You are on page 1of 59

Komunikasyon

At
Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino
Modyul 6-8
Aralin 3:
Gamit ng
Wika
sa Lipunan
Aralin 3:
Instrumental
at Regulatori
Kahulugan
ng
INSTRUMENTAL
Ayon kay Halliday sa kaniyang
Explorations in the Functions of
Language na inilathala noong 1973, na
ang mga tungkuling ginagampanan ng
wika sa ating buhay ay kinategorya.
Ginagamit nang pasalita at pasulat ang
nasabing tungkulin. Pasalita man o
pasulat, may kani-kaniyang gamit ang
wika sa lipunan. Mahalaga ang nasabing
mga tungkulin o gamit ng wika sa
epektibong pakikipagkomunikasyon
Ang instrumental sa gamit ng wika ay
ginagamit upang tumugon sa
pangangailangan.

Pangunahing instrumento ang wika upang


makuha o matamo ng tao ang kaniyang
mga lunggati o pangangailangan.
Ang maayos at matalinong paggamit ng
wika ay nagbubunga nang malawakang
kaayusan sapagkat hindi lamang nito
nagagawang magpaunawa kundi
pumukaw ng damdamin at kaisipan.
HALIMBAWA
ng
INSTRUMENTAL
Halimbawa ng Instrumental:
• Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng
mesa.
• Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago
matapos ang proyektong ito?
• Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan
bago makarating sa tanggapan ng kagalang-galang na
gobernador?
Kahulugan
ng
REGULATORI
Ang regulatori naman ay wika rin ang
kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal
ng tao.
Sa maayos at malumanay na gamit ng wika
inilalahad ang mga magulang ang kanilang
pangaral upang mapanuto sa buhay ang
kanilang mga anak.

Obserbahan ang mga babala, karatula, o


kautusan na malimit makitang nakapaskil sa
mga pampublikong lugar.
HALIMBAWA
ng
REGULATORI
Halimbawa ng Regulatori:
• Bawal pumitas ng bulaklak.
• Huwag gumamit ng ballpen sa pagsagot,
gumamit ng lapis.
• Basahing mabuti ang pangungusap bago
mangatuwiran.
• Bawal manigarilyo.
Aralin 3:
Gamit ng Wika
sa Lipunan
(pasalita)
1. Interaksyonal - ang tungkulin ng
wika na ginagamit ng tao sa
pagtatatag at pagpapanatili ng
relasyong sosyal sa kapwa tao.
HALIMBAWA:
Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika
ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at
pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin
ang layuning makipagkapwa gaya ng, “Mahal
Kita,” “Kamusta?” “Nanay,” at
“Mabuhay!”,Magandang umaga,Maligayang
Karawan,Hi at Hello.
Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng
panlipunang ugnayan, ang wika ay may
interaksiyonal na tungkulin.
Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-
ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapwa sa
paligid.
Paano Mabisang Matatamo ang Mahusay na
Interaksiyon?
Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa
pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit
ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng kilos, tuon
ng mata, at pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw
ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba pang mga kilos).
Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon
kung paiba-iba ang eskpresyon, tono, at intonasyon na
nagpapahiwatig ng interes sa pakikipagusap.
Ang Interaksiyon sa Cyberspace
MGA HALIMBAWA NG INTERAKSIYON SA INTERNET

Dalawahan
1. E-mail
2. Personal na mensahe o instant messsage

Grupo
3. Group chat
4. Forum

Maramihan
5. Sociosite
6. Online store
Ang Interaksiyon sa Cyberspace
Marahil ang isa sa pinakamagandang depinisyon ng
social media na ang “nilalaman nito ay nilikha ng sarili
nitong audience”. Ngunit bukod dito ang social media ay
hindi lumulikha ng nilalaman kundi lumilikha ito ng
komunikasyon.Hindi man ito ang tanging layunin ng social
media at ng internet,sa huli ay di-maitatangi na may
nabubuong interaksyon na dinomiko,buhay,at ganap sa
pagitan at mas marami pang tao.
2. Instrumental - ang tungkulin ng wika
na ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan.
2. Instrumental –
Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya,
kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita. Sa aktuwal
na karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng
wika para sa paglutas ng problema, pangangalap ng
materyales, pagsasadula, at panghihikayat.

