C ay mabuti sa katawan ng isang babaeng may regla.
• Ang pagligo at pagbasa ng buhok kapag kabuwanan ay nagiging dahilan ng pagkabaliw ng
babae.
• Kapag may regla ang isang babae ay maaari pa rin na makilahok sa mga isports o ehersisyo.
• Ang nocturnal emission ay isang natural na pangyayari sa isang nagbibinata
• Ipinagbabawal na ipakita o makita ng isang babae ang ari ng lalaki na bagong tuli.
4
Misconceptions
kaugnay ng puberty
pagbibinata

Gawain 2
• Huwag magbubuhat ng mabibigat kapag kabuwanan dahil makabababa ito ng matres.
• Tumalon daw sa tatlong baytang sa hagdanan para umabot lamang ng tatlong araw ang
pagreregla at di na hihigit pa.
Ano sa mga misconception tungkol sa pagdadalaga o pagbibinata ang nasabi na sa iyo ng iyong mga
magulang, lolo, lola, o mga kakilala? Pumili ng dalawang misconception at iguhit ito sa isang malinis na
papel. Isulat sa ibaba nito ang tamang kadahilanan sa paniniwalang iyon.

_______________________________________________________________________________________

Pamantayan Mga Antas ng Nakamit

10 8 6 4 2
Kaugnayan ang mga ang mga ang ilang mga maliit na Walang
ng materyal napiling materyal na napiling materyal materyales na napiling mga
materyal ay napili ay halos ay may napili ay may materyal na
sa
pawang nauugnay at kaugnayan at kaugnayan at nauugnay at
pangunahin nauugnay at konektado sa medyo konektado bihirang hindi
g ideya malinaw na pangunahing sa pangunahing konektado sa konektado sa
konektado sa ideya ideya pangunahing pangunahing
pangunahing ideya ideya
ideya

Susi ng Pagwawasto (Mga Gawain)

Gawain 1

Ang pagtuli ay nakatutulong sa pagpapatangkad ng isang batang lalaki.

Ang pagligo at pagbasa ng buhok kapag kabuwanan ay nagiging dahilan ng pagkabaliw ng babae.
Ipinagbabawal na ipakita o makita ng isang babae ang ari ng lalaki na bagong tuli.
Huwag magbubuhat ng mabibigat kapag kabuwanan dahil makabababa ito ng matres.
5
Tumalon daw sa tatlong baytang sa hagdanan para umabot lamang ng tatlong araw ang pagreregla at di na
hihigit pa.

Gawain 2
Pamantayan Mga Antas ng Nakamit
10 8 6 4 2
Kaugnayan ang mga ang mga ang ilang mga maliit na Walang
ng materyal napiling materyal na napiling materyal materyales na napiling mga
materyal ay napili ay halos ay may napili ay may materyal na
sa
pawang nauugnay at kaugnayan at kaugnayan at nauugnay at
pangunahin nauugnay at konektado sa medyo konektado bihirang hindi
g ideya malinaw na pangunahing sa pangunahing konektado sa konektado sa
konektado sa ideya ideya pangunahing pangunahing
pangunahing ideya ideya
ideya

Part III. Pangkalahatang Gawain

A. Panuto: Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na paniniwala tungkol sa pagbibinata at
pagdadalaga. Isulat sa sagutang papel ang T kung ito ay tama at M kung mali.

1. Ang pagtuli ay nakatutulong sa pagpapatangkad ng isang batang lalaki.

2. Ang mga prutas na mayaman sa bitamina C ay mabuti sa katawan ng isang babaeng may regla.

6
3. Dahil nagsasabay ang pagpapatuli at ang mabilis na pagtangkad ay inaakala ng karamihan na ang
pagpapatuli ang dahilan ng mabilis na pagtangkad.

4. Ang pagligo at pagbasa ng buhok kapag kabuwanan ay nagiging dahilan ng pagkabaliw ng babae.
5. Kapag may regla ang isang babae ay maaari pa rin na makilahok sa mga isports o ehersisyo.
6. Ang nocturnal emission ay isang natural na pangyayari sa isang nagbibinata
7. Bawal sa isang babae sa panahon ng kabuwanan na kumain ng maaasim at maaalat na pagkain.
8. Ipinagbabawal na ipakita o makita ng isang babae ang ari ng lalaki na bagong tuli.
9. Huwag magbubuhat ng mabibigat kapag kabuwanan dahil makabababa ito ng matres.
10. Ang paggamit ng unang regla na panghugas o pampahid sa mukha ay mainam dahil
nakababawas o nakatatanggal ito ng mga tigyawat.

B. Isulat sa sagutang papel ang mga tamang kadahilanan tungkol sa mga sumusunod na paniniwala na
may kaugnayan sa pagbibinata o pagdadalaga.

