You are on page 1of 3

Pagtataya: Pagdadalumat-salita

Republic of the Philippines


CAVITE STATE UNIVERSITY
Imus Campus
Cavite Civic Center Palico IV, Imus, Cavite
🕿🖷 (046) 471-66-07 / 4366584
www.cvsu-imus.edu.ph

GNED 12: Dalumat ng/sa Filipino


Ikalawang Semestre, TP 2021 - 2022

APELYIDO, PANGALAN: Peña Ivan Gabriel A.


Seksiyon: BSCS 1C
Petsa ng Pagpapasa: 24/03/2022

INSTRUKSIYON:

I. Pagtukoy. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa anyong patalata o pasanaysay.


Gumamit ng sariling pananalita at estilo sa pagpapaliwanag.

1. Ano ang kaugnayan ng intelektuwalisasyon sa pagtuturo ng kursong Dalumat at sa iba


pang mataas na antas na kursong Filipino sa kolehiyo?
Ang pagtuturo ng kursong Dalumat at iba pang may kinalaman sa wikang Filipino sa
kolehiyo ay isa pa ring bahagi ng malaking importansya hindi lamang sa wika, kundi pati na rin
sa pagbigay diin, at paglalim ng kaalaman sa ating kultura, wika, at pangkalahatang kaalaman
patungkol sa Filipino. Marami na akong nakikitang artikulo mula sa internet na sinasabing dapat
nalang dat tanggalin ang kursong Filipino sa kolehiyo, ngunit ako ay tuwid na tumatayo upang
ipaglaban na dapat itong panatiliin sa kolehiyo, dahil ang wikang Filipino ay ang ating
pambansang wika na itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas. Patuloy rin itong pinayayabong ng
lahat upang ang wikang ginagamit na ito ay napapaunlad ng mga mamamayan. Napakaraming
paraan na kung saan pwede natin itong maging kalamangan, kaya nararapat din itong panatiliin at
ipagpatuloy na ituro sa mga magaaral.

2. Ano-ano ang mga lumang paniniwala o palagay tungkol sa wikang Filipino, araling
Filipino o teoryang Filipino at paano natin ito dapat baguhin?
Ang pinaka-karaniwang lumang paniniwala ay hindi daw sapat at malayo sa posibilidad
na magamit ang wikang filipino sa larangan ng pagteteorya. Madalas rin itong nakikitang
“mababaw” kung sakaling ito ang ituturo sa mga aralin ng Filipino dahil mas nangingibabaw pa
rin ang sakop ng paggamit ng ingles sa pagteteorya, pang akademya, pagtuturo, at sa pang araw
araw na komunikasyon.

3. Bagaman magkaugnay, ang salitang “teorya” at ang terminong Filipinong “Dalumat” ay


hindi eksaktong salin ng isa’t isa. Ano ang paliwanag sa pagkakaiba ng dalawang salita at
bakit ginagamit ang salitang Dalumat sa kursong kolehiyo?
Ang salitang teorya ay isang salitang langyaw na inangkop sa baybay Filipino. Ngunit ang
salitang “Dalumat” ay nagmula sa etymology ng theory na ibig sabihin ay: “contemplation,
speculation, a looking at, things looked at, to consider; at kung sa theoros naman ay “spectator” o
kaya naman’y “a view”. Ayon sa aking mga nalaman at natutunan, mas malalim at mas may
“abstract conception” ang salitang Dalumat. Hindi lamang ginagamit ang salitang Dalumat upang
sa pagpapaganda lamang ng salita, ngunit ito ay mas may pananaw na mataas na antas na pagiisip
na mailalahat sa pangkalahatang pagsusuri.
Pagtataya: Pagdadalumat-salita

