You are on page 1of 14

MGA SANHI AT BUNGA NG STRESS

Isang Pananaliksik

Ipinasa kay:

Gng. Marilou Cortez, M.A. Ed.

Carlos Hilado Memorial State College - Talisay

Iba’t ibang Dsiplina sa Filipino

( FILDIS )

Ipinasa nina:

Arcenia, Clemente

Bonilla, Dexter

Jardeliza, Jastine

Layson, Fancis Eduard

Mayo, John Mark

BSHM 1 - A

Marso, 2020
ABSTRAK
PASASALAMAT

Sa kabusilakan ng aming puso, nais naming iabot ang aming buong pusong

pasasalamat sa lahat ng taong nagbigay ng kanilang walang sawang tulong at supporta

upang maisakatuparan at matagumpayan itong pag-aaral.

Unang-una sa Diyos Amang nasa langit,

na nagbigay ng buhay. Sa kanyang walang sawang paggabay sa amin at sa talentong

kanyang ibinigay. At sa pagbigay ng kalinawagan sa aming isip at kapayapaan sa aming

puso na lalong nag patibay sa amin sa paggawa at pagtapos nitong pag-aaral.

Sa aming mga magulang,

na walang sawa sa pagsupporta sa aspetong pinansyal at moral. At sa kanilang

buong pusong pag-intindi at pagunawa sa kabila ng laging gabi naming paguwi sa

kagagawa nitong pag-aaral.

Sa aming mga kamag-aral at kaibigan,

na laging handang tumulong at hindi nagsawang palakasin ang aming loob sa mga

oras na kami ay pinanghihinaan.

Sa aming guro, Gng. Marilou Cortez,

na hindi nagkulang sa pagtulong upang maisaayos ng mabuti itong aming pag-aaral

at sa kaniyang pag-unawang ibinigay.

Muli, maraming salamat po.

- Mga Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA I

INTODUKSYON
Paglalahad ng mga Suliranin

Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang tungkol sa mga sanhi

at bunga ng stress.

Ispisipikong layunin ng pag-aaral na ito ay masagutan ang mga sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano ang Stress?

2. Ano ang mga uri ng stress?

3. Ano ang mga Sanhi ng Stress?

4. Ano ang Bunga ng Stress?

5. Paano maiiwasan ang Stress?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil magbibigay ito ng unawa sa bawat isa tungkol sa

stress. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maaaring makahanap ng mabisang paraan at

solusyon upang maiwasan ang stress. Higit sa lahat makakatulong ito sa guro, maging sa

mga magulang na gustong malaman na kung paano nila matutulungan ang kanilang mga
estudyante at mga anak upang mabawasan ang stress.

Kahulugan ng mga Terminolohiyang ginamit

Ang mga sumusunod na salita ay mga terminolohiyang ginamit sa pananaliksik na

binigyan ng kahulugan;

Depresyon

- ay isang kalagayan ng mababang kalooban at pag-ayaw sa aktibidad na maaaring

makaapekto sa kalusugan. ( Konseptwal )

- isang kalagayan ng panlulumo o lubhang pagkalungkot, mababang oagtingin sa

sarili, at kawalan ng interes sa mga nakasisiyang gawain. ( Operasyonal )

Emosyon

- ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkot, pagmamahal at iba pa.

Kontrol

- maehersisyo ang pagkontrol o pagbibigay ng direksyon sa mga bagay.

Stress

- isang uri ng karamdaman na kung saan ikaw ay nahihilo at ito ay kadalasan


nangyayari sa paaralan at trabaho sa sobrang pagod n nararanas. Ang stress ay anumang

sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam at damdamin sa isang tao.

Tahanan

- isang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya. Dito maaring makaroon ng

interaksyon ang mga myembro ng pamilya.

Trabaho

- ano mang bagay na obligadong gawin ng isang tao.

Saklaw ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay impormasyon at rason ng

pagkakaroon ng stress. Saklaw nito ang Mga Sanhi at Bunga ng Stress. Nakatoun ang

pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng Carlos Hilado Memorial State College sa kursong

Hospitality Management ng 1 - A na nakakaranas ng stress sa kani-kanilang buhay.


