You are on page 1of 3

Ang Memes at Epekto sa Emosyonal na Kalusugan ng mga

Estudyante sa Sekondaryang Lebel sa Paaralang Jesus Reigns


Christian Academy (edad 12 – 14) Taong - Aralan 2019

Introduksyon

Kaligirang Pangkasaysayan

Noong 1976, ipinakilala ng isang british evolutionary biologist na si Richard

Dawkins ang salitang meme. Ito ay galing sa salitang griyego na mimema, na

nangangahulugang “ginagaya”. Sa loob ng isang kultura ang meme ay barayti ng porm,

tulad ng ideya, kakayahan, pag-uugali at nauuso. Ang paggawa o pagpasa ng meme ay

nangyayari tuwing ang ginagaya ng isang tao ang isang impormasyon na nanggaling sa

ibang tao. Pangunahing ginagamit ang berbal, biswal, o kaya ang gadyets, telebisyon, e-

mail o ang internet sa pagpasa ng meme. Ang mga meme na nagiging matagumpay sa

paggaya at pagpasa ay ang pinaka nagiging patok o uso sa isang kultura. Kaugnay nito,

hindi lang paggaya ang mayroon sa memes, ito din ay nagbibigay saya sa mga tao lalo

na sa kabataan ng ating henerasyon.

Likas na sa isang estudyante ang pagiging masayahin kung kaya kapag ito ay

may nararamdaman na hindi mabuti, hindi natin napapansin lalo na kung tayo ay nasanay

sa kanilang personalidad. Isa sa maituturing na pangunahing suliranin ng mga kabataan

sa Henerasyong Z ay ang mental disorder o specifically ang depresyon. Sa kabilang

banda, ito ay kanilang ginagawang libangan upang malimot ng panandalian sa kanilang

nararamdaman. May mga pagkakataong hindi natin namamalayan na ang kausap natin

ay nakararanas na ng ganitong karamdaman, Kaya tatalakayin namin sa pananaliksik na


ito kung ano ang mga maaaring maging epekto ng memes sa emosyonal na kalusugan

ng kabataan.

Paglalahad ng Suliranin

Kahalagahan ng Pag-aaral

Importanteng malaman ang epekto ng isang meme sa ating pisikal at

emosyonal na kalusugan upang mas maunawaan natin kung ito ba ay nakakabuti para

sa ating emosyonal na kalusugan, o mas nakakadagdag ito ng masamang epekto sa

ating emosyonal na kalusugan. Maaring humantong sa mas malalim pang problema

para sa isang istudyante sa sekondaryang lebel ng pag-aaral.

Importante na pag-aralan ito at kung ano ang maiaambag nito upang

maging mulat tayo sa reyalidad na hindi lahat ng bagay ay negatibo ang naidudulot

,dahil sa kasalukuyang panahon ay maraming tao ang nahuhumaling sa memes at

maraming tao ang nagkakaroon ng problema sa emosyonal na kalusugan nila,nang

dahil pagkahumaling nila ay saya ang dulot nito sa kanila at panandaliang nakakalimot

sa kanilang mga problema.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagkalap ng impormasyon ukol sa epekto ng

memes sa emosyonal na kalusungan. Sakop nito ang mga estudyante partikular sa

kamaynilaan. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyante sa sekondaryang

lebel sa paaralang Jesus Reigns Christian Academy. Naniniwala ang mga mananaliksik

na dapat mas mabigyang pansin at mapalawak ang ganitong paksa upang makapag-

bigay ng sapat na kaalaman at maiwasan ang ganitong uri na suliraning panlipunan

You might also like