1. Bawal magbuhat kapag may regla dahil, ______________________________________________.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

2. Bawal maligo kapag may regla dahil, ______________________________________________.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

3. Bawal makita ng babae ang ari ng bagong tuli dahil,

___________________________________________.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

4. Dapat magpatuli upang tumangkad agad dahil, ______________________________________________.

_______________________________________________________________________________________

7
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

5. Ang unang regla ay mainam na ipahid sa mukha dahil,

_________________________________________.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

C. Gumawa ng isang maikling video skit tungkol sa mga maling paniniwala sa pagdadalaga at pagbibinata.
Ipaliwanag sa dulo ng video kung bakit natin kailangang ibase muna sa mga siyentipikong batayan ang mga
ito bago natin gawin ang mga paniniwalang iyon.

Pamantayan Mga Antas ng Nakamit

5 4 3 2 1
Kaugnayan ang mga ang mga ang ilang mga maliit na Walang
ng materyal napiling materyal na napiling materyal materyales na napiling mga
materyal ay napili ay halos ay may napili ay may materyal na
sa
pawang nauugnay at kaugnayan at kaugnayan at nauugnay at
pangunahin nauugnay at konektado sa medyo konektado bihirang hindi
g ideya malinaw na pangunahing sa pangunahing konektado sa konektado sa
konektado sa ideya ideya pangunahing pangunahing
pangunahing ideya ideya
ideya
Paggamit ng mahusay na mahusay na sapat na limitadong Walang
ba't ibang pagkakaiba-iba pagkakaiba-iba pagkakaiba-iba pagkakaiba-iba ginamit na
mga larawan ng mga larawan ng mga larawan ng mga larawan ng mga mga larawan
na ginamit na ginamit na ginamit upang larawan na upang mabuo
upang
upang bumuo upang paunlarin paunlarin ang ginamit upang ang
bumuo ng ng pangunahing ang pangunahing paunlarin ang pangunahing
pangunahin ideya pangunahing ideya pangunahing ideya
g ideya ideya ideya

9. B.

8
Guro ang mag wawasto
C.
Pamantayan Mga Antas ng Nakamit
5 4 3 2 1
Kaugnayan ang mga ang mga ang ilang mga maliit na Walang
ng materyal napiling materyal na napiling materyal materyales na napiling mga
materyal ay napili ay halos ay may napili ay may materyal na
sa pawang nauugnay at kaugnayan at kaugnayan at nauugnay at
pangunahing nauugnay at konektado sa medyo konektado bihirang hindi
ideya malinaw na pangunahing sa pangunahing konektado sa konektado sa
konektado sa ideya ideya pangunahing pangunahing
pangunahing ideya ideya
ideya
Paggamit ng mahusay na mahusay na sapat na limitadong Walang
ba't ibang pagkakaiba-iba pagkakaiba-iba pagkakaiba-iba pagkakaibaiba ginamit na
mga larawan ng mga larawan ng mga larawan ng mga larawan ng mga mga larawan
na ginamit na ginamit na ginamit upang larawan na upang mabuo
upang upang paunlarin ginamit upang ang
upang bumuo paunlarin ang
bumuo ng ng pangunahing ang pangunahing paunlarin ang pangunahing
pangunahing ideya pangunahing ideya pangunahing ideya
ideya ideya ideya

Sanggunian:
A. Book
Gatchlian, Helen G., et.al. 2016 Masipag at Malusog na Katawan at Isipan.1253 Gregorio Araneta
Avenue, Quezon City, Philippines. Vibal Group, Inc.

B. Online Resources
Mga pamahin sa pagreregla... https://web.facebook.com/kalusuganpinoy/photos/mga-pamahiin-sa-
pagrereglahindi-totoo-mga-ito1hindi-pwede-maligo-ang-babaeng-ma/981465892223585/?
_rdc=1&_rdr

9
Mga pamahiin
https://pdfslide.net/documents/mga-pamahiin-56846e0c0f5ef.html Girl
on period

https://thumbs.dreamstime.com/b/illustrazione-mestruale-di-dolore-100593389.jpg
Circumcision Clipart https://www.tgifjoke.com/2015/tonsils.gif

https://winapay.com/games/864/difference-between-circumcised-amp-uncircumcised-
Pagtutuli Cartoon http://1.bp.blogspot.com/-

x6PGJsUc9Pk/TfI7u52GnsI/AAAAAAAAAI4/XygheeknaZw/s320/OT.jpg Gaano
katagal ang normal na pagreregla

https://www.drdrlads.net/2020/09/gaano-katagal-ang-normal-na-pagreregla.html?m=0 Benepisyo
ng pagtutuli

https://www.philstar.com/opinyon/2012/06/21/819704/benepisyo-ng-pagpapatuli

10

You might also like