KABANATA II

PAGLALAHAD NG MGA DATOS

Ang mga kaalaman tungkol sa Stress

Ang stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam at

damdamin sa isang tao. Ang isang sitwasyon ay maaaring maging stress sa isang tao,

ngunit hindi para sa isa pa. Bagkus, hindi lahat ng tao ay nakakaranas na iisang

pakiramdam at damdamin kapag na stress. Ang pagkastress ay tumutukoy sa kawalan ng

balanse sa pagitan ng isang pinaghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng

indibidwal na umaksyon dito.

Mga iba’t-ibang uri ng stress

Physiological stress

Ay maaaring maging sanhi ng direktang epekto ng iba't- ibang mga negatibong mga

kadahilanan (sakit, malamig, init, gutom, uhaw, pisikal na labis na trabaho, atbp.) sa

katawan ng tao.

Sikolohikal na stress

Ay nag-trigger sa pamamagitan ng mas banayad at madalas na subjective na bagay,

tulad ng: panlilinlang, mang-insulto, panganib, labis na karga ng impormasyon, atbp.


Emosyonal na stress

Ay nangyayari sa mga sitwasyon na direktang panganib ang isa sa kaligtasan

(krimen, aksidente, digmaan, malubhang sakit, atbp.), social katayuan ng isang tao, pang-

ekonomiyang kagalingan o interpersonal relasyon (pagkawala ng trabaho, problema sa

pamilya, atbp.).

Ang Stress ay maaaring mangyari sa kaso ng labis na karga ng impormasyon, kapag

ang isang tao na nagdadala ng isang buong responsibilidad ay hindi magagawa upang

gawin ang mga tamang desisyon sa tamang oras. Iba't - ibang mga uri ng mga

dispatchers, traffic controllers o operator ng teknikal na mga sistema ng pamamahala ay

lalo na mahina laban sa ganitong uri ng stress.

Hindi alintana ang kalikasan at uri ng stress, ang pinakamahalaga ay upang simulan

ang pagharap sa mga ito sa oras, kaya huwag hayaan ang pagkapagod maging sanhi ng

kapahamakan sa iyong sarili.

Ang mga Sanhi ng Stress

Maraming sanhi ang stress at ito ay magka-iba sa iba-ibang indibidwal. Ang iyong

tinutiring na stress ay depende rin sa maraming mga dahilan kabilang na ang iyong

personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taong nariyan para sumuporta.

Ang isang bagay na nakakstress sa iyo ay maaaring nakatutuwa pala para sa iba. (Jaff-

Gill et. al. 2007)


Ayon sa Holmes- Rahe Life Stress Inventory, ito ang mga unang sampung

nakakastress na pangyayari:

1. Pagkamatay ng asawa

2. Diborsyo

3. Paghihiwalay ng asawa

4. Pagkakulong

5. Pagkamatay ng isang malapit na kamag-anak

6. Karamdaman

7. Pag- asawa

8. Pagkawala ng trabaho

9. Pagkasa- ayos ng relasyon ng mag-asawa

10. Pagbitiw sa trabaho.

Ang mga ilang sanhi ng stress o tensiyon ay maaring magmula sa isa o kombinasyon

ng mga sumusunod: problemang pinansiyal, di pagkakasundo sa pamilya o sa trabaho,

kawalan ng balanse sa pangangailangan ng oras at atensyon ng pamilya at trabaho,

pagkaroon ng mababang sahod o ang kawalan ng tahanan, pagkawala o pagkamatay ng

isang mahal sa buhay o kaibigan, away sa pamilya o labas ng tahanan, pagkasakit,

aksidente, pagiging biktima ng karahasan o iba pang trauma, pag-aabuso ng alak o droga,

o di sapat na nutrisyon. Nakakadulot rin ng stress ang culture shock na nararanasan ng

mga migranteng manggagawa na baguhang naninirahan sa ibang bansa na iba ang kultura

ng mga amo at katrabaho kumpara sa nakasanayan. Kabilang na rito ang pagharap sa isyu
ng rasismo (racism) o iba pang uri ng diskriminasyon na maaaring nararanasan sa

kadahilanang orientasyong sekswal, edad, relihiyon, lahi, kultura, atbp.

Ag mga Bunga ng Stress

Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang tao sa kanyang

pampisikal at sa pagisip. Ito ay maaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o

pagkalungkot, atake sa puso, matinding pagsakit ng ulo, atbp.