Naipapahayag ng isang tao ang kaniyang


pangangailangan at gustong sabihin.
HALIMBAWA:
A. Sa palagay ko, kailangan na nating
magpahinga muna.
B. Nais ko sanang maipadama sa iyo kung
gaano kita kamahal.
C. Sa akin, gusto ko munang
makipaghiwalay.
D.pagbibigay panuto at pag-uutos
3. Regulatori - ang tungkulin ng
wikang gingamit sa pagkontrol o
paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.
3. Regulatori
Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan
ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at
humiling sa kaniyang kausap o sino man sa
kaniyang paligid.
Maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin
ng wika sa mga aktuwal na karanasan ng
pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo.
Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na
mga elemento;

Batas o kautusan na nakasulat,nakikita,nakalimbag,o inuutos


nang pasalita.
Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng
kautusan o batas.
Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito.
Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng
lugar,institusyon,panahon at taong sinasaklawan ng batas.
HALIMBAWA:
HALIMBAWA:
• Pagbibigay ng direksyon,paalala o babala
• Mga panuto sa pagsusulit

Magtulungan po
tayo para sa
Huwag po
ninyong
pag-unlad ng
kalimutang isulat ating bayan
ang pangalan ko
sa inyong balota!
4. Personal - ang tungkulin ng wikang
ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
damdamin o opinyon.
4. Personal
Nagsisilbing gampanin naman ng personal na
tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at
pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang


ipahayag ang kaniyang mga personal na preperensiya,
saloobin, at pagkakakilanlan.
4. Personal
• Halimbawa:
 pasigaw
 Pagrerekomenda
 Pagmumura
 Pagpapahayag ng galit
 Paghingi ng paumanhin
 Pasalita –pagtatapat ng damdamin sa isang tao
 Pasulat- editoryal,at liham patnugot
5. Imahinatibo - ang tungkulin ng
wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan.
5. Imahinatibo
Ayon kay Halliday (1973) ang Imahinatibong wika ay ginagamit sa
paglikha,pagtuklas,at pang-aliw.

Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag ang


imahinasyon, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong
kapaligiran o bagong daigdig.

Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng tayutay


at iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang-akit na
komunikasyon.
Gamit ng Wika sa Imahinatibong Panitikan

Inilalarawan ng imahinatibong panitikan ang iba’t ibang anyo ng


panitikan kabilang ang:

1. Pantasya
2. Mito
3. Alamat
4. Kuwentong-bayan
5. Siyensiyang Piksiyon

Ang mga kuwentong ito ay piksyion at karaniwang nagtataglay ng


mahika,nilalang ng bunga ng imahinasyon tulad ng mga prinsipe at
prinsesa,mga hayop na nagsasalita,at mga kahilas-gilas na pangyayari.
HALIMBAWA:
Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines ay nagpapakita ng
malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan
at damdamin.

Passw or d ka b a?– “Papupulis



kita! –
‘Di kasi kita
makalimutan.” Ninakaw mo
kasi ang
puso ko.”
HALIMBAWA:

 Tula
 Maikling kuwento
 Dula
 Nobela
 Sanaysay
 Pagsasalaysay
 paglalarawan
6. Heuristik - ang tungkulin ng wikang
ginagamit sa paghahanap o paghihingi
ng impormasyon.
6. Heuristik/Heuristiko
Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang
makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran, nagiging
heuristiko ang tungkulin ng wika.

 Sa aktuwal na karanasan, maaaring makita ang tungkulin ng


wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon,
pagtatanong, at pananaliksik.
HALIMBAWA:
“Ano’ng nangyari?” “Para saan?” “Bakit mo
ginawa iyon?”

“Sabihin mo sa akin kung bakit?”

“Ano ang ginagawa ng mga taong gobyerno?”


Paraan ng Pagbabahagi
ng Wika
Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
• Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at
emosyon.

HALIMBAWA: “Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring ‘yan.”

“Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.”

“Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa


buhay.”
Panghihikayat (Conative)
• Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap
Huwag po ninyong
Ano pang
HALIMBAWA: kalimutang isulat
ang pangalan ko sa
hahanapin mo?
Dito ka na!
inyong balota!
Bili na!

Magtulungan po
tayo para sa
pag-unlad ng
ating bayan.
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
• Pakikipag-ugnayan sa kapwa at makapagimula
ng usapan.
HALIMBAWA: Nagtatanong o Nagbubukas ng Usapan
“Uy, napansin mo ba?”

“Kumusta ka?”

“Masama ba ang pakiramdam mo?”

“May problema ka ba?”


