You are on page 1of 28

ARALIN 1

BILANG INSTRUMENTO
Mga Layunin ng Aralin ayon sa kasanayang
K hanggang 12:
 Natutukoy ang iba’t-ibang gamit ng wika sa lipunan
sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula. Nagbibigyang-kahulugan ang
mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (ayon
kay M.A.K Haliday). Naipaliwanag nang pasalita ang
gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay
 Halimbawa:
-Nawiwili ng pagbuo ng patalastas at
paghahayag ng saloobin.

- Nawiwili ng pagbuo ng patalastas na


nagtatampok sa mga pagpahalaga o
tradisyong Pilipino.
Paano nakakaimpluwensiya sa mga manonood o
mambabasa ang isang patalastas?

>>.<<
Maraming Salamat!
>>.<<
Magisip ng isang taong nais mong pasalamatan. Ang taong ito
ay maaring:

 1. nag-aaruga at nagpapadama sa iyo ng higit na pagmamahal at


malasakit;
 2. tumutulong sa iyo sa isang Gawain na hindi mo kayang gawin
ngunit natapos mo dahil sa kaniya;
 3. nagsilbing inspirasyon,sigla o lakas ng loob upang
magtagumpay ka; at
 4. ordinaryong tao o di lubos na kakilala na nasa inyong paaralan
o pamayanan na lagi’t laging nandiyan at gumagawa ng kabutihan
sa kapwa niya.
WIKA BILANG INSTRUMENTO NG IBA’T
IBANG LAYUNIN AT PAGKAKATAON
 Malaki ang ginagampanan ng wika sa buhay ng
tao. Ito ay may iba’t - ibang gamit sa lipunan na
nakakatulong sa tao upang mabisang makipag-
ugnayan o makipagtalastasan sa kaniyang
kapwa. Ito ay maaring gamitin upang ipahayag
ang iba’t ibang layon, pakay, o tunguhin.
Ito ay maituturing na instrumental dahil natutugunan nito ang
pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:

 1. pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat,


pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-asa,
at marami pang iba;
 2. panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na
tupdin o mangyari;
 3. direktang pang-uutos; o
 4. pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at
karunungang kapaki-pakinabang.
Wika ang Daluyan ng Saloobin at
Pagkatao
 Ginagamit natin ang wika para makapagpahayag hindi lamang
ng mensahe kundi ng ating saloobin. Magkadugtong ang
damdamin at isip, na kung ano ang nais sabihin, iyon talaga ang
damdamin, walang halong pagkukunwari. Si Prospero Covar
ang nagsabing magkakaugnay ang loob, labas, at lalim ng ating
pagkatao. Inihambing niya ang kaakuhang Pilipino sa isang
banga.
 Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga
ay may labas, loob, at ilalim. Gayundin naman ang
kaluluwa ng tao. Sisidlan na banga. Ang laman nito ay
kaluluwa. Sa ilalim tumatahan ang kaluluwa, kanig ng
budhi (Covar, 1998: 10).

 Samakatwid, may kaisahan ang lahat ng salik ng


pagkatao habang tayo ay nakikipag-usap. Mas nagiging
awtentiko ang komunikasyon kung nakikita natin nang
harap-harapan o kausap nang personal an gating katuon.
Makikita natin sa kilos o galaw sa katawan, tono ng
boses, at ekspresyon ng mukha ang balidasyon kung
sinsero o hindi ang ating kausap.
Estuka ng Pagkataong Filipino
Wika ng Panghihikayat at Pagganap
 Makapangyarihan ang mga wika para mahikayat ang
mga tao na kumilos o gumanap at tupadin ang
tungkuklin.Pinakamabisang halimbawa kung paano
nagagamit ang wikang ganitong sa ganitong paraan ay
ang pagsusuri sa mga patalastas.Bakit tayo napapabili ng
mga produkto na nakikita naten sa diyaryo o
magasin,mapapanood sa telebisyon,o naririnig sa radio?
Anong halina mayroon ang mga produktong ito? O kaya’y
mas tamang itanong----anong panghahalina ang
nagagawa ng wika upang impluwensiyahan ang mga tao
na gumawa ng desisyon o kumilos tungo sa
ipinahihiwatig na mensahe o tunguhin?
 Tinatawag ng speech-act (malayang salin:bigkas-
pagganap)ang paggamit ng wika ng isang tao upang
paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang kausap niya
batay sa nilalaman ng mensahe(Jaworowska,n.d.).Ang bigkas-
pagganap ay hango sa teorya ni John L. Austin.Sa kaniyang
teorya (1962),nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas-
tungong-pagganap:
1. Literal na pahayag o lokusyonaryo: Ito ang literal na kahulugan
ng pahayag.
Halimbawa:

“Tama na!”
2. Pahiwatig sa konstekto ng kultura’t lipunan o
ilokusyonaryo: Ito ang kahulugan ng mensahe batay sa
konstektong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito
Halimbawa:

Ang “Tama na!” ay maaring mangahulugang:


Tumpak, totoo, o kapani-panila
Itigil na, tapusin na, sa konteksto ng pagkainis o galit para pigilin o
tapusin na ang ginagawang di katanggap-tanggap
Mula sa mali o sablay, hinihintay na maging tama, sa konteksto
halimbawa ng pagtitimpla ng niluluto
3. Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo: Ito ang
ginagawa o nangyayari matapos mapakinggan o
matanggap ang mensahe.
 Halimbawa:
-Ang pagsasabi ng pahayag na “Tama na!” ay maaring
magbunga ng pagtigil ng isang tao sa kaniyang
ginagawa.
Pasasalamat sa mga Guro at Tagapagturo
 Mga katangian ng mga dakilang guro
Kaugnay ng selebrasyon ng mga Guro tuwing buwan ng
Oktubre, nais kong talakayin ngayon ang ilang katangian ng
mga hinahangaan kong guro. Ito rin ang mga katangiang
naging pamantayan ko bilang isa ring guro. Sabi nga nila,
ang pagiging guro ang pinakamarangal na propesyon. Walang
mga propesyonal ngayon kung walang mga guro na nagturo
sa kanila. Kulang ang kasabihang “Ang kabataan ang pag-
asa ng bayan.” Kulang ito kung walang gurong gagabay sa
kanila sa kinabukasang gusto nilang matamo. Napakalaking
pasanin ng kung sino mang kabataan ang naging pag-asa ng
bayan. Tila tagapagligtas, tagalubos ng mga kasalanan ng
mga nauna sa kanilang pumalpak ang tadhana ng kabataan.
 Tugkulinng bawat isa sa lipunan na hubugin,
turuan, pag-aralin, gabayan, at palakihin bilang
mabubuting mamamayan ang kabataan. Kung
kaya’t napakabigat ng nakaatang na
responsibilidad sa ating mga guro. Minsan may
nabasa akong isang post sa Facebook na
nakasulat sa Ingles subalit isasalin ko ang diwa
nito sa ganito: kapag gusto nating tulungan ang
isang pamayanan, tulungan natin ang isang guro.
1. Mahal ang propesyon - Ang mga kilala kong magagalig na
guro’y mahal nila ang kanilang propesyon. Hindi nila
itinuturing lamang na hanapbuhay ito kundi isang
pananagutan sa bayan. Madalas dahil sa pananagutang ito,
nakakalimutan na nilang magkaroon ng asawa. At kapag
nakapag-asawa’t nagkaanak na’y gusto pa rin nilang
bumalik sa pagtuturo.

2. Mahusay na tagapayo - Kapag may personal na problema


ang mga bata, handang magbigay payo ang guro. Sila ang
tumatayong magulang ng mga bata sa loob ng paaralan ayon
sa prinsipyo ng in loco parentis.
3. Mulat sa nangyayari sa paligid niya’t lipunan - Ito marahil
ang isang katangian na nagustuhan ko sa mga guro. Bukod
sa aralin sa klase, napupulot ng estudyante ang matatalas na
komentaryo ng mga guro tungkol sa nangyayari sa ating
lipunan.
4. Mahilig magbasa, magsulat, o maglimbag - Isa rin sa
nakatulong sa akin bilang guro ngayon ang pagpuwersa sa
aming magbasa. Noong nasa elementarya pa kami, mahigpit
talaga ang guro namin.
5. Palakuwento - Nakakaaliw din ang gurong palakuwento. Sila
yung ikukuwento ang nabasa nilang libro, nararanasan nila sa
paglalakbay, lovelife, kasalukuyang suliranin, at marami pang
iba.
Wika sa Patalastas
 Dahilmabisang instrumento ang wika sa
paghihikayat, ito ang ginagamit upang
maipakilala ang isang tao, produkto, serbisyo, o
pangyayari sa pamamagitan ng mga patalastas.
Gumagamit ng iba’t ibang paraan at atake
upang tumatak sa isipan ng mamimili ang isang
produkto.
Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:
*Word Play*
• Rebisco Biscuits - “Sarap ng filling mo”.
• Jollibee - “Beeda ang Sarap”.
• Bingo Biscuits - BI-bingo ka sa sarap”.
*Mga Diyalgo sa Patalastas*
• Biogesic
John Lloyd Cruz: Lahat ng gamut sa headache, effective
Pero gutom ka, safe bay an?
Effective nga, baka allergic ka d’yan, safe
bay an?
Effective nga, eh buntis ka, safe bay an?
Lahat ng gamut effective. Lahat ba safe?
Ingat, Mag-Biogesic. Proven by millions
Effective. Maingat magpagaling.
 PSBank Savings  Mga Jingle o Kanta
Lalaki: If you’re mine. I’d give you • Tide
the moon, the stars… I’d give you Ang baba-baba….. hmmm,
the world ang baba-baba, girl
Ang baba-baba….. hmmm,
Aane Curtis: So I suppose…. May ang baba-baba
savings ka na? Savings. For the Presyo ng Tide 6, sobrang
real stuff. You know, pagkain, fantastic
bahay, kuryente. Six pesos lang ‘yan.
“May katwiran si Anne. Mag-ipon ka
na ba. Sigurado ka pang secured
ang pera mo. Dali. Baka ma-secure
mo pa si Anne. Galling, di ba?
PSBank e”.
THANK YOU PO!
GROUP 1

You might also like