Ang tuloy-tuloy na stress ay nakakaapekto sa pangaraw-araw na gawain,

nagpapababa ng pagpapahalaga sa sarili, nakakapanira ng magandang relasyon sa

tahanan at kaibigan, pagbabawas sa gana at pagiging produktibo sa trabaho at

humahantong sa matinding pagsisi sa sarili. Ang sobrang stress ay makadudulot din ng

iba't-ibang sakit kung hindi mo ito maikontrol. Makakaapekto ito sa kalusugan, emosyon

at buong pagkatao ng isang tao, at maaari din ito ang maging dahilan ng maagang

kamatayan.

Mga paraan sa pag iwas ng Stress

Ayon sa isang pahayag ng Huffington, may limang hakbang upang maiwasan ang

stress:
Una,

Isipin kung paano mo tingnan at bigyang pansin ang mga bagay-bagay. Iwasan ang

pagbibigay atensyon sa maraming bagay na nakapaligid sayo. Iwasan ang pag-iisip ng

mga hindi magagandang pangyayari sa buhay. Kung ikaw ay nalulungkot o distracted at

nadidismaya sa mga bagay na nangyayari sa iyo, Humanap ng paraan na pwede mong

pagkaabalahan Aanad na lamang ng yoga, cooking lesson o crafts at iba pang proyekto.

Masyadong malakas ang utak ng isang tao, kaya nitong imanipula ang buong kilos mo,

kung ang lahat ng bagay ay hahanapan mo ng positibong epekto, BIG STEP ito sa pag-

iwas sa stress. Huwag mo lamang basta kalimutan ang nagpapa-stress sa iyo, isigaw mo

ito. Maaari mong lasapin ang sakit at problema na nakakapagpabagabag sa iyo, at ilabas

ito sa pamamagitan ng salita. Sa isang sigaw mo ay maaaring mailabas ang negatibong

epeko nito sa iyong loob.

Pangalawa,

Gamitin ang imahinasyon sa pagbabago ng mga pangayayari sa buhay, hanggang

maging totoo na ito. Mag-meditate ka tuwing nakakaramdam ng stress. Isa itong paraan

upang i-relax ang utak at isip. Isipin mong walang stress sa mundo. Umisip ng lugar at

oras na gusto mo. Isipin mong tahimik at payapa ang mundo mo. Hindi man ito totoo,

darating ang panahon na lahat ng pinapasan mo ay mawawala rin.

Pangatlo,

Isipin na ang buhay mo ay isang Film o palabas. Isa kang director sa sarili mong

buhay. Nasa sayo ito kung gusto mong maging comedy, malungot at horror ang buhay
mo. Umisip ka ng paraan para mapaganda ang takbo ng istorya nito, kontrolahin moa ng

bawat tao sa imahinasyon mo.

Pang-apat,

Mag-FOCUS sa mga mahahalagang bagay lamang. Ang buhay ay masaya at

napakaganda. Iwasan mo ang magpaapekto sa mga bagay na makakasira at makakasama

para sa iyo. Iwasan ang pagiging negatibo sa buhay at ugaliing maging kuntento. Huwag

humanap ng mali sa sarili at ikumpara ang buhay mo sa ibang mas nakaka-angat sa iyo.

Pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka at pag-aari mo. Hind kinakailangan na lahat

ng mayroon ang iba ay nasa iyo rin. Maganda ang mamuhay ng tahimik, masaya at

produktibo. Ang lahat ng mahahalaga, ay dapat unahin.

At pang-huli,

Maging masaya ka para sa iyong sarili, huwag mong hayaang sirain ka ng stress

dahil yan ang magpapabagsak sayo. Ang stress ay nasa utak lamang ng lahat at maaaring

makaapekto sa isang tao sa maraming paraan, ngunit huwag pairalin ito. Hindi maganda

ng idudulot nito sa relasyon mo sa mga taong nakapalibot sa iyo. Sa lahat ng bagay na

nangyayari sa sayo, tingnan mo ng positibo ito at gawan ng hakbang at hanapan ito ng

solusyon. Kung ikaw ay magiging masayang tao, mas magiging positibo ang mga

gagawin mo sa hinaharap.

Ang stress o minsa’y tinatawag na tensiyon sa Pilipino ay isang sitwasyon na kung

saan ay dumadaan sa pakiramdam na ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na

kapaguran at tila nawawalan ng pag-asa.

You might also like