.
HALIMBAWA: Nagpapakita ng Mabuting Pakikipagkapuwa-
Tao o Pakikipag-Ugnayan sa Kapwa

“Baka makatulong kami.”

“Mabuti naman, Sol, at okey ka lang.”


Paggamit bilang Sanggunian (Referential)
• Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang maiparating ang mensahe at
impormasyon.
HALIMBAWA:
Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
• Lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa
isang kodigo o batas.
HALIMBAWA:
(EXPRESSIVE)
 Sa ilang usapin, personal man o
panlipunan, nababanggit natin ang ating
mga saloobin o kabatiran, ideya, at
opinyon. Sa mga usapang ganito,
expressive ang gamit natin ng wika.
(EXPRESSIVE)
HALIMBAWA:“Paboritong-paborito ko pa naman sila.”

“…kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng


concert na ‘yan.”

“Hindi ako mahilig sa foreign artists.”

“Mas gusto kong tangkilin ang mga kanta at concert ng local artists
natin.”

“Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig ‘yan.”


(INFORMATIVE)
 Sa mga sitwasyong may gusto tayong
ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga
datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng
mga impormasyong nakuha o narinig natin,
informative ang gamit natin ng wika.
(INFORMATIVE)
Halimbawa:

Bagong Bayani
ni Dolores R. Taylan

Sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang maraming Pilipino sa
pangingibayang-bayan upang magtrabaho. Bakit nga ba napipilitang umalis angmga Pilipino sa Pilipinas? Ano ang
nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan at magpasyang sa ibang lupain na lamang magtrabaho at mag-alay
ng kanyang lakas, galing, at talino? Sa tanong na ito, marami kaagad ang mga susulpot na kasagutan. Pinakakaraniwan
nang maririnig ang sagot na para maghanap ng mas magandang kapalaran o “greener pasture.” Marami ang nagsasabi
na para kumita ng dolyar, mapag-aral ang mga anak, makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng sasakyan,
makaipon ng perang pangnegosyo, at iba pa. Kung susumahin ang mga pahayag na ito, halos lahat ay patungo sa
iisang dahilan lamang—ang paghahanap ng mas mabuting oportunidad sa trabaho upang mabigyan ng magandang
buhay ang pamilya. Kahirapan ang pinakakaraniwang dahilan ng aksiyon ng mga Pilipino, lalo nang kababaihan, na
lisanin ang Pilipinas at iwan ang pamilya para maghanapbuhay sa
ibang bansa.
(Labelling)

Labeling ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong


tawag o pangalan sa isang tao o bagay.

Madalas, nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag


sa mga tao, batay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila. Sinusuri
natin ang mga taong nakakasalamuha natin—ang kanilang ugali, pisikal
na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa. Ang pagsusuri natin sa kanila
ang nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o ng
katawagan.
(Labelling)
Halimbawa:
King of Comedy pasaway bagong bayani terror

Jejemon Fallen 44 pambansang kamao walking calculator

fashionista Queen of all Media jologs Asia’s Song Bird

Jack of all Trades DU30 Iskolar ng Bayan


Lasalista
PAGLALAPAT
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang cohesive devices?
Magbigay kahit tatlo.
a. __________ b. __________ c. __________
PAGLALAPAT
2. Mula sa mga binigay na halimbawa, gamitin ito
sa pangungusap.
1. a.
_____________________________________
b.
_____________________________________
c. ___________________________________
PAGLALAPAT
1. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa
kwarto.
2. Paggawa ng resipi ng ulam.
3. Pagbabasa ng mga karatula sa daan.
4. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano
makakakuha ng iskolarsyip sa isang unibersidad.
5. Paglalagay ng mga babala sa daan.
PAGLALAPAT
6. Pakikiusap na matanggap sa trabaho.
7. Paggawa ng keyk sa kaarawan.
8. Pagbibigay ng direksyon ng guro sa mga mag-aaral
kung ano ang gagawin sa pagsusulit.
9. Pagpapaalala ng ina sa mga anak na dapat makauwi ng
tama sa oras.
10.Pagbibigay kabatiran sa sitwasyong pandemya.
SAGOT
1. INSTRUMENTAL

2. REGULATORI

3. REGULATORI

4. INSTRUMENTAL

5. REGULATORI

6. INSTRUMENTAL

7. REGULATORI

8. REGULATORI

9. INSTRUMENTAL

10. INSTRUMENTAL

You might also like