4. Patunayan: “Ang wikang Filipino ay wika ng teorya.”


Sa aking pananaw at pangkalahatang pagsusuri, karamihan ng mga Filipino ay mababaw
pa ang kaalaman pagdating sa wika ng Filipino, at hindi ko rin sila masisisi dahil mas nangibabaw
ang wikang ingles sa mga nakaraang panahon ng edukasyon na kung saan mas nabibigyan ng diin
ito sa isang dahilan nalang lamang nito ay ang “research papers” sa wika ng ingles na kung saan
mas nahasa ang aming wikang ingles. Ngunit sa patlang ng wikang Filipino, naiiwan na ang ating
tuloy tuloy na kaalaman pagdating dito dahil hindi na gaanong nabibigyan diin ang wikang filipino
at madalas na naituturing na “minor subject” sa karamihan.
Sa paraan ng pagdadalumat sa Filipino lalo na sa mga salitang hindi gaanong pamilyar sa
ating pandinig ay maaaring maging paraan sa pagpapalakas at pagpapalawak ng ating kaalaman
sa patlang ng Wikang Filipino sa pangkalahatan. Karagdagan na rin dito ay ang paraan na
pagdadalumat sa Wikang Filipino, bukod sa mahahasa natin ang pangkalahatang salita na hindi
pamilyar sa ating pandinig, mas maraming mamamayan ang hindi gaanong mahihirapan umintindi
lalo na sa mga Pilipinong hindi naman din madalas ang pag gamit ng wikang ingles o malawak
ang kaalaman sa wikang ingles.
Sa pangkalahatan, marami pa tayong dapat malaman sa Wika ng Filipino, at matutuklasan
ang kaugnayan natin sa ating kinapopookan at kapwa sa karaniwan. Bukod doon, makikilala ang
Wikang Filipino ay wika rin ng pang teorya at hindi lamang lumilimit sa pangaraw-araw na
komunikasyon, at sa kaugnayan ng ating “mother tongue” lamang, kundi pati na rin sa pagtuturo,
akademya, at higit sa lahat sa pagdadalumat o pagteteorya.

II. Rekontekstuwalisasyon
Umisip ng terminong Filipino na maaari mong gawan ng pagdadalumat-salita. Ilagay sa
isang talahanayan ang proseso ng iyong pagdadalumat-salita.

Dalumat- Metadiskurso Pagsanghiyang Problematisasyon Diskors Analisis


salita
“Nakakapagp Pagdiskurso sa Mga kabataang Mga Madlang Ang depresyon o problema sa
abagabag” – mga may anxiety may kalusugang pangkaisipan ay
ang salitang karaniwang attacks, Pinagdadaanan, sinasabing isa sa mga
ito ay nararamdaman depression, Nararamdaman, pangunahing problema ng
nagngangahul ng karamihang trauma, at iba Trauma, at kalusugan sa kasulukuyang
ugan na binata, dalaga, pang Depresyon sa panahon. Parami nang parami
‘nakakabahala o kaya nararamdamang mga Pangyayari ang mga kabataan ang
’ o kaya naman’y sino ‘pagkabahala’ na Nararanasan nakakaranas nito
naman’y mang may Nila sa Buhay: Depresyon. Napag-alaman na
nakaka-kaba. pagdaranas at Mga Umaapekto ito ay nagdaragdag ng isa
Madalas itong pinagdadaanan sa Pangkalahatan pang problema
gamitin sa na ukol sa na Kalusugang Ang kalusugan ng isip tulad
pagpapahayag bagay na iyon. Pangkaisipan ng pagkagumon sa alak at iba
ng pa ay ipinagbabawal
pagkabahala droga at mas mataas na
sa isang panganib ng
bagay. Bunga pagpapakamatay.
na rin nito ay Bagama't karaniwan sa mga
ang maaaring bata at kabataan ang
mangyari o "malungkot" o
bunga sa
hinaharap.
Pagtataya: Pagdadalumat-salita

minsan nalulungkot kapag


nagpapatuloy ang ganitong
pakiramdam
higit sa ilang linggo,
kailangan ng propesyonal na
tulong. Depresyon
malubha at maaaring
magbanta sa buhay kung
hindi ginagamot. Kapag ang
emosyon ng mga kabataan
ang naging preno nila
ang kakayahang pangasiwaan
ang mga nakagawiang
gawain ay maaaring
magpahiwatig ng a
malubhang sakit sa kalusugan
ng isip. Maaari itong maging
mahirap
Alamin kung ang mga bata at
kabataan ay sobra sa timbang
dahil
inaasahan ng mga magulang
na nasa mood ang kanilang
mga anak. Hindi.
ang mga bata ay laging lubos
na naiintindihan at
naipahayag nang mabuti
batang damdamin. Kung
tatanungin, maaari nilang
tanggihan ito
may problema sila.
Naipapahayag din nila ang
kanilang nararamdaman
pagsalakay, pag-aaway at
paninirang-puri
mapanganib na bagay. Ang
mga pagkilos na ito ay
maaaring humantong sa higit
pa
maraming problema at
maaaring lumala ang
anumang damdamin ng
depresyon

You might also like