You are on page 1of 1

Depresesyon di dapat baliwalain

By Orlando M. Toledo

Kumakalat ngayon sa social media ang tunkol sa pagpapatiwakal ng ilang mag-aaral dahil umano
sa pressure at nahihirapan sa mga self-learning mdules.

Ngunit ito nga ba ang tunay na dahilan?

Depresyon ang isa sa mga itinuturing na seryosong problema na kinakaharap natin ngayon dulot
ng pandemya. Marami ang pagbabagong naganap sa larangan ng edukasyon at karamihan sa
naaapektuhan ay ang mga kabataan.

Ayon sa WHO, ang depresyon ay resulta ng maraming pinagsamasamang sanhi. Maaaring


epekto ito ng ibang tao, stress, o piskikal na salik.

Kung napapansin natin na may sintomas ng depresyon an gating mga anak, bigyan kaagad natin
sila ng aagarang aksyon. Maari natin silang kausapin ng masinsinan at ipaunawa sa kanila ang mga
positibong pananaw sa buhay. Maaari rin tayong lumapit sa mga mental health professional para sa
counseling.

Sa panahon ngayon napakahalaga ng papel ng magulang upang magabayan ng tama ang


kanilang mga anak. Mahirap labanan ang depresyon, kaya huwag nating hayaan na matakot tayo ng
naturang sakit.

Tulungan natin ang mga kabataan, pakinggan natin ang kanilang mga hinaing, huwag nating
pagalitan kung sila ay nahihirapan sa Gawain na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral.

Tandaan, tayo ang sandigan ng ating mga kabataan, higit na kailangan nila ang lubos nap ag-
unawa at pagkalinga. Ipadama natin sa kanila na hindi sila nag-iisa, nandito tayo na handing dumamay sa
kanila sa lahat ng oras at panahon.

You might also like