You are on page 1of 2

PAGBIBIGAY PANSIN SA MENTAL HEALTH

Lahat tayo ay may tinatawag na “mental health”. At ito ay isang napakahalagang paksa na dapat mabigyang

atensyon ng ating lipunan. Ang mental health ay ang kalagayan ng isip at kung paano mag isip ang isang

tao. Sa kasalukuyang panahon, lumalaganap na ang iba’t ibang isyu patungkol dito. Karamihan sa ating mga

kababayan sa panaahon ngayon, marinig lang ang salitang “mental health” may mali na kaagad sa pag-iisip.

Hindi man lang nila napag tanto na iba ang mental health at iba rin ang mental disorders. Kaya mahalagang

mabigyan pansin ang isyu tungkol sa mental health.

Kapag pinag uusapan ang kalusugang pang kaisipan, papasok dito ang mga salitang; stress, anxiety,

depression, mental illness, at marami pang iba. Ang mga nabanggit na salita ay nakaka apekto sa katinuan

ng isang indibidwal. Halimbawa na lamang ang depresyon o ang labis na kalungkutan na nararamdaman ng

isang tao. Ang depresyon ay nabubuo sa isip ng tao marahil ay dahil sa patong patong na stress na

nararanasan niya. Ang stress, anxiety, at depression ay magkaka konekta. Stress, o problema na

bumabagabag sa isang tao. Kapag ito ay nagsabay sabay, may posibilidad na mapunta ito sa anxiety. Ang

anxiety ay ang pagkalito ng isang tao sa kung ano ang dapat niyang gawin. Dito ay mararanasan niya ang

pag o-overthink kung saan pinangugunahan na ng isip niya ang lahat ng kaniyang gagawin. At maaring

mapunta rin ito sa depresyon. Isang mental health issue na mahirap hanapan ng lunas. Maaring dahil sa

labis na kalungkutan ay pumapasok na sa kaniyang isip ang magpakamatay, mga suicidal thoughts. Dahil sa

sobrang dami ng kaniyang iniisip, nalilito na siya kung ano ang kaibahan ng tama at mali.

Depression din ang dahilan ng iilan sa mga estudyanteng nag-uudyok sa kanila upang kitilin mismo ang

kanilang sariling buhay. Sa kasalukuyan talagang napaka matunog ng isyung depresyon, mataas na ang

porsyento ng mga kabataang napapabalitang nag tatangkang magpakamatay sa kadahilanang depress sila.

Ilan sa mga ito ay dahil na rin sa pressure sa paaralan at sa kapaligiran na kanilang ginagalawan.

Tunay ngang napakaki ng epekto ng mental health sa buhay ng isang tao, lalo na sa mga estudyante.

Bilang estudyante, kinabukasan niyo rin ang nakasalalay dito. Hahayaan niyo na lamaang ba na lamunin

kayo ng kalungkuatn? Anxiety? Stress? Depression? Iisa lamang ang dapat na tandaan, kahit kalian hindi

magiging mabuti ang suicide sa lahat ng probema na kinahaharap ng isang tao.


Nararapat lamang na ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa lumalaganap

na isyung mental health. Ang mga sakit na may kaugnayaan sa kaisipan ay napaka halagang bagay na

kailangan natin malaman. Nararapat na matutunan natin na hindi natin dapat na minamaliit ang mga taong

nakararanas nito. Isa itong seryosong usapin na dapat mabigyang pansin at ‘wag baliwalain.